You are on page 1of 82

Materyales na Gamit sa mga

Gawaing Pang-industriya
• Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman.
Bilang patunay, marami tayong mga produkto at
natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga mamamayan. Napararangalan sa iba't ibang
larangan sa ibang bansa dahil sa mga yamang mineral,
agrikultura, yamang-dagat, at iba pa. Ang mga ito ay
patuloy na magagamit hanggang sa hinaharap basta
tama ang paglinang at paggamit nito. Ang Ilan sa mga
materyal na ito ay ang sumusunod:
1. Kawayan
Ang kawayan ay isa sa mga pinakakilalang uri ng
halaman dahil sa taglay nitong tatag. Karaniwang
makikita na nakatanim ito saan mang bahagi ng
ating bansa. Mula sa maliliit at malalaking
kasangkapan, karaniwang ito ay ginagamit ng mga
mamamayan. Tinatayang may mahigit 49 na uri ng
kawayan. Walo rito ay karaniwang ginagamit sa
ating bansa. Ang mga ito ay ang sumusunod:
•a. Anos (Schizostachyum lima). Isang
uri ng namumulaklak na kawayang
likas na natatagpuan sa ating bansa.
Ito ay pinaparami sa pamamagitan ng
binhi o ginagamitan ng hiwang
rhizome.
Anos
(Schizostachyum
lima)
• b. Bayog (Dendrocalamus merilliana). Ito ay uri ng
kawayang tuwid, makintab ngunit walang tinik.
Umaabot ang taas nito sa 10 hanggang 25m at
may kapal na 4 hanggang 12cm. Ginagamit ito sa
paggawa ng bahay, kasangkapan o muwebles,
papel, basket, at panggatong. Karaniwan itong
nabubuhay sa mababa at katamtamang taas ng
lugar.
Bayog
(Dendrocalamus
merilliana)
• c. Botong (Dendrocalamus latiflorus). Ito ay uri ng
kawayan na matatagpuan sa mga bansa sa Asya. Sa
Pilipinas, ito ay umaabot ng taas na 14 hanggang
20m at nabubuhay sa matataas at maiinit na lugar.
Ito ay ginagamit sa paggawa ng bahay, tubong
tubig, balsa, pangingisda, at papel. Karaniwan, ang
mga dahon nito ay ginagamit sa paggawa ng
sombrero at pang balot ng gamit.
Botong
(Dendrocalamus
latiflorus)
• d. Buho (Schizostachyum lumampao). Ito ay
tinatawag ding sawali at nabubuhay sa matataas
at maiinit na lugar. Napaparami ang ganitong un
ng kawayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng
buto nito. Ginagamit ito sa paggawa ng flute,
handicrafts, at mga disenyo sa mga parke.
•e. Kawayang Bolo (Gigantochloa levis). Ang
uri ng kawayan na karaniwan ay kumpol sa
isang lugar, mabalahibo, at may lapad na 5
hanggang 10cm. Lumalaki ito mula 12
hanggang 20m. Ginagamit din ito sa
paggawa ng haligi at bubong ng tahanan.
Kawayang Bolo (Gigantochloa levis).
• f. Kawayan Kiling (Bambusa vulgaris). Ito ay tuwid
at may dilaw na tangkay. Ito ay may taas na
umaabot hanggang 17m at may lapad na 15cm. Ito
ay makinis at walang tinik. Ang labong nito ay
nagsisilbing pagkain at ginagamit sa paggawa ng
atchara, paggawa ng papel, sangkap sa mga gamit
pampaganda, at ang mga tangkay nito ay
ginagamit sa paggawa ng tulay at mga bahay.
Kawayan Kiling (Bambusa vulgaris).
•g. Kawayan Tinik (Bambusa spinosa). Ito
ay karaniwang may mga tinik at ang
tangkay nito ay umaabot ng 10
hanggang 25m, may lapad na 8
hanggang 15cm at namumulaklak.
Maaari rin itong kainin at ipanggamot.
Kawayan Tinik
(Bambusa spinosa)
• h. Giant Bamboo (Dendrocalamus asper). Ang
uri ng kawayan na ito ay magaspang at
karaniwang nasa kumpol. Ito ay may taas na
umaabot mula 20 hanggang 30m at may lapad
na 8 hanggang 20cm. Ang mga gamit nito ay
