You are on page 1of 5

PANGALAN: LINGAN, ABBY MHARIE

TAON AT KURSO: BSE-FILIPINO II

PAMAGAT NG PELIKULA: ANG LARAWAN

I. KWENTO O BANGHAY
Ang kwentong ito ay naganap noong 1941, nagsimula sa pagdalaw ng isang manunulat
na si Betoy Camacho sa tahanan ng mga Marasigan kung saan nandoon ang magkapatid
na si Paula at Candida Marasigan. Ang magkapatid ay naghihirap sa paghahanap ng
panggastos sa kanilang ama na si Don Lorenzo. Ito ay isang bantog na pintor na kalaban
sa kahusayan ni Juan Luna. Ang kanilang dalawang kapatid na sina Manolo at Pepang ay
gustong ibenta ang kanilang pamamahay. Sa paghahanp nila ng solusyon at upang
matugunan ang pangangailangan sa araw-araw, sila ay nagparenta ng silid kay Tony
Javier isang piyanista ni Manolo. Isang taong walang patutunguhan at ang unang
nakumbinsi sa kanila na ibenta sa dayuhan ang nasabing obra ng ama na
pinagkakaguluhan ng lahat pero nabigo ito. Sa kabila ng temptasyong sumubok sa kanila
ay nanatil parin silang buo hanggang sa huli.

II. TEMA
Ito ay mensahe tungkol sa kaibuturan ng bawat nating pagkatao. Ang bawat isa sa atin
ay may kanya-kanyang demonyong bumubuhay na habambuhay nating paglalabanan at
mapalad na kung ito ay mapagtagumpayan.

III. KARAKTER AT PAGGANAP


 Joana Ampil (Candida Marasigan)
 Rachel Alejandro (Paula Marasigan)
 Paulo Avelino (Tony Javier)
 Sandino Martin (Bitoy Camacho)
 Cris Villonco (Susan)
 Aicelle Santos (Violet)
 Nonie Buencamino (Manolo)
 Menchu Lauchengco-Yulo (Pepang)
 Robert Arevalo (Don Perico)
 Celeste Legaspi (Donya Loleng)
 ZsaZsa Padilla (Elsa Montes)
 Cara Manglapus (Patsy)
 Ravier Cruz (Charlie Dacanay)
 Ogie Alcasid (Pulis 1)
 Jojit Lorenzo (Pulis 2)
 Dulce (Donya Upeng)
 Nanette Inventor (Donya Irene)
 Jaime Fabregas (Don Aristeo)
 Bernardo Bernardo (Don Alvaro)
 Noel Trinidad (Don Miguel)
IV. ISKRIP
Candida: Kung minsan ang isip ko ay isa ‘yang halimaw nag-iisang tao na dalawa ang ulo.
Paula: Hindi na kami natahimik, hindi na. Araw-araw nalang. Nagkakalat ang mga
reporter sa dyaryo, o potograpo, at mga estudyanteng paparito. At kami ayaw naming
ng ganoon, ayaw naming Bitoy.
Pepang: At bakit ko kailangan ng permiso mo? Sino ba ang nagbabayad ng bahay na ito
sa loob ng sampung taon? Kung hinayaan kitang mag-isa, matagal ng patay ang papa.
Hiyang-hiya ako sa asawa ko.
Paula: edi sana nakapag-asawa kami ng mahusay at umayos ang takbo ng aming buhay.
Javier: Jusko! Milyong peso kung ako siguro ang may ganyang kalaking halaga
panigurado’y nagliliwali na ako sa ibang bansa.

V. SINEMATOGRAPIYA
Bawat anggulo ng kamera ay tutok sa bawat emosyon, linya, at kanta na inilalahad ng
mga artista. Ang mga ito ay tugma at kumukonekta sa daloy ng istorya. Dahil dito,
masasabing ang sinematograpiya ng pelikula ay dekalibre. May mga “visual effects” din
na ginamit na nakadagdag mangha sa mga mata ng manonood.

IV MUSIKA
Ang musika at tunog ng pelikula ay mismong inireregalo ng batikan na kompositor,
mang-aawit at director ng mga pagtatanghal sa musika na si Ryan Cayabyab, kaya hindi
maikakaila na talagang pambihira ang musikalidad ng pelikula. Malinaw na naintindihan
ang istorya ng mga manonood dahil sa mga kasiya-siya o nakakaaliw nitong mga tunog
at musika. Bawat mga linyang maganda ay kinakanta at nakakapagpapanabik at
nagpapatingkad ng atmospera sa pelikula. Naipaparating din ng mga tauhan ang naging
damdamin at saloobin na gustong ipahiwatig ng istorya sa pamamagitan ng pagkanta sa
himig.

