You are on page 1of 8

DEPARTMENT OF EDUCATION

Republic of the Philippines


Department of Education – Region III Central Luzon
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

EPP 5
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 1

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan,
elektrisidad, at iba pa.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
kahoy, metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa.

C. Kasanayan sa Pagkatuto (Most Essential Learning Competencies):


Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing
kahoy, metal, kawayan, at iba pang local na materyales sa pamayanan.

LAYUNIN:
Natutukoy ang mga gawaing pang-industriya
Naiisa- isa ang mga pang-industriyang materyales

II. NILALAMAN:

Aralin: MGA GAWAING PANG – INDUSTRIYA


MGA PAKSA:
⌂ Mga gawaing pang-industriya
⌂ Pang-industriyang materyales
KAGAMITANG PANTURO:
A. Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran EPP 5
pahina 174-181

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Iba’t ibang larawan mula sa Google

º https://bit.ly/3IJWMLL º https://bit.ly/33p8mLT
º https://bit.ly/3DW0Dlf º https://bit.ly/3oX89rU
º https://bit.ly/3pWMzD9 º https://bit.ly/3dPRTST
º https://bit.ly/3pWMzD9 º https://bit.ly/31X3Y6d
º https://bit.ly/3m7zSUN º https://bit.ly/3GL0ym9
º https://bit.ly/3yptYDz º https://bit.ly/3m6Vpgf
º https://bit.ly/3IM5wRD º https://bit.ly/3yyCz6P
º https://bit.ly/32007VZ º https://bit.ly/3yrQFH8
º https://bit.ly/322Dgt8 º https://bit.ly/3GItKdn
º https://bit.ly/31Yg8w2 º https://bit.ly/3DXzo9Y
º https://bit.ly/3m5Lg3I º https://bit.ly/3EVBGYw

1|EPP – 5/Industrial Arts


III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Handa ka na ba sa ating ikatlong markahan ng ating aralin? Talakayin muna


natin ang iyong mga natutunan sa Agrikultura. Magbigay ng mga aralin na tumatak sa
iyong isipan. Isulat ito sa iyong sagutang papel kagaya ng nasa ibaba.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ano ang iyong masasabi sa mga larawan na


nasa kanan?

Ang iyong pag-aaralan para sa Ikatlong Markahan ay ang Sining Pang-industriya


kung saan binubuo ng iba’t ibang gawaing pang-industriya batay sa kung ano ang
mga kagamitan – ang sagana sa isang lugar.
Nilalayon ng gawaing pang-industriya na linangin, palawakin, at pausbungin ang
kasanayan sa mga gawaing-kamay at teknikal na kailangan sa pagtatrabaho na
kaugnay ng kasangkapan at makinaryang ginagamit.
Iba-ibang kasanayan ang lilinangin at pauusbungin sa bawat mag-aaral – ito ang
gawaing-kahoy, gawaing metal, at gawaing-pang-elektrisidad. Upang makatulong sa
pamilya kapag lubos na ang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

SUBUKIN ITO

Panuto: Tingnan mo ang mga salita na G K Q Q W E T P


nasa puzzle na may kinalaman sa aralin. A A F H J K L L
Hanapin ang local na materyales na H W T Y I O G A
karaniwan ay ginagamit sa iba’t ibang B A B A K A O S
larangan sa ating pamayanan. Isulat
ang mga nahanap na salita. Gawin ito N Y S F V M Y T
sa iyong sagutang papel kagaya ng K A B I B E I I
nasa ibaba. M N K O P T N K
D K D A T A K L
1. ___________________________ H S G H K L T U
2. ___________________________ S E R A M I K A
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________
6. ___________________________
7. ___________________________
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

2|EPP – 5/Industrial Arts


Materyales na Gamit sa mga Gawaing Pang-industriya

1. Kawayan – isa sa mga pinaka kilalang uri ng halaman dahil sa taglay nitong tatag.
Karaniwang makikita na nakatanim ito saan mang bahagi ng ating bansa.
Mula sa maliliit at malalaking kasangkapan, karaniwang ito ay ginagamit ng mga
mamamayan. Tinatayang may mahigit 49 na uri ng kawayan. Walo rito ay karaniwang
ginagamit sa ating bansa. Ang mga ito ay ang sumusunod:

a. Anos (Schizostachyum Lima) – isang uri ng namumulaklak na


kawayang likas na natatagpuan sa ating bansa. Ito ay
pinaparami sa pamamagitan ng binhi o ginagamitan ng
hiwang rhizome. Ginagamit ito sa paggawa ng sawali,
pamingwit, at kasangkapang pangmusika. Sa malalayong
pook, ginagamit ng ilang hilot ang kutsilyong yari sa anos
para putulin ang lawit ng pusod ng bata.

