You are on page 1of 17

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech. Voc.)
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Dokumentasyon sa Paggawa ng
Isang Bagay o Produkto

SELF-LEARNING MODULE
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o
Produkto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghahanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang Bumuo sa Pagsusulat
pahintulot ng Modyul
sa Kagawaran.
Manunulat: Jimmy S. Nicolas
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Editor: Ellen L. Generalao
Tagasuri: Ellen L. Generalao
Tagaguhit at Tagalapat:
Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul
ASDS Dr. Melanie P. Estacio
CID Chief Dr. Christine C. Bagacay
EPS Filipino Dr. Cristy S. Agudera
EPS LRMS Dr. Lorna C. Ragos

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education - TAGUM CITY

Office Address: Energy Park. Apokon Road, Tagum City


Davao del Norte, Region XI

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


Aralin Dokumentasyon sa Paggawa
1 ng Isang Bagay o Produkto

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!


Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang naunang
mga gawain.
Sa modyul na ito, matutuhan mo kung ano ang layunin, gamit, anyo at
katangian ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/produkto gayundin
ang mga hakbang sa pagsasagawa nito.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman at malinang ang iyong kasanayan tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nakikilala ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo, at target na gagamit nito.
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
• Naipaliliwanag nang pasulat sa paraang sistematiko at malinaw ang
piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
(CS_FTV11/12PS-Oj-l-93)

Subukin Natin

Handa na ba kayong simulan ang mga panimulang gawain ng modyul na


ito? Halina’t subuking sagutin ang Gawain 1. Isulat lamang ang TAMA kung
wasto ang pahayag at MALI kung hindi totoo ang isinasaad nito at
salungguhitan ang salitang nagpapamali rito. Isulat ang sagot bago ang
bilang.

1. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto.
2. Sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto,
isinasaad ang mga kinakailangan sa proseso ng paggawa ng produkto.

1
3. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto.
4. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto.
5. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa
tamang pagkakasunod-sunod ang mga ito.

Aralin Natin

Matapos subukin ang iyong dating kaalaman hinggil sa paksa, maaari ka


nang magpatuloy sa susunod na gawain para higit mo pang maintindihan
kung tungkol saan ang paksang pag-aaralan. Ngayon, tingnan ang
halimbawang sulatin sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong ng
Gawain 2.
Ang Paggawa ng Parol
Mga Kailangan
10 strips ng balsa wood (or Tissue paper
bamboo or matte board), Glue
¼ pulgadang lapad at String
10 pulgadang haba
5 strips ng balsa wood,
¼ pulgadang lapad at
3 ½ pulgadang haba

Unang Hakbang
Gumawa ng bituin gamit ang 5 pirasong
balsa wood o bamboo strips na 10
pulgada ang haba (gayahin ang nasa
larawan).

Pangalawang Hakbang
Markahan ang mga gilid para makita
ang mga gilid ng bawat sulok.

Pangatlong Hakbang
Talian lahat ng "joints" at "points". Sundan
ang larawan sa kanan. Gawin ang pagtatali
sa pangalawang bituin. Balutan ang dalawang
dulo ng malilit na kahoy hanggang maging

2
matibay ito. Talian ang mga dulo pero
mag-iwan ng mga 3 pulgada ng "string".
(2 strings should now be hanging from
each end of strip.)

Pang-apat na Hakbang
Pagdikitin ang dalawang bituin at talian ang
bawat dulo ng mga ito para hindi kumalas.

Panlimang Hakbang
Ilagay ang mga maliliit na kahoy sa pagitan
ng dalawang bituin. Talian ang dulo ng maliit
na strip hanggang sa joints sa pamamagitan
ng paggamit sa 3 pulgada na string (mula sa
pangatlong hakbang).

Pang-anim na Hakbang
Tapusin ang pagkagawa ng hugis ng bituin.
Kailangang magdikit ang dalawang bituin na
may namamagitan na maliliit na kahor sa
gitna ng mga ito. Gumamit ng mga "string"
kung kinakailangan.