IIV EDITING
Naging akma at pulyado ang pagpapapalit-palit ng mga eksena sa istorya. Maganda rin
ang pagkakalapat ng animasyon at grapiks. Tulad ng ibang mga local na pelikula ito ay di
gaano ka perpekto di tulad ng mga pelikula sa ibang bansa na animo’y totoo. Ito ay may
ibang dala na maaring magdala ng “uniqueness” na maaaring magustuhan ng mga iba
pang manonood. Ang pagkuha ng mga shots sa eksena ay mahusay na nakakatulong
upang mapaganda ang pelikula na nagpapatunay sa kagalingan ng obra sa isang Pilipino.

IIIV KABUUANG DIREKSYON AT PRODUKSYON


Ang pelikula ay may mahusay na direksyon at produksyon. Naipakita ang galling ng
pinoy sa larangan ng pag-arte at paggawa ng isang konsepto. Ang bawat artista ay may
natatanging talento sa paggampan ng kanilang mga role. Ang mga nakatoka sa musika at
produksyon ay masasabing magagaling at eksperto sa kani-kanilang mga larangan na
nagpaganda sa pelikula.
IVV ARAL AT PAGPAPAHALAGA
Maraming mga aral ang mapupulot sa pelikulang ito sapagkat ginawa ito upang gisingin
ang natutulog na mga puso ng mga Pilipino na nabibighani o nakakulong na sa mga
kaunlaraning mga gawain. Dapat mahalin at panatilihin kung ano man ang meron sa
atin. Bilang isa sa mga manonood na nakasaksi sa mga pinalabas ay nabon o naukit ang
aking utak ang diwa ng pagiging Pilipino. Ang mga katangian na “di sumusuko. Di
nagpapadaig sa anumang problema, di tumatalikod sa kanyang pinanggalingan, at ang
pagiging mapagmahal sa pamilya ano man ang mangyari”. Bawat katangian na iyon ay
pumukaw at tumulak sa bawat manonood.

VV REKOMENDASYON
Maganda ang pelikula at kung tutuusin ay wala akong masyadong rekomendasyon. Sana
lang ay mas nabigyan pa ng hustisya ang pamagat na “Ang Larawan” dapat ay mas nag
pokus sila dito at isinantabi ang paglalagay ng maraming tauhan na hindi naman
masyadong kailangan sa kwento. At mas nag pokus sa kung ano ang pamagat upang dito
umikot ang kwento.

VI. SCENE 1: Candida, Paula, Bitoy


VII. Bitoy: (tingin sa larawan) Eto ba?
VIII.Paula: Oo.
IX. Bitoy: Kagila-gilalas.
X. Candida: Ang tawag niya, Letrato
del Artista como Filipino.
XI. Paula: Ang Larawan ng Pintor
bilang Pilipino.
XII. Bitoy: Ngunit bakit hindi Pilipino
ang eksenang yan? Anong ibig
niyang ipakahulugan? Matandang
XIII. nakababa sa bata pang isa sa likod
ng dalawa, nasusunog na lungsod.
XIV. Paula: Si papa ang matanda.
XV. Candida: Si papa rin naman ang
batang nariyan, si papa sa panahon
ng kanyang kabataan.
XVI. Bitoy: Oo nga.
XVII. Candida: Ang sarili ngayon at ang
sarili niya, noong nagdaang
panahon.
XVIII. SCENE 1: Candida, Paula, Bitoy
XIX. Bitoy: (tingin sa larawan) Eto ba?
XX. Paula: Oo.
XXI. Bitoy: Kagila-gilalas.
XXII. Candida: Ang tawag niya, Letrato
del Artista como Filipino.
XXIII. Paula: Ang Larawan ng Pintor
bilang Pilipino.
XXIV. Bitoy: Ngunit bakit hindi Pilipino
ang eksenang yan? Anong ibig
niyang ipakahulugan? Matandang
XXV. nakababa sa bata pang isa sa likod
ng dalawa, nasusunog na lungsod.
XXVI. Paula: Si papa ang matanda.
XXVII. Candida: Si papa rin naman ang
batang nariyan, si papa sa panahon
ng kanyang kabataan.
XXVIII. Bitoy: Oo nga.
XXIX. Candida: Ang sarili ngayon at ang
sarili niya, noong nagdaang
panahon.

You might also like