You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Industrial Arts 4
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo ng
Produktong Gawa sa Kahoy, Ceramics,
Karton, o Lata

MELCS: Nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o


pagbabago ng produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton, o
lata (o mga materyales na nakukuha sa pamayanan)
(EPP4IA-0f-6)

Inihanda nina:

EDISON PRIETO
Dalubguro II
Badoc North Central School

MARIA CRISTINA F. GAMAYO


Guro III
Badoc North Central School
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo ng
Produktong Gawa sa Kahoy, Ceramics, Karton, Lata at Iba Pa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edison T. Prieto
Maria Cristina F. Gamayo
Editor: Mirasol D. Rosete
Tagasuri: Renato D. Reyno
Tagalapat: Maria Cristina F. Gamayo
Tagapamahala: Dr. Joann A. Corpuz
Dr. Joye D. Madalipay
Jenetrix T. Tumaneng
Arthur M. Llaguno
Dr. Rosalinda P. Salmasan
Division Design & Layout Artist: Dennis M. Ancheta

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Industrial Arts 4
Ikatlong Markahan–Modyul 4:
Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo ng
Produktong Gawa sa Kahoy, Ceramics,
Karton, o Lata
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Magandang araw! Kamusta ang iyong pananatili sa inyong bahay sa


panahon ng pandemya? Malamang ay may mga natuklasan kang bago. Ang
galing mo naman! Gustong-gusto kong makita ang iyong mga gawa sa
susunod na mga pagkakataon!
Ngayon, hayaan mong dalhin kita sa makabagong paglalakbay tungo
sa makabuluhang pagpapaunlad ng iyong kakayahan! Sa araling ito ay
matututunan mo ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng
sariling disenyo sa pagbuo ng produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton,
o lata (o mga materyales na nakukuha sa pamayanan). Ang anomang bagay
o kagamitan sa iyong paligid ay maaari pang mapaganda at gawing kaaya-aya
kung ito ay gagamitan ng talento, talino, at pagkamalikhain ng may sapat na
kakayahan at kasanayan. May iba’t ibang materyales na ginagamit sa
paggawa ng mga kasangkapan at kagamitan. Ilan sa mga ito ay makikita
lamang sa ating paligid. Mula naman sa mga materyales na ito, nakagagawa
tayo ng iba’t ibang produkto o proyekto na maaaring mapakinabangan at
mapagkakakitaan.
Pagkatapos nito, ikaw ay inaasahang magkakaroon ng kaalaman at
kasanayan sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton, o lata (o mga materyales na
nakukuha sa pamayanan). (EPP4IA-0f-6).

Mga Tala para sa Guro

Sa modyul na ito, matutunan ng mag-aaral ang mga kasanayan


sa paggawa ng sariling disenyo ng proyekto o produktong balak gawin,
gamit ang iba’t ibang materyales na abot kamay at nasa paligid lamang.

Dapat ding malaman ang mga bagay na marapat na isaalang alang


sa pagbuo ng proyekto para maiiwasan ang sakuna.

Kung kinakailangan, ay maaaring humingi ng patnubay sa mga


magulang o sa nakatatandang kapatid sa pagsasakatuparan ng modyul
na ito.

1
Subukin

Handa ka na bang matuto? Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul


na ito, sagutin muna ang mga katanungan upang masukat ang iyong kaalaman
sa paksang tatalakayin.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sa kalakip na sanayang


papel, bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay ang mabubuting naidudulot ng paggawa ng mga


produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton at lata maliban sa isa.
Alin dito ang hindi?
a. Maaaring mapagkakakitaan
b. Makaiiwas sa mga masasamang bisyo, droga, at barkada
c. Makatutulong sa pansariling kapakanan
d. Makapagbibigay ng libangan at trabaho

2. Alin ang tinatawag na pinakamatibay na kahoy?


a. Buri b. Narra c. Niyog d. Rattan

3. Aling materyales ang kilala sa paggawa nang matitibay na


kahoy?
a. Narra b. Nipa c. Niyog d. Rattan

4. Ang mga produktong nabanggit ay gawa sa karton. Ano ang hindi


nabibilang sa grupo?
a. jewelry box c. ocean diorama
b.mga laruan d. salamin
5. Ano ang tawag sa kahoy na inihanda at handa ng gamitin?
a. board foot b. logging c. lumber d. tekstura

6. Alin ang isang uri ng lupa na ginagamit sa mga produktong luwad?


a. kahoy b. karton c. lata d. ceramics

7. Alin sa mga sumusunod na produkto ang HINDI gawa sa karton?


a. Robot na gawa sa karton
b. Bahay kubo na gawa sa lumang karton
c. Laruang sasakyan na gawa sa iba’t ibang uri ng karton
d. Mesa at silya

2
8. Alin ang isang uri ng materyales na nagmula sa pinagtabasan ng yero na
maaaring gamitin sa paggawa ng proyekto, palamuti o anomang kagamitan
sa bahay.
a. kahoy b. karton c. lata d. ceramics

