You are on page 1of 5

FILIPINO 8

S.Y 2021-2022
Ikatlong Markahan
( for homeschool )

II. E-book – Sasagutan

1. Kontemporaryong Dagli – Buhay sa Dulo mga pahina 131-132


Gawin ang Talakayin pahina 132 at Talasalitaan pahina 132.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ang nagsasalaysay sa kwento ay si Abdon M. Balde Jr.
2. Ang kanyang suliranin na dinadala ay ang kahirapan ng buhay sa kanilang baryo na
kung saan maraming trahedya ang nangyayari sa lugar na ito. Halimbawa na lamang
nito ay ang pagkatuklaw ng ahas ni Indoy at ang pagka-pulmunya ni Selmo.
3. Mahalaga ang tagpuan sa kwento upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang
kwento. Bukod pa rito, mas mararamdaman natin ang mga pinagdadaanan ng bawat
tauhan sa kwento.
4. Sa aking palagay, nasasabi ng nagsasalaysay na dulo ang kanilang mundo dahil sa
hirap ng buhay na kanilang nararanasan, parang nararamdaman nya na para bang
katapusan na ng mundo kung kaya’t nasasabi nya na dulo na ang kanilang baryo.
5. Ang ibig sabihin lamang nito ay may mga plano na kung minsan ay hindi tumutugma
sa kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay pero para sa akin, wag pa rin dapat
tayong mawalan ng pag-asa dahil lahat ng bagay ay nangyayari sa tamang panahon at
pagkakataon.

2. Programang Panradyo – Radyo mga pahina 141-143


Gawin ang Talakayin pahina 143.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Inilarawan ng may-akda ang radyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng katangian nito. Ang
radyo ay barnisadong dilaw, halos dalawang piye ang haba at isang piye ang lapad nito.
May dalawang pihitan ito sa harap. Mayroon ring dalawang pihitan ang radyo na kung
saan ito ay pampahina at pampalakas. Sinabi rin ng may-akda na malakas ang tunong ng
radyo na kung saan ito ay nakakagising sa umaga ng mga kapit-bahay.
2. Mapapakinggan sa radyo ang magaganda at usong kanta katulad na lamang ng “Beatles”.
Bukod pa dito, makakarinig ka rin ng iba’t ibang kwentong may drama, iyakan,
bakbakan. Mapapakinnggan din dito ang “Dear Kuya Eddie” at marami pang ibang
nakakaaliw na programa.
3. Ang turing ng may-akda at kaniyang pamilya sa kanilang radyo ay kayamanan sa buhay
dahil ang radyo ang nagsisilbing lakas ng kanilang loob sa tuwing hahamakin sila ng
pagsubok sa buhay. Bukod pa dito, pinapahalagahan nila ang dulot na saya ng tugtugin na
mapapakinggan nila sa kanilang radyo. Sa kabila ng pagpapahalaga nila sa kanilang
radyo ay mayroon talagang hindi maiiwasan na pangyayari, at ang pangyayaring ito ay
ang pagsasanla nila ng radyo sa kanilang kapit-bahay para lamang sila ay makakain.
4. Malaki ang epekto ng radyo sa buhay ng may-akda at sa kaniyang pamilya dahil ito ang
nagsisilbing libangan at kasiyahan sa tuwing sila ay may pinagdadaanan. Ang radyo ay
tinuring na nilang parang isang myembro ng pamilya na hindi matutumbasan ng kahit
ano mang material na bagay katulad na lamang ng mamahaling alahas.
5. Kapag wala ang radyo sa kanilang bahay ay namumuo ang katahimikan na kung saan
naalala nila ang masasayang tugtugin at iba-ibang programa na kanilang sinusubay-bayan
sa araw-araw.

3. Programang pantelebisyon - Nang dumating ang Color TV mga pahina 151-152 Gawin
ang talakayin sa pahina 152.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ang sitwasyon na naobserbahan ng may-akda ay ang pagbabago ng panahon na kung
saan makikita dito ang paggamit ng makabagong kagamitan kagaya ng telebisyon.
Ang mga tao ay nahihikayat bumili ng telebision para makapanood at makasagap ng
iba’t-ibang uri ng sitwasyon na nangyayari sa pang-araw-araw nating buhay. Ipinakita
rin dito ang saya na hatid ng makabagong kagamitan dahil maging ang paglalaro ng
isang bata ay huminto dahil napukaw ang atensyon nito sa telebisyon.
2. Ang ibig sabihin nito ay nawalan na ng masasayang ingay na namumuo sa kalsada
sapagkat ang mga bata ay mas maeengganyo ng manuod ng telebisyon kesa
makipaglaro sa kanilang kapwa bata. Para sa akin, maganda rin naman na manatili
ang mga bata sa loob ng kanilang bahay pero hindi pa rin dapat mawala ang mga
nakasanayang laro sa lansangan na syang nagbibigay ng tuwa sa bawat bata.
3. Batay sa may-akda, ang pagkakaroon ng telebisyon ng mga tao ay mahalaga pero sa
kabilang banda, hindi pa rin dapat tayo makulong sa makabagong panahon na kung
saan ay kakalimutan na natin ang ating mga kinaugalian noong una pa lamang.
4. Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay ang pagpasok ng makabagong kagamitan sa
buhay ng isang tao. Ang kahon ang syang nagsisilbing hudyat na may bagong
paparating na magbibigay ng saya at ngiti sa mga labi ng isang tao. Kagaya na
lamang ng kahon ng telebisyon na tiyak nga naming magiging masaya ang
magmamay-ari nito.
5. Sinasabing kahon ang tinitirhan ng mga tao sapagkat ang bahay natin ay
maiihahalintulad natin sa kahon na kung saan ay maaari tayong lumabas pasok
depende sa sitwasyon ng ating buhay. Tulad ng kahon, ang bahay natin ay maaaring
magkaroon ng makabagong kagamitan o maglaho ang mga nakasanayan dahil sa
pagkaluma nito.

