You are on page 1of 3

“The Hows of Us”

Sumulat ng Iskrip
(screenwriters)

Carmi Raymundo Cathy Garcia-Molina

Direktor Si CATHY GARCIA-MOLINA ay isang pelikulang Pilipino at director ng


telebisyon na kilala sa pagdidirekta ng mga romantikong pelikulang komedya
na ginawa at ipinamahagi ng Star Cinema. Nagdirek din siya ng ilang serye sa
TV, na naipalabas sa ABS-CBN. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay itinuring
na top-grossers sa Pilipinas.

Buod Magsimula ang kwento sa dalawang mag-aaral na sina Primo at George na


nagkakilala sa isang contest ng gilas-talino. Di kalauna’y naging
magkasintahan ang dalawa at sabay na tumahak sa pagtupad ng mga
pangarap. Si Primo ay isang musikero na nagpapakahirap upang magkaroong
ng magandang “break” sa industriya habang si George naman ay nagsisikap
na mag-aral upang maging isang doctor.

Hindi gano’n kadali para kay Primo ang marating ang hinahangad kaya
nama’y nalugmok ito sa mga problema na bumabalakid sa pangarap niya. Si
Joy bilang isang kasintahan, liban sa hirap pagsabaying ng pag-aaral at mag-
intindi sa mga illogical na ginagawa ng kasintahan ay hindi pa rin sumusuko
sa relasyon kahit pagod na. Hanggang isang araw, dala ng matinding pagod,
umuwi si Primo nang lasing gaya ng nakagawian na nagpapuno sa pagitimpi
ng dalaga kaya’t nakapagsambit na ito ng mga salitang pagod na siya at nais
niya nang sumuko. Bilang pagsunod sa kagustuhan ni George ay agad naming
umalis si Primo.

Sa ilang taong paghiwalay, nagkaroon ng pagkakataon si George upang


tapusin ang kursong tinatahak at gayundin si Primo na pumuntang ibang
bansa upang puntahan ang kanyang ama at hanapin ang sarili.
Namatay ang lola ni George kung saan nakatira noon ang dating
magkasintahan at tinutuluyan pa rin ni George hanggang sa ngayon.
Samantala, bumalik si Primo galling sa ibang bansa at pilit na nais manatili sa
bahay na iyon dahil sila raw ni George ang nakapangalan sa last will and
testament ng yumao.

Sobrang hirap bago nakuhang muli ni Primo ang pagmamahal at tiwala ni


George habang sila ay nakatira sa iisang bahay, ngunit sa huli ay lumambot
na rin ang puso ni George at nagkaroon sila ng pagkakataong magkabalikan
at magsamang muli.
Direksyon Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, napakaganda at kahanga-hanga ang
kinalabasan at naging takbo ng istorya. Makikita kung paano niya na
naipaganap sa mga artista ang emosyon na nararapat sa timpla ng istorya.
Mabigat ang kwentong magkasintahang ito ngunit pinangibabawan ng kiliti
sa mga manonood dahil sa mga nakakatawang linya ng mga tauhan.
Sinematograpiya Nagpapalawig ng saloobin ng istorya ang sinematograpiya ng pelikula.
Maganda ang kulay dahil hindi ito masyadong matingkad, ngunit pinapakita
ang medyo pagpusyaw at dilim ng mga senaryo ayon sa mood at emosyon
na nararamdaman ng mga karakter sa kwento.

Ang pelikula ay gumamit ng long level shot ayon sa larawang ito dahil
mapapansin kung ano ang nasa paligid maging ang buong katawan ng mga
karakter:

Gumamit din ng shoulder-level shot:

Low-angle shot at iba pa.


Pagganap ng mga Artista Bilang mga batiking artista na sina Kathryn Bernardo (George) at Daniel
Padilla (Primo) at magkasintahan din sa totoong buhay, hindi na malaking
hamon sa kanila ang ganitong uri ng pagganap. Gayunpaman, ang paglipat
ng emosyon mula sa malulungkot na bahagi hanggang sa nakakakiliting
parte ay nagbigay ng kahanga-hangang kintal para sa dalawa. Maganda ang
pagkakaganap ng lahat ng mga tauhan sa kwento bukod sa dalawang
pangunahing tauhang ito.
Paglalapat ng Tunog Sa mga tunog na inilapat naman, malinaw at maayos na naitapat ang mga
tunog sa mga bahagi ng pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang
mga pangyayari at maramdaman ng maunuod ang sitwasyon, tagpuan at
kalagayan ng pangyayari sa pelikula. Maganda at may kaugnayan ang
pagkatapat ngmusika sa bahagi ng pelikula. Nagbigay daan ito sa damdamin
upang mapadama sa mga manonood ang sitwasyon ng pelikula lalong lalo
na sa senaryo ng komprontasyon nina George at Primo tungkol sa mga
problemang kinakaharap nila. Ang mga boses ng mga tauhan sa pelikula ay
nagbigay din ng epekto sa damdamin ng mga manonood.l
Macarilay, Jean C.
BSED 3

You might also like