You are on page 1of 1

Gilgamesh

Sa Epiko ni Gilgamesh ay pinakita ang kakaibang kalakasan ni Gilgamesh. Siya mismo ay kalahating tao at
kalahating diyos. Gumawa siya ng mga matitibay na pader ng Uruk lugar na kanyang pinamamahalaan
upang maprotektahan nya ang mga tao mula sa atake ng mga kalaban na galling sa labas ngunit hindi
para protektahan ang kanyang mga tao sa paraan ng kanyang pamamahala na mapang-api kung kaya
galit ang mga tao sa kanya. Ipinakita dito ang kultura noong sinaunang Mesopotamia kung saan ang mga
namumuno o pinuno ay sinasabing sila ay mala-diyos at inaapi ang mga nasasakupan upang ipamukha
na sila ay mas nakatataas. Katulad na lamang ng sinabi ni Gilgamesh na siya muna dapat ang matulog
kasama ang babaeng ikakasal dahil siya ay isang hari na ikinagalit si Enkidu.

Pinakita rin ang kultura ng paniniwala sa mga diyos noong ang mga tao ay umiyak at sumigaw sa langit
at kay Anu kaya naman gumawa siya ng isang malakas at mabangis na tao upang kainin ang mga tupa, si
Enkidu upang maging problema ni Gilgamesh.

Nauwi sa labanan ang pagkikita nila Gilagamesh at Enkidu kung saan nanalo si Gilgamesh ito rin ang
naging simula ng kanilang malalim na pagkakaibigan. Sa paglipas ng mga taon silang dalawa ay naging
tamad kaya naisip ni Gilgamesh na maglakbay upang patayin ang halimaw na si Humbaba at putulin ang
kanyang puno. Habang sila ay naglalakbay si Gilgamesh ay nananaginip ng masamang panaginip. Nang
sila ay makarating sa kanilang pupuntahan (Cedar Forest) pinutol nila ang mga puno at lumabas si
Humbaba kalahating demonyo at kalahating ogre. Naglaban sila at nanalo sila Gilgamesh at Enkidu.
Pagtapos ay pinutol nila ang pinakamatangkad ng puno at ginawang magandang gate para sa kanyang
kaharian. At nang makabalik sila si Enkidu ay nagkasakit at nananaginip ng masama hangang sa mamatay
siya. Sinalamin dito ang pagbabago ng katauhan ni Gilgamesh dahil sa kanilang pagkakaibigan ni Enkidu,
mula sa pagiging mapang-api at mayabang na pinuno ay mas naging mabuti siya sa kanyang
nasasakupan. Pinakita ang kanilang lubos na pagmamahal sa isa’t isa bilang magkaibigan kung saan
pinagluksa ni Gilgamesh ng pitong araw at pitong gabi si Enkidu.

Malungkot si Gilgamesh at naisip nya na ayaw nyang mamatay at naglakbay muli upang gawin ang
kanyang sarili na imortal pumunta sya sa Mount Mashu at sya ay pumasok at pagpasok nya ay parang
paraiso ang kanyang napuntahan. Siya ay dumaan sa maraming pagsubok upang sya ay maging imortal

You might also like