You are on page 1of 14

MODYUL SA

DALUMAT NG/SA
FILIPINO

Ipinasa ni:
Kate Aubrey SG. Demavivas
BSED Major in Mathematics – Block 1

Ipinasa kay:
Aljhun D. Baldera, LPT
Lekturer ll

1
MODYUL SA

DALUMAT NG/SA
FILIPINO

Ipinasa ni:
Kate Aubrey SG. Demavivas
BSED Major in Mathematics – Block 1

Ipinasa kay:
Aljhun D. Baldera, LPT
Lekturer ll

2
Talaan ng Nilalaman
Pahina

Pamagat ------------------------------------------------------ 1
Talaan ng Nilalaman ------------------------------------- 2

Modyul 3

Subukin Natin ---------------------------------------------- 3


Gawain 1 ----------------------------------------------------- 3
Gawain 2 ----------------------------------------------------- 4

Modyul 4

Gawain 1 ----------------------------------------------------- 6
Gawain 2 ----------------------------------------------------- 7
Pinal na Awtput ------------------------------------------- 11

Sangguninan ----------------------------------------------- 13

3
Mga Gawain
Modyul 3

Subukin Natin!
Panuto: Gumawa ng pagbubuod sa “Sulyap sa Kasaysayan ng
Pagsasalin sa Filipinas” ni Virgilio S. Almarion sa pamamagitan ng
pagtatanghal ng bidyo.

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng isang maiking sanaysay tungkol sa kahalagahan ng
pagsasalin sa ating lipunan. Paano ito nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating
kakayahan bilang isang mamamayang Pilipino. Ang gagawing sanaysay ay
hindi bababa sa 150 na salita.

Ang pagsasalin ay ang pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik at


ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto, na tinatawag na salinwika,
na nagpapahayag ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika.
Ang mga aklat at iba pang anyo ng panitikan ay maaaring ilipat mula
sa isang wika patungo sa isa pa. Nagbibigay-daan ito sa mga tao na
maunawaan ang mga mensahe na gusto nilang ipadala kahit na nakasulat ito
sa ibang wika. Mas madaling ipahayag ang sarili kapag nagsasalita sa sariling
wika. Mas komportable ang isang tao na ipahayag ang kanyang saloobin ng
walang pag-aalinlangan. Sa halip na agad na isalin ang isang pahayag sa
ibang wika. Ito ang nagsisilbing daan sa mabisa at mabilisang komunikasyon
sa pagitan ng mga tao sa buong mundo.

Nakatutulong din ang pagsasalin sa pagsanay sa mga tao ng wastong


paggamit ng wika. Nagpapalaganap ng kaalaman na nakapaloob sa akda at
nagbibigay ito ng kaalaman sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa.
Ipinapakilala ang isang akda na maaaring makita ng ilang mambabasa na
mahalaga sa mga bagong mambabasa.

4
Gawain 2
Panuto: Pakinggan ang kantang “Dance with My Father Again” ni Luther
Vandross at ang bersiyon nito sa Filipino na “Mahal kita o Aking Ama” ni Lil
Coli, matapos mo itong pakinggan ay suriin ang nilalaman mula orihinal
patungong salin at gumawa ng isang paghahambing o pagkokontrast sa
katangian at nilalaman ng nasabing musika. Gumawa ng sariling illustrasyon
para rito. Ilakip ang iyong larawang kuha habang nakikinig rito.

o Sa bawat liriko ng kanta ay


mararamdaman ang pinapahiwatig ng
kanta.
o Ang mga salitang ginamit ay madaling
intindihin.
o Nasa angkop na istruktura ang
kahulugan nito.
o Magandang pakinggan dahil ito ang
orihinal na kanta na hindi pa nasasalin
sa ibang wika.

o
o May mga liriko na iniba sa orihinal na
kanta.
o Hindi literal ang pagsasalin sa orihinal
na liriko.
o Gumamit ng mga hindi komplikadong
mga salita.

