You are on page 1of 19

PAG -UULAT SA

NAPANOOD
Layunin:
1. Nakapag-uulat tungkol sa napanood.
(F5PD-lllb-15)
2. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan
sa napanood na maikling pelikula
(F5PD-lllc-i-16)
Bumuo ng Tanong batay sa
napakinggang Kwento gamit
ang mga panghalip na Ano,
Sino , Saan , Kailan at paano .
ANG MABAIT NA SI ANA

Si Ana ay isang napakabait na tao. Sa tuwing may


nakakasalubong siyang tao na may kailangan, agad
siyang handang tumulong. Mula sa pagbibigay ng
tulong sa mga taong may bitbit na mabibigat na
kahon, hanggang sa pagbibigay ng kahit maliit na
halaga sa mga pulubi sa kalsada, hindi niya
pinapalampas ang pagkakataon na maging mabuti sa
iba.
Isa sa mga paboritong gawin ni Ana ay ang
pagbisita sa isang home for the elderly.
Tuwing Sabado, siya ay nag-aalok ng
kanyang oras upang magkwentuhan,
maglaro, at magbigay ng kasiyahan sa mga
nakatatanda. Ipinaparamdam niya sa kanila
na hindi sila nag-iisa at na mayroong mga
taong nagmamahal at nag-aalala sa kanila.
Ang kabaitan ni Ana ay hindi lamang sa
mga tao, kundi pati na rin sa mga hayop.
Siya ay aktibong miyembro ng isang animal
rescue group. Tuwing may mga asong
napapabayaan o mga pusa na walang
tahanan, siya ay nagbibigay ng tirahan,
pagkain, at pagmamahal sa kanila.
Binibigyan niya sila ng pangalawang
pagkakataon sa buhay.
Talasalitaan:
Taning - ang salitang "taning" ay nangangahulugang
"limitado" o "hanggang sa huling sandali".
Burol - ang salitang "burol" ay tumutukoy sa seremonya o
ritwal na isinasagawa matapos mamatay ang isang tao
Kabutihan - ang salitang "kabutihan" ay nangangahulugang
"pagiging mabuti" o "pagmamalasakit".
Kasawiang-palad - ang salitang "kasawiang-palad" ay
nangangahulugang "malas" o "kapalaran na hindi maganda".
Si Magnifico o Pikoy ay lumaki sa mahirap na pamilya
mula sa Lumban, Laguna. Siya ay anak ni Geraldo at
Edna. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang
mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang
pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na
may sakit.
Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking
problema sa kanila ang
pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin
ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang
makatulong sa kanyang pamilya
gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng
kanyang lola.
Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda
ng kasuotan kapag namatay na ang
kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap
niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang
pamilya
tulad ng kanyang kapatid na babae na si
Helen na pinapasan niya sa likod at ang
nakatatandang kapatid na si Miong na
natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan
ni Magnifico tulad nila Ka
Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at
Fracing na may tampuhan
ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng
kabutihan si Magnifico.
Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang
sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito
ang naging dahilan ng kanyang maagang
kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa
pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang
burol para sa kanyang lola ay ginamit para sa
kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay
mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang
natulungan at nakasama.
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang pamagat ng pelikula o buod ng pelikula
na iyong napanood?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano ang mga pangyayari na naibigan mo sa
pelikula?
4. Ano ang aral ng kuwento o ng pelikula ang
natutunan mo?
5. Saan nangyari ang Kwento?
Ang pelikula ay tulad ng pagkukuwento na
ginagapan ng mga artista
at aktor. Ang pelikula ay may pamagat, tauhan,
tagpuan, at aral namakukuha.
Pamagat –ang pangalan ng pelikula
Tauhan-ang mga artista at aktor na gumaganap o
nagsasabuhay sa mga tauhan.
Tagpuan-dito madalas nangyayari ang
pinakamahalagang pangyayari sa pelikula.
Ang pag-uulat ay isang pagpapahayag na maaaring
pasalita o pasulat ng iba’t ibang kaalaman.
Upang maging matagumpay ang pagbibigay ng ulat
kailangan ang:
a. Ganap na paghahanda.
b. Maayos na paglikom ng datos at impormasyon.
(Gumamit ng indeks kard at itala sa bawat indeks
kard)
c. Magandang pagbubuo at pagsulat ng ulat.
d. Maayos na delivery o pagbibigay ulat kabilang
ang:
-Wastong tindig
-Katamtamang lakas ng tinig
-Wastong pagbigkas ng mga salita
-Masaya at aliwalas ang bakas ng mukha na
nag- aanyaya ng pagtitiwala
Panuto: Balikan ang pelikulang
“Magnifico” Iulat nang pasulat ang
napanood na pelikula. Gumamit ng
hiwalay na sagutang papel
Panuto: Balikan ang pelikulang “Magnifico”
Iulat nang pasulat ang napanood na pelikula.
Gumamit ng hiwalay na sagutang papel
PAMAGAT NG PELIKULA
Tauhan Tagpuan

Katangian ng mga tauhan


Katangian ng tagpuan

Mensahe o Aral

Paboritong Pangyayari
Takdang Aralin :

Magbasa ng Kwento at suriin ang


tauhan at tagpuan ng inyong binasa

You might also like