You are on page 1of 27

Pelikulang Hinggil sa Kalikasan

MURO - AMI
N I : E M E L I TA G . C A S A L J AY

Pangkat 5
Muro-Ami

Isang pagsisid sa pelikulang


Muro-Ami
Ni: Emelita G. Casaljay
Cayetano Arellano High School

1. KAHULUGAN NG PAMAGAT
2. GAANO KAHUSAY ANG DIREKTOR
3. BUOD
4. TUNGGALIAN
5. SULIRANIN
6. PAGSUSURI SA ILANG KARAKTER
7. PAGSUSURI SA DIYALOGO
8. PAGSUSURI SA ILANG EKSENA
9. TUNOG, DISENYONG PAMPRODUKSIYON AT
SINEMATOGRAPIYA
10. MENSAHE NG PELIKULA
11. BISA SA KAISIPAN
12. BISA SA DAMDAMIN

Jinky Garote ~ Princess Kaila Gacias ~ Rowena Enconado ~ Reynard Lacra


Muro-Ami

Pinagdamutan ako ng dagat.


Bakit wala tayong mahuli?
Bakit nawawala tayo?
Bakit niya kinuha ang mag-ina ko? Wala
na siyang makukuha sa'kin!

~ Fredo.
Muro-Ami

Director:
Marilou Diaz-Abaya
Producers: Butch Jimenez, Jimmy Duavit,
Marilou Diaz-Abaya
Screenplay: Ricardo Lee, Jun Lana
Story: Marilou Diaz-Abaya
Cast: Cesar Montano, Pen Medina,
Jhong Hilario, Amy Austria, Rebecca Lusterio
Music: Nonong Buencamino
Cinematography: Rody Lacap
Editor: Jesus Navarro
Production Company: GMA Films
Muro-Ami
Kahulugan ng Pamagat

Ang Muro-Ami ay isang pelikula


noong 1999 na inilabas ng GMA
Films sa direksyon at panulat ni
Marilou Diaz-Abaya at
pinagbidahan ni Cesar Montano.
Tungkol ang pelikulang ito sa isa sa
mga malalang uri ng trabahong
pambata kaugnay ng ilegal na
pamamaraan ng pangingisda, ang
muro ami.
Muro-Ami Kahusayan ng Direktor

Marilou Diaz-Abaya, ipinanganak sa Quezon City


noong Marso 30, 1995, siya ang nagtayo at naging
pangulo ng Marilou Diaz-Abaya Film Institute and
the Arts Center, isang film school na nasa Antipolo.

Marc Abaya isang aktor/mang-aawit


David isang cinematographer.
Manolo Abaya kaniyang kabiyak isang
cinematographer at guro.
Muro-Ami

Kahusayan ng Direktor

Asuncion ng Bachelor of Arts Major in Arts Communication noong 1976


Loyola Marymount University sa Los Angeles
(Master of Arts in Film and Television noong 1978)
London International Film School

Karaniwang tampok sa kanyang mga likha ang suliraning panlipunan


kahirapan ng buhay ng mga Pilipino, usaping pambabae, hindi
magandang kondisyon ng mga bata at politika dahil sa hangaring
ipamulat sa lahat at maprotektahan ang demokrasya ng ating bansa
Muro-Ami

Kahusayan ng Direktor

Ilan sa kaniyang mga Parangal ay mula sa,


• Metro Manila Film Festival
• Urian Awards
• Film Academy of the Philippines
• FAMAS
• Star Awards
• Catholic Mass Media Awards
• British Film Institute Award
• International Federation of Film Critics Award
• Network of Pan Asian Cinema Award para sa kanyang Obrang
Karnal (1983), Jose Rizal (1998) at Muro- ami (1999).
Muro-Ami

