You are on page 1of 3

Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________________ Baitang/Pangkat:________________

Guro _________________________________________________________Petsa ng Pagpasa________________

QUICK STUDY NOTES


(Isang Mabilisang Hakbang sa Pagkatuto sa Araling EPP 5)
Industrial Arts week 1

A. PAKSA: Mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy,


metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan.

B. ALAMIN MO
Ang pangkalahatang gawaing pang-industriya ay mayroong iba’t ibang
uri ng gawain:

1. Gawaing Kahoy – Ang kahoy ang pangunahing materyales sa


paggawa ng iba’t ibang proyekto tulad ng upuan, laruan, mesa, kwadro,
cabinet at palamuting pandingding. Ginagawa ito sa iba’t ibang paraan.
Nagiging kaakit-akit ang mga proyekto kung may barnis o pintura. Ang mga
kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy ay ang mga sumusunod:
paglalagare, pagsusukat, at pagpupukpok.

2. Gawaing Metal – Ang aluminum, alambre, lata at yero ang


ginagamit sa pagbuo ng proyektong nabibilang sa gawaing metal.
Halimbawa nito ay ang mga laruang dyip, trak, at ibon. Ang mga halimbawa
naman ng mga kagamitan ay dustpan, timba, ash tray, fruit tray, lalagyan
ng napkin at bookshelf.

3. Gawaing Kawayan – Ang kawayan ay matibay na gamitin sa


paggawa ng mga kapaki-pakinabang na kagamitang mapagkakakitaan tulad
ng mga muwebles, lampara, bulaklak, pandekorasyon at basket. Ginagamit
din ito sa paggawa ng bahay.

4. Gawaing Pang-Elektrisidad – Ang mga gawaing may kaugnayan


sa elektrisidad ay ang pag-aayos ng sirang fuse, kordon ng plantsa,
extension cord, at pundidong ilaw.

C. SUBUKIN MO
I. Iguhit sa iyong sagutang papel ang masayang mukha ( ) kung ang
pahayag ay TAMA at malungkot na mukha ( ) naman kung ang pahayag
ay MALI.

________ 1. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga
halimbawa ng mga kagamitang gawa sa kahoy.
________ 2. Maaaring magkumpuni ng mga sirang upuan at lamesa kung
may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy.
________ 3. Ang mga gawaing metal ay tumutukoy sa mga bagay o
kasangkapan na gumagamit ng mga materyales na metal tulad
ng bakal, aluminum, zinc, stainless, ginto at pilak.
________ 4. Ang kawayan ay matibay na gamiting sa paggawa ng mga
kapaki-pakinabang na kagamitang mapagkakakitaan.
________ 5. Ang paggamit ng barnis o pintura ay hindi nakapagaganda ng
proyekto o kagamitan.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

6. Malaki ang maitutulong sa pamilya sa kanilang _________ kung


mayroong kaalaman sa gawaing kahoy, metal at kawayan.
a. kahirapan c. paglalaro
b. pag-unlad d. pag-iisip
7. Ano ang karaniwang tumutubo sa lahat ng pook sa Pilipinas?
a. muwebles c. kawayan
b. metal d. seramiko
8. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang gawa sa kahoy, maliban sa
isa. Alin ito?
a. mesa c. kabinet
b. upuan d. dustpan
9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng gawaing pang-
elektrisidad?
a. bulaklak c. extension cord
b. ash tray d. basket
10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng gawaing metal?
a. muwebles c. lampara
b. pundidong ilaw d. fruit tray

D. ANG AKING NATUTUHAN


Ang aking natutuhan tungkol sa mahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na
materyales sa pamayanan.

You might also like