You are on page 1of 51

IKAAPAT NA

PANGKAT
MAGITING,MAPAGMAHAL,MASIGASIG
FILIPINO
ANAK
(Isang Rebyu o Pagsusuri)Star Cinema
Productions Direktor: Rory B. Quintos
Script Writer, Ricardo Lee at Raymond Lee
Prodyuser, Charo Santos-Concio
BUOD NG PELIKULA
• Ang pinikula ay umiikot sa buhay ng isang inang naging domestic
helper si Josie Agbisit. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas sa
hanganrin mabigyan ng magandang buhay ang kanyang tatlong
anak.Matagal na panahon siyang nagtrabaho at hindi nakauwi mula sa
Hong Kong kahit nang mamatay ang kanyang asawang si
Rudy.kinulong siya ng kanyang amo at hindi pinayagang makabalik sa
Maynila. Pagkalipas ng ilan pang taon ay bumalik s sa bansa at
nagdesisyong magnegosyo na lamang at hindi na muling umalisng
bansa.
• Ngunit hindi naging madali ang kanyang pagbabalik hinanakit,
at pagkukulang niya sa kanyang mga anak alik. Hinarap niya
ang galit ng anak oras na makasama ang mga ito. Tinanggap
siya kaniyang ng at bunsong anak na sina Michael at naday
subalit hindi ni Carla na naging madamot sa pag-unawa sa mga
naging pagkukulang ng kanilang ina Lalo pasiyang nagrebelde
nang bumalik ang kanyang ina sa kanilang tahanan.lumayas
siya sa kanila at sinadyang gumatit ng droga,uminom ng alak at
magpapalit palit ng nobyo dalawang beses nabuntis si Carla ang
una ay ipinalaglag nya ito
at naman kusa ang ikalawa. Nadagdagan pa ang problema ni josie nang
matanggalan ng iskolarsyip ang anak na si Michael at umurong sa negosye
ang kanyang mga kaibigang sina Mercy at lyn na katulad din niyang OFW
sa Hong Kong Mabilis na naubos ang kanyang naipong pera kaya't
napagpasyahan na limang niyang bumalik sa Hong Kong na siya rin
namang gusto ng kanyang anak na si Carla Subalit bago siya tuluyang
bumalik sa Hong Kong ay nagkaroon ng matinding komprontasyon sa
pagitan nila ni Carla Sa unang pagkakataon ay nasaktan niya nang todo ang
anak at doon niya sinabi ang lahat ng hirap na kanyang tiniis para lamang
mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Dito naunawaan ni Carla
ang ina at ang kanyang mga pagkakamali kaya humingi
Siya ng tawad sakanyang ina. Sapagbabalik ni
Josie sa Hong Kong ay mas naging maayos ang
relasyon niya sa kanyang mga anak, higit na
mauunawaan nang marami ang kalagayan ng
manggawagawang Pilipino nagtatrabaho sa
abroad para sa kapakanan ng pamilya.
Pamagat ng Pelikula:
• Mula sa isang sikat na awit ni Freddie
Aguilar ang pamagat ng pelikula-
"Anak." Ito rin kasi ang ginamit na
theme song sa pelikula
Kung titingnan ang pelikula sa perspektibo ng anak na si Carla
ay masasabing akma ang pamagat ng pelikula. Gayundin, kung
susuriin ang mensahe ng awiting Anak" masasabing akmang
akma ang nasabing pamagat dahil sa mga pangyayari sa
pelikulang umikot sa mensahe ng awitin
maaari ring gamiting pamagat ng pelikula ang "Ina" Siya ang
nagsilbing pangunahing tauhan sapagkat higit na nakapokus ang
pelikula sa kanyang damdamin, kaisipan, at sakripisyong ginawa
para sa kanyang pamilya
Pagganap ng mga
Tauhan:
• si Josie na ginampanan ni Vilma Santos sa pelikula damang-dama
rin ng mga manonood ang sakit at bigat na dinala niya bilang
isang inang pilit tumatanggap sa mga pagkakamali at kawalan ng
respeto ng anak. Si Claudine Barreto bilang si Carla. Maliwanag
ang dahilan kung bakit kailangan niyang magalit sa kanyang inang
si Josie. Binulag siya ng naramdamang galit sa ipinagpalagay
niyang pagpapabaya ng kanyang ina. sa kaso ni Carla, búhay niya
ang muntik-muntikang masira
Kahanga-hanga rin ang pagganap nina

Amy Austria / Cherry Pie Picahe


• bilang mga kaibigan at karamay ni Vilma Santos.

