You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII CENTRAL VISAYAS
Division of CEBU PROVINCE
SIBONGA NATIONAL HIGH SCHOOL
SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Grado/Lebel: 11 Kwarter 2 Linggo : 6

MELC : Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas
Competency Code: F11WG- IIf – 88
F11EP – IIf – 34
Pangalan __________________________ Seksyon ________ Petsa ________
Paaralan __________________________ Distrito __________________________
A. Pagbasa/Pagtalakay
Panlahat na Panuto: Tingnan at analisahin ang ipinapakita sa dalawang komiks, lalo na ang mga salita o
pahayag na ginagamit nito.
Talakayan

Wastong Gamit ng Salita/Pahayag na Pang-Social Networking Site

Bawat sitwasyon o disiplina ng pag-aaral ay may kani-kaniyang register. Tulad sa pang-social networking site,
may sarili itong gamit ng mga salita o pahayag.

Karaniwang gamit ng mga salita o pahayag sa nasabing larangan ay kolokyal at teknikal. Kolokyal na antas
ng wikang ang paraan ay parang nakikipag-usap lamang. Masasabing di-pormal ang gamit nga wika.
Ang teknikal ay antas din ng wika na tumutukoy sa isang disiplina, halimbawa ay ang png-agham at
pangteknolohiya. Hindi na isinasalin ang salita sa halip ganap na hinihiram ito upang hindi mabago ang
kahulugan.

Dahil ang social networking site at lugar na naipahayag ang personal na opinion, mga gawain, mga karanasan
at iba pa ng isang tao, ito na halos ang kaniyang kausap.

Sa pagbibigay-pansin sa wastong gamit ng salita o pahayag, dapat na nakabatay ito sa layunin ng paghahatid
ng mensahe sa ibig kausapin sa pamamagitan ng social networking site.

Nakatutulong din upang madaling maunawaan ang gamit ng simbolo tulad ng emotions, gamit ng bantas, at
mga salitang pang-social networking site.

Karaniwan ding hinihiram nang ganap ang mga salita na mula sa ibang bansa. Maging ang diyalektal na mga
salita mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa ay ganap ding hinihiram upang hindi mabago ang kahulugan ng
mga salita o pahayag.

B. Pagsasanay 1
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong batay sa unang komiks. (2pts. Bawat isa)
1. Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang ipinapahiwatig nito?
2. Ano ang paksa sa kanilang pinag-uusapan?
3. Bakit kailangang imiwas ni Mang Pilo sa alcohol, maalat at malangis na pagkain?
4. Bakit likas na masayahin ang mga Pilipino batay sa nakitang larawan?
5. Bakit kadalasan kailangan ng tao ang mga kaibigan sa kabila ng magandang pamilya na
pinanggalingan?
Pagsasanay 2

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na tanong.(2pts. Bawat isa)

1. Batay sa ikalawang komiks, bakit kaya mahina ang binta ng kanilang coffee shop?
2. Sino ang di inaasahang dumating?
3. Bakit pumasok ang taong ito sa kanilang coffe shop?
4. Anong emosyon ang ipinapakita sa larawan samantalang sila ay nag-uusap?Bakit?
5. Anong gamit ng salita ang ipinapakita sa bawat pahayag ng komiks sa itaas? Bakit?
C. Pagtatasa/Aplikasyon/Resulta
Panuto: Gumawa ng isang kritikal na sanaysay tungkol sa pakikipag-usap gamit ang social media sa iba’t
ibang wika at kulturang Pilipino. Pumili ng sariling pamagat. Isulat sa isang buo at malinis na papel. (30 pts)

RUBRIC SA PAGBUO NG SANAYSAY


MARKA PAMANTAYAN
30 Ang nilalaman ay may kaugnayan sa paksa na
may sapat na pagpapaliwanag.
Angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan
Nakakakumbinsi ang kabuuan ng pahayag
20 Iilan sa mga nilalaman ay may kinalaman sa
paksa sa may sumusuportang detalye sa
pagpapaliwanag
Katanggap- tanggap na pagkasunod-sunod na
kaisipan.
Kasiya-siya ang ilan sa mga bahagi ng
pahayag.
15 Iilan sa mga nilalaman ay walang kaugnayan
sa paksa at limitadong pagpapaliwanag.
Ang mga kaisipang ay masaydong kalat.
Hindi nakakakumbinsi ang kabuuan ng
inilahad.

D. Mungkahing /Karagdagang Gawain:


Panuto: Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang teknikal at kolokyal na mga salita o pahayag. Ipakita
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa. (10 pts)
References:

Aklat
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Jocson 2016

Internet
https://milkandcoffeeadventures.files.wordpress.com/2016/01/wp-1453909424212.jpeg
https://www.slideshare.net/geryllsuarez/wastong-gamit-ng-salita-37031481

Prepared by: Edited by:

ARCEL L. CABALSE, PERPETUA B. GASCON JOY ERCHIE I. BARBERAN


Teacher II Master Teacher I-Filipino

Reviewed by by :

IMELDA V. CANOY, Ed.D


Principal IV

GABAY
Para sa Guro : Ang Self Learning Home Task na ito ay pinagtulugan dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagadaloy, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinatakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21siglo habang isinaalangalang ang kanilang mga mangangailangan at kalagayan.
Para sa Mag-aaral : Ibigay ang mga sagot sa lahat na hinihingi.
Para sa Magulang/Home Tutor : Palihug suportahe ang inyong mga anak sa paagi sa paghatag ug kadasIg
kanila sa pag-answer niining Self Learners Home Task. Salamat

You might also like