You are on page 1of 38

Ma.Loida T.

Funcion
Leah M. Roperez
Lemar C. De Guia,RRA,MAEd
LAYUNIN:
Maunawaan ang kahalagahan ng pagwawasto ng kopya at pag-
uulo ng balita sa pamamahayag.
Mapahalagahan ang mga kasanayan sa pagwawasto ng sipi at
pag-uulo ng balita.
Makapagwasto ng sipi gamit ang mga pananda at makagawa ng
ulo ng balita.
• gawain ng isang espesyalistang editor upang lalong mapabuti at
mapaganda ang istorya at maging karapat – dapat na magkaroon ng
espasyo sa pahayagan.

• ang anumang maling impormasyon gawa ng baguhang manunulat na


hindi nakita ng tagapagwasto ng kopya ay maaring makasama sa
istorya at sa pahayagan.

• ang pampaaralang pahayagan ay kailangang malaya sa anumang


libelosong pamamahayag na maaaring makasira sa magandang imahe
ng pahayagan maliban pa sa reklamong kakaharapin sa korte.
1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo.
2. Ang akdang ililimbag ay may wastong
gramatika at pagbabaybay ng mga salita.
3. Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa
kahalagahan nito.
4. Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay
na ginagamit sa akda.
5. Pumutol o magkaltas ng di – mahalagang
datos.
6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang
winawasto ay balita.
7. Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng karamihang
mambabasa.
8. Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng bangkay
na di humihinga, hawak ng kamay, pasan sa balikat at iba pa.
9. Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag
ang akda.
10. Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan.
11. Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo.

12. Sumusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya nito.

13. Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa laki at tipong


gagamitin, kolum at bilang ng yunit.
1. Makinilyahin ang kopya sa doble at tripleng espasyong 8 ½ at 11 pulgadang
papel. Ito ay upang may masulatan ng mga pagwawasto at pagbabago ng
kopya.

2. Sa itaas na kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada mula sa


pinakaitaas, isulat ang iyong pangalan at gabay o slug. Ang slug ay
karaniwang isa o dalawang salita na kumakatawan sa pinakanilalaman ng
balita.

3. Simulan ang pagsulat ng istorya mga tatlo hanggang apat na pulgada mula
sa pinakaitaas ng pahina at maglagay ng isang pulgadang palugit sa kaliwa
at kanang bahagi ng papel. Ang malaking palugit sa itaas ay para sa
tagubilin para sa typesetter at sa ulo ng balita.
Ang isang pulgadang palugit sa bawat gilid ng papel ay upang matantiya ang
kahabaan ng istorya. Ang apat na makinilyadong linya ay katumbas ng mga isang
pulgadang makinilyadong kolum na laki sa pahayagan.

4. Lagyan ng lima hanggang 10 espasyong palugit sa simula ng bawat talata.

5. Wakasan ang bawat pahina sa talata. Huwag putulin ang talata at ituloy sa
kasunod na pahina. Ang dahilan nito ay maaaring mapunta sa ibang istorya
ang karugtong ng talata.

6. Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng pa sa ibaba at ituloy


ang istorya sa ikalawang papel. Huwag gamitin ang likuran ng pahina.
7. Sa halip na sulatan ng ikalawang pahina, labelan ito ng “ Unang dagdag “ o “
dagdag isa “ at susundan ng slug. Halimbawa, “ Unang dagdag, Kidnap”.

8. Lagyan ng markang dobleng krus o sharp ( # ) o bilang na 30 ang wakas ng


istorya bilang panapos.

9. Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa pamamagitan ng lapis


ang mga mali. Gamitin ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi.

10.Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming pananda at


dagdag, imakinilyang muli kung mayroon pang panahon. Ang maruming kopya
ay mahirap iwasto, nagpapatagal sa typesetting at maaaring magbunga ng
mga kamalian sa pag-imprenta ng teksto.
Tuldok . Tandang pananong ?

Tutuldok : Pamukas na panipi “

Tuldok – kuwit ; Panarang panipi “

Kuwit , Tuldok padamdam !

Kudlit ‘ Panaklong ( )
Gitling - Gatlang --
1. Malawak ang kaalaman sa wika.
2. Mahusay sa gramatika at pagbabaybay.
3. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan.
4. mahilig magbasa.
5. Maraming alam sa pangkalahatan at kasalukuyang
impormasyon.
6. Alam ang mga batas tungkol sa libelo.
7. Kabisado ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi.
8. Metikuloso
Maraming salamat
 tawag sa pamagat ng balita
 ito ay nakalimbag sa mas malaking tipo ng titik
kaysa sa teksto nito.