• Rudy o Torre - bilang amang mahina ang loob

• Michael at Daday - ang mga anak na nangangapa sa ugali ng


kanilang ina
Makikitang malaki na ang iniunlad ng pelikulang Pilipino
pagdating sa sinematograpiya kung ikokompara sa mga pelikula
noon. Mahusay,
Maliwanag at maayos ang per shot

CINEMATOGRAPIYA: Iba pang Aspektong Teknikal:


Naaayon ang mga tunog o musika sa tagpo at paksa ng pelikula
Maayos din ang ginawang editing ng pelikula at halos walang
lapses sa eksena. Coordinated ang pagpapalit ng ilaw at tunog,
makatotohanan ang mga ito.
Iba pang Aspektong Teknikal:
Naaayon ang mga tunog o musika sa tagpo at paksa
ng pelikula. Ang theme song ng pelikulang Anak ay
tamang-tama sa pelikula at lalo pang nagpatingkad
sa kasukdulang bahagi ng kuwento.

COORDINATED: ang pagpapalit ng ilaw at tunog,


makatotohanan ang mga ito.
SAGUTIN NATIN!!
• 1. Ano ang pinakatema ng pelikulang Anak? Paano ito napatutang o
binigyang diin sa palabas?
• 2. Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa kanyang ina? Sa iyong
palagaymakatarungan ba ang kanyang ginawang pagrerebelde laban sa
kanyang ina? Bakit?
• 3. Ano-ano ang mga isyung panlipunang may kinalaman sa problemang
kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan ang binigyang-diin sa pelikula?
Masasabi mo bang laganap pa rin ang mga problemang ito sa ngayon?
Bakit??
4. Kung ikaw si Gng Josie, ano kaya ang mararamdaman at gagawin mo sa
pangyayaring naranasan niya kung saan ang kanyang imahe bilang ina ay naging
masama pa para sa kanyang mga anak sa kabila ng kanyang ginawang
pagsasakripisyo para sa kanila? Bakit?

5. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong magulang?
Kung mayroon man, paano mo ito tinatanggap sa iyong búhay? Kagaya ka rin ba ni
Carla na nagawang magrebelde sa kanyang magulang?

6. Bilang anak, ano-ano naman ang masasabi mong mga pagkukulang mo sa iyong
magulang? Ano-ano naman ang iyong ginagawa para iyong maipakita na nais mong
makabawi sa iyong mga pagkukular pagkakamali? Long o
7. Kung ihahambing mo ang iyong ina sa isang bagay o
tao, ano o kaya ito? Bakit?

8. Kung ikaw ay magkakaroon ng sarili mong pamilya,


ano-anong mga ambahayan upang bagay ang gagawin mo
o ipatutupad mo sa iyong sambahayan upang manatiling
masaya at buo ito?
Naipaliliwanag nang
pasulat ang mga
Kontradiksyon sa nabasa na pelikula
• 1. Batay sa ginawang pagsusuri ng pelikulang. Anak, magbigay
ng subestisyon sa ginawang rebyu na higit na mas Maganda
raw marahil kung ang pamagat na binigay sa pelikula ay iyong
nagpapahalaga sa buhay ng ina sa halip na pagbibigay-diin sa
anak. Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit o Bakit hindi? Itala ang
iyong paliwanag sa patlang.
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magbigay ng
sarili o bagong pamagat para sa pelikula.Anak,ano kaya
ito at bakit?

3. Ano-ano pa ang mga kontradiksyon o mga hindi


akmang pangyayari sa pagkakagawa ng pelikulang Anak
ang iyong nakita sa sinuring pelikula?Ilahad ito at iyong
ipaliwanag ang iyong pananaw kung bakit mo nasabing
hindi akma ang bagay na ito sa pelikula?
PAGSULAT NG JOURNAL
• TAKDANG ARALIN:
• Isulat sa iyong kwaderno ang sagot sa tanong na ito.

-Bilang isang anak, paano mo maipakikita ang


iyong pagmamahal at pagsuporta sa iyong
pamilya?
Mga elemento na dapat isaalang -
alang sa pagsusuri ng pelikula:
• 1.) Kuwento- Tumutukoy ito sa istorya sa mga pangyayari kung saan
umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng pelikula pagtuunan ng pansin ang
sumusunod na mga tanong:
• Bago o luma ba ang istorya?
• Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?
• Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
• Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. Tema - Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa,
kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.

• Napapanahon ba ang paksa?


• Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung
saan ito ay nakatitimo sa isip?
• Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito nagawa
o akma sa
lahat ng panahon?
3. Pamagat- Ang pamagat ng pelikula ay
naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay
nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.

