You are on page 1of 3

Princess Jovie Mary S.

Bitanga Subject: Panitikan


BSA-II Time:1-2PM (T-TH)

I. Mga Tauhan:
Cesar Montano – bilang Fredo
Ping Medina– bilang Dado
Amy Austria – bilang Susan
Jong Hilario – bilang Botong
Rebecca Lusterio – bilang Kalbo
Iba pang Tauhan:
Jerome Sales – bilang Filemon
Teodoro Penaranda Jr.- bilang Tabugok
Cris Vertido – bilang albularyo
Ranilo Boquil – bilang Kokoy
Policarpio Araula – bilang Kanor
II. Buod ng Pelikula:
Ang pelikulang Muro-Ami ay tungkol sa iligal na gawain na nagaganap sa isang dalampasigan
sa Pilipinas. Ipinokus ang istorya sa isang mangingisda, si Fredo o mas kilala sa tawag na
Maestro,na siyang namumuno sa barkong Aurora. Isa siyang mangingisda na may tinatagong
galit at lungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak. Sa kasalukuyan, si Fredo ay
pumapalaot bitbit ang galit at paghihiganti.

Dahil sa inaasahang mataas na kota, ang mga batang maninisid ay sinasapilitang


pinapatrabaho walong beses sa isang araw para makamit ito. Ang mga kabataang ito ay
pinapakain dalawang beses lamang at pinapatulog sa masikip at siksikan sa isang kwarto ng
barko.Marahas ang pamumuno ni Fredo sa kanyang barko, kaya ang mga taong
pinamumunuan niya ay unti-unting nagagalit sa kanya, kabilang na rito si Botong.

Dahil dito, nagplano si Botong at ilan sa kanyang mga tauhan na patayin si Fredo. Binugbog
nila ito at itinapon sa dagat, kasama na rin ang tatay ni Fredo na si Dado. Si Botong ang
pumalit kay Maestro bilang pinuno ng barko, at sa kanyang pagkagulat, bumalik si Fredo sa
kanyang barko. Naglaban and dalawa at ito ang naging dahilan ng pagkasunog ng barkong
Aurora
III. Banghay ng mga pangyayari
A. Tagpuan:
Dagat
B.Protagonista:
Fredo
C.Antagonista:
Botong at Dado
D. Suliranin:
Ang iligal na pangingisda ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbubugbog at pagdurog ng mga
corals sa ilalim ng tubig upang matakot ang mga isda at itaboy ang mga ito patungo sa mga
lambat. Gamit ang isang mataas na quota upang matugunan, pinipilit ni Fredo ang mga sari-
sari, na halos lahat ng mga bata, upang makamit ang hindi bababa sa walong dives sa isang
araw upang matugunan ang kanilang layunin bago ang sanlibong taon. Pagod at naipit
matapos ang mabibigat na gawain na ibinibigay sa kanila, kailangang gawin ng mga bata sa
mga kondisyon na hindi masiglang tao sa bangka ng Muro Ami, Ang Aurora. Natutulog sila sa
mga buwad na pinatubo ng daga at pinapakain lamang ng dalawang beses sa isang araw.
Ang buhay sa itaas ng tubig sa bangka ay mas masahol kaysa sa pagdurusa na nakatagpo ng
mga bata sa ilalim ng dagat. Para sa bawat pagsisid, ang buhay ng isang bata ay delikado sa
panganib.

E. Mga pagsubok sa Paglutas ng Suliranin


Sa aking sariling opinyon ang pelikula na ito ay nagtagumpay sa layunin nito dahil bilang
isang manonood ay natutunan ko rin ang ilang mga aralin sa buhay. Ang pangunahing
karakter, Fredo kahit papaano napagtanto na "Ang paghihiganti ay hindi talaga atin" ito ay
kabilang sa ating minamahal na Diyos. Bilang paghihiganti siya sa dagat mayroong isang
palitan para sa kanyang pagbagsak ng dagat na ginagawa ang Muro-Ami na inilalagay sa
panganib hindi lamang ang mga nilalang sa dagat kundi pati na rin ang kanyang paraan ng
pamumuhay, isinasaalang-alang na siya ay isang mangingisda

F. Mga ibinunga
Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan
nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. Ang Muro
Ami ay isa sa pelikulang nagpapakita sa isa sa mga problema ng lipunan unang-una ang
kahirapan na kung saan ito ang nag-uudyok sa bawat mamamayan upang kumapit sa
patalim para mabuhay kahit ito man ay mali at ang maling estilo ng pangingisda.
IV. Paksa o Tema
Paksa: Ipinakita ng pelikulang ito ang isa sa problemang panlipunan ang kahirapan.
Tema: Ang totoong buhay na may mga magulang na kaya isalang sa trabaho ang mga
musmos nilang anak upang kumita ng pera, kahit ito man ay may dulot na malaking
panganib at magiging sanhi ng kamatayan.
V. Kabuuang mesahe ng Pelikula
Ang pelikulang ito ay may malaking impact sa mga manonood . Ipinapakita ng pelikulang ito
ang maling pamamaraan ng pangingisda at ang sapilitang paggawa ng mga menor de edad
(child labor) Ang kalunos-lunos na pangyayari na nasasangkutan ng mga kabataan para sa
sapilitang paggawa para kumita ng pera ay siyang nagpaantig sa puso ng mga manonood.
Ang totoong sitwasyon ng ating bansa na hindi nating maitatanggi na ang kahirapan ang
unang dahilan kung bakit may mga batang nagtatrabaho sa hindi tamang edad nito.
Wika nga “kapit sa patalim” para makatulong sa pamilya. Ipinapakita rin dito ang maling
pangingisda na kung saan nasisira ang ating karagatan na siyang pangunahing pinagkukunan
ng kabuhayan ng ating mga mangingisda.Ang mga kabataang sumisisid gamit ang mga bato,
bilang kagamitan sa pagpukpok ng coral reef upang takutin at lumabas ang mga isda. Ito ay
may malaking panganib sa kalagayan ng ating karagatan at ng mga kabataang sumisisid na
walang anumang proteksiyon na maaaring ikamamatay nila.

You might also like