You are on page 1of 4

Division of City Schools

Cabanatuan District II
F.A. REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Cabanatuan City

LESSON PLAN
ART - GRADE FOUR

YUNIT 3: PAGLILIMBAG
Aralin Bilang 1: Testura (Texture)

I. Layunin:

A. Napapalawak ang kaalaman sa testura ng mga bagay.


B. Nailalarawan ang mga katangian ng testura ng mga bagay.
C. Nakagagawa ng isang disenyong panggilid gamit ang mga bagay na may iba’t
ibang testura.

II. Paksang Aralin:

A. Elemento ng Sining: Testura


B. Kagamitan: oslo paper, cardboard, gunting, pandikit, butones, hairclip,
barbecue sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga dahon na iba’t ibang hugis at
testura, acrylic paint, paint brush, dyaryo, at lumang plastic
C. Sanggunian: Sining sa Araw-Araw 4, pahina 15-20
D. Code: A4EL – IIIa
E. Values Integration (Knowledge of content within and across curriculum teaching
areas): Araling Panlipunan – Natutukoy ang mga produkto sa Pilipinas
Natutukoy ang mga produktong lokal ng Nueva Ecija
EsP – Natututunan ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa gawain.
Naipagmamalaki ang mga produkto sa sariling pamayanan.
Science - Namamasdan at Natutukoy ang mga bagay na matatagpuan sa
paligid.
Nasasabi ang iba’t ibang testura ng mga bagay.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral
Itanong: Ano ang ginamit mong mga elemento ng sining sa iginuhit mong
landscape?
2. Pagganyak
Ipasuri ang mga sumusunod na larawan/bagay at ipasagot ang mga
katanungan ukol sa mga ito. (Maaring gumamit ng mga tunay na bagay)
Division of City Schools
Cabanatuan District II
F.A. REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Cabanatuan City

1. Anu-anong mga disenyo ang nakikita ninyo?


2. Ano ang masasabi mo sa testura na nasa mga larawan/ iyong harapan?
3. Saan mo kadalasang nakikita ang mga disenyong tulad nito?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Maraming mga produktong yari sa Pilipinas na kinakalakal sa ibang bansa ang


nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa tibay at kakaibang ganda ng mga ito.
Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’t ibang disenyo na
nagpapakita ng lugar o pangkat na pinagmulan nito.

(Pagpapakita ng mga produktong Pilipino na gawa sa iba’t ibang rehiyon sa


Pilipinas gamit ang Powerpoint Presentation)

ITANONG:
a. Ang lahat ng mga bagay ay nagtataglay ng iba’t ibang testura. Ano ang
masasabi ninyo sa testura ng mga basket na yari sa yantok?
b. Ano ang masasabi ninyo testura ng mga pantalya (lampshades) na gawa
sa Pampanga? ; sa banig na yari sa abaka?; sa telang hinabi ng mga taga-
Mindanao?; sa mga bag na yari sa buri?
c. Masdan ang inyong paligid. Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na
makikita sa paligid at sabihin kung anong testura nito.
d. Bakit nagkakaiba-iba ang testura ng mga bagay?
e. Paano natin malalaman ang testura ng isang bagay?

2. Gawaing Pansining

a. Ngayong araw ay gagawa tayo ng isang likhang sining na border design na


nagpapakita ng iba’t ibang testura.
b. Anong katangian ang dapat mayroon sa isang bata sa pagawa ng isang
gawain? (Matiyaga)
(Ipagawa sa mga bata ang nasa LM Aralin 1)
Division of City Schools
Cabanatuan District II
F.A. REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Cabanatuan City

3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

ITANONG:
a. Ano ang masasabi mo sa iyong obra? Saan mo maaaring gamitin ang
natapos mong border design?
b. Ilarawan ang testura ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng
disenyo?
c. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglagay ng disenyo sa mga bagay o
produkto?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

a. Ano ang napapansin ninyo sa mga testura ng mga bagay sa paligid?

# Ang mga bagay sa paligid ay nagtataglay ng testura. Ito ay maaaring


may magaspang, malambot, at makinis na testura.

2. Replikiyon

a. Paano mo maipagmamalaki ang mga produkto sa inyong pamayanan?

IV. Pagtataya

Palagyan ng tsek ang antas na naabot ng mga bata sa bawat kasanayan.

PAMANTAYAN Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod


pamantayan ng pamantayan sa pamantayan
higit sa inaasahan subalit may ilang
pagkukulang
(3) (2) (1)
1. Nasunod ko ang pamamaraan
sa paglilimbag at nakabuo ng
sariling disenyo.
2. Gumamit ako ng mga bagay na
may iba’t ibang testura sa
pagbuo ng disenyo.
3. Naipaliwanag ko ang natapos
na likhang sining.
4. Napahalagahan ko ang likhang
sining sa pamamagitan ng
paggamit at pagbahagi nito sa
iba.
5. Naitanghal ko ang natapos na
gawain.
Division of City Schools
Cabanatuan District II
F.A. REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Cabanatuan City

V. Takdang Gawain / Kasunduan

Magsaliksik ng mga halimbawa ng ethnic designs. Iguhit ito sa papel at ihanda para
sa susunod na aralin.

Prepared by:

JENETTE M. ESCUETA
Master Teacher II

Observed and Checked by:

LIWANAG C. VALDEZ
Principal I

You might also like