You are on page 1of 21

Magandang Umaga!

Panalangin
Mga Inaahasang makamit ng aralin ngayong linggo

Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.

Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay.

Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento.

Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa


nabasang kwento.
Pokus na mga Tanong

Ano ang maikling kuwento?

Paano natin napahahalagahan ang kultura ng ibang lahi?


Unawaing mabuti
ang iyong
mapapanood
https://www.youtube.com/watch?v=VZJjxj6XA3w

https://www.youtube.com/watch?v=zgL_TTqRZbo

5
Niyebeng Itim ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra

Si Li Huiquan ay isa sa mga kabataang biktima ng pagkakataon at kahirapan na nakaranas ng


pait na hatid ng magulong mundo. Siya ay ulila na sa magulang kaya ang kanyang tiyahin na
si Lou ang naging gabay niya sa pagnanais niyang maging maganda ang kanyang katayuan sa
buhay. Naranasan niya ang buhay ay hindi madali na kailangan subukin ang lahat na
posibleng makatulong sa sarili. Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng
labinlimang litrato kasama ang kanyang Tiya Luo. Tutol man na magpakuha ng litrato ay
napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Photo Studio. Gagamitin niya ang larawang
iyon upang kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda ng prutas. Naaprubahan ang
pagkuha niya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng prutas ay hindi. Puno na kasi ang kota.
Hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang Tiya Luo o ayaw nitong tumulong. Ang tanging
lisensyang naroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at sapatos.
6
Wala nang pakialam si Huiquan kahit anumang itinda. Angmahalaga ay may gawin kahit pa
mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na
manood ng magandang palabas sa telebisyon ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami
pa itong gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay. Wala
man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda niya. "Sapatos na tatak
Perfection mula Shenzen free economic zone! sapatos tatak perfection gawa sa Shenzen..."
ang sigaw ni Huiquan" Mga blusang batwing! hali kayo rito!" muling sigaw ni Huiquan.
Ngunit wala pa rin siyang nabenta.

7
Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa
sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang
benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras simula ng magbukas
ang kanyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang army sa apat na
karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay nagkulay
talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng
kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan
ang negosyo. Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero.
Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon
ay malas ka di ba?

8
Ano ang maikling kwento?
Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo
ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na
naglalaman ng isang kwentong may
mahahalagang pangyayari.

9
Ano naman ang mga bahagi ng Maikling Kuwento?

SIMULA Ipinapakilala sa simula ang mga tauhang gumaganap sa kuwento


at ang tagpuan. Mababasa rin dito ang ahagi ng magiging suliranin
sa kwento.

GITNA Sa gitna ng maikling kwento ang lubusang pagtalakay sa suliranin ng


mga tauhan. ababasa rin sa bahaging ito ang tunggalian pati na rin ang
kasukdulan.

WAKAS Binubuo ang wakas na bahagi ng kakalasan at alutasan kung saan,


malalaman kung ang magiging akas ng kuwento ay masaya o
malungkot, pagkapanalo o pagkatalo.

10
Ano naman ang nabanggit na mga elemento sa bawat
bahagi ng maikling kuwento?

SIMULA

1 . Tauhan – Ito ang gumaganap sa loob ng kuwento.


2. Tagpuan – Ito ang lugar na pinangyarihan ng kuwento.
3. Suliranin – Ito ay isang problema na kakaharapin ng
pangunahing tauhan.

11
GITNA

4. Saglit na kasiglahan– Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng


mga tauhang masasangkot sa suliranin.
5. Tunggalian– Ito ay labanan sa pagitan ng pangunahing tauhan at iba
pang tauhan sa loob ng kuwento. May apat na uri: tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kapaligiran o
kalikasan.
6. Kasukdulan– Ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
12
WAKAS

7. Kakalasan– Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-


unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maiigting na pangyayari sa kasukdulan.

8. Kalutasan– Ito ang bahaging kababasahan ng magiging


resolusyon ng kuwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

13
Ano pa ba ang mga elemento
ng maikling kuwento?

9. Kaisipan– Ito ang mensahe ng kuwento.

10.Banghay– Ito ang pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari sa kwento.

