You are on page 1of 9

BICOL UNIVERSITY GUBAT CAMPUS

Gubat, Sorsogon

GAWAING PAGKATUTO SA INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG


( Linggo 13-14 )

I. Intended learning outcomes/ Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


A Naipakikita ang kaalaman sa katuturan, gamit, uri, istilo at anyo ng ulo ng balita.
B. Naipakikita ang kasanayan sa positibong paggamit ng ICT sa pag-unawa at pagtuturo sa mga tuntunin
sa pagsulat ng ulo ng balita
C. Naipakikita ang kaalaman sa pagsulat ng isang mahusay na Ulo ng Balita.

Paksa:
Pagsulat ng Ulo ng Balita: Katuturan, Gamit, Uri, Istilo at Anyo ng Ulo ng Balita; Pagsulat ng Mahusay na
Ulo ng Balita

II. Paglalahad ng Aralin

Katuturan ng Ulo ng Balita

Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking
titik kaysa teksto o katawan nito.

Gamit ng mga Ulo ng Balita

1. Upang lagumin ang balita ( To summarize the story).

2. Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive).

3. Upang bigyang antas ang bawat balita (To grade the news).

Mga Uri ng Ulo ng Balita

1. baner (banner headline) - Ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng


pinakamalaking titik at pinakaitim na tipo.

2. bandereta (streamer) - Isang baner na tumatawid sa buong pahina.

3. baynder (binder) - Isang ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas
ng panloob na pahina

4. kubyerta (deck, bank, readout or drophead) - Pangalawang ulo na bahagi pa rin ng


baner na nagtataglay ng lalong maliit na titik at naiibang tipo sa unang ulo.
5. payong (umbrella or skyline) tanging pangalan sa bandereta na nasa itaas ng
pangalan ng pahayagan (name plate) na pumapayong sa lahat.

6. sabhed (subhead) - isang maikling pamagat na ginagamit upang mabigyan ang


mahabang istorya ng break o puting ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang
pagbabasa.

7. taglayn (tagline), tiser (teaser), o kiker (kicker) - binubuo ng isang maikling linya
na inilalagay sa itaas ng pinakaulo sa bandang kaliwa nito o sa sentro. Ito’y
nagtataglay ng maliit na tipo at sinalungguhitan. Ginagamit itong pang-akit sa
bumabasa. Maaaring ito’y isang salita o parirala lamang. Kung ang taglayn ay mas
malaki kaysa ulo ng balita ito’y tinatawag na hamer (hammer).

8. nakakahong ulo (boxed head) - ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para
maipakjta ang kahalagahan.

9. talon-ulo (jump head) - ulo ng jump story na nasa ibang pahina.

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style)

1. Malalaking Titik (All caps)

TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN

2. Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case or Clc) Torch Nanguna sa Paligsahan

3. Pababang Istilo (Down Style)

Torch nanguna sa paligsahan

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Anyo (According to Structure)

1. Pantay-Kaliwa (flush left) - Binubuo ng dalawa o higlt pang linya na pantay ang
pagkahanay sa kaliwang baybayin. Ang kabaligtaran nito ay ang “pantay kanan” (flush
right).

pantay kaliwa (flush left)

Proyekto ng paaralan

isinagawa sa bakasyon

pantay kanan (flush righ

Proyekto ng paaralan

isasagawa sa bakasyon
2. Draplayn (dropline or step form) -binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang
unang linya ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya ay inuurong pakanan.

Seminar sa kabutihang asal

gaganapin sa Paaralang Normal

3. Bitin-Pantay (hanging indention) -binubuo ng maraming linya -ang unang linya ay


pantay kaliwa, at ang dalawa o tatlong magkakapantay na linya ay inurong pakanan

Punong patnugot nahalal na pinuno ng NSPCAA

4. Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramid) binubuo ng dalawa o higit pang


linya na paikli nang paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya ay nakasentro.
Nagkamit ng unang gantimpala sa sabayang bigkas ang paaralan

5. Kroslayn o Barlayn (crossline or barline) binubuo ng isang linya lamang na


maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum.

