You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
TANGGAPAN NG MGA PAARALAN SA MANDALUYONG
Addition Hills Integrated School
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8
Paaralan Addition Hills Integrated School Antas 8
Nagsasanay na Bb. Jedel B. Gonzaga Markahan Ikalawang Markahan
Guro
Ika-2 ng Nobyembre, 2022
Miyerkoles
Petsa at Oras Ng Pagtuturo Aristotle - 2:45pm - 3:35pm
Voltaire - 3:35pm - 4:25pm
Hippocrates - 4:25pm - 5:15pm

I. TUNGUHIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.
B. Pagganap
C. Kasanayan sa Pagkatuto Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
(F8PB-lla-b-24)
Matapos ang prosesong pagtuturo-pagkatuto, ang mag-aaral ay inaasahang;
D. Detalyadong Layunin a. Natutukoy at naipaliliwanag ang kahulugan ng kaisipan bilang elemento ng
isang akda.
b. Naiisa-isa ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa akdang nabasa.
c. Napahahalagahan ang paggamit ng pangunahin at pantulong na kaisipan sa
isang akda.
II. NILALAMAN Modyul 1: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
A. KAGAMITANG Kagamitang biswal, laptop, pisara at yeso
PAMPAGTUTURO
B. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina
2. Mga Pahina sa mga Pahina
Kagamitang Pang-mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula Self-Learning Module o SLM
sa portal ng Learning Resource
C. Iba pang Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagpuna ng silid 4. Pagtala ng liban
Magtatanong ang guro hinggil sa paksang tinalakay noong nakaraang araw.
B. Balik-aral
1. Anong aral ang iyong natutuhan sa paksang aralin na ating tinalakay noong
nakaraang araw?
Panuto: Mag-isip ng mga salitang konektado o mayroong kaugnayan sa salitang
C. Pagganyak TALATA.

E. Presentasyon ng paksa Ipababasa sa mga mag-aaral ang -


Pamahalaang Komonwelt
F. Pagpapayaman Pangunahing kaisipan – Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng
buong teksto. Ito ang nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa
talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang
natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata. Kadalasan itong
matatagpuan sa unang pangungusap. Maari ring mabasa sa gitna ng talata maging

sa huling pangungusap ng talata.

Pantulong na kaisipan – ang pantulong na kaisipan naman ang nagbibigay


paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang pangungusap. May mga paraan
ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang pangungusap. Narito ang ilan:

Acacia Lane Extension, Welfareville Cpd., Addition Hills, Mandaluyong City


Office of the Principal 86377854
ahis@depedmandaluyong.org | ahismandaluyong.2013@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
TANGGAPAN NG MGA PAARALAN SA MANDALUYONG
Addition Hills Integrated School
a. Gumamit ng impormasyon na maaaring mapatotohanan
Halimbawa:
Pamaksa: Nanganganib lumubog ang Kalakhang Maynila sa darating na
2020.
Detalyeng Mapatotohanan: Tuwing umuulan binabaha na ang Maynila.

b. Gumamit ng mga istadistika


Halimbawa:
Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa’y unti-unti nang bumubuti.
Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ng dalawang puntos limang
bahagdan ang Gross Domestic Product ng ating bansa.

c. Gumamit ng mga halimbawa


Halimbawa:
Pamaksa: Maraming kabataan ang nalululong sa iba’t ibang bisyo.
Pantulong: Ang ilan sa mga ito’y paninigarilyo, pagsusugal, at paggamit ng
bawal na gamot.

HAWAK MO, BASA MO!

Mayroong inihandang palabunutan ang nagsasanay na guro. Ang bawat papel ay


mayroong nakasulat na talata. Pipili ang isang mag-aaral, ipapasa ang papel sa
kamag-aral at hihinto lamang ang pagpasa ng papel kapag narinig na ang hudyat
ng nagsasanay na guro.

Panuto: Basahin ang talata at sabihin kung saang bahagi (unahan, gitna o hulihan)
ng talata nakuha ang pangunahing kaisipan.

G. Pangkatang Gawain Tumungo sa inyong kanya-kanyang pangkat, upang mapagusapan/mapaghandaan


ang gawaing nakalaan sa inyo. Mangyari lamang patnubayan ng bawat pinuno
ang pagsasagawa ng nasabing gawain. Bibigyan ang bawat grupo ng (3) minuto
upang magpresenta sa harap ng klase.

Pangkat 1 – Isipin niyo na kayo ay isang news anchor o tagapaghatid ng balita.


Sa pamamagitan ng pangunahin at pantulong na kaisipan, ibalita ninyo ang mga
naging danas ng bawat miyembro ng inyong pangkat sa panahon ng Pandemya.