• Ito ba ay angkop sa pelikula?


• Nakatatawag ba ito ng pansin?
• Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?
4. Tauhan- Ang mga karakter na gumaganap at
nagbibigay-buhay sa
kuwento ng pelikula.

• Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?


• Makatotohanan ba ang mga ito?
• Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?
5. Diyalogo- Ito ang mga linyang binabanggit ng mga
tauhan sa kuwento.

• Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit


ng mga tauhan sa kuwento?
• Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na
salita sa kabuoan ng pelikula?
• Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula
ang diyalogong ginamit?
6 . Cinematography- Ito ay ang matapat na
paglalarawan sa búhay ng
pelikula.

• Palutangin?
• Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?
• Naipapakita ba ng camera shots ang mga bagay o
kaisipang nais?
Iba pang Aspektong
Teknikal
• - dito inilalapat ang tunong ng
pelikula, pagpapalit - palit ng eksena,
special effects at editing.
Mga Bantas
• Bukod sa bantas na tuldok, pananong, at padamdam na
inilalagay sa hulihan ng pangungusap ay may iba pang
bantas na kailangan mong matutuhan dahil sa
mahalagang gamit nito.
• Ito ay mahalaga mong matutuhan para sa malinaw na
pagpapahayag.
Ginagamit ang mga ito sa paghihiwa-
hiwalay ng mga pangungusap, parirala, at
salita para sa nasabing layunin.
Narito ang ilang mga bantas na malimit
ding gamitin sa pagsulat at Ang kanilang
mga gamit.
WASTONG GAMIT NG
GITLING
• 1. Sa Inuulit na Salita
• - Halimbawa ano-ano, ilan-ilan, iba-iba
• a.) Kung mahigit sa dalawang pantig ang salita, ang
unang dalawang pantig lamang ang inuulit.
• Halimbawa: suntok-suntukin, suri-suriin
b.) Inuulit ang buong unang dalawang pantig kung may
dalawang pantig lamang ang salita. Ngunit hindi iunuulit
ang panghuling katinig ng ikalawang pantig kapag mahigit
dalawang pantig ang salita.
Halimbawa: balik-balik, wasak-wasak, bula-bulagsak
c.) Ngunit kung may unlapi isinasama ito, sa unang
bahaging inuulit
Halimbawa: pabalik-balik, nagkawasak-wasak,
pabula, bulagsak
2. Sa Isahang Pantig na Tunog
Halimbawa:
tiktak, ding-dong, plip-plap
3. Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig
- Paghiwalayin ang pantig na nagtatapos sa katinig
at ang sumusunod na pantig na nagsisimula sa
patinig.
Halimbawa:
mag-aral, mag-isa, agam-agam
Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit nag tatapos sa
patinig ang unang pantig kapag pang-ngalang pantangi ang
kasunod.
Halimbawa: pa-Mandaluyong ngunit pahilaga, maka-
Filipino ngunit makalupa

at kapag salitang banyaga at nasa orihinal na baybay ang


kasunod.
Halimbawa:
pa-cute, ngunit pakyut,
maki-computer, ngunit makikompiyuter
4. Sa Pinabigat na Pantig
- Ginagamit din ang gitling upang bigyan ng bigat o din
ang kakaibang bigkas sa naunang pantig, gaya sa
matandang gabi na kasingkahulugan lamang din ng
makabagong gabi. Narito pa ang ilang halimbwa
Halimbwa
: lig-in (sinaunang Tagalog) pagiging alanganin. lang-ap
(sinaunang Tagalog) pag-inom nang mabuti
5. Sa Bagong Tambalan
-Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang salita, gaya sa
sumusunod:
Halimbawa:
lipat-bahay, bigyang-búhay, bagong-salita

Walang tiyak na tuntunin kung kailan inaalisan ng gitling


ang tambalang salita. May mga salitang gaya ng kathang buhay para
sa nobela noong panahon ng Amerikano ang isinusulat nang
kathambuhay ngayon. May matandang palipadhangin, basang-sisiw, at
bunong-braso na hindi pa rin inaalisan ng gitling.
6. IWASAN ANG BIGYAN - Magtipid sa paggawa ng tambalang
salita, lalo't hindi kailangan.

