You are on page 1of 4

EPP 5 (INDUSTRIAL ARTS)

QUARTER 3
Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat ____________________

Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy, Metal, Kawayan at Iba pang Lokal na Materyales sa Pamayanan

Panimula (Susing Konsepto):

Sa araling ito matutuhan mo ang mga mahalagang kaalaman sa mga gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na
materyales sa paggawa ng mga produkto. Ito ay makakatulong upang mapalawak ang kakayahan at kasanayan sa paggawa.
Ang paghahasa sa kasanayan sa paggawa ay makakatulong sa pagbibigay ng ikabubuhay ng isang pamilya. Ang mga uri ng
kahoy na maaring gamitin sa pagbuo ng isang produkto ay naaayon kung ano ang sagana sa isang lugar. Maraming kasanayan
at produkto ang maaaring magawa gamit ang kahoy katulad ng bakya, lamesa, upuan, pintuan, bintana at marami pang iba.

Ang pagbuo ng isang produkto gamit ang metal ay lubhang nakapadaling mahanap sapagkat marami ang mga patapong
bagay na pwede muling gamitin halimbawa ang mga gamit o tirang mga bakal, kawad ng kuryente, lata, tansan, patapong mga
G.I. Sheet, liso (Plain sheet), at marami pang iba na gawa sa aluminyo, zinc, stainless, ginto at pilak. Sa mga nabanggit maari
kang makabuo ng paso, gadgaran, dust pan, kwintas at marami pang iba.

Isa pang materyales sa pagbuo ng isang produkto ay ang kawayan, ito ay matatagpuan sa halos lahat ng pook ng
Pilipinas. Mayroong iba’t-ibang uri ng kawayan sa Pilipinas. Ilan dito ay ang Bayog, ito ay matuwid, makintab at walang tinik,
Anos na nakikilala sa kanyang pamumulaklak at ginagamit sa paggawa ng kagamitang pang musika, kawayang killing na
mayroong dilaw na tangkay, Botong ang uri ng ginagamit sa mga balsa na may taas na 14 hangang 20 metro at kawayang
boho, kawayang tinik. Giant bamboo na may taas na 20 hangang 30 metro ang taas at, kawayang tinik ang pangalan nito ay
umaayon sa pagkakaroon nito ng tinik at umaabot ito ng taas ng 10 hangang 25 metro, at Boho naman ang ginagamit sa
paggawa ng mga flute at iba pang handicraft na proyekto. Bikal ang uri ng kawayan na sumasampa, may bulaklak at may
diyametrong dalawa.

Mayroong iba’t-ibang mga pangunahing pagproseso at paggamit ng kawayan upang ito ay hindi masira ng mga insekto
at pasukan ng tubig upang hindi ito madaling masira. Ito ay ang pagpahid ng kerosene o langis ng krudo. Ang bleaching naman
ay ginagawa sa kawayan upang ito ay pumuti o maalis ang orihinal na kulay nito. Dyeing naman kung ito ay nilalagyan ng iba’t-
ibang kulay gamit ang chemical dye. Pyrography naman ang proseso sa paglagay ng disenyo gamit ang mainit na kawad.

Sa Pilipinas maraming pang ibang mga lokal na materyales katulad ng mga nakikita sa tabing dagat na kabibe, talaba,
paros, talaba, pilipit. Mga hibla mula abaca, piña, kapok, bulak, coir (ito ay mula sa hibla ng talupak ng niyog), bao, balat, rattan
at kahoy. Ang paggamit ng mga materyales na ito ay makakatulong sa pagbuo ng mga produkto na makakatulong sa pagunlad
sa kabuhayan ng pamilya. Kasanayang Pampagkatuto at Koda: Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa
gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan. (EPP5IA-0a-1).
Gawain 1
Panuto. Tukuyin kung anong materyales gawa ang mga nabuong produkto. Isulat sa patlang ang sagot.

Gawain 2
Panuto. Basahin ang mga tanong at piliin ang titik na may tamang kasagutan at isulat sapatlang.

______1. Anong uri ng kawayan ang ginagamit sa pagbuo ng kagamitang pang musika?

A. Bayong B. Anos C. Giant bamboo D. Botong

______2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paraang ginagawa sa kawayan upang ito ay pumuti?

A. Bleaching B. Pyrography C. Skinning D. Cleaning

______3. Ano ang proseso sa paglalagay ng disenyo sa kawayan gamit ang mainit na kawad?

A. Drawing B. Sketching C. Pynography D. Bayog

______4. Anong uri ng kawayan ang ginagawang balsa?

A. Giant bamboo B. Botong C. Anos D. Bayog

______5. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa paggawa ng flute?

A. Botong B. Boho C. Bayog D. Bikal


______6. Alin sa mga sumusunod na lokal na materyales ang ginagawang Barong Tagalog?

A. hibla ng pinya B. hibla ng niyog C. hibla ng rattan D. balat ng kahoy

______7. Ano ang materyales na pwedeng gawing lamesa?

A. kahoy B. lata C. Ginto D. Pilak

______8. Alin ang materyales na nakikita a tabing dagat na pwedeng gawing kwintas.

A. tansan B. kabibe C. kabute D. botong

______9. Anong uri ng kawayan ang yumuyuko at may bulaklak?

A. Bikal B. Boho C. Boyoy D. Botong

______10. Alin ang pwedeng gawing sofa sa silid tanggapan?

A. Rattan B. Liso C. Hibla ng pinya C. balat ng kahoy

Gawain 3
Panuto. Magmasid sa loob ng inyong bahay. Itala ang mga bagay na gawa sa mga sumusunod:
A. Tatlong bagay na gawa sa kahoy.

1. _________________________________________________

2. _________________________________________________

3. _________________________________________________

B. Dalawang bagay na gawa sa lata o bakal.

4. ________________________________________________

5. ________________________________________________

C. Limang bagay na gawa sa rattan, liso (Plain sheet), at marami pang iba na gawa sa aluminum, zinc, stainless, ginto at pilak.

6. ________________________________________________

7. ________________________________________________

8. ________________________________________________

9. ________________________________________________

10. _______________________________________________

You might also like