You are on page 1of 1

Wyllweville Rhynne Bacatan

12- ABM(A)

Umiikot ang palabas kay Pikoy( Jiro Manio) at sa kanyang makabuhulang gampanin para sa
kanilang pamilya. Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si Pikoy. Isang kahid, Isang tuka
ang kanilang pamilya. Ito ang nagiging madalas na nakikita sa kanilang tahanan. Nag aaway
ang kanyang magulang nang dahil sa pera at sa gagastusin kung sakali man mamatay ang
kanyang pinakamamahal na Lola Magda. Pasan pa nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na
may sakit na cerebral paisy at hindi makakalakad. Isa pang masaklap na pangyayari ay
natanggalan pa ng scholarship ang kanyang kuya Milong (Danilo Barrios).

Sa murang edad ay nagsikap, nagtrabaho, nagpakahirap sya upang makatulong sa pantustos


ng araw-araw na gastusin sa kanilang pamilya. Lahat ay kanyang sinubukan. Gumawa si Pikoy
ng paaran upang unti-unting buuin ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong kanyang mga
kaibigan. Piyesta noon at sama-sama silang nagbenta ng palamig. Matapos mapagipunan ay
nakabili rin siya ng mga materyales para sa kabaong iyon. Pininturahan at binuo niya ito
kasama ng kanyang ama. Walang reklamong narinig sa kanya ang kanyang mga magulang. Sa
huli, hindi inaasahan ang mga nangyayari. Hindi namalayan ni Pikoy ang bus at nasagasaan. At
sya ang gumamit ng ginawa nyang kabaong para sa kanyang lola Magda. Naging isang
inapirasyon ang butihin at huwarang bata si Pikoy dahil sa mga nagawa niyang kabutihan sa
iba’t ibang tao.

Tunay ngang nakakabibighani ang pelikulang ito. Marami ang naiyak sa mensahe ng nasabing
palabas. Namulat nito ang aking mga mata sa mga totoong nagaganap sa buhay ng isang tao.
Na ikaw man ay mayaman o mahirap, bata o matanda ay walang papantay sa kabusilakan ng
pusong tumutulong at nagmamagandang loob sa anumang bagay. Naihayag sa pelikula ito ang
mga pangyayari sa mundo ng kahirapan na natatamasa ng isang ordinaryong tao. Na sa kabila
man ng patong-patong na problema ay nagagawa parin masolusyunan ito sa simpleng paraan.
Maliwanag ang daloy ng mensahe nito mula sa simula hanggang dulo. At di mo aakalaing
ganon ang nangyari sa huwarang Pikoy sa wakas.

You might also like