You are on page 1of 17

Iba’t Ibang Produktong

Mabibili gawa sa iba’t


ibang Materyales
LAYUNIN:
4.1 nakapagsasagawa ng survey gamit
ang
teknolohiya at ibang paraan ng
pagkalap ng
datos upang malaman ang mga:
4.1.2 iba’t-ibang produktong mabibili
gawa sa iba’t- ibang materyales
BALIK ARAL !

Ibigay ang mga Parte sa paggawa


ng isang Project Plan sa gawaing
pang -elektrisidad.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
nagpapakita ng wastong pagsasagawa at
kahalagahan ng survey at isulat ang MALI
kung hindi wasto ang pahayag Ang suvey ay
nakatutulong upang mas madali tayong
makakuha ng datos tungkol sa proyektong
gagawin.
1. Ang pagkalap ng datos ay
mahalaga bago mgsimula ang
isang proyekto
2. Makagagawa tayo ng mga produktong may
kalidad gamit ang makabagong teknolohiya.
3. Makabubuo tayo ng mas magandang
proyekto kung susunod sa wastong paraan.
4. Limitadong ediya at datos ang
makakalap natin kung gagamit tayo ng
makabagong teknolohiya
Ang paggamit ng teknolohiya sa
pagsasagawa ng survey ay isang paraan upang
mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga
materyales na maaari nating gamitin upang
makabuo ng isang proyekto Halimbawa ang
pandakot ay maaaring yari sa yero, plastik
container o plywood. Ang lampshade naman ay
maaaring yari sa kawayan, yero at kahoy,
samantalang ang wall decor na maaaring yari sa
kayawan, plastik at kahoy.
Ang pinakaunang Hakbang sa pag alam sa mga
produktong mabibili sa pamayanan ay ang
pagkilatis sa uri at pisikal na katangian ng
inyong sariling produkto . Ang Lahat ng
produkto ay may halos Kaparehas na
materyales, disenyo , at uri ay mga
kakompitensya sa pagbibenta.
Sa ganitong kalagayan , Malaki ang naitutulong
ng mga impormasyon nakalap sa market
survey upang iangkop ang produkto sa
kagustuhan at pangangailangan ng mamimili.
Sa pagkilatis ng mga produkto batay sa mga
materyales na ginamit, isaalang- alang an bawat
detalye ng mgaprodukto maaaring maging
kakompitensya. . mula sa obserbasyon ay
gumawa ng mga pagbabagong maaaring
maging lamang ng inyong produkto sa iba.
Halimbawa: kung ang produkto na Napili mong
ibenta ay upuan na gawa sa kahoy , maari mong
tingnan ang mga sususunod.

1.Mga Katulad na produktong may materyales na


halos pareho sa iyong ginamit.

Hal. Upuang gawa sa kawayan , rattan ,narra,


kamagong, at iba pa.
2. Mga Katulad na produktong may materyales na
iba sa iyong ginamit.

Hal. Upuang gawa sa metal, plastic , tela, at


Kombinasyon.

3. Mga di katulad na produkto pero may kaparehas


na gamit .

Hal. Sofa, tumba-tumba, Upuang kutson , duyan, at


iba pa
Mga Gabay na tanong:
1. Ilarawan ang paggamit ng teknolohiya sa
pagsasagawa ng survey.
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga maari
nating gamitin upang makabuo ng isang proyekto.
3. Ano pinakaunang Hakbang sa pag alam sa mga
produktong mabibili sa pamayanan?
Ang palamuting pandingding ay isa sa mga
produktong maaring gawin buhat sa iba't ibang
materyales Magtala ng isang uri ng palamuti sa
dingding na gawa sa ibat ibang materyales. Gamit
ang teknolohiya magtala ng datos tungkol dito.
ISulat ang inyong ginawa
Bakit mahalaga ang teknolohiya sa
pagkalap ng mga datos?
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
nagpapakita ng wastong pagsasagawa at
kahalagahan ng survey at isulat ang MALI
kung hindi wasto ang pahayag Ang suvey ay
nakatutulong upang mas madali tayong
makakuha ng datos tungkol sa proyektong
gagawin.
1. Ang pagkalap ng datos ay
mahalaga bago mgsimula ang
isang proyekto
2. Makagagawa tayo ng mga produktong may
kalidad gamit ang makabagong teknolohiya.
3. Makabubuo tayo ng mas magandang
proyekto kung susunod sa wastong paraan.
4. Limitadong ediya at datos ang
makakalap natin kung gagamit tayo ng
makabagong teknolohiya
TAKDANG ARALIN :
Magsagawa ng survey upang malaman
sng mga materyales na maaring
gamitin upang makabuo ng isang
flower vase.

You might also like