You are on page 1of 7

ORLANDO T. LAYDEROS JR.

BSed-2C
Aralin 11: PAGSULAT NG ULO ng BALITA

Layunin Ng Pagkatuto
Pagkatapos ng aralin, ikaw bilang ag-aaral ay inaasahang:
Naibibigay ang katuturan ng ulo ng balita
Naipaliliwanag ang gamit ng ulo ng balita, uri ng ulo ng balita ayon
sa anyo at istilo, mga tuntunin sa pagsulat ng balita, at tuntunin sa
paggamit ng bantas
Naisasagawa ang mga mungkahing gawain
Sesyon 11: 1.5 Oras
Panimula
Mahalaga ang kaalaman tungkol sa pagsulat ng ulo ng balita
at ang kakayahang makilala ang iba’t ibang ulo ng balita at
tuntunin sa pagbuo ng ulo ng balita. Malaking tulong sa tagasulat
ang mayamang bokabularyo. Matutuhan mo sa aralin ito ang
pagsulat ng iba’t ibang uri ng ulo ng balita.
Panimulang Gawain
Ano na ang Alam Ko?
1. Ano ang ulo ng balita?
Ang pamagat ng isang balita na makikilala sa pamamagitan ng paggamit ng higit
na malalaking titik kaysa sa nilalamanAno ang gamit ng ulo ng balita?
2. Ano-ano ang tuntunin sa paggamitng ulo ng balita?
1. Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig at pantukoy.
2. Iwasang gumamit ng salitang may dalawang kahulugan.
3. Huwag puputulin ang salita sa dulo ng linya.
4. Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.
5. Huwag gumamit ng pang-abay na pananggi.
6. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugalian nang daglatin.
7. Iwasang ulitin ang mga salita.
8. Gamitin ang pandiwang lantad.
9. Gamitin lamang ang pangalan ng tanyag o kilala.
10. Gumamit ng pang-uring pamilang kung mahalaga.
3. Ano ang wastong pagamit ng bantas sa ulo ng balita?
WASTONG PAGGAMIT NG MGA BANTAS
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap at
pautos ng mga pangangausap.
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita.
2. Tandang Pananong (?) –Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na
patanong
3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
a. Pangungusap na padamdam
b. Ekspresyong padamdam
4. Kuwit o Koma (,)
a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal
f. Paghahanay pahalang ng mga salita
g. Magkakasunod na parirala
h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
j. Pagkatapos ng ngalang panawag
k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
5. Tutldok o kolon (:)
a. bating panimula ng liham pangangalakal
b. pagsulat ng oras
c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
6. Kudlit o Apostrofi (‘) ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang salita.
7. Panaklong o Parentesis ( ) -ginagamit na pangkulong sa mgapinamimiliang salita
o parirala.
8. Panipi o kotasyon (“ “)
a. Diyalogo
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala.
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap.
9. Gitling (-)
a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya
pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya’y
magkaroon ng ikatlo.
c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na.
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng
panlaping nagtatapos sa katinig
e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa
i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
10. Tuldukuwit (;) -ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi
pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay.
11. Elipsis (…) pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa huli ng
pangungusap o katapusan ng sipi.
12. Braket ([]) ■binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang
kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa.
13. Asteriko (*) may tinanggal na isa o mahigit pang talata sa isang sinipi,
pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may karagdagang impormasyon
nakatalababa o nakfutnowt.
14. Salungguhit (__) -gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, novella, maikling
kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, jornal,
polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita.