MGA GAMIT NG ULO NG BALITA


1. Buurin ang balita
2. Tumutulong sa pagpapaganda ng pahina
3. Bigyang-diiin ang kahalagahan ng balita
4. Tagapag-anunsyo ng nilalaman ng balita
1. Banner – ulo ng pinakamahalagang balita
na may pinakamalaking mga titik
at pinakamaitim na tipo at matatagpuan
sa pangmukhang pahina.

2. Streamer – ulo ng balita na tumatawid sa


kabuuan ng pangmukhang pahina.
3. Binder – ulo ng balita na tumatawid sa taas
ng panloob na pahina.

4. Payong – isang streamer na matatagpuan


sa itaas ng pangalan ng pahayagan

5. Kubyerta – bahagi ng banner na nagtataglay


ng maliliit na titik at naiibang tipo
kaysa sa unang ulo.
6. Subhead – isang malaking pamagat na
ginagamit upang mabigyan ng
espasyo ang mahabang istorya.

7. Kicker, tagline o teaser – isang maikling linya


na inilalagay sa kaliwa o
sentrong itaas ng
pinakaulo ng balita,
may maliliit na tipo at
may salungguhit.
8. Hammer – kung ang kicker o tagline ay mas
malaki kaysa sa ulo ng balita.

9. Nakakahong ulo o boxed head – ginagamit upang


mabigyang-diin ang kahalagahan ng
balita o maaari ring gawing panghiwalay sa
dalawang magkalinyang ulo ng balita o
tombstone heads.
10. Talong ulo o jump head – ulo ng karugtong na istoryang
hindi natapos sa pahinang
kinalimbagan dahil sa
kakapusan ng
espasyo.
1. Pantay-kaliwa - Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang
linya na pantay ang pagkakahanay ng mga
unang titik sa kaliwa.

Halimbawa: 2 sundalong bihag,


pinalaya na ng Abu Sayyaf

2. Pantay-kanan - Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang


linya na pantay ang pagkakahanay ng mga
hulihang titik sa kanan.

Halimbawa: Edukasyong pang-agham,


isinusulong ng DepEd
3. Dropline - Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang linya na ang
mga kasunod na linya ay may palugit sa bawat linyang
sinundan.

Halimbawa: Timpalak-kagandahan, kalinisan


ng barangay, inilunsad ng LGU

4. Hanging indention - Binubuo ito ng mahigit dalawang linya kung


saan ang mga kasunod sa unang linya ay
may pantay na palugit.

Halimbawa: Taguring terorista


sa CPP-NPA, hadlang
sa Peace talks - Joma
5. Baligtad na Piramide - Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang
linyang iniayos na parang piramide.

Halimbawa: Senator Pimentel, kakalas


na sa oposisyon

6. Crossline o barline - Ito ay isang linyang ulo ng balita na maaari


sumakop ng dalawa o tatlong kolum.

Halimbawa:
Roxas, pinuri ng pamunuan ng industriyang tuna
7. Flushline o full line - Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang
magkasinghabang linyang pantay sa kanan
at kaliwa.

Halimbawa: Habambuhay na kulong,


sa nanghalay na vendor
1. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang
kaisipan.
2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan
sa pag-uulo.
3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang
nasa pamatnubay.
4. Gamitin ang pinakamaikling mga salita sa pag-uulo.
5. Gamitin lamang ang tuldok-padamdam kung
kinakailangan
6. Isulat ng numero o kaukulang salita nito ayon sa
pangangailangan ng espasyo. Gamitin ang M at B sa
milyon at bilyon.
7. Iwasan ang nagbabanggaang ulo o dalawang ulo ng
balitang magkalinya at may magkasinlaking tipo.

8. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng


balita.

9. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita.


Simulan ito sa simuno at huwag sa pandiwa.

10. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula.


Mali: Ang bayaning taxi driver sa US, Pinoy na ulit
11. Huwag paghihiwalayin ang mga tambalan o mga salitang
magkakaugnay.

Mali: Bayaning taxi Tama: Bayaning taxi driver


driver sa US, sa US, Pinoy na ulit
Pinoy na ulit

12. Gamitin ang kuwit ( , ) bilang pamalit sa at

Mali: GMA at Gordon, dadalo sa Tuna festival


Tama: GMA, Gordon, dadalo sa Tuna festival
13. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang. Ngunit kung ang
pinagkunan nito ay ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng gatlang
ang huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido /dinaglat na pangalan ng kilalang tao na
nagsabi.