Kahusayan ng Direktor

Ang nasabing pelikula ay nagkamit 21 karangalan at 19


na nominasyon kabilang ang
• Pinakamahusay na Batang Artista (Rebecca Lusterio),
• Pinakamahusay na Kuwento (Marilou Diaz-Abaya,
Ricardo Lee at Jun Lana)
• Pinakamahusay na Screenplay (Ricardo Lee at Jun
Lana)
• Pinakamahusay na Pelikula.
Nakatanggap rin ito ng parangal sa Jury at Public Choice
Award sa Benodet Film Festival sa France.
Muro-Ami

Buod

Ang pelikulang Muro-ami ay umikot sa buhay sa barko ng mga


mangingisda, karamihan ay mga batang sangkot sa ilegal na
pangingisda, sumisisid sa ikalaliman ng dagat nang walang ano
mang proteksyon sa katawan. Gamit ang mga inihandang bato,
ipinupukpok nila ang mga iyon sa mga coral reef nang maitaboy
ang mga isda sa net upang mahuli. Umikot ang istorya sa buhay ni
Fredo, maestro sa kanyang barkong nagngangalang Aurora (sunod
sa pangalan ng kanyang asawa) na may taglay na galit sa
kalikasan sanhi ng pagkamatay ng kanyang mag-ina sa dagat.
Muro-Ami
Buod

Hindi naging makatarungan ang pagpapatrabaho niya sa kanyang


mga manggagawang wala halos tigil sa pagsisid upang makahuli ng
isda. Iyo'y dala na rin ng kakapusan sa huli at pagnanais na maabot
ang kota, pati na rin ang ambisyong makabili ng bagong barko,
dagdag pa ang dala-dala niyang galit sa kanyang kalooban.
Nagdulot iyon ng pagkakasakit ng marami at pagkamatay ng isang
kasama. Ang pangyayaring iyon ang nagtulak sa ilang mangingisda
upang planuhin nilang patayin si Fredo at ang kanyang ama sa
pamumuno ni Botong, kanang-kamay ni Fredo na una pa man ay
gumagawa na ng anomalya bilang katiwala ng maestro.
Muro-Ami

Buod

Ang mag-ama ay pinagtulungang bugbugin at itinapon sa dagat.


Masuwerteng nakaligtas si Fredo at nakabalik sa barko. Hindi
paghihiganti ang nais niyang gawin kay Botong, Ang gusto niya ay
magkaayos sila. Subalit sanhi na rin ng pagkagulat sa pagkabuhay ng
akala niya'y namatay na o sadyang taglay ni Botong ang kasamaan sa
kanyang pagkatao, nakipagbuno siyang muli kay Fredo. Ang labanan ng
lakas ng dalawa ay naging sanhi ng pagkasunog ng barko. Nakaligtas
ang mga mangingisdang sakay ng barko, karamihan ay mga bata. Ngunit,
huli na para kina Fredo at Botong. Sa huling hininga niya, ninais pa rin
niyang mailigtas sa nagngangalit na apoy si Botong.
Muro-Ami

Tunggalian

Malinaw na makikita sa
pelikulang ito ang tatlong uri
ng tunggaliang naranasan ni
Fredo-tao laban sa kalikasan,
tao laban sa sarili at tao laban
sa kanyang kapwa.
Muro-Ami

Tunggalian

Sa diyalogong ito, mahihiwatigan ang tunggaliang tao laban sa


kalikasan. Ang poot na nararamdaman ni Fredo ay sanhi ng
pagkamatay ng kanyang mag-ina dulot ng malakas na bagyo,
Pinagdadamutan ako ng dagat...Bakit wala tayong mahulit Bakit
nawawala tayo? Bakit niya kinuha ang mag-ina ko? Wala na siyang
makukuha sa 'kin. Mararamdaman dito ang paninisi niya sa kalikasan
ng trahedyang iyon dagdag pa ang suliraning kinahaharap nila sa
kanilang paglalayag. Bilang pinuno ng mga mandaragat, hindi niya
alintana ang masamang epekto sa kalikasan ng paraan ng kanilang
pangingisda na pagsira sa coral reefs makahuli lamang ng mga isda.
Muro-Ami