5
Paraan ng pagpupuntos:
Pamantayan Puntos
1. Sistematikong naipaliwanag ang nilalaman ng 30%
awitin
2. Naibalangkas ng maayos ang mga konsepto 20%
3. Gumamit ng mga suportadong detalye sa 25%
paghahambing
4. Wastong gamit ng gramatika at pagbabaybay 25%
KABUUAN 100%

6
Modyul 4
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Magbigay ng isang halimbawa ng pelikula na iyong napanood. Paano
nito naapektuhan ang iyong damdamin, kaisipan at kaasalan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang pelikulang napanood ko ay “The Four Sisters and A Wedding”.


Nakaapekto ito sa aking damdamin, kaisipan at kaasalan dahil natural
ito at nangyayari sa totoong buhay. May mga sitwasyon sa pelikulang
ito na maihahambing ko sa aking buhay. Sa pagnood ko ng pelikulang
ito marami akong natutunan at marami din akong maaaring iapply sa
aking buhay. Noong napanood ko ito mas naiintindihan ko na ang mga
nangyayari sa aking paligid, natuto akong isipin muna kung ano ang
mararamdaman ng isang tao kapag mayroon kang sinabi, at natuto
akong tanggapin sa kung ano ang mabibigay sa akin at ang hindi.

2. Mula sa napili mong halimbawa ng pelikula na nasa bilang 1, sa


paanong paraan mo ito maiuugnay sa iyong buhay?

Ang pelikulang it o ay tungkol sa isang pamilya na mayroong


tinatagong sama ng loob sakanilang kapatid at pati na rin sakanilang
ina. Maiuugnay ko ito sa akin buhay dahil sa isang pamilya hindi
maiiwasan na mayroong paboritong anak ang iyo ina at ama. Hindi din
maiiwasan na maaari kang magtampo dahil dito. Katulad sa pelikula na
aking ibinanggit may isang tauhan dito na naglabas ng kaniyang
saloobin dahil hindi siya napagtutuunan ng pansin ng kaniyang mga
magulang. Hindi niya ito isinusumbat subalit napilitan siyang sabihin
ito dahil sa mga paratang sakaniya ng kaniyang mga kapatid. Malaki
pa rin ang pasasalamat niya sa kaniyang mga magulang dahil binuhay
siya ng mga ito. Minsan nang nangyari ang ganitong sitwasyon sa aming
pamilya ngunit malaking pasasalamat ko na nabibigyan na kami ng
pantay-pantay na atensiyon at pagmamahal, naibigay na sa amin noong
una pa lang, nabulag lang kami kaya’t hindi ito nakikita.

7
Gawain 2
Panuto: Magsagawa ng isang Pagsusuring Pampanitkan tungkol sa
pelikulang More Than Blue.

Pormat ng Panunuring Pampanitkan


I. Pamagat ng Pelikula
Ang pamagat ng pelikula ay “More Than Blue”

II. Mga Tauhan


➢ Yassi Pressman bilang Sue Anne/Cream
➢ JC Santos bilang Charles Keith/K
➢ Diego Loyzaga bilang John Luis
➢ Ariella Arida bilang Cindy
➢ Marion Aunor bilang Bonnie
➢ Arvic Tan bilang Paul
➢ Jennifer Lee bilang Elaine
➢ Josef Elizalde bilang Eman
➢ Irma Adlawan bilang Ina ni K
➢ Soliman Cruz bilang Uncle Doctor
➢ Pheobe Walker bilang Maggie
➢ Nicole Omillo bilang Lisa
➢ Jimmy Marquez bilang Amanda
➢ MJ Cayabyab bilang Ben

III. Buod ng pelikula


Ang kwentong ito ay nagsimula sa dalawang pangunahing
tauhan na sina Cream/Sue Anne at K/Charles Keith. Silang
dalawa ay mga ulila, ang mga magulang ni Cream ay namatay
dahil sa isang disgrasya at ang nanay naman ni K ay iniwan siya
dahil ayaw nitong mahirapan ang anak kapag nalaman na
mayroon siyang sakit. Naging matalik na magkaibigan ang
dalawa kaya’t napag-usapan nilang tumira sa iisang bahay dahil
parehas na din silang ulila. Hindi maipagkakait na may
nararamdaman sila sa isa’t-isa. Sa kadahilanang gustong umamin
ni Cream si K ng nararamdaman nito sa kaniya, lumalabas siya

