You are on page 1of 4

Pangalan: Franco, Ma. Allaine Xiena N.

Kurso: BSP3A

COLA 21 G. Lagrimas

PAGSUSURI NG PELIKULANG First Autumn


_____________________________________________________________________________________

Direktor: Aude Danset, Carlos De Carvalho

Prodyuser: Je Regarde, Melting Prod, InEfecto, 2013.

Sumulat: Ma. Allaine Xiena n. Franco


_____________________________________________________________________________________

BUOD

Ang Storya ng First autumn ay umiikot sa dalawang bata. Ang batang babae ay
nakatira sa ma-araw na klima samantalang ang lalaki ay nakatira sa malamig at
nagyeyelong klima. Nirerepresent nila ang mismong klima na mayroon tayo. Makikita
natin sa pelikula na kapag pagdating na ang lalaki ay ang lahat ng kanyang madaanan
ay nagiging yelo at ang mga puno ay namamatay. Unti-unting nilalapitan ng lalaki ang
babae ngunit hindi sila maaaring mag-exist sa iisang panahon. Kaya naman kapag ang
lalaki ang mas lumalapit, ang babae ay siyang uurong papalayo. Ngunit sa bandang
huli ng pelikula, hindi malabo na mag-exist silang dalawa, ito ay possible padding
mangyari na siyang nag resulata sa klima ng fall.

Sa kabuuan ay binibigyan ko ng RATING ang pelikulang ito na 10 dahil masasabi


kong napakaganda ng sinematograpiya ng pelikula dahil ang mga agulo at daloy ng
storya ay klaro at talagang naiintidihan ng mga manonood. Ang pagkakagawa sa mga
karakter at kapaligiran ay siyang mahiwaga at tumugma sa mga inilapat na tunog at
musika. Ang Dulang pampelikula ay magaling ding nagamit dahil ang ginawang
representasyon ng lalaki bilang klima ng tag-lamig at nang babae bilang klima ng tag-
init ay talaga namang napakahusay. Kahit na walang diyalogo ang pelikula ay
naiparating nito sa akin ang mensahe. Ang mensahe ng pelikulang ito ay ipabatid sa
atin ang nangyayari kapag dadating na ang klima ng tag-lamig o ng tag-init, at kapag
silang dalawa naman ay nagtagpo ang magiging klima ay ang fall.

Ang mga aral na nakita ko nang ito’y aking napanood ay ang matinding
pagbabago ng klima. Maaaring ito ay dahil sa climate change. Makikita natin sa
pelikula na madaming kalansay na aso ang laging kasama ng lalaki na maaaring
simbolismo na maraming mga hayop sa yelong klima ang nagugutom at namamatay
dahil sa wala na silang makuhanan ng pagkain. Itong Global warming ay isang uri ng
isyung panlipunan na dapat nating lutasin habang maaga dahil isa itong bagay na
magdudulot ng mapanirang kaganapan sa ating mundo. At ang mairerekomenda ko
sa pelikulang ito ay mas maganda sana kung nagkaroon ng isang pang bata na
magrerepresenta sa klima ng fall.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1. Ano ang tema ng pelikula?
-Nais ipabatid sa atin ng temang ito kung papaano ang nangyayari sa tuwing
darating ang klimang tag-lamig at klimang tag-init. At ipinakita sa atin ng
pelikulang ito na ang pag-exist ng tag-init at tag-lamig ay magreresulta sa
pagsilang ng klimang fall.

2. Ano ang genre ng palabas?


-Ang genre ng palabas piksyonal na binubuo ng mga mahiwagang
pagkakarepresenta ng mga karakter at kapaligiran. Ang mga scenario din na
nangyari sa pelikula ay nagtapos sa masayang wakas dahil silang dalawa ay
naging magkaibigan.

3. Ano ang kahulugan ng season?


-Ang season ay isang panahon na binubuo ng iba-ibang klima. Binubuo ito ng
Tag-init, tag-lamig, tag-ulan, at marami pang iba.

4. Ilarawan ang nararamdaman ng bawat karakter sa bawat tagpo ng palabas?


-Ang emosyon ng lalaki at babae ay tila ba sila ay malungkot at hindi masaya.
Ang lalaki ay tila ba nangungulila at may hinahanap at sa paghahanap niyang
iyon ay natagpuan niya ang babae kaya’t nabuhayan ng saya ang kaniyang
puso. Nilapitan niya ang babae ngunit ang babae ay takot at pilit na lumalayo
sa lalaki. Ngunit ng matanto ng babae na mabuti ang nais ng lalaki ay siya na
ang lumapit sa lalaki at sa huli sila ay naging masaya sa presensya ng isa’t-isa.

5. Paano mo ipaliliwanag ang pagtatapos ng palabas?


-Ang pagtatapos ng pelikula ay nagtapos sa isang masayang senaryo dahil
makikita natin na silang dalawa ay naglalaro at paikot-ikot sa isang puno. Ilang
beses silang umiikot sa punong iyon ng may ngito padin sa kanilang mga labi. At
para sa akin ito ay nangangahulugang ang dalawang bata ay hindi nagsasawa
sa isa’;t-isa kahit na pauli-ulit lang ang ginagawa nila, ibig-sabihin ay masaya na
sila sa presensya lang nilang dalawa.

6. Paano mo ito bibigyan ng interpretasyon sa iyong sariling buhay at karanasan


batay sa nangyari sa pelikula? (isyung panlipunan, aral)
-Maraming mga problema tayo sa buhay na pilit nating tinatakbuhan at
tinatakasan ngunit hindi tayo dapat pakain sa mga problemang ito at mas
manaig ang acceptance at tapang na kaya nating harapin ito.

You might also like