Tunggalian

Nagkaroon ng paglalaban ng kalooban si Fredo na masasabing


tunggaliang foo laban sa kanyang sarili sa eksenang iniisip niyang
pinagdadamutan siya ng kalikasan kaya naman kallangan niyang
muli't muling pasisirin ang kanyang mga mangingisda na nagbunga
ng pagkakasakit ng ilan at pagkamatay ng isa. Nagdulot iyon upang
maghimagsik ang kalooban ng kanyang mga tauhan laban sa kanya.
Kaya nga nagplano ang ilan sa pamumuno ni Botong na siya ay
patayin maging ang kanyang ama. Ang pangyayaring iyon ay
nagpapakita naman ng tunggalian ng tao laban sa tao.
Muro-Ami

Suliranin

Sa mahusay na panulat, pagdidirehe at pag-arte ng mga aktor kaakibat ng angkop na


epektong tunog at sinematograpiya, ramdam na ramdam ang bigat ng damdaming
kumukubkob sa karakter ni Fredo - antagonista sa katauhang protagonista.
Makakaramdam ng galit sa mga eksenang walang puso niyang pagmamando sa
kanyang mga mangingisda na tila batong hindi nakararamdam ng pagod. Kung
iisipin, ang karamihan sa kanila'y mga paslit na dapat ay naglalaro at nag-aaral,
ngunit buwis-buhay sa muli't muling pagsisid sa dagat, kumita lamang ng
kakarampot na salaping maluuwi sa naghihintay na pamilya. Karagdagan pa ang
masamang dulot sa karagatan dahil sa maling pamamaraan ng pangingisda na kung
magpapatuloy ay tiyak na wala nang mahuhuli dahil wala nang mga isdang
mabubuhay pa sa karagatan.
Muro-Ami

Suliranin

Subalit hindi rin naman maiiwasang madurog ang puso sa sanhi ng


pagiging gayon ni Fredo, maging sa pagsilip ng kabutihang mayroon
sa kanyang pagkatao. Mahihiwatigan iyon sa diyalogong ito: Ang
gusto ko lamang ay matuto kayo dahil kahit saan ako, ganoon din
ang gagawin ko sa kanya (sa kanyang anak). Mahihiwatigang
mayroon siyang malasakit sa bawat bata, ngunit taliwas nga lamang
ang kanyang ipinadarama. Marahil, nakadagdag ang pisikal na sugat
na kanyang iniinda mula sa pagkahulog sa barko.
Muro-Ami

Pagsusuri Sa Ilang Karakter

Naging mahusay ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa


pelikula nina:
Fredo (Cesar Montano),
Botong (Jhong Hilario),
Dado (Pen Medina),
Susan (Amy Austria)
Kalbo (Rebecca Lusterio)
kaya naman humakot ito ng parangal sa kategorya ng pag-arte sa
iba't ibang award-giving bodies.
Muro-Ami

Pagsusuri Sa Ilang Diyalogo

Sa kabila ng pang-aabuso at walang pusong pagmamando ni Fredo sa


kanyang mga mangingisda ay kakikitaan pa rin ng kabutihan sa kanyang
pagkatao. Mahihiwatigam iyon sa diyalogong ito: Ang gusto ko lamang ay
matuto kayo dahil kahit saan ako, ganoon din ang gagawin ko sa kanya (sa
kanyang anak). Mas nakaantig pa ang sumunod sa diyalogong ito na
isinagot ni Fredo sa bata: Hindi ko na hahayaang may kunin 'uling bata ang
dagat.
Muro-Ami

Pagsusuri Sa Ilang Diyalogo

Sa diyalogong ito: Bago mag-Disyembre tuwing lalaot ang


maestro, nagugulantang ang buong sitio. Panahon na naman
ng muro-ami at gaya ng dati, lahat ng pamilya nagdarasal na
makuha ang anak nila para sa taunang ekspedisyon sakay ng
malahigantemg Aurora. Mismong pamilya ng mga paslit ay
legal na pinapayagan ang kanilang anak sa ilegal na gawaing
muro-ami, masakit man ito sa kanilang kalooban.
Muro-Ami