sa paggawa ng bahay at tulay, instrumentong
musikal, chopsticks, muwebles, at lutuan.
Giant Bamboo
(Dendrocalamus asper)
2. Rattan
• Ang rattan ay isang uri ng halaman na tumutubo
mula 250 hanggang 650m. Ito ay karaniwang
makikita sa Afrika, India, Timog Silangang Asya.
May tendrils ito sa dulo ng mga dahon kaya ito ay
may kakayahang gumapang sa mga puno. Ang
rattan ay ginagamit sa paggawa ng mga
kasangkapan sa bahay tulad ng upuan, duyan,
higaan, kabinet, at malalaking buslo.
Rattan
Rattan
bags
Rattan chair
Rattan
products
3. Mga Himaymay (fibers)
• a. Abaka. Ito ay isang klase ng sinulid, seda, o
himaymay na gawa sa puno ng abaka. Tinatawag
din itong Musa Textilis sa wikang Latin at Manila
hemp naman sa Wikang Tagalog. Tumutubo ang
halamang ito na may taas na 20 talampakan
(6m). Ang fiber nito ay ginagamit sa paggawa ng
sinulid, lubid, manila paper, at damit.
Abaca plant
• b. Buri. Ito ay isa sa pinakamalalaking halamang
Palmera. Ang bunga nito ay puwedeng matamisin, ang
ubod ay maaaring ulamin. Ang katas nito ay ginagawa
namang tuba, at ang fiber nito na tinatawag na "buntal"
ay ginagawa namang sombrero. Ang midrib ng dahon
ay ginagamit sa paggawa ng walis, basket, at iba pang
kasangkapan. Ang kahoy nito ay ginagawang "tabla."
Ang halamang ito ay umaabot ng 20 hanggang 40m.
Buri plant
• c. Rami. Ito ay tinatawag ring Amiray at Ramie
naman sa Ingles. Karaniwang ang halamang ito
ay tumutubo sa lugar na may mainit na klima.
Tumataas ito ng 1 hanggang 2.5m. May lapad
itong 7 hanggang 15cm. Ito ay ginagamit sa
paggawa ng tela. Ang fiber nito ay mas matibay
sa seda at bulak.
•d. Pinya. Ito ay may pangalan na Ananas
comosus at marami itong mga mata. Ang
fiber nito ay ginagamit sa paggawa ng
mga tela at papel dahil sa taglay nitong
pino, puti, lambot, at pagkasutla.
4. Niyog
Ito ay isang uring palmera na lumalaki hanggang
25m pataas. Ang katawan naman nito ay may
sukat na 30 hanggang 50sm. Tumutubo ito sa iba't
ibang bahagi ng Pilipinas. Tinatawag itong "Tree of
Life" dahil sa dami ng gamit na taglay nito. Dito
nagmumula ang virgin coconut oil, copra, at
panggamot para sa mga may sakit sa pag-ihi.
5. Kahoy
Tumutukoy sa matigas na bahagi ng puno. Ito ay may
pibro at karaniwang ginagamit sa paggawa ng kabuuan
ng bahay. Karaniwan sa mga kasangkapan sa bahay
tulad ng muwebles ay mula rito. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang yakal, molave, narra, at kamagong. Ang
malalambot naman na kahoy katulad ng lawan,
palosapis dao, at mahogany ay ginagamit sa paggawa
ng kuwadro, papel, at palito ng posporo.
6. Katad (leather)
• Ito ay tumutukoy sa mga balat ng malalaking hayop,
katulad ng baka o mga wangis-baka. Dumaan ito sa
mahabang pagpoproseso para mapanatili ang
katibayan at angking katangian. Ang karaniwang mga
gamit nito ay sa paggawa ng sapatos, dyaket,
mahahabang pangginaw, palda, at iba pang mga damit.
Ginagamit din ito sa paggawa ng sinturon, bag, maleta,
at mga kasangkapang pambahay at pang-opisina.
Katad
7. Metal
• Tumutukoy ito sa anumang uri ng elemento kagaya ng
aluminyo, pilak, ginto, at iba pa. Karaniwang
inilalarawan ang mga ito batay sa kintab, tibay, pag-
conduct ng init at elektrisidad. Ang ilan sa mga
kagamitang yari sa metal ay susi, bubong, seradura o
kandado, tanikala, tubo, alambre, martilyo, tornilyo,
kagamitan sa pagluluto, at mga kubyertos.
8. Seramika