MAGBASA AT MATUTO

Katuturan ng Ulo ng Balita


Ang ulo ng balita ay pamagat ng isang balita na nagtataglay ng
lalong malalaking titik kaysa teksto o katawan nito.
Gamit ng Ulo ng Balita
1. Upang lagumin ang balita(to summarize the story0
2. Upang pagandahin ang pahina(to make the page attractive)
3. Upang bigyan ng anta sang bawat balita(to grade the news)
Uri ng mga Ulo ng Balita
1. baner (banner headline). Ulo ng pinakamahalagang balita na
nagtataglay ng pinakamalaking titik at pinakaitim n a tipo.
2. bandereta (streamer). Isang baner na tumatawid sa buong
pahina.
3. Baynder(binder) Isang ulo ng balita na tumatawid sa buong
pahina na nasa itaas ng panloob na pahina.
4. Kubyerta( deck,bank, readout o drophead. Pangalawang ulo
na bahagi pa rin ng baner na nagtataglay ng lalong maliit na
titik at naiibang tipo sa unang ulo.
5. Paying (umbrella or skyliner). Tanging pangalan sa bandereta
na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan (nameplate) na
pumapayong sa lahat.
6. Sabhed (Subhead). Isang maikling pamagat na ginagamit
upang mabigyan ang mahabang istorya ng break o putting
ispasyo (white space) upang hindi pagsawaan ang pagbabasa.
7. Taglayn(Tagline) tiser (teaser) o kiker(kicker) binubuo ng isang
maikling linya na inilalagay sa itaas ng pinakaulo sa bandang
kaliwa o sa sentro. Ito’y nagtataglay ng maliit na tipo at
sinasalungguhitan. Ginagamit itong pang-akit sa bumabasa.
Maaaring ito’y isang salita o parirala lamang. Kung ang
taglayn ay mas Malaki kaya ulo ng balita. Ito’y tinatawag na
hamer (hammer0
8. Nakakahong ulo (boxed head). Ulo ng balita na kinulong ng
mga guhit para Makita ang kahalagahan.
9. Talong ulo (Jump head). Ulo ng jump story na nasa ibang
pahina.
Uri ng Ulo ng Balita ayon sa Istilo ( according to style)
1. Malalaking titik (all caps)
Hb. TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN
2. Malaki-Maliit na titik (Cap and Lower Case or clc)
Hb. Torch Nanguna sa paligsahan
3. Pababang Istilo (down Style)
Hb. Torch nanguna sa Paligsahan
Uri ng Ulo ayon sa Anyo (According to Structue)
1. Pantay-kaliwa (flush left). Binubuo ng dalawa o higit pang
linya na pantay ang pagkakahanay sa kaliwang baybayin.
Ang kabaligtaran nito ay ang “pantay kanan (flush right).
Pantay-kaliwa (flush left) Pantay kanan (flush right)
Hb. Proyekto ng paaralan Proyekto ng paaralan
Isasagawa sa bakasyon isasagawa sa bakasyon
2. Droplayn (dropline or step form). Binubuo ng dalawa o higit
pang linya na ang unang linya ay pantay kaliwa at ang
bawat kasunod na linya ay inuurong pakanan.
Seminar sa kabutihang asal
gaganapin sa Paaralang Normal
3. Bitin-Pantay (hanging indention). Binubuo ng maraming
linya - - ang unang linya ay pantay kaliwa, at ang dalawa o
tatlong magkakapantay na linya ay inuurong pa kanan.
Punong patnugot
nahalal na pinuno
ng NSSPCAA
4. Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramide). Binubuo
ng dalawa o higit pang linya na pakili nang paikli ang haba,
na ang huli at pinaikling linya ay nakasentro.

Nagkamit ng unang gantimpala


Sa sabayang pagbigkas
ang paaralan
5. Kroslayn o barlayn (Cross-line o bar line). Binubuo ng isang
linya lamang na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong
kolum.
Torchbearer, nanguna sa NSSPC
6. Plaslayn (Flushline or full line). Dalawa o higit pang
magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang
palugit.
Buwan ng Wika, Inilunsad,
Pineda, Punong Tagapagsalita

Mga Tuntunin sa pagsulat ng Ulo ng Balita

1. Iwasan ang magkakadikit-dikit na titik o salita (avoid fat heads)

ArawngmagkakaisangBansa, ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik (Avoid thin heads)
Operation Linis
SInimulan
3. Iwasan ang ulong walang pandiwa (Avoid wooden heads)

Limang guro sa Seminar


4. Iwasan ang ulong pang-etiketa (Avoid label heads)

Buwan ng Wika
5. Huwag maglagay sa ulo ng anumang wala sa balita
6. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit na isang
kubyerta

MALI – Aklasan sa UST, nalutas


Nagsipag-aklas, bumalik
TAMA – Aklasan sa UST, nalutas
Guro, kawani nagsibalik
7. Huwag gumamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang-
kilala

Tuntunin sa paggamit ng bantas

Napakahalaga ng paggamit ng bants sa pagsulat ng balita subalit


kailangang tandaan ang wastong gamit nito.
1. Huwag gumamit ng tuldok upang wakasan ang ulo ng balita.
2. Gamitin ang kuwit sa halip na ang pangatnig na “at”

3. Gumamit ng tuldok-kuwit sap ag-uugnay ng dalawang kaisipan

Halalan sa YMCA itinuloy;


Rey Malonzo, napiling pangulo
4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo.
Maaaring gamitin ito sa maliliit na kubyerta lamang.
5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotations)
Gamitin ang bugtong na panipi (single quotation)

You might also like