Pagsusuri Sa Ilang Diyalogo

Samantala, sa diyalogong ito ni Botong mahihiwatigan ang


realidad ng pagkabagot sa gawaing pangingisda at pag-
aasam ng mas maginhawang buhay sa pamamagitan ng
pangingibang-bayan: Kaya nga gusto kong umalis. Sa Saudi.
Doon ginto ang lupa. Doon ang totoong trabaho. Sigurado
ang oras, sigurado ang pasahod, mabilis ka pang yayaman.
Muro-Ami

Pagsusuri Sa Ilang Eksena

Kahanga-hanga ang mga eksena sa ilalim ng dagat. Walang salita ngunit damang-
dama ang emosyong kubkob sa mukha ng bawat tauhan. Halimbawa nito ang pag-
aalala at pagsisikap ni Fredong iligtas ang isa niyang mangingisdang natrap sa net
habang sila'y nasa ikalaliman ng dagat subalit naging huli na dahil ang mangingisda
ay binawian ng buhay. Ang isa pang eksena ay nang halos isuko na ni Fredo amg
kanyang buhay, sumisid sya sa dagat at inilabas ang sama ng loob. Sa kabutihang
palad, siya ay sinundan at nailigtas ng kanyang ama. Maging ang eksenang iniligtas
ni Fredo si Botong sa nagniningas na apoy sa kabila ng pagnanais niyong mapatay
siya ay nagpapakita lalo ng kabutihan ng kanyang kalooban.
Muro-Ami
Pagsusuri Sa Sinematograpiya, Tunog At
Disenyong Pamproduksiyon.

Sa mahusay na panulat, pagdidirehe at pag-arte ng mga aktor


kaakibat ng angkop na epektong tunog at
sinematograpiya,ramdam na ramdam ang bigat ng damdaming
kumukobkob aa karakter ni Fredo – antagonista sa katauhang
protagonista.
Sa kahusayan nito sa sinematograpiya, sa mga tagpuan pa lang–sa
dagat, sa loob ng barko at sa ilalim ng dagat – ay madamdamin na
itong nakapaglalahad.
Muro-Ami
Pagsusuri Sa Sinematograpiya, Tunog At
Disenyong Pamproduksiyon.

Malaking tulong din ang tamang pagpili ng epektong tunog sa pelikula.


Ayon nga kay Eisenstain (sa Bordwell,et al., 2017), direktor ng Soviet,
synchronization of senses, making a single rhythm or expressive quality
bind together image and sound. Kitang kita ito sa simula ng Muro -Ami.
Nanunuot sa laman ang maririnig na himig— nagdadalamhati at animo'y
nagbababal kasabay ang makikitang imahen sa ilalim ng nakamamangha
at mayamang karagatan na tila nagbabadya ng masalimuot na kapalarang
haharapin ng pangunahing tauhan.
Muro-Ami
Pagsusuri Sa Sinematograpiya, Tunog At
Disenyong Pamproduksiyon.

Sa loob ng barkong kinalululanan ng mga mangingisda,


siksikan sila sa kanilang tinutulugan at maliit ang pasilyong
dinaraanan. Ang mga mangingisda, mapabata man o
mapatanda ay nakasuot ng lumang kamiseta, sando at
shorts, minsan ang ilan ay walang pang-itaas. Ang ganitong
kasuotan ay angkop at nagdulot ng pagiging
makatotohanan ng pelikula.
Muro-Ami

Isang pagsisid sa pelikulang


Muro-Ami
Ni: Emelita G. Casaljay
Cayetano Arellano High School

10. MENSAHE NG PELIKULA


11. BISA SA KAISIPAN
12. BISA SA DAMDAMIN

Tagapag-Ulat: Reynard Lacra


Pelikulang Pangkalikasan

Maraming Salamat
Sa Pakikinig

Pangkat 5

You might also like