8
kasama si John Luis. Noong malaman ito ni K mas pinilit niyang
magkatuluyan si Cream at John Luis. Gusto niyang masaya at
maayos ang buhay ni Cream kapag iniwan niya ito. Humingi pa
nga siya ng tulong sa dating kasintahan ni John Luis na si Cindy
para mas maging malapit si Cream at John Luis. Mayroong sakit
si K at may taning na ang kaniyang buhay. Natatakot siyang
sabihin ito kay Cream kaya’t huli na ng malaman ito ni Cream.
Naikasal na si Cream kay John Luis nang malaman niya na may
sakit si K. Sobrang nasaktan si Cream hindi dahil sa nalaman
niyang may sakit si K, kundi nung nalaman niya na mag -isang
pinagdadaanan ni K ang lahat. Humingi ng tawad si Cream kay
John Luis sa mga nagawa niyang kasalanan. Hinanap niya si K at
hindi ito iniwan hanggang sa mamatay. Pagkatapos ng ilang araw
na namatay si K, sumunod din agad si Cream.

IV. Baghay ng mga Pangyayari


a. Tagpuan
Ang mga tagpuan ay sa bahay ni Cream at K, recording
studio, cafe, studio ni Cindy, at bahay ni John Luis.

b. Protagonista
Ang protagonista ay sina Charles Keith/K at Sue
Anne/Cream.

c. Antagonista
Sa tingin ko, si John Luiz ay naging hadlang sakanila ngunit
hindi siya gaanong tumutol sa mga protagonista.

d. Suliranin
Ang suliranin sa pelikula ay ang hindi pagsabi ni Charles
Keith ng tunay niyang nararamdaman at na mayroon siyang
malubhang sakit kay Sue Anne.

e. Mga kaugnay na pangyayari o Mga Pagsubok sa paglutas ng


suliranin.
Pagkatapos ikasal ni Cream kay John Luis, iniwan na din
siyang mag-isa ni K sakanilang bahay. Dito niya nakita ang

9
gamot na nasa mga gamit ni K, tiningnan niya ito sa internet
upang malaman kung para saan at doon niya nalaman na may
kanser si K.

f. Mga ibinunga
Hinanap niya si K at nagkaroon pa siya ng oras na
makasama at maalagaan ito hanggang sa mamatay.

V. Paksa o Tema
Ang tema ng pelikula ay ang malaking sakripisyo at
pagmamahal ni K kay Cream at ganon din si Cream kay K.

VI. Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya
Mahusay ang pagkuha ng mga anggulo. Nakikita ng mga
manonood ang mga dapat mapansin sa isang eksena.
Nagkakaroon ng magandang biswal ang mga manonood dahil
nakikita lahat ng mga nangyayari sa isang senaryo. K apag
nagkakaroon ng batuhan ng linya ang mga tauhan, hindi ito
nakakalito dahil maayos ang pag-anggulo ng mga kamera. At
sa bawat pagtutok ng mga kamera ay nakikita ang bawat
emosyon na ipinapahayag ng mga karakter. Magaling ang
paggamit ng mga kamera.

b. Musika
Ang musikang ginamit sa pelikula ay nakakamanghang
pakinggan dahil nadadala nito ang emosyon ng mga manonood.
Mas lalong nadadagdagan ang tensyon ng nararamdaman
kapag biglang papasok ang musika. Ang mga musika na
ginamit ay naaayon sa bawat eksena o emosyon na ipinapakita
ng mga artista.

c. Visual Effects
Magaganda ang mga lugar na ipinapakita sa pelikula.
Kaaya-aya itong pagmasdan na mas nakakadagdag ng
kagustuhan ng mano nood na panoorin ito. Importante ito sa
mga manonood dahil kadalasan dito bumabase kung maganda

10
ang pagkaka-edit ng isang pelikula. Sa pelikulang ito, mahusay
ang pagkagawa at hindi nakakadismayang panoorin.

