You are on page 1of 1

Biag ni Lam-ang

Sa Epikong Biag ni Lam-ang isinalaysay ang kamangha-manghang abilidad ni Lam-ang simula ng sinilang
siya ng kanyang inang si Namongan sa tulong ng apat na hilot. Pagkatapos na pagkatapos maipanganak
si Lam-Ang sya ay nag salita at sinabi na pangalanganan daw syang Lam-Ang at pumili ng kanyang ninong
at ninang at tinanong kung nasaan ang kanyang ama. Pagkatapos ng siyam na buwan sa paghihintay sa
pagbalik ng kanyang ama ay nagpasya sya na maglakbay at hanapin ang kanyang ama.

Sinasalamin nito ang pagmamahal sa pamilya noong kanyang ipinaghiganti ang kanyang ama na si Don
Juan mula sa kalaban nilang mga igorot. Ang pag-aalala sa ama na hanggang siya ay nanaginip na patay
na ang kanyang ama at ang ulo ay nasa posteng mga Igorot. Siya ay nagmadali at pinatay lahat ng Igorot
dahil sa sobrang galit niya maliban sa isa at pinalaya nya ito upang ipakalat ang kanyang kalakasan.

Pinakita din dito ang kakaibang lakas ni Lam-Ang ng kanyang nilupig ang mga Igorot na pati ang lahat ng
isda sa ilog ng Amburayan ay namatay dahil sa kanyang dumi at amoy ng siya ay pinaliguan ng mga
babae ng siya ay nagbalik sa Nalbuan. Ipinakita din ni Lam-Ang ang kanyang kalakasan ng kanyang
binuhat ang bahay na bumagsak dahil pag-iingay ng kanyang puting manok at as noong nanligaw siya sa
babaeng gusto na si Ines upang makuha ang atensyon nito. Ang pagkabuhay mula sa pagkamatay noong
napahamak ang buhay niya dahil sa isang tradisyon pagkatapos ng kasal na paglangoy sa ilog para sa isda
ng raring siya ay nakain sya ng halimaw na ang tawag ay Berkakan, kung saan pinakuha ni Ines kay
Marcos ang buto ni Lam-Ang na nakabalot sa damit at nagingay ang manok at aso ni Lam-Ang at unti
unting gumalaw ang buto at nabuhay ulit si Lam-Ang.

Pinakita din dito ang parte ng kultura ng Pilipinas kung san kinakailangang magbigay ng dote o
kayamanang katumbas o higit pa sa kayamanan ng babaeng gusto mong pakasalan upang pahintulutan
ang pagiisang-dibdib. Ganon na din ang kaugaliang Kailukuhan na kung saan ang lalaki ay kailang
lumangoy para humuli ng isda.

You might also like