Halimbawa: Ceasefire muna sa bangayan sa Senado – Pimentel

Maaari ring unahing banggitin ang nagsabi. Lagyan ng tutuldok


ang pagitan ng nagsabi at ang sinabi nito.

Halimbawa: Pimentel: Ceasefire muna sa Senado

Maaari ring anyong pasalaysay ang pag-uulo ng tahasang sabi.

Halimbawa: Ceasefire muna sa bangayan


sa Senado, ayon kay Pimentel
• Ang laki ng ulo ng balita ay karaniwang nagbibigay ng ideya kung gaano
kahalaga ang isang istorya. Narito ang maikling mga alituntunin sa pagpapasya
ng laki ng ulo ng balita:

1. Ang isang maikling apat na pulgadang istorya ay isang kolum lamang. Ang
isang kolum na ulo ng balita ay nangangailangan ng isa o tatlong linya ng mga
salita depende sa haba ng teksto. Subuking gumamit ng dalawang linya, 24
points na tipo ng titik.
2. Ang mga apat hanggang anim na pulgadang istorya ay maaaring ilagay sa isa o
dalawang kolum. Gumamit ng tipong mula 24 hanggang 30 points sa isa o
dalawang linya ng mga salita.

3. Ang mga anim hanggang 12 pulgadang lalim na istorya ay maaaring umukopa


ng maraming kolum na ulo ng balita at maaaring gumamit ng 36 points o
mahigit pang tipo depende sa lapad ng ulo ng balita.
1. Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa hanggang apat na titik, lahat
ay isusulat sa malaking titik tulad ng WHO para sa World Health Organization at
MILF para sa Moro Islamic Liberation Front.

2. Sa acronym na mahigit sa apat na titik, unang titik lamang nito ang isusulat sa
malaking titik tulad ng Asean para sa Association of Southeast Asian Nations at
Unicef para sa United Nations International Children’s Emergency Fund.

3. Kung pantigan ang ginawang pagbubuo ng acronym, unang titik lamang ng


pantig ang nasa malaking titik tulad ng DepEd para sa Departmant of
Education, GenSan para sa General Santos.
Ang pampaaralang pahayagang tabloyd na may sukat na
12” x 8” ay nagtataglay ng limang kolum na ang bawat
sukat ay 12 o dalawang pulgada. Bawat laki ng istilo ng
tipo ay may tiyak na bilang para sa espasyong
paglalagyan.

Kung ang sistema ng pagsulat ng ulo ng balita ay


binubuo ng malalaki at maliliit na titik, ang mga katumbas
na yunit ay ang sumusunod:
Lahat ng maliliit na titik ( maliban sa j, l, i, f,t,w at m ) =1 yunit
Ang maliliit na titik na j, l, i, f, t =1/2
Ang m at w =1 ½
Lahat na malalaking titik ( maliban sa I,M at W ) =1 ½
Ang I =1/2
Ang M at W =2
Lahat ng bantas ( maliban sa gatlang at tandang
Pananong, simbolo ng piso, dolyar at bahagdan) =1/2
Ang gatlang, tandang pananong, dolyar at bahagdan =1 yunit
Simbolo ng piso =1 ½
Lahat ng bilang 0-9 ( maliban sa 1 ) =1
Bilang na 1 =½
Lahat ng espasyo =1
Halimbawa:

Cebu Pacific, nagbukas ng rutang


GenSan
=38 ½
pagkasyahin ang balita sa nakalaang
espasyo sa pahina.
Magbigay ng tagubilin sa tagapag-anyo kung
anong tipo ng pagkakasulat
ang ilalapat sa teksto.
4 – 45 TNRB

4 - pagkasyahin sa apat na kolum


45 – laki ng tipo
TNR – uri ng tipong Times New Roman
B – bold o maitim na tipo ng titik.

2 – 27 TNRB/Kiker
Halimbawa: Kampanya ng DA
Eksport ng mangga, isusulong
Gawain:

Panuto:
Iwasto ang balita sa pamamagitan ng mga
Pananda sa pagwawasto, sumulat ng ulo
ng balita na may 20- hangang 25 na unit at
ibigay ang slug at tagubulin.
SLUG:
Tagubilin:
Ulo ng Balita:
Maraming
Salamat
po

You might also like