You are on page 1of 26

GAM

IT NG
MGA
BAN
TAS
1. Tuldok o Period (.) 6. Gitling o hyphen (-)
2. Pananong o Question Mark (?) 7. Tutuldok o Colon (:)
3.Padamdam o Interjection (!) 8. Panaklong o
4. Kuwit o Comma (,) Parenthesis ( )
5. Kudlit Apostrophe (‘) 9. Tutuldok-Kuwit o
Semicolon (;)
10. Panipi o Quotation Mark (“ ”)
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)
1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay
ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat


Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic
Christian Living”.

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati


ng isang balangkas, talaan.
Halimbawa:
A.
1.
2. PANANONG (?) - Ginagamit
ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
• Ano ang pangalan
mo?
• Sasama ka ba?

B.Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-


aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
•Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo
ng Republika ng Pilipinas.
3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na
pandamdam ay ginagamit sa
hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng
matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago
mong sapatos. Aray!
Naapakan mo ang paa ko.
4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din
ang kuwit sa paghihiwalay ng isang
sinipi
A.Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon
ng mga salitang magkakauri.
Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang
bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

B.Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas


ng isang liham- pangkaibigan.
Halimbawa:
Mahal kong Marie, Sa iyo kaibigang Jose,
Nagmamahal, Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Halimbawa:
Oo, uuwi ako ngayon sa
probinsiya.
Hindi, ayaw niyang
sumama.

D. Sa mga lipon ng
salitang panuring o
pamuno.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan,
ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na
tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan
ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa
pamuhatan ng isang liham.

Halimbawa:
Nobyembre 01, 2020
Novaliches, Quezon City

F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng


nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.

Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal
sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda”.
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) -
Ginagamit na panghalili ang
kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Halimbawa:
- Siya’t ikaw ay may dalang
pagkain.
- Ako’y mamayang Filipino at
may tungkulin mahalin at
pangalagaan ang aking
bayan.
6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit
ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga
sumusunod na pagkakataon:
A.Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng
salitang-ugat. Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya

B.Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang


nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi
ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:

Mag-alis
Nag-isa
May-ari
tag-init
nag-ulat
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan
ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang
salita ay magbago ang kahulugan, hindi na
gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
Bahaghari
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng
tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging
ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos
maka-Rizal
maka-Pilipino
pa-Baguio
taga-Luzon
taga-Antique
Maka-Johnson
mag-Sprite
mag-Corona
mag-Ford
mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng
tanging ngalang may unlapi, ang
gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging
ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:

mag-Johnson = magjo-Johnson
mag-Corona = magco-Corona
mag-Ford = magfo-Ford
mag-Japan = magja-Japan
mag-Zonrox = magzo-Zonrox
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa
numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-20 pahina
ika-10 ng umaga ika-9 na buwan
ika-3 revisyon ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga


yunit ng fraction.
Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-
kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag/ga/-
mit ng Filipino.

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng


babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon
7. TUTULDOK( : ) - ginagamit
matapos maipuna ang
pagpapakilala sa mga sumusunod