9. Alin ang ginamit sa paggawa ng kubo, kama, mesa, upuan, sala set,
basket, bilao, sandok, plorera, alkansiya, mug, cellphone speaker and
holder, chandelier, lampshade, souvenir items, pamaypay at ginagamit
na palamuti?
a. kahoy b. karton c. kawayan d. lata

10. Alin ang kinakailangan sa pagdidisenyo ng proyekto o produktong gawa


sa iba’t ibang materyales?
a. kakayahan c. talent
b. malikhaing pag-iisip d. lahat ng nabanggit

3
Paggawa ng mga Sariling
Aralin Disenyo sa Pagbuo ng
1 Produktong Gawa sa Kahoy,
Ceramics, Karton, o Lata at
Iba Pa

Balikan

Alam kong magaganda ang mga gawa mo sa nakaraang aralin sa


Modyul 3 tungkol sa basic sketching, shading, at outlining. Sa puntong ito,
ating suriin ang iyong mga kalaaman at kasanayan.

Panuto: Pagtambalin ang mga larawang nasa Hanay A sa mga salitang nasa
Hanay B. Isulat ang titik na tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin
ito sa kalakip na sanayang papel.

Hanay A Hanay B

4
Tuklasin

Marunong ka bang umawit? May inihanda akong liriko ng rap na iyong


kakantahin. Unawaing mabuti ang ibig ipahiwatig ng liriko upang masagutan
ang mga katanungan.

Handa ka na bang magsimula ng iyong paglalakbay upang matuto ng


aralin na nakapaloob sa modyul na ito?

Simulan mo na ngayon.

Hey, Yow! Hey, yow yow!

Saan mang lugar ka mapadpad,


sa probinsiya man o sa syudad,
Kapansin-pasin kagamitang dekalidad
Gawa ng mga Pilipinong maabilidad.

Kaalama’t kasanayang kagila-gilalas, Ng


mga Pinoy, may galling, at malalakas,
Gamit ang mga materyales na likas,
Mula sa mahal nating bansang Pilipinas.

Kahoy, niyog, buri, at kawayan,


abaka, lata, karton, at ceramics man,
kagamitang Pilipino magpakailanman, sa
husay at ganda, titingalain ninuman.

Hey, Yow! Hey, yow yow!

Tungkol saan ang isinasaad ng rap? Ano-anong materyales na


matatagpuan sa pamayanan ang nabanggit sa rap? Bakit mahalagang
pangangalagaan ang mga bagay na nasa ating paligid?

Gamit ang mga materyales na nabanggit sa rap, magbigay ng mga


halimbawa ng mga kagamitan na maaaring mabuo.

5
Suriin

Nakalikha ka na ba ng mga bagay-bagay na kapaki- pakinabang? Ang


galing naman! Ano ba ang mga kagamitan na iyong ginamit? Ito ba ay makikita
lamang sa paligid? Baka maaari mo ng gawing kabuhayan iyan!

Sa pagbuo ng mga sariling disenyo kailangan mo ng iba’t ibang


materyales gaya ng mga sumusunod:

Mga Materyales na Nakukuha sa Pamayanan

1. Kahoy at tabla – ito ay isang kagamitan na nagmula sa mga puno tulad


ng Molave, Narra, Yakal, Kamagong, Apitong at iba pa na ginagamit sa
karpinterya.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa kahoy o tabla: pintuan,
mesa, upuan, at aparador

6
2. Seramika – ito ay mga produktong gawa sa luwad o clay. Ito ay
ginagamitan ng hurno upang mahulma ito sa nais na mga anyo o hugis
at pinatigas sa pamamagitan ng apoy.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa seramika: paso, banga,
palayok, at palamuti
3. Karton – ito ay kahong gawa sa matigas na papel at karaniwang
pinaglalagyan ng mga kalakal. Kadalasan ito ay maituturing na mga
patapong bagay na maaaring mapakinabangan na puweding gawing
bagong produkto o proyekto.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa karton: palamuti at laruan
4. Lata – ito ay isang uri ng materyales na nagmula sa pinagtabasan ng
yero na maaaring gamitin sa paggawa ng proyekto, palamuti, o anomang
kagamitan sa bahay.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa lata: dustpan, paso,
plorera, lalagyan ng mga lapis at panulat, at palamuti

5. Kawayan – ito ay ginamit sa paggawa ng kubo, kama, mesa, upuan,


sala set, basket, bilao, sandok, plorera, alkansiya, mug, cellphone speaker
at holder, chandelier, lampshade, souvenir items, pamaypay at ginagamit na
palamuti.

Maraming mabubuting naidudulot ang paggawa ng mga produktong


gawa sa kahoy, ceramics, karton, lata, at kawayan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Maaaring mapagkakitaan
2. Makagagawa ng proyekto pansarili sa bahay at maaari ring ipagbili
3. Magkakaroon ng libangan upang makaiwas sa mga masasamang
bisyo, droga, barkada
4. Maganda ring ehersisyo na magpapalakas ng katawan
5. Makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng pamilya at maging ng
pamayanan
6. Makapagbibigay ng pagkakataon sa pagtatrabaho at makatulong sa
paglutas ng isa sa mga suliranin ng bansa, ang kakulangan o kawalan
ng hanapbuhay.