4. Pelikula – Pagsusuri ng pelikulang ekstra mga pahina 161- 162


Gawin ang talakayin sa pahina 162
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Tinalakay dito ang pagganap ng isang tao bilang ekstra upang matugunan ang
pangangailangan ng kanyang anak. Bukod pa dito, ipinakita rin ang kahalagahan at
pagsisikap ng mga nagsisipag-ganap bilang ekstra sa mga palabas sa telebisyon at
pelikula. Tinalakay rin dito na gagawin ng isang ina ang lahat ng kanyang makakaya
upang matugunan lamang ang pangangailangan ng kanyang anak. Itong pelikulang ekstra
ay nagbigay ng malaking inspirasyon na kung saan ang lahat ng tao ay pwedeng kumita
ng pera sa marangal na pamamaraan.
2. Maraming aspeto ang ipinakita sa pelikula, ang ilan lamang dito ay ang pagganap ng
ekstra sa isang karakter na hindi mo aakalain na magagawa nito , kagaya na lamang ang
pagganap ni Loida bilang isang abogado sa isang palabas. Ipinakita rin dito na ang mga
ekstra ay may potensyal para umangak at mas makilala pa ng mga tao kung sila ay
mayroong determinasyon sa buhay at tiwala sa sarili. Bukod pa dito, ang pagiging ekstra
ay isang malaking parte ng isang pelikula dahil sila rin ang naghahatid ng saya sa mga
manunuod.
3. Mababasa dito ang damdamin at emosyon ng may-akda na kung saan ay maayos nitong
naipahiwatig ang saloobin ng kwento. Kung ako ang magbabasa nito masasabi ko na
epektibo ang ginawang paglalarawan ng may akda sa mga karakter at iba pang tauhan sa
nasabing kwento.

III. Grand Performance Task: Social Awareness Campaign collaboration with Araling
Panlipunan and Homeroom Guidance. ( NOTE: RONA hindi na eto)

https://docs.google.com/presentation/d/1DfA6KAedPVnN_OP9uNWeJ3qS6_CxnNmu/
edit?usp=sharing&ouid=115803354771450140289&rtpof=true&sd=true

IV. PT 1- Journal ( BIBIGYAN KITA SAMPLE – 1 page summary ng topic o natutunan-


simple lang gagawin)

NATUTUNAN:

Pagkatapos kong basahin at pag-aralan ang mga aralin ay marami akong natutunan na
talaga namang makakahubog ng aking pag-iisip bilang isang tao. Natutunan ko na intindihin ang
nararamdaman o sitwasyon ng ibang tao dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan nila, kagaya
na lamang ng aking nabasa patungkol sa “Buhay sa Dulo”. May mga pagkakataon talaga na hindi
natin inaasahan kung kaya’t kinakailangan nating maging handa dito. Bukod pa dito, nalaman ko
rin ang epekto ng makabagong kagamitan sa buhay ng isang tao na kung saan maaaring mawala
ang ating mga nakasanayang gawin kapag nakahanap tayo ng ibang pagkakaabalahan. Ang lahat
ng aking natutunan ay itatanim ko sa aking isipan at ibabahagi ko rin sa ibang tao kung ako ay
bibigyan ng pagkakataon.
REYALISASYON:

Napag-isipan ko na ang teknolohiya ang syang nagbibigay sa atin ng libangan pero dapat rin
nating alamin ang ating limitasyon sa paggamit nito. Bukod pa dito ay ang pag-aaral ng iba’t-
ibang kwento na talaga naming kapupulutan ng aral sa buhay. Ang pinaka-tumatak sa aking
isipan sa araling ito ay ang kwento patungkol sa radyo dahil alam kong may maganda talaga
itong hatid sa buhay ng isang tao. Masasabi ko na ang mga nagging reyalisasyon ko ay
makakatulong sa paghubog ng aking kaisipan bilang isang tao.

PT 2- E-Portfolio

PT 3- Parents evaluation 3rd Quarter.

PT4 – Sacli Entries (SACLI@36: “Unity and Resiliency in Redefining Excellence.")

Flex your facemask or tiktok.

You might also like