•HALIMBAWA: isang bisyo na ang pagdurugtong ng anumang


nais sabihin sa BIGYAN - gaya sa bigyang diin at bigyang-
pansin. Marami ang nagsasabing bigyang-pugay samantalang
puwede naman at mas maikli pa ang nagpugay: bigyang-parangal
samantalang puwede itong parangalan; Kahit ang bigyang-pansin
ay puwede nang pansinin
7. TAMBALAN ANG PUNONGKAHOY - Dapat malinaw na
may salitang gaya ng "punongkahoy" at "buntonghininga" na
likha mula sa dalawang salita: (puno + ng at kahoy),at (bunton +
ng at hininga). May bumabaybay sa mga ito na "punungkahoy" at
"buntunghininga" dahil sa arbitraryong pagsunod sa o na
nagiging u sa loob ng pinagtambal na mga salita. Bukod pa dito
madali ring makilala ng mambabasa ang dalawang orihinal na
salitang pinagsama sa punongkahoy at sa buntonghinga.
8. SA PAGSULAT NG ORAS - Ginagamit ang gitling
upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may ika-
gayundin sa pagbilang ng oras, numero man o binabaybay
na ikinakabit sa alas- gaya sa sumusunod:
• HALIMBAWA: ika-8 ng umaga ngunit ikawalo ng
umaga alas-12 ng tanghali, alas-dose ng tanghali.
Tandaan : Laging binabaybay ang oras na ala-una.
9. SA KASUNOD NG DE - Ginagamitan ng
gitling ang salitang may unlaping de- mula sa
Espanyol na nangangahulugang "sa
pamamagitan ng" o "ginagawa o ginagamit sa
paraang ..."
•HALIMBAWA: de-kolor, de-mano, de-bola,
de-lata, de-bote.
10. SA KASUNOD NG DI - Ginagamitan ng gitling ang
salitang pinangungunahan ng di (pinaikling hindi) at
nagkaka- roon ng kahulugang idyomatiko, tila kasabihan,
malimit na kasalungat ng orihinal nito, at malimit na may
mapagbiro o mapang-uyam na himig.
•HALIMBAWA : di-mahapayang-gatang, di-mahipo, di-
maitulak-kabigin, di- maliparang-uwak.
11. SA APELYIDO - Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido
ng babaeng nag-asawa upang ipakita ang orihinal na apelyido
noong dalaga pa.
•HALIMBAWA : Genoveva Edroza-Matute, Gilda Cordero-
Fernando.
Kapag ginagamit ang anyong ito sa lalaki, gaya sa kaso ni
Graciano Lopez Jaena, ang apelyido pagkatapos ng gitling ang
apelyido sa ina. Kung iwawasto alinsunod sa praktikang.
Espanyol, Ang dapat sanang anyo ng pangalan ng dakilang
Propagandista ay Graciano Lopez Y. Jaena.
12. SA PAGSAKLAW NG PANAHON - Ginagamitan ng gitling ang
panahong sakop o saklaw ng dalawang petsa.

•HALIMBAWA: 1882-1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo) 23


Hulyo 1864-13 Mayo 1903 (Apolinario Mabini)

Sa puntong teknikal, tinatawag itong en dash. Ang mahaba na tinatawag na


gatlang o em dash ay ginagamit kapag nawawala ang pangwakas na petsa ng
isang panahunan, gaya sa:
1870-(hindi tiyak ang petsa ng kamatayan) Gatlang din, sa halip na gitling,
ang dapat gamitin kapag ibinitin ang daloy ng pangungusap at may
idinadagdag na impormasyon sa loob ng pangungusap.
- Ang susunod na tuntunin sa pagbabantas ay
mula sa Ortograpiyang Filipino, 2009 ng
Komisyon sa Wikang Filipino. Tanging ang
bantas na gitling lamang ang nagkaroon ng
pagbabago o rebisyon sa inilabas na
Ortograpiyang Pambansa 2013
1. KUWIT (.) - Ginagamit ang kuwit
A. sa pagsulat ng kompletong adres-upang paghiwa hiwalayin ang
pangalan ng gusali (kung mayroon), kalye, bayan, lungsod,
lalawigan, bansa.
• HALIMBAWA : Wasto building , 1610 J.P . Laurel Street San
Miguel, Maynila

B. sa dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan at ng bating


pangwakas ng iba't ibang uri ng liham.
•HALIMBAWA: (ng bating pambungad): Mahal kong Generoso,
(ng bating pangwakas): Matapat na sumasainyo
C. sa paghihiwalay ng mga salita, parirala, at iba, sa serye o sa isang
pangungusap.
• HALIMBAWA: Bibigyang-pansin ng kanyang administrasyon ang
pabahay, edukasyon, pagkain, at seguridad ng bansa

. D. sa pagsulat ng kompletong petsa-sa pagitan ng araw at taon.


•HALIMBAWA: Mayo 11, 1998.