14
Para sa maikling pagsusulit
at gawaing pagganap, buksan ang
Google Classroom
Tayahin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa mga taong gumaganap ng mahahalagang papel sa kuwento.


a. tagpuan b. tauhan c. banghay d. wakas

2. Ang paghahamok ng dalawang tauhan, kaisipan o paniniwala na pinagbabatayan ng banghay ng isang akda na
nalulutas lamang kung ang isang lakas -- karaniwan ang pangunahing tauhan ay magtatagumpay o mabibigo sa paggapi
sa lumalabang puwersa o kaya’y susuko sa pagtatangka .
a. tagpuan b. tauhan c. banghay d. wakas

3. Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng kuwento.


a. banghay b. gitna c. kaisipan d. wakas

4. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng
pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad.
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Nag-iisip si Huiquan. Aling bahagi ng kuwento ang
isinasaad ng pangyayari sa itaas?
a.tunggalian b. wakas c.gitna d. simula
5. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman
sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag sa itaas?
a. Maghintay ng biyaya sa Diyos.
b. Hindi na nararapat hintayin ang opotunidad kasi masasayang ang panahon
c. Maging matatag sa buhay at hintayin ang oportunidad na darating
d. Mas mabuting gawin ang lahat ng posibilidad sa buhay.

6. Sina Aling Luo at Huiquan ay magtiyahin. Si Aling Lou ang tumitingin kay Huiquan dahil ulila na ito.Aling elemento ng
maikling kuwento ang sinasaad ng pahayag?
a.tauhan b.wakas c.gitna d.simula

7. Si Huiquan ay isang batang ulila na nagnanais magkaroon ng pagkakikitaan kaya nilibot ang buong bayan upang
makahanap at makatipid sa gagamitin niyang patungan sa kanyang paninda.Alin sa mga katangian ni Huiquan ang
ipinapakita sa pahayag?
a. pagiging masipag, matiyaga at pursigidong makaahon sa buhay.
b. pagiging masinop at matipid sa buhay
c. pagiging determinado sa buhay
d. pagiging kontento sa buhay
8. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pinangyarihan ng kwento.
a.tagpuan b.tauhan c. tunggalian d. wakas

9. Elemento ng maikling kuwento kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang pagsubok na may kaugnayan sa kanyang
sarili.
a.kasukdulan b.tauhan c. tunggalian d. suliranin

10. Tumutukoy ito sa resolusyon o kinahihinatnan ng kuwento.


a.tunggalian b.wakas c.gitna d.simula

11. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at dito rin ipinakikilala ang mga pangunahing tauhan ng kuwento.
a. tunggalian b. wakas c. gitna d. simula

12. Elemento ng kuwentong nagsasaad ng mensahe.


a.kaisipan b.tagpuan c.banghay d. wakas
13. Ipaliwanag kung bakit Niyebeng Itim ang pamagat ng kuwento?
a.sapagkat ang buhay ng bata ay puno ng kabiguan, pagdadalamhati at kalungkutan
b. sapagkat ang kuwento ay panahon na may niyebe na naging kulay itim
c. sapagkat ang kuwento ay nangyari sa bagong taon at umuulan ng nyebe
d.sapagkat may niyebe sa bagong taon subalit sa panahong ito ang bata ay nakaranas ng kabiguan, pagdadalamhati at
kalungkutan.

14. Nararapat na tema sa akdang Niyebeng Itim ni Liu Heng na isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra.
a. Ang batang ulila sa magulang ay naging matagumpay sa huli.
b. Ang batang nasawi sa pag-ibig sa kanyang kababatang babae ay nagpatiwakal.
c. Ang hirap ng buhay ay puno ng pasakit at pagdadalamhati.
d. Ang kahirapan ay may hangganan sa taong nais umangat sa pamamagitan ng pagsisipag at pagpupursige sa buhay.

15. Tumutukoy sa pinakamatinding pangyayari sa kuwento na tinatawag ding climax


a. tagpuan b.kasukdulan c. tunggalian d. wakas
Awtput
Isulat ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento. Gamitin ang StoryLadder.
Wakas!
Maraming Salamat!

You might also like