Sa paggawa ng sariling disenyo sa pagbuo ng produkto o proyektong


7
gawa sa kahoy, ceramics, karton, lata, at kawayan. dapat isaalang-alang ang
mga sumusunod:
1. Tamang pamamaraan sa paggawa ng proyekto
2. Oras na dapat matapos ang proyekto
3. Paggamit ng angkop na kagamitan at paraan ng paggamit ng mga ito
4. Isaalang-alang din ang lugar na paggagawaan
5. Lapatan ng angkop na ayos ang nabuong produkto upang lalong
lumutang ang ganda

Pagyamanin

Gawain 1 – Tukuyin Mo!

Panuto: Magbigay ng dalawang uri ng proyekto o produkto na maaaring


magawa sa sumusunod na materyales. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

a. kahoy

1.
2.

b. ceramics

1.
2.

c. lata

1.
2.
d. karton

1.
2.

e. kawayan

1.
2.

8
Isaisip

Gawain 2 – Buuin Mo Ako!

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot mula sa mga salita sa loob ng
kahon upang mabuo ang talata. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

pakinabangan matutunan

malikhain

pang-industriya produkto

Maraming mga bagay-bagay sa iyong paligid na maaaring gamitin


upang makabuo ng isang produktong maaari mong (1)
. Kinakailanagan lamang na ikaw ay maging
mapagmasid at (2) . Maaari rin namang
sumangguni sa mga kaibigan o maging sa internet upang makalikha ng
isang makabuluhang produkto.

Sa paggawa ng isang bagay ang pagsisimula ang laging mahirap,


subalit habang ito ay tumatagal lalo mo itong mapaghuhusayan.
Mahalagang (3) ang
mga kaalaman, kasanayan, at gawaing pangkaligtasang nakapaloob sa
bawat lawak ng gawaing (4) sapagkat ito
ang maging batayan sa paggawa at pagkakaroon ng pagkakakitaan.

Sa paggawa ng panibagong proyektong kapaki-pakinabang na


ginagamitan ng malikhaing pag-iisip, talento, at kakayahan na maaari mong
magamit sa pagbuo ng bagong disenyo ng (5)
.

9
Isagawa

Gawain A – Opinyon Mo, Mahalaga

Panuto: Sa kalakip na sanayang papel, sagutin ang


mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang mga mabubuting naidudulot ng paggawa ng mga produktong


gawa sa kahoy, ceramics, karton at lata?

2. Bakit kailangan mong sundin ang mga pamamaraan at


pamantayan sa paggawa?

10
Gawain B – Hanapin Mo

Panuto: Suriin ang puzzle. Hanapin at bilugan ang mga salitang isinasaad
sa bawat talata sa ibaba. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

K A H O Y P K

A J D L M A A

R Y H K N S W

T V X P D O A

O T R Y B C Y

N W S G J N A

D U S T P A N

Pahalang

Ginagawang pintuan, mesa, upuan, at aparador na nagmula


sa mga puno tulad ng Molave, Narra, Yakal, Kamagong,
Apitong at iba pa
Gawa sa lata na ginagamit na pandakot ng basura at alikabok

Pababa
Gawa sa luwad na karaniwang tinataniman ng bulaklak
Matigas na papel at karaniwang pinaglalagyan ng mga
kalakal
Ginagamit sa paggawa ng alkansiya, plorera, mesa, at upuan

11
Tayahin

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang sa kalakip na sanayang papel.

1. Ang karton ay maituturing na patapong bagay na maaaring


mapakinabangan.
2. Gawin ang proyekto ng mahusay at sa matagal na
panahon.
3. Hindi na kinakailangan ang hurno sa paghulma ng mga
anyo at hugis.
4. Ang latang pinagtabasan ay maaaring gamitin bilang palamuti
sa bahay.
5. Bago sisimulan ang isang produkto ugaliing siyasatin ang
mga materyales na gagamitin.
6. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na
tunay na kapaki-pakinabang.
7. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan
lamang sa mga halimbawa ng mga
kagamitang y
ari sa kahoy.

8. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy


ay maaari ng magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa.
9. Ang Narra ay isa sa pinakamatibay na kahoy na maaaring
gawing mesa at upuan.
10. Ang Nipa ay kadalasang ginagamit sa matitibay na bahay.

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng limang (5) materyales na makikita sa inyong


pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang proyekto na
maaaring magamit sa bahay. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.

1.
2.
3.
4.
5.

13
14
Isaisip
1. pakinabangan
2. malikhain
3. matutunan
4. pang- industriya
5. produkto
Subukin Subukin Tayahin
1. C 11.C 1. Tama
2. B 12.B 2. Mali
3. A 13.A 3. Mali
4. D 14.D 4. Tama
5. C 15.C 5. Tama
6. D 16.D 6. Tama
7. D 17.D 7. Tama
8. C 18.C 8. Tama
9. C 19.C 9. Tama
10.D 20.D 10.Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Roson, Shiela Mae R., Roberto B. Torres, and Randy R. Emen.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-
aaral 4. Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education-
Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR), 2019.
.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like