Torchbearer, nanguna sa NSPC

6. Plaslayn (flushline or full line) - dalawa o higit pang magkasinghabang linya na


umaabot sa kaliwa at kanang mardyin.

Buwan ng Wika, Inilunsad,Pineda, Punong Tagapagsalita

Mga Tuntuning Tradisyonal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita

1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita (Avoid fat heads).

ArawngMakakaisangBansa,ipinagdiwang

2. Iwasan ang madadalang na titik (Avoid thin heads).

OperationLinissinimulan

3. Iwasan ang ulong walang pandiwa (Avoid wooden heads).

Limang guro sa seminar

4. Iwasan ang ulong pang-etiketa (Avoid label heads).

Linggo ng Wika

5. Huwag maglagay sa ulo ng anumang wala sa balita.

6. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta.

Mali: Aklasan sa UST, nalutas Nagsipag-aklas, bumalik


Tama: Aklasan sa UST, nalutas guro, kawani nagsibalik

7. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang-kilala.

Mali: Jaime Diaz, nahalal na pangulo ng samahan

Tama: Mag-aaral ng Mapa, nahalal na pangulo ng samahan

8. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.

Mali: Mag-aaral, nagwagi sa paligsahan

Tama: Mag-aaral ng Mapa, nagwagi sa pagsulat ng balita

9. Iwasan ang opinyon sa balita (no editorializing). Ibigay ang tunay na pangyayari
lamang.

Mali: Paaralang Lakandula, lumaro nang kahanga-hanga

Tama: Paaralang Lakandula, nanalo ng tatlo sa apat na laban

10. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago.

Mali: Limang guro sa seminar

Tama: Limang guro, dadalo sa seminar

11. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.

Mali: Paligsahan sa talumpatian, hindi matutuloy

Tama: Paligsahan sa talumpatian, pinagpaliban

12. Gumamit ng mabisa at makakatawag-pansing pandiwa.

Mahina: Tinalo ng Torres ang Osmeña, 50-36

Malakas: Pinataob ng Torres ang Osmeña, 50-36

13. Gamitin ang maikli at kilalang salita.

Masalita: Bayang Pilipinas, sasali sa pandaigdig na palaro

Maikli: RP, sasali sa olimpiyada

14. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol at ng layon nito lalo na sa unang linya
(Avoid hanging prepositions)

Mali: Pagligsahan sa pamamahayag, gaganapin sa Tagaytay


Tama: Paligsahan sa pamamahayag, gaganapin sa Tagaytay

15, Gamitin lamang ang kilala at laging ginaganmit na daglat.

Mali: CA, panauhing pandangal sa pagtatapos

Tama: Pangulong Aquino, panauhing pandangal sa pagtatapos

16. Hanggat maaari, iwasan ang paggamit ng pantukoy at ng pandiwang pantulong


na hango sa verb to be.

Mali: Si Joey Lina ay ang napiling punong patnugot ng ‘Horizons’

Tama: Joey Lina, napiling punong patnugot ng ‘New Horizons’

17. Isulat ang numero (figure) o isulat ang salita nito (spelled out) ayon sa
pangangailangang batay sa ispasyong pinaglalaanan. Gamitin ang M at B para sa
milyon at bilyon.

18. Iwasan ang nagbabanggaang ulo (bumping heads or tombstone heads). Ito’y mga
ulo ng dalawang magkahiwalay ng balitang magkatapat sa isang linya at nagtataglay
ng magkatulad at magkasing-laking tipo.