E. sa pagsulat ng buong pangalan kapag nauuna ang apelyido sa


pangalan.
•HALIMBAWA: Cruz, Juancho.
F. upang ihiwalay ang tuwirang sinabi ng nagsasalita na nasa loob ng panipi.
• HALIMBAWA: "Hindi ko kilala ang tinutukoy mo," sagot ng matandang guro.

G. sa pagitan ng mga sugnay sa isang pangungusap.


•HALIMBAWA: Gawa rin dito sa Pilipinas, aywan ko kung napansin mo, ang mga
damit na binili mo sa Amerika.

H. upang ihiwalay ang mga bulalas o kataga o pahayag sa iba pang bahagi sa loob
ng pangungusap.
• HALIMBAWA:
-a. A, wala pa ring pagbabago sa set-up sa opisina.
- b. Di bale, may iba pa namang pagkakataon
I. upang paghiwalayin ang dalawa o mahigit pang pang-uri na isa ang
binibigyang-turing .
•HALIMBAWA: Ano pa't darating ang panahong yuyuko ang
masasama, ang mga palalong nilalang.

J. upang ihiwalay ang katungkulan sa pangalan ng isang tao.


• HALIMBAWA: Noong Disyembre 30,1937, nilagdaan ni Manuel L.
Quezon, pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasaad na ang Tagalog ay
kikilalaning batayan ng Wikang Pambansa.
2. TULDOK- KUWIT O SEMIKOLON (.) - Ginagamit ang
tuldok-kuwit o semicolon sa pagitan ng malalayang sugnay ng
mahahabang tambalang pangungusap na walang pangatnig na
ginagamit.
•HALIMBAWA: Sa pag-upo sa katungkulag ng bagong
pangulo, unang inaasam ng karaniwang mamamayan ang pag-
angat ng kabuhayan ng bansa; ito'y ayon sa pangakong binitiwan
niya noong panahon ng pangangampanya trabaho para sa masa at
kontra pagtaas ng presyo: tiyak na hihintayin at aasahan ng
publiko ang pangakong ito.
3. TUTULDOK O KOLON (.) - Ginagamit ang tutuldok
A. hulihan ang bating pambungad ng pormat na liham
•HALIMBAWA: Mahal na Punong nKomisyoner
: Mahal na Senador Dela Cruz
B. sa pagsulat ng oras sa pagitan ng oras at minuto. Halimbawa:
ika-5:00 n.g. 6:20 n.u.
C. upang paghiwalayin ang lugar na pinaglathalaan at ang
tagapaglathala o publisista sa isang entri ng mga sanggunian.
• HALIMBAWA: Dayag, Alma G. Pinagyamang Pluma, Quezon
City: Phoenix Publishing House Inc., 2011.
D. sa pagbibigay ng halimbawa o paglalahad ng mga aytem sa isang serye.
•HALIMBAWA: Mga dumalo: Punong Komisyuner, Direktor IV, mga
Puno ng Sangay, at mga Puno ng Yunit.

E. upang ipakita ang bilang ng talata at bersikulo sa isang sipi sa Bibliya.


•HALIMBAWA: Juan 3:16, 1 Samuel 16:7.

F. upang ihiwalay ang bilang ng tomo (volume) sa bilang ng pahina sa


isang entri ng mga sanggunian.
•HALIMBAWA: Philippine Journal of Linguistic 3:15-33.
4. GATLANG (-)-Ginagamit ang gatlang upang ipakita ang sakop
na bilang, petsa, oras.
•HALIMBAWA: 1991-1998 Oktubre 5-9.
PANSININ: Karaniwang gatlang na en, mas mala kaysa en ang
ginagamit sa ganito.

I. upang ipakita ang biglang tigil at maipokus sa dagdag na bagay


o kaalaman ang pahayag.
•HALIMBAWA: Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay
ang ating matandang sistema ng pagsulat ang Alibata .
5. PANIPI ("") - Ginagamit ang panipi.
A. upang kulungin ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita.
•HALIMBAWA: "Magparaya! Isipin mo na lang na dumagsa ang
kamag-anak na buwaya wikang mahinahong ngiti ni Tandang Selo.“
B. upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kuwento na hango
sa isang katipunan.
• HALIMBAWA: Isa sa mga kuwentong nakapaloob sa Umaga sa
Dapithapon at iba pang akda ni S.P. Bisa ay ang "Ulan".
PANSININ: Ang tuldok ay inilalagay bago ang panghuling panipi.
(Gayundin ang kuwit, tandang pananong, tandang padamdam.)
Salamat sainyong
pakikinig

You might also like