•Ang uri ng lupa na ginagamit sa mga


produktong seramika ay luwad. Ito ay
pino, malagkit, at ang karaniwang kulay
ay dilaw, pula, o abo. Hurno ang
ginagamit upang maihulma ito sa nais na
mga anyo at upang matuyo agad.
9. Plastik
• Tumutukoy sa materyal na binubuo ng malawak na
uri ng synthetic organics at compound. Ginawa ito
mula sa organic compounds gamit ang prosesong
polymerization. Ito ay maaaring imolde sa iba't ibang
anyo sa solidong mga bagay. Ilan sa mga produktong
yari sa plastik ay lalagyan ng mga inumin, baso,
plato, lutuan, basket, kutsara at tinidor, straws, CD,
mga appliances, at ilang bahagi ng mga sasakyan.
10. Elektrisidad

• Ito ay mga materyal na ginagamit sa


pagsusuplay ng koryente, sa pag-iinit at pag-
iilaw. Napadadali nito ang mga gawaing-
elektrisidad. Halimbawa ay ang mga kable
na yari sa tanso, nichrome, transformer,
insulators, kagaya ng ga plastic insulators,
seramika at iba pa.
11. Kabibe
• Ang kabibe, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas at
pamprotektang panlabas na balat, kaha, balot, o baluti
na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba't ibang
hayop, kabilang na ang mga maluska, trepan,
krustasyano, pagong, pawikan, at iba pa. Karaniwan sa
mga produktong yari sa kabibe ay palamuti sa bahay,
katawan, bag, wallet, at iba pang muwebles sa bahay.
Ang Ilan sa laman-dagat na may kabibe ay tahong, conch,
talaba, cone, at whelk.
•Tahong
Conch
Talaba
Cone
Whelk
12. Baging

•Ito ay mga materyales din na


maaaring gamitin sa paggawa ng
iba’t ibang produkto tulad ng
kampanilya, niyug-niyogan, haomin,
at kadena de amor.
Iba’t Ibang Uri ng Gawaing Pang-
Industriya at Kahalagahan Nito
Gawaing Pang-Industriya Halimbawa ng Gawain Mga Kaalaman/
Kahalagahan
1. Gawaing-kahoy Pagkakarpintero Hanapbuhay, pagkukumpuni
ng silya, upuan, mesa, at
bakod

2. Gawaing-metal Latero, Welder Paggamit ng mga metal para


sa mga gamit sa bahay,
pagbuo ng mga dust pan,
gadgaran, habonera, kahon
ng resipi, at kuwadro

3. Gawaing-elektrisidad Electrical engineer, Pagkukumpuni ng mga sirang


Technician appliances, pagkukumpuni ng
mga sirang wiring system
WW 4.1
May 5, 2023
I. A. Isulat ang salitang TAMA kung ang nilalaman ng
pangungusap ay wasto; MALI naman kung hindi wasto
sa nilalaman ng aytem.

1. Ang Rattan ay tinaguriang "Tree of Life" dahil sa


napakaraming gamit nito.
2. Ang Katad ay mula sa lupang luwad at madaling ihulma.
3. Ang Abaka ay halaman na ginagamit sa paggawa ng tela at
papel.
4. Ang plastik ay yari sa metallic compound at sumasailalim sa
prosesong decomposition upang mas tumibay ito.
5. Ang balat ng hayop ay tinatawag ding Amiray na karaniwang
binibilad upang mahabi bilang damit at sinturon.
B. Ibigay ang tinutukoy sa bawat
bilang.
1. Ito ay may 49 na uri at walo dito ay karaniwang ginagamit sa
Pilipinas. Matibay at maraming gamit sa pamayanan.
2. Ito ay tinatawag ding palmera at isa sa pinapakamataas sa uri nito.
3. Ang material na ito ay binubuo ng iba't ibang uri ng
elemento,makintab, matibay, maaring daluyan ng koryente at init.
4. Tinatawag itong yantok at ginagamit sa paggawa ng mga muebles
at bahay.
5. Ang materyal na ito ay ginagamit sa paggawa ng lubid, manila
paper at damit.
II. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Si Mang Ernesto ay kilala sa pagiging magaling na


karpinterosa Baranggay Sta. Lucia. Sa anong gawaing
pang-industriya nahahanaY ang kaniyang
propesyon?
a. gawaing-metal c. gawaing-elektrisidad
b. gawaing-kahoy d. lahat ng nabanggit
2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-
pakinabang sa mga mamamayan?
a. bunga c. dahon
b. kahoy d. lahat ng nabanggit
3. Ang molave, narra, at
kamagong ay nakapaloob sa
anong materyal na industriyal?
a. niyog c. katad
b. kahoy d. himaymay
4. Anong uri ng himaymay na materyal
na karaniwan ay gumagapang at
ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan,
at kabinet?
a. abaka c. niyog
b. rattan d. kawayan
5. Paano napatitibay ang mga balat ng
mga hayop na tinatawag ding katad?
a.sa pamamagitan ng paggagamot
b. sa pamamagitan ng pag-aasin
c. sa pamamagitan ng pananahi
d. sa pamamagitan na pagdidikit

You might also like