You are on page 1of 5

5

EPP
Quarter 3 – Week 7:
Paggawa ng Sariling Disenyo
sa Pagbuo o Pagbabago ng
Produktong Gawa sa Lata/Metal
LEARNING ACTIVITY SHEET IN EPP 5
3rd Quarter – Week 7 - Lesson 10

Paggawa ng Sariling Disenyo


sa Pagbuo o Pagbabago ng Produktong Gawa sa Lata/Metal

I. Pagtatalakay
Ang ating bansa ay sagana sa materyales na mayroon sa mga pamayanan. Ilan sa mga
ito ay mga halamang tanim at iba pang yamang- dagat. Bawat materyales ay may angkop na
gamit na dapat alamin upang makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto. Ilan sa
mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod:

Tabla at kahoy- ang kahoy at tabla ay nagmula sa mga puno tulad ng molave, narra, yakal,
kamagong, apitong, at iba pa. Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na gagamitin ay tuyong-
tuyo upang maiwasan ang pag- urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, at pagkasira
ng ginawang proyekto.
Kawayan- ang kawayan ay isang uri ng halaman na matatagpuan sa Tsina,
Hapon, Malaysia, Pilipinas at ibang Asyanong bansa. Ito rin ay nagagamit bilang handicrafts
na pang-kultura at pagkain. Napagkukunan ang mga kawayan ng mga nakakaing labong ang
mga usbong ng halamang ito. Tinatawag na kawayanan ang taniman ng mga kawayan. Buho
naman ang tawag sa matigas na kawayan.
Metal- ang metal ay isang uri ng bakal na ginagamit sa pagluluto, at paggawa ng mga bagay
na pwedeng pakinabangan ng mga tao tulad ng silong ng bahay at maging ang mga pira -
pirasong metal ay maaari pa ring magamit bilang materyales sa gagawing proyekto, tulad ng
lampshade at iba pang kagamitan o palamuti sa bahay.

Pagkatapos pumili ng gawain, kinakailangan balakin nang mahusay ang pagpapaplano ng


proyekto ng may angkop na espikasyon. Narito ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng
proyekto.

1. Ang pangalan ng proyekto- tiyakin ang pangalan ng napiling proyekto.


2. Disenyong proyekto- ang paggawa ng disenyo ay bahagi ng pagpapaplano. Mahalaga na
mailarawan ang kabuuang anyo ng proyekto. Inilalagay rin ang tiyak na sukat, mga
materyales at detalyeng kailangan sa paggawa ng proyekto na magsisilbing batayan habang
binubuo nito.
3. Materyales- ang mga materyales ay dapat ibatay sa disenyo ng proyekto. Lalong mabuti
kung ito ay katutubong materyales na matatagpuan sa pamayanan. Ang talaan ng mga
materyales ay magbibigay ng tiyak na halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto.
4. Kagamitan- ang mga kailangang kagamitan ay ihanda kaagad upang hindi maantala sa
pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo, plais, katam at iba pa.
5. Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto- pag-aralan at itala ang mga sumusunod na
hakbang sa pagsasagawa ng proyekto. Mahalaga ang pag-aaral sa mga hakbang upang hindi
masayang ang oras sa pagsasagawa.

1
II. GAWAIN 1
Panuto: Para sa sampung puntos (10 points). Iguhit sa loob ng kahon ang sariling disenyo
ng napiling proyekto na gawa sa lata o metal na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring
mapagkakitaan. Lagyan ito ng kulay, pagkatapos ay ilahad ang konsepto tungkol dito. Gawin
ito sa isang buong papel.

III. GAWAIN 2
Panuto: Basahin at unawahin ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Punan ang
patlang sa wastong kasagutan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Kagamitan Disenyo ng proyekto Tabla at kahoy

Materyales Hakbang sa pagbuo ng proyekto Metal

Pangalan ng proyekto Lampshade Bulb Kawayan

1. Ang _______________ ay nagmula sa mga puno tulad ng molave, narra, yakal,


kamagong, apitong, at iba pa.

2. Ang _______________ ay isang uri ng halaman na matatagpuan sa Tsina, Hapon,


Malaysia, Pilipinas at ibang Asyanong bansa. Ito rin ay nagagamit bilang handicrafts
na pang-kultura,at pagkain.

3. Ang _______________ ay isang uri ng bakal na ginagamit sa pagluluto, at paggawa


ng mga bagay na pwedeng pakinabangan ng mga tao tulad ng silong ng bahay.

2
4. Isang palamuti sa bahay na tinatawag na _______________ ay isang halimbawa ng
proyektong gawa sa metal.

5. Ang _______________ ay dapat ibabatay sa disenyo ng proyekto.

6. Ang mga kailangang _______________ ay ihanda kaagad upang hindi maantala sa


pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo, plais, katam at iba pa.

7. Tiyakin ang _______________ upang mas lubos itong makilala at madaling


maunawaan.

8. Ang paggawa ng _______________ ay bahagi ng pagpaplano. Mahalaga na


mailarawan ang kabuuang proyekto.

9. Pag-aralan at itala ang mga sumusunod na _______________ upang hindi masayang


ang oras sa pagsasagawa.

10. Isa sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng lampshade ay ang


______________.

IV. GAWAIN 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang
TAMA kung wasto ang isinasaad dito at MALI naman kung hindi wasto. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang gawain ay kailangang makabuluhan at makatutulong sa pamilya at sa


pamayanan.
__________2. Kinakailangan na gumamit ng mga mamahaling materyales sa paggawa ng
proyekto.
__________3. Ang gawain ay gagamitan ng katutubong materyales at kasangkapang
matatagpuan sa pamayanan.
__________4. Ang mga hakbang at paraan ng napiling gawain ay dapat mahirap intindihin at
isagawa.
__________5. Ang gawain ay naiiba sa pangkaraniwan.

3
V. Mga Batayang Aralin

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5

pp. 158-162

Mga May Akda: Patnugot:

Gloria A. Peralta, EdD Elaine Q. Borazon, PhD


Ruth A. Arsenue
Catalina R. Ipolan
Yolanda L. Quiambao
Jeffrey D. de Guzman

https://www.youtube.com/watch?v=fDEhUF0J8Tg

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1

Sariling disenyo ng proyekto na iginuhit ng mag-aaral.

Gawain 2
1. Tabla at kahoy Gawain 3
2. Kawayan 1. TAMA
3. Metal
4. Lampshade 2. MALI
5. Materyales
6. Kagamitan 3. TAMA
7. Pangalan ng proyekto
8. Disenyo ng proyekto 4. MALI
9. Hakbang sa pagbuo ng
proyekto 5. TAMA
10. Bulb

Inihanda ni:

FRANCIS MHAR C. CUERDA


Manunulat

You might also like