Pampitong Hakbang
Dikitan ng mga papel ang hugis ng bituin.
Gamitin ang inyong imahinasyon at
pagkamalikhain sa pagbalot ng hugis
nito. Lagyan ng pabitin sa ibaba ng hugis.
Ibitin ito sa bintana o sa anumang lugar na
puwedeng mapaglagyan nito.
<http://www.seasite.niu.edu/tagalog/New_In
termediate_Tagalog/

Gawain 2: Basahin ang sumusunod na tanong at bilugan ang letra ng tamang


sagot.

1. Anong uri ng sulatin ang halimbawang ipinakita?


A. dokumentasyon C. naratibong ulat
B. feasibility study D. deskripsiyon ng produkto

2. Maliban sa teksto, ano ang paraang ginamit ng sumulat upang maging


malinaw at madaling masundan ang paggawa ng isang bagay o produkto?
A. paggamit ng imahinasyon
B. paggamit ng paglalarawan

3
C. paglagay ng transitional devices
D. paglagay ng mga larawan o ilustrasyon

3. Ano ang mahalagang bagay na dapat maisulat sa iyong idinodokumentong


bagay o produkto para alam ng mambabasa kung ano ang kanilang
ihahanda?
A. mga kagamitan C. pagsunod sa panuto
B. proseso o hakbang D. larawan o ilustrasyon

4. Paano naipakita sa halimbawang sulatin ang kronolohiya?


A. Tiyak ang mga salitang ginamit.
B. Gumamit ng simpleng pahayag ang manunulat.
C. Malinaw at hindi paligoy-ligoy ang pagkakasulat sa teksto.
D. Naisulat nang may pagkakasunod ang mga hakbang sa paggawa.

5. Batay sa halimbawa, anong mga katangian ang ipinakita ng sulatin?


I. Malalim ang terminolohiyang ginamit.
II. Payak at direkta ang pagkakasulat sa teksto.
III. Malinaw at payak na naisulat ang impormasyon.
IV. Kolokyal ang wikang ginamit.
A. I at II B. II at III C. I at IV D. II at IV

Gawin Natin

Nasagot mo ba nang mahusay ang gawain sa Aralin Natin? Kung “Oo” ay


binabati kita. Ngayon ay mas mapapalawak pa ang iyong kabatiran hinggil sa
ating paksa. Tara at simulan na ang pagtuklas ng bagong kaalaman!

Panimula
Hindi maitatanggi ang kagustuhan ng indibidwal sa patuloy na
pagkatuto, kung kaya’t lagi tayong bukas sa pagkakaroon ng mga bagong
kaalaman. Mas madaling matutuhan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa
mga materyales na nagtuturo kung paano ito maisasagawa. Kalimitang may
sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Nakalagay
rin ang mga espesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at magawa
ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa. Maaaring maglagay rin ng
mga ilustrasyon at larawan ang dokumentasyon para sa bawat hakbang upang
makita ng mambabasa ang inaasahang kalalabasan sa bawat proseso.
Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging
angkop ang produkto. Malaking tulong ang dokumentasyon upang higit na

4
maging madali para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang na nakasaad
dito.
Mga Katangian ng Dokumentasyon
1. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw
ito sa mga mambabasa.
2. Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap na
nagsasaad ng mga hakbang upang hindi magdulot ng kalituhan sa
mambabasa.
3. Malinaw at tiyak na isinusulat ang mga impormasyon.
4. Pormal ang wikang ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon.

Ang dokumento ng produkto ay isinusulat ng kompanya upang ilarawan


ang produktong kanilang ginagawa. Dinisenyo ito upang maunawaan ng mga
tao sa kompanya ang dapat maging gawain ng produkto at paano ito
maisasagawa. Madalas ito ay sinusulat para sa software na produkto pero
puwede rin namang sa iba pang mga produkto. Sa pangkalahatan, nililinaw ng
dokumento ng produkto ang mga suliranin na dapat lutasin, pero dapat
iwasan ang paglalahad ng mga teknikal na solusyon sa problema.

Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o


produkto ay nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o
proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang
maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin ang isang
bagay o produkto.

Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga


hakbang sa paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng
wastong impormasyon sa mga mambabasa.

Maaari ring maglakip ng mga larawan upang higit na


makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.

Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay,


napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa
dokumentasyon.

5
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng
dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at
inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga
hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng mga
mambabasa.

Halimbawa:

PAGTATANIM NG ORGANIKONG TALONG

Pangalang Siyentipiko: Solanum melongena L.


Mga Karaniwang Pangalan:
Tarong (Ilokano), Brinhinas (Bisaya), Aubergine (French), Terong (Malya),
Berenjena (Spanish), Brial (Hindi), Kakhua (Thai), Qie (Chinese), Daimasu
nasu (Japanese)
Kahalagahan
• Pinakamahalagang gulay ng Pilipinas
• 17, 797 hektaryang taniman (1999)
• P. 1.8 B kabuuang halaga
Gamit
• Gulay at ulam: prito, torta, ginataan, binuro, inihaw, nilaga, pansahog
• Gamot: diabetes, hika, cholera at bronchitis, pampagana, pampababa ng
cholesterol
Lupa at Klimang Kailangan
• Maitatanim anumang buwan saan mang lugar sa Pilipinas
• Mas mainam sa buhaghag na lupa na hindi tinitingnan ng tubig, pH: 5.6
– 6.5
• Maitatanim sa maaraw man o may lilim
Mga Varieties Pang-organiko
• Lilang haba – Dumaguete Long Purple, Mara 89-002, Llamado
• Berde – Concepcio, Araya
• Lilang guhitan – Mistisa (A 300)

Pagpunla
• 200-300 gramong buto para sa isang hektarya
• Kamang punlaan
• Maghanda ng kamang may isang metro ang lapad.
• Iwasan ang lugar ng binabaha at sobrang malalim.
• Haluan ng binulok na dumi ng hayop o compost at inuling na ipa (INI).
• Tambakan ng ipa at silaban upang maiwasan ang pagkatuba (damping-
off).
• Diligan ang punlaan at linyahan ng pahalang na may pagitang 10-15 cm.
• Ibudbod ng madalang ang buto at tabunan ng manipis na compost.

6
• Kiliban ng ipa o dayami at muling diligan.
• Bubungan ng plastic o net kung tag-ulan.
• Diligan ng tea manure kung kulang sa sigla ang seedlings.
• Maglipat mula sa makapal na sibol sa madalang ang sibol.
• Maaari ring gumagamit ng lukong at nursery tray para mas maganda
ang punla.
Paghahanda ng Lupang Taniman
• Araruhin at suyurin ang lupa ang taniman at may balot na plastic mulch
upang makabawas sa damo, dilig at mas gumanda ang halaman.
• Haluan ng dumi ng hayop at INI ang taniman 10-20 tonelada bawat
hektarya o 1-2 kilo bawat metro kuwadrado.
Paglalagay ng Plastic Mulch
• Kamang may lapad na isang metro at anumang haba
• Pagkahalo ng manure at compost, ilatag ang plastic mulch na may lapad
na 1.2 m.
• Ang kulay tingga ang sa ibabaw at itim ang ilalim
• Ipitin ng lupa ang isang dulo at irolyo ang plastic patakip sa kama.
• Mas mainam na mag-plastic mulch kung kainitan upang mahapit ito ng
husto.
• Butasan ang plastic ng ½ ang pagitan, 2 linya sa kama.
• Gumamit ng pinainit na lata sa pagbubutas.