Nilalaman (Nakapagbibigay ng iba’t 20 puntos


ibang damdaming namayani sa
natunghayayang presentasyon)
Pagsasatao (mahusay a ginampanan 10puntos
ang pagiging tagapaghatid ng balita)
Pagsasalita ( ang pagbaybay sa salita 10 puntos
at pagbabantas)
Pagkakaisa (naipapakita ang 10 puntos
pagkakaroon ng kolaborasyon ng
bawat miyembro)
Kabuoan 50 puntos

Pangkat 2 – Gumuhit ngi(6) komiks strip. Tukuyin ang pangunahin at pantulong


na kaisipan batay sa usapan ng mga tauhan.

Nilalaman (malinaw na naihahayag 20 puntos


ang kaisipan sa komiks at may
malinaw na diyalogo)
Pagkamalikhain (nagpapakita ng 10 puntos
pagiging malikhain sa pagpili ng
kulay, disenyo, at tagpo)

Acacia Lane Extension, Welfareville Cpd., Addition Hills, Mandaluyong City


Office of the Principal 86377854
ahis@depedmandaluyong.org | ahismandaluyong.2013@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
TANGGAPAN NG MGA PAARALAN SA MANDALUYONG
Addition Hills Integrated School
Orihinalidad (sariling gawa at hindi 10 puntos
kinuha sa iba)
Pagkakaisa (naipapakita ang 10 puntos
pagkakaroon ng kolaborasyon ng
bawat miyembro)
Kabuoan 50 puntos

Pangkat 3 – Basahin ang sumusunod na talata. Gumamit ng graphic organizer sa


pagsulat ng pangunahin at pantulong na kaisipan na naglalahad sa diwang nais
iparating ng sumulat sa mambabasa.

Sa panahon ng pandemya, maraming kabataan ang nahuhumaling sa


paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa
paggamit nito. Maari kang makipagkaibigan gamit ang social media. Maari ka
ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at
saloobin gamit ang iba’t ibang site.

Nilalaman (nakalahad ng patunay 20 puntos


batay sa paksang napili)
Paglalahad ng pangunahin at 10 puntos
pantulong na kaisipan (nailarawan
ang detalye)
Orihinalidad (sariling gawa at hindi 10 puntos
kinuha sa iba
Pagkakaisa (naipapakita ang 10 puntos
pagkakaroon ng kolaborasyon ng
bawat miyembro)
Kabuoan 50 puntos

Pangkat 4 – Magtala o sumipi ng isang artikulo sa pahayagan tungkol sa


Pandemya. Pagkatapos, tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipan batay
sa usapan ng mga tauhan.

Nilalaman (angkop ang napiling 20 puntos


paksa o tema ng isang articulo)
Presentasyon (maayos at organisado 10 puntos
ang paglalahad)
Paglalahad ng pangunahin at 10 puntos
pantulong na kaisipan (nailarawan
ang detalye)
Orihinalidad (sariling gawa hindi 10 puntos
kinuha sa iba)
Kabuoan 50 puntos

H. Sintesis PULOT OF THE DAY!

Panuto: Maghanda ng papel at panulat. Pagkatapos, dugtungan ang pahayag na


ito.

"Sa araling Ito, natutuhan ko na ___________"

IV. Ebalwasyon Magkaroon ng maikling pagsusuri sa presentasyon ng bawat pangkat nang sa


gayon ay mapag-igihan pa nila sa mga susunod na gawain.
 Paglalahad ng rubriks sa pangkatang gawain
 Presentasyon ng bawat pangkat
 Pagbibigay – input ng guro sa kanilang ginawa
V. Takdang-aralin/ Kasunduan Panuto: Sumulat ng isang talata na mayroong 5 hanggang 7 na pangungusap
Acacia Lane Extension, Welfareville Cpd., Addition Hills, Mandaluyong City
Office of the Principal 86377854
ahis@depedmandaluyong.org | ahismandaluyong.2013@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
TANGGAPAN NG MGA PAARALAN SA MANDALUYONG
Addition Hills Integrated School
hinggil sa iyong karanasan sa buhay na hindi malilimutan. Salungguhitan ang
pangunahing kaisipan at ilahad nang maayos ang mga pantulong na kaisipan
upang makabuo ng malinaw at lohikal na talata.
VI. TALA/PUNA

Inihanda ni: Binigyan-pansin ni:

JEDEL B. GONZAGA ELISA Q. RUALES


Nagsasanay na Guro sa Filipino 8 Puno ng Kagawaran

Acacia Lane Extension, Welfareville Cpd., Addition Hills, Mandaluyong City


Office of the Principal 86377854
ahis@depedmandaluyong.org | ahismandaluyong.2013@gmail.com

You might also like