Mga Tuntunin sa Paggamit ng Bantas

1. Huwag gumamit ng tuldok upang wakasan ang ulo ng balita.

2. Gamitin ang kuwit sa halip na ang pangatnig na “at”.

San Juan, Cruz napiling tagapagsalita

3. Gumamit ng tuldok-kuwit sa pag-uugnay ng dalawang kaisipan.

Halalan sa YMCA itinuloy;

Rey Malonzo, napiling pangulo

4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo. Maaaring gamitin ito sa


maliit sa kubyerta lamang

5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation). Gamitin ang bugtong
na panipi (single quotation)

Sa ulo ng balita:

Mahalin ang sariling Wika’

- Pineda
LINGGO 13

PAGSASANAY 1

A. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

1. BUMANDILA ANG PNU SA PALIGSAHAN SA PAG-AWIT

Ang ginamit na istilo ay ang _______

2. Bumandila ang PNU sa Paligsahan ng Pag-awit

Ang ginamit na istilo ay ang ________

3. Bumandila ang PNU sa paligsahan sa pag-awit

Ang ginamit na istilo ay ang _______

4. Kung ang isang ulo na 36 pts. Caslon, ay inihanay sa isa ring ulo na 36 pts. Caslon,
ang depekto ay tinatawag na ____________

5. Ang tinig na ____________ ay lalong mabisa kaysa tinig na pabalintiyak sa pag-uulo


ng balita.

6. Iwasan ang pagsulat ng ulo ng balita na nagtatapos sa _____________________ sa dulo


ng linya

7. Lagyan ng ______________ ang bawat ulo, lantad man o tago.

8. Ang ___________________ ay isang uri ng ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina


na nasa itaas ng panloob na pahina.

9. Ang ulong pinangungunahan ng pandiwa ay tinntawag na __________ sa Ingles.

10. Ang M at W ay may __________ unit count.

B. Iwasto ang pagkasulat ng mga sumusunod na ulo ng balita.

1. Nagsalita si Mayor Rey Malonzo

2. Kapitan bumalik

3. 3 pinagbintangan ng krimen

4. Sanayan-gawin ng DECS

5. Kapaskuhan sa PNU
PAGSASANAY 2: Pagki-clip at/o Pagsisipi
Panuto; Ipakita ang kaalaman sa mga batayang nilalaman ng ulo ng balita sa pamamagitan ng paggupit,
pagpapadikit at/o pagsipi ng mga halimbawang ulo ng balita mula sa iba’t ibang pahayagan.
Suriin ang mga halimbawa ng ulo ng balita ayon sa:
 katuturan,
 gamit,
 Uri
 istilo
 anyo ng ulo ng balita.

PAGSASANAY 3: Pair Teaching at Kolaboratibong Gawain


Pagbuo ng Video Tutorial
1. Ipakita ang inyong kasanayan sa postibong paggamit ng ICT sa pamamagitan ng paghahanap ng mga
video tutorial/discussion hinggil sa pag-uulo ng balita.

2. Mula sa video na napanood at pinag-aralan, bumuo ng isang video tutorial at pagkatapos ay I-upload ito
sa anumang social media flatform.

3. Ang gagawing video-tutorial ay maglalaman ng katuturan, uri, anyo, mga paraan at tuntunin sa pag-
uulo ng balita.

LINGGO 14
PAGSASANAY 4: Pag-uulo ng Balita:
Gawan ng ulo ng balita ang halimabawang artikulo.
PAALALA: Ang balita/artikulong lalagyan ng ulo ng balita ay ibibigay ng guro sa araw at oras ng
klase sa sussunod na linngo.

PAGSASANAY 5: Pagsulat ng Ulo ng Balita


Sumulat ng isang balita tungkol sa resulta nang naganap na pambansang eleksyon. Lakipan ito ng angkop
na ulo ng balita .

Ref. Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo. Ni: Ceciliano-Jose Cruz. Rex Book Store. 2003. pp. 94-
103.https://m.facebook.com/nt/screen/?params=%7B%22note_id%22%3A827027271436621%7D&path=%2Fnotes%2Fnote
%2F&_rdr
Inihanda ni:

RICKY L. JAMISOLA, PhD


Guro

You might also like