Paglilipat ng Tanim
• Makapaglilipat ng tanim pagkatapos ng 4 na linggo pagkapunla.
• Ang linya o iras ay may pagitang 1-1.2 metro.
• Diligan bago at pagkatapos magtanim.
• Kiliban ng dayami o damo.
Pag-aalaga
• Patubigan tuwing ika-7-10 araw o kung kinakailangan.
• Damuhan ang puno ngunit magtira ng damo sa pagitan ng daanan.
• Diligan ng tea manure minsan isang linggo kung kulang sa lusog ang
halaman.
• Patabaan ng manure at abo minsan isang buwan.
• Putulin ang mga sanga at dahon sa ibaba ng unang bunga.
Pag-aani
• Anihin ang bunga hanggang bata pa upang makaiwas sa mambubutas.
• Ihiwalay ang may sira sa wala.
• Hugasan sa malinis na tubig at patuyuin sa lilim.
• Iwasang mabilad sa arawan.
• Mas mainam na lalagyan ang plastic crate na may saping dahon ng
saging o dyaryo.

7
• Mas magtatagal kung nakalagay sa malamig na lugar.
Pangagalaga Laban sa Peste
• Iwasan ang monocropping.
• Magsalit ng tanim ng ibang gulay sa loob at paligid ng talungan.
• Magtanim ng basil, Amarillo, sunflower, tanglad at okra sa paligid.

Sanayin Natin

Naunawaan mo ba ang talakayan? Ngayon naman susukatin natin ang


iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
gawain.
Muli kitang binabati sa bagong tuklas mong dunong! Sa pagkakataong
ito, sagutin mo ang inihanda kong gawain para masukat ko ang iyong
natutuhan.
Dito sa Gawain 3, isulat sa loob ng kahon ang mga pahayag na akma sa
mga sumusunod na deskripsiyon na nakasulat sa loob nito. Hanapin ang
sagot sa mga pahayag na nasa ibaba.
• Isinusulat upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin
ang isang bagay o produkto.
• Pormal ang paggamit ng wika.
• Naglalakip ng larawan upang makita ang biswal na anyo ng
produkto.
• Inaasahang malinaw, payak, at tiyak ang pagkakasulat.
• Kronolohikal ang kanyang pagkakaayos.
• Nakatutulong upang higit na maging madali ang pagsunod sa mga
hakbang.

1. KATANGIAN

8
2. LAYUNIN

ANYO

3.

Matapos sagutin ang Gawain 3 ay dumako ka naman sa Gawain 4 na


ang panuto ay pupunan ng wastong salita ang sumusunod na patlang upang
makompleto ang diwa ng pahayag.

Kalimitang may sinusunod na (1)____________________ sa paggawa ng


isang bagay. Inilalagay rin ang mga espesipikong (2)_______________________ na
kinakailangan upang mabuo o magawa ang isang bagay. Maaaring magtaglay
ng mga (3)______________________ o larawan ang dokumentasyon na
nagdadagdag ng (4)______________________ sa ipinapakitang paraan ng
paggawa. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsulat ng sulating ito at
inaasahang (5)__________________________, (6)__________________________, at
(7)________________________ ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging
madali lamang ang pag-unawa ng mga mag-aaral. Marapat lamang na sundin
ang mga (8)________________________ upang maiwasan ang magkamali at
maging (9)__________________________ ang kinalabasan ng isang gawain. Ang
(10)_________________________ ay malaki ang tulong na maihahatid upang
maging madali para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang sa paggawa ng
isang bagay o produkto.

9
Tandaan Natin

Nawa’y nasagot mo nang mahusay ang Gawain 3 at 4. Sa puntong ito,


aalamin ko kung natatandaan mo pa ba ang iyong pinag-aralan ukol sa paksa.
Isulat sa kahon ang iyong ideya ukol sa layunin, gamit, katangian, at anyo ng
dokumentasyon.

Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto


ay nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng
paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa
kung paano gagawin o bubuuin ang isang bagay o produkto.