d. Set Design
Nakakamangha ang mga backgrounds ng ibang eksena.
Napakaganda nitong tingnan, katulad na lamang ng pag-
disenyo sa kwarto na tinutulugan ni Cream at K. May
magagandang props at mga disenyo na nakakaaya sa mga
manonood na maghanap ng ganito. Mas nakatutulong ang set
design para sa aming manonood upang malaman namin kung
ano ang ginagalawan ng mga karakter.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang pelikulang ito ay pinapakita na huwag tayong matakot
na ipadama ang pagmamahal na mayroon tayo sa isang tao,
nararapat itong sabihin at ipagmalaki kahit ano man ang
mangyari. Ang pagsakripisyo sa sariling mong gayahan para sa
isang tao ay tunay ngang pagmamahal. Naipakita din sa
pelikulang ito na hindi natin kailangang magtago o magsikreto sa
mga taong nagmamahal sa atin dahil s ila lamang ang
makakatulong at ang nandyan lagi para sa atin. Hindi natin
kailangang itago ang mga ganito dahil mas lalo lang silang
masasaktan. Sa kabuuan, ito ang halimbawa ng tunay na
pagmamahalan.

Pagpupuntos sa Gawain:
Pamantayan Puntos
5. Sistematikong naipaliwanag ang pelikula 30%
6. Naibalangkas ng maayos ang mga konsepto 20%
7. Gumamit ng mga suportadong detalye 25%
8. Wastong gamit ng gramatika at pagbabaybay 25%
KABUUAN 100%

11
Pinal na Awtput (40%)
Panuto: Lumikha ng sariling laro na puwedeng ipromote sa mga kabataan.
Ang larong lilikhain ay larong di pa nalalaro na binubuo ng titulo,
kahulugan, kagamitan, mga manlalaro, panuntunan at mekanika kung
paano laruin. Pagkatapos, isalin ang nalikhang laro sa bersyon ng English.

Titulo:
Iwasan ang hukay

Kahulugan:
Ang mga pares ng tsinelas na nasa gitna ang magsisilbing hukay na kung
saan kapag ito ay iyong naapakan o naggalaw, ikaw ay matatanggal o mawawala sa
laro.

Kagamitan:
Mga pares ng tsinelas

Manlalaro:
Tatlo o higit pa

Panuntunan:
Ang panuntunan ng larong ito ay hindi dapat magalaw o maapakan ng bawat
manlalaro ang mga pares ng tsinelas.

Mekanika:
➢ Una, gumawa ng isang bilog na bumubuo sa tatlo o higit pang mga
manlalaro.
➢ Sunod, ikalat ang mga pares ng tsinelas sa gitna ng bilog na ginawa ng mga
manlalaro
➢ Sa huli, maghihilahan ang bawat manlalaro hanggang sa may makaapak o
makagalaw sa mga tsinelas na nasa gitna.
➢ Kapag naapakan o nagalaw mo ang tsinelas, matatanggal kana sa laro.
Hanggang sa maubos ang mga manlalaro at makilala kung sino ang panalo.

12
Title:
Avoid the pit game

Definition:
The pairs of slippers in the center will act as a pit, and if you step on or move
them, you will be eliminated and lose the game.

Material needed:
Pairs of slippers

Rules:
The rule of this game is that each player must not move or touch the pairs of
slippers in the middle.

Mechanics:
➢ First, make a circle consisting of three or more players.
➢ Then, spread the pairs of slippers in the center of the circle made by the
players.
➢ Lastly, each player will pull their opponents until someone steps on or moves
the slippers in the middle.
➢ You will be out of the game if you step on or move the slipper. Until the
number of players is reduced and a winner is determined.

Pagpupuntos sa Gawain: Puntos


Pamantayan
Kaangkupan ng nilalaman sa 20
paksang binigay
Orihinalidad 20
Pagiging malikhain sa 10
paggawa ng video
KABUUAN 50

13
Sanggunian:
https://www.google.com/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad=r
ja&uact=8&ved=2ahUKEwjg-
bLB44D5AhVZUGwGHRXSBNoQFnoECBYQAQ&url=https%3A%2F%2Fww
w.coursehero.com%2Ffile%2F54156511%2FPagsasalinpdf%2F&usg=AOvVaw
1LDNV892Gc-pg776IPl5G8
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalin

14

You might also like