You are on page 1of 4

School: FRANZA ELEMENTARY SCHOOL Grade: 4

Name: MARIE JEAN S. LLAMAZARES Subject: EPP/IA


Quarter/ 3rd Quarter
Date: March 20, 2023
Week No: Week 6 Day 1

Time: RICARDO C. MEDRANO


Checked by: Principal I
I.Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pangindustriya
at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may
kasanayan sa pagsusukat at
pagpapahalaga sa mga batayang
gawain sa sining pang-industriya
na makapagpapaunlad sa
kabuhayan ng sariling
pamayanan
C. Pinakamahalagang Nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng
Kasanayan sa Pagkatuto produktong gawa sa kahoy,
ceramics, karton, o lata (o mga
(Most Essential Learning
materyales na nakukuha sa
Competencies- MELCS) pamayanan)
EPP4IA-0f-6
Naiisa-isa ang mga materyales na makukuha sa pamayanan
II. Nilalaman Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo ng Produktong Gawa sa Kahoy,
Ceramics, Karton, o Lata
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitan ng Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Modules
Kagamitan mula sa
DepEd Portal
B. Listahan ng mga Kagamitan Power Point Presentation
na gagamitin ng Guro sa
Pagtuturo sa Pagpapaunlad at
Pagpapalihan
III. Pamamaraan sa Pagtuturo
1. Panimulang Gawain
Pagtambalin ang mga larawang nasa Hanay A sa mga salitang nasa Hanay B.
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong aralin

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Marunong ka bang umawit? May inihanda akong liriko ng rap na iyong
kakantahin. Unawaing mabuti ang ibig ipahiwatig ng liriko upang masagutan
ang mga katanungan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Hey, Yow! Hey, yow yow!
bagong aralin
Saan mang lugar ka mapadpad, sa probinsiya man o sa syudad,
Kapansin-pasin kagamitang dekalidad Gawa ng mga Pilipinong maabilidad.
Kaalama’t kasanayang kagila-gilalas, Ng mga Pinoy, may galling, at malalakas,
Gamit ang mga materyales na likas, Mula sa mahal nating bansang Pilipinas.
Kahoy, niyog, buri, at kawayan, abaka, lata, karton, at ceramics man,
kagamitang Pilipino magpakailanman, sa husay at ganda, titingalain ninuman.
Hey, Yow! Hey, yow yow!
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Tungkol saan ang isinasaad ng rap? Ano-anong materyales na matatagpuan sa
at paglalahad ng bagong kasanayan pamayanan ang nabanggit sa rap? Bakit mahalagang pangangalagaan ang
mga bagay na nasa ating paligid?
#1
Gamit ang mga materyales na nabanggit sa rap, magbigay ng mga halimbawa
ng mga kagamitan na maaaring mabuo.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mga Materyales na Nakukuha sa Pamayanan
paglalahad ng bagong kasanayan #2 1. Kahoy at tabla – ito ay isang kagamitan na nagmula sa mga puno tulad ng
Molave, Narra, Yakal, Kamagong, Apitong at iba pa na ginagamit sa
karpinterya.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa kahoy o tabla: pintuan, mesa, upuan,
at aparador
2. Seramika – ito ay mga produktong gawa sa luwad o clay. Ito ay ginagamitan
ng hurno upang mahulma ito sa nais na mga anyo o hugis at pinatigas sa
pamamagitan ng apoy.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa seramika: paso, banga, palayok, at
palamuti
3. Karton – ito ay kahong gawa sa matigas na papel at karaniwang
pinaglalagyan ng mga kalakal. Kadalasan ito ay maituturing na mga patapong
bagay na maaaring mapakinabangan na puweding gawing bagong produkto o
proyekto.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa karton: palamuti at laruan
4. Lata – ito ay isang uri ng materyales na nagmula sa pinagtabasan ng yero na
maaaring gamitin sa paggawa ng proyekto, palamuti, o anomang kagamitan
sa bahay.
• Halimbawa ng mga kagamitang yari sa lata: dustpan, paso, plorera, lalagyan
ng mga lapis at panulat, at palamuti
5. Kawayan – ito ay ginamit sa paggawa ng kubo, kama, mesa, upuan, sala
set, basket, bilao, sandok, plorera, alkansiya, mug, cellphone speaker at
holder, chandelier, lampshade, souvenir items, pamaypay at ginagamit na
palamuti.

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Panuto: Magbigay ng dalawang uri ng proyekto o produkto na maaaring
araw na buhay magawa sa sumusunod na materyales.
a. kahoy
1.
2.
b. ceramics
1.
2.
c. lata
1.
2.
d. karton
1.
2.
e. kawayan
1.
2.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang mga mabubuting naidudulot ng paggawa ng mga produktong gawa
sa kahoy, ceramics, karton at lata?

Bakit kailangan mong sundin ang mga pamamaraan at pamantayan sa


paggawa?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Sa kalakip na sanayang
papel, bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay ang mabubuting naidudulot ng paggawa ng mga
produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton at lata maliban sa isa. Alin dito
ang hindi?
a. Maaaring mapagkakakitaan
b. Makaiiwas sa mga masasamang bisyo, droga, at barkada
c. Makatutulong sa pansariling kapakanan
d. Makapagbibigay ng libangan at trabaho
2. Alin ang tinatawag na pinakamatibay na kahoy?
a. Buri b. Narra c. Niyog
d. Rattan
3. Aling materyales ang kilala sa paggawa nang matitibay na kahoy?
a. Narra b. Nipa c. Niyog
d. Rattan
4. Ang mga produktong nabanggit ay gawa sa karton. Ano ang hindi
nabibilang sa grupo?
a. jewelry box c. ocean diorama
b. mga laruan d. salamin
5. Ano ang tawag sa kahoy na inihanda at handa ng gamitin?
a. board foot b. logging c. lumber d. tekstura
6. Alin ang isang uri ng lupa na ginagamit sa mga produktong luwad?
a. kahoy b. karton c. lata
d. ceramics
7. Alin sa mga sumusunod na produkto ang HINDI gawa sa karton?
a. Robot na gawa sa karton
b. Bahay kubo na gawa sa lumang karton
c. Laruang sasakyan na gawa sa iba’t ibang uri ng karton
d. Mesa at silya
8. Alin ang isang uri ng materyales na nagmula sa pinagtabasan ng yero na
maaaring gamitin sa paggawa ng proyekto, palamuti o anomang kagamitan sa
bahay.
a. kahoy b. karton c. lata d. ceramics
9. Alin ang ginamit sa paggawa ng kubo, kama, mesa, upuan, sala set, basket,
bilao, sandok, plorera, alkansiya, mug, cellphone speaker and holder,
chandelier, lampshade, souvenir items, pamaypay at ginagamit na palamuti?
a. kahoy b. karton c. kawayan d. lata
10. Alin ang kinakailangan sa pagdidisenyo ng proyekto o produktong gawa sa
iba’t ibang materyales?
a. kakayahan c. talent
b. malikhaing pag-iisip d. lahat ng nabanggit
J. Karagdagang Gawain para sa Panuto: Magsaliksik ng limang (5) materyales na makikita sa inyong
takdang-aralin at remediation pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang proyekto na
maaaring magamit sa bahay. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.
IV. Mga Tala
V.
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatutulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like