Layunin Gamit Katangian

Anyo

10
Suriin Natin

Mahusay at natatandaan mo pa ang mahahalagang bagay ukol sa


paksa. Ngayon naman dito sa Gawain 5 ay nais kong suriin mo ang
halimbawa na nasa bahaging Aralin Natin na pinamagatang PAGTATANIM
NG ORGANIKONG TALONG. Suriin mo ito ayon sa layunin, gamit, katangian,
anyo at target na mamimili nito at isulat ang iyong mga sagot sa
talahanayang nasa ibaba. (5 puntos kada kahon na may tamang pagsusuri)

PAGTATANIM NG ORGANIKONG TALONG


Pamagat

Bahaging Mga Pagsusuri


susuriin

Layunin

Gamit

Katangian

Anyo

Target na Gagamit

11
Payabungin Natin

Mas napalalim ba ang iyong pagkaunawa sa aralin dahil sa mga


naunang gawain? Mabuti naman kung “Oo” ang iyong sagot. Dahil sa
puntong ito, mas lalo nating payayabungin ang iyong nalalaman sa
pamamagitan ng mga kasunod na gawain.

Gawain 6: Magsaliksik kayo ng isang halimbawa ng dokumentasyon at


ipaliwanag ito nang pasulat gamit ang angkop na mga termino. Idikit o iprint-
out ang iyong nakalap na halimbawa sa isang short bond paper at sa ibabang
bahagi ng papel ay ang iyong paliwanag paanong ito’y isang dokumentasyon
batay sa pag-aaral. Maaaring gumamit ng karagdagang papel kung hindi kasya
sa isang papel.

Pangalan:________________________________________________

Taon at Seksiyon: ______________________________________

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

12
Pamantayan Pagmamarka Puntos
1. Angkop ang halimbawang napili batay sa paksang pinag- 5
aralan.
2. Malinaw at komprehensibo itong naipaliwanag. 5
3. Wasto ang mga terminong ginamit. 5
4. Walang kamaliang gramatikal at walang mali sa mga bantas na 5
ginamit.
5. Maayos ang organisasyon ng ideya. 5
Kabuuan 25

Pagnilayan Natin

Binabati kita sapagkat wala kang nakaligtaang sagutin sa mga naunang


gawain sa modyul na ito!
At bilang panapos na gawain, nais kong pagnilayan mo ang lahat ng
iyong napag-aralan sa paksang ito.

Tanong: Bilang mag-aaral, paano ko magagamit ang dokumenstasyon?

13
14
Pagnilayan Natin
Gawain 8
Ang guro ang magwawasto ayon sa pamantayan ng pagmamarka.
Payabungin Natin
Gawain 6-7 – Iba-iba ang maaari nilang sagot. Ang guro na ang siyang magwawasto.
Suriin Natin
Gawain 5 – Iba-iba ang maaari nilang sagot. Ang guro na ang siyang magwawasto.
Sanayin Natin
Gawain 3
1. Katangian
➢ Pormal ang paggamit ng wika.
➢ Inaasahang malinaw, payak, at tiyak ang pagkakasulat.
2. Layunin
➢ Isinusulat upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin ang isang
bagay o produkto.
➢ Nakatutulong upang higit na maging madali ang pagsunod sa hakbang.
3. Anyo
➢ Kronolohikal ang kanyang pagkakaayos.
➢ Naglalakip ng larawan upang Makita ang biswal na anyo ng produkto.
Gawain 4 Paalala: Ang bilang 5, 6 at 7 ay maaaring magbaliktad.
1. hakbang/proseso
2. gamit
3. ilustrasyon
4. kalinawan
5. malinaw
6. payak
7. tiyak
8. proseso /hakbang
9. wasto/tama
10. dokumentasyon
Aralin Natin
Gawain 2
1. A 2. D 3. A 4. D 5. B
Subukin Natin
Gawain 1
1. Mali – Kolokyal
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali - Teknikal
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc (Patnubay ng Guro). Department of


Education 2016, 45-54

K to 12 Basic Education Curriculum - Senior High School Applied Subject.


Department of Education 2013, 1-5

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 12.


Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020,
67-68

Paggawa ng Parol. Inakses noong Oktubre 27, 2020 mula sa:


<http://www.seasite.niu.edu/tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Inter
mediate_Thematic_Lesson/Lessons/Libangan/culture.htm>

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – Tagum City

Office Address: Energy Park. Apokon Road, Tagum City


Davao del Norte, Region XI

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

15

You might also like