b. Bayog (Dendrocalamus Merilliana) – ito ay uri ng kawayang


tuwid, makintab ngunit walang tinik. Umaabot ang taas nito
sa 10 hanggang 25m at may kapal na 4 hanggang 12cm.
Ginagamit ito sa paggawa ng bahay, kasangkapan o
muwebles, papel, basket, at panggatong. Karaniwan itong
nabubuhay sa mababa at katamtamang taas ng lugar.

c. Botong (Dendrocalamus Latiflorus) – ito ay uri ng kawayan na


matatagpuan sa mga bansa sa Asya. Sa Pilipinas, ito ay
umaabot ng taas na 14 hanggang 20m at nabubuhay sa
mataas at maiinit na lugar. Ito ay ginagamit sa paggawa ng
bahay, tubong tubig, balsa, pangingisda, at papel.
Karaniwan ang mga dahon nito ay ginagamit sa paggawa
ng sombrero at pang balot ng gamit.

d. Buho (Schizostachyum Lumampao) – ito ay tinatawag ding


sawali at nabubuhay sa matataas at maiinit na lugar.
Napaparami ang ganitong uri ng kawayan sa pamamagitan
ng pagtatanim ng buto nito. Ginagamit ito sa paggawa ng
flute, handicrafts, at disenyo sa mga parke.

e. Kawayang Bolo (Gigantochloa Levis) – ang uri ng kawayan


na karaniwan ay kumpol sa isang lugar, mabalahibo, at may
lapad na 5 hanggang 10cm. Lumalaki ito mula 12 hanggang
20m. at ginagamit din ito sa paggawa ng haligi at bubong
ng tahanan.

f. Kawayang Kiling (Bambusa Vulgaris) – ito ay tuwid at may


dilaw na tangkay. Ito ay may taas na umaabot hanggang
17m at may lapad na 15cm, ito ay makinis at walang tinik.
Ang labong nito ay nagsisilbing pagkain at ginagamit sa
paggawa ng atchara, paggawa ng papel, sangkap sa mga
gamit pampaganda, at ang mga tangkay nito ay ginagamit
sa paggawa ng tulay at mga bahay.

3|EPP – 5/Industrial Arts


g. Kawayang Tinik (Bambusa Spinosa) – ito ay karaniwang
may mga tinik at ang tangkay nito ay umaabot ng 10
hanggang 25m, may lapad na 8 hanggang 15cm at
namumulaklak. Maaari rin itong kainin at ipanggamot.

h. Giant Bamboo (Dendrocalamus Asper) – ang uri ng


kawayan na ito ay magaspang at karaniwang nasa
kumpol. Ito ay may taas na umaabot mula 20 hanggang
30m at may lapad na 8 hanggang 20cm. Ang mga gamit
nito ay sa paggawa ng bahay at tulay, instrumentong
musikal, chopsticks, muwebles, at lutuan.

2. Rattan – isang uri ng halaman na tumutubo mula 250 hanggang


650m. Ito ay karaniwang makikita sa Africa, India, at Timog
Silangang Asya. May tendrils ito sa dulo ng mga dahon kaya ito
ay may kakayahang gumapang sa mga puno. Ang rattan ay
ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan sa bahay tulad ng
upuan, duyan, higaan, kabinet, at malalaking buslo.

3. Mga Himaymay

a. Abaka – Ito ay isang klase ng sinulid, seda o himaymay na


gawa sa puno ng saging. Tinatawag din itong Musa Textilis
sa wikang Latin at Manila hemp naman sa wikang Tagalog.
Tumutubo ang halamang ito na may taas na 20
talampakan (6m). Ang fiber nito ay ginagamit sa paggawa
ng sinulid, lubid, manila paper, at damit.

b. Buri – Ito ay isa sa pinakamalalaking halamang Palmera.


Ang bunga nito ay puwedeng matamisin, ang ubod ay
maaaring ulamin. Ang katas nito ay ginagawa namang
tuba, at ang fiber nito na tinatawag na “buntal” ay
ginagawang sombrero. Ang midrib ng dahon ay ginagamit
sa paggawa ng walis, basket, at iba pang kasangkapan.
Ang kahoy nito ay ginagawang “tabla”. Ang halamang ito
ay umaabot ng 20 hanggang 40m.

c. Rami – Ito ay tinatawag ring Amiray at Ramie naman sa


Ingles. Karaniwang ang halamang ito ay tumutubo sa lugar
na may mainit na klima. Tumataas ito ng 1 hanggang 2.5m.
May lapad itong 7 hanggang 15cm. Ito ay ginagamit sa
paggawa ng tela. Ang fiber nito ay mas matibay sa seda at
bulak.

4|EPP – 5/Industrial Arts


d. Pinya – Ito ay pangalan na Ananas Comosus at marami itong
mga mata. Ang fiber nito ay ginagamit sa paggawa ng mga
tela at papel dahil sa taglay nitong pino, puti, lambot, at
pagkasutla.

4. Niyog – ito ay isang uring palmera na lumalaki hanggang 25m


pataas. Ang katawan naman nito ay may sukat na 30 hanggang
50sm. Tumutubo ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Tinatawag
itong “Tree of Life” dahil sa dami ng gamit na taglay nito. Dito
nagmumula ang virgin coconut oil, copra, at panggamot para
sa mga may sakit sa pag-ihi.

5. Kahoy – tumutukoy sa matigas na bahagi ng puno. Ito ay may


pibro at karaniwang ginagamit sa paggawa ng kabuuan ng
bahay. Karaniwan sa mga kasangkapan sa bahay tulad ng
muwebles ay mula rito. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
yakal, molave, at kamagong. Ang malalambot naman na kahoy
katulad ng lawan, palosapis dao, at mahogany ay ginagamit sa
paggawa ng kwadro, papel, at palito ng posporo.

6. Katad – ito ay tumutukoy sa mga balat ng malalaking hayop,


katulad ng baka o mga wangis-baka. Dumaan ito sa mahabang
pagpoproseso para mapanatili ang katibayan at angking
katangian. Ang karaniwang mga gamit nito ay sa paggawa ng
sapatos, dyaket, mahahabang pangginaw, palda, at iba pang
mga damit. Ginagamit din ito sa paggawa ng sinturon, bag,
maleta, at mga kasangkapang pambahay at pang-opisina.

7. Metal – tumutukoy ito sa anumang uri ng elemento kagaya ng


aluminyo, pilak, ginto, at iba pa. Karaniwang inilalarawan ang
mga ito batay sa kintab, tibay, pag-conduct ng init at
elektrisidad. Ang ilan sa mga kagamitang yari sa metal ay susi,
bubong, seradura, o kandado, tanikala, tubo, alambre, martilyo,
tornilyo, kagamitan sa pagluluto, at mga kubyertos.

8. Seramika – ang uri ng lupa na ginagamit sa mga produktong


seramika ay luwad. Ito ay pino, malagkit, at ang karaniwang
kulay ay dilaw, pula, o abo. Hurno ang ginagamit upang
maihulma ito sa nais na mga anyo at upang matuyo agad.

9. Plastik – tumutukoy sa materyal na binubuo ng malawak na uri


ng synthetic organics at compound. Ginagawa ito mula sa
organic compounds gamit ang prosesong polymerization. Ito ay
maaaring imolde sa iba’t ibang anyo sa solidong mga bagay.
Ilan sa mga produktong yari sa plastik ay lalagyan ng mga
inumin, baso, plato, lutuan, basket, kutsara at tinidor, straws, CD,
mga appliances, at ilang bahagi ng mga sasakyan.

5|EPP – 5/Industrial Arts


10. Elektrisidad – ito ay mga materyal na ginagamit sa
pagsusuplay ng kuryente, sa pag-iinit, at pag-iilaw. Napapadali
nito ang mga gawaing-elektrisidad. Halimbawa ay ang mga
kable na yari sa tanso, nichrome, transformer, insulators kagaya
ng mga plactic insulators, seramika at iba pa.

11. Kabibe – ang kabibe, kapis, o sigay ay isang uri ng matigas


at pamprotektang panlabas ng balat, kaha, balot, o baluti na
nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba’t ibang hayop,
kabilang na ang mga maluska, trepan, krustasyano, pagong,
pawikan, at iba pa. Karaniwan sa mga produktong yari sa
kabibe ay palamuti sa bahay, katawan, bag, wallet, at iba pang
muwebles sa bahay. Ang ilan sa laman-dagat na may kabibe ay
tahong, conch, talaba, cone, at whelk.

12. Baging – ito ay mga materyales din na maaaring gamitin sa


paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng kampanilya, niyug-
iyugan, haomi, at kadena de amor.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2

Iba’t Ibang Uri ng Gawaing Pang-industriya at Kahalagahan Nito

Mga Kaalaman /
Gawaing Pang-industriya Halimbawa ng Gawain
Kahalagahan

Hanapbuhay,
Pagkakarpintero pagkukumpuni ng silya,
upuan, mesa, at bakod

Gawaing-kahoy

Paggamit ng mga metal


para sa mga gamit sa
bahay, pagbuo ng mga
Latero, Welder
dust pan, gadgaran,
habonera, kahon ng
resipi, at kuwardo
Gawaing-metal

Pagkukumpuni ng mga
Electronic Engineer, sirang appliances,
Technician pagkukumpuni ng mga
sirang wiring system

Gawaing-elektrisidad

6|EPP – 5/Industrial Arts


F. Paglinang sa Kabihasaan

SAGUTIN:
1. Ano-ano ang materyales na ginagamit sa mga gawaing pang-industriya?
Magbigay ng lima (5) sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

2. Ano ang mga halimbawa ng mga gawaing pang-industriya?

a.

b.

c.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

SAGUTIN:
1. Bakit kailangang iresaykel ang mga metal at plastik? Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

2. Paano mo mapapangalagaan ang likas na yaman upang matugunan ang mga


gawaing industriya? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

H. Paglalahat ng Aralin

❖ Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain sa iba’t


ibang larangan. Ang materyales na ginagamit ay batay sa dami at halaga nito
sa isang lugar.
❖ Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman na napakalaki ng naitulong sa
buong pamayanan.
❖ Ang ilan sa materyales na ginagamit sa mga gawaing pang-industriya ay ang
kawayan, rattan, kahoy, katad, niyog, seramika, metal, at iba pa.
❖ Ang ilan sa mga gawaing pang-industriya na ginagamit ng mga mamamayan
bilang kanilang hanapbuhay ay gawaing-kahoy, gawaing-metal, at gawaing-
elektrisidad.
❖ Bagamat sagana tayo sa materyales na ito, nararapat nating gawin ang
pagreresaykel upang maiwasan ang labis na pagdami ng basura sa paligid at
upang makatulong sa paglago ng pamayanan.

7|EPP – 5/Industrial Arts


I. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A B

____1. Tumutukoy ito sa anumang uri ng element kagaya a. Katad


ng aluminyo, pilak, ginto, at iba pa.
____2. Tinatawag itong “Tree of Life”. b. Metal
____3. Ito ay karaniwang makikita sa Africa, India, at c. Kawayan
Timog Silangang Asya.
____4. Tumutukoy sa mga balat ng malalaking hayop. d. Niyog
____5. Pinakakilalang uri ng halaman dahil sa taglay e. Rattan
nitong tatag.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Mang Ernesto ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Sta.


Lucia. Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kanyang propesyon?
a. gawaing-metal c. gawaing-elektrisidad
b. gawaing-kahoy d. lahat ng nabanggit

2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan?


a. bunga c. dahon
b. kahoy d. lahat ng nabanggit

3. Ang molave, narra, at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?


a. baging c. katad
b. kahoy d. himaymay

4. Anong uri ng himaymay na ang midrib o dahon ang ginagamit sa paggawa ng


walis, basket, at iba pang kasangkapan?
a. abaka c. buri
b. rami d. pinya

5. Ito ay uri ng materyal na karaniwang gumagapang at ginagamit sa paggawa ng


upuan, higaan, at kabinet.
a. rattan c. niyog
b. abaka d. kawayan

8|EPP – 5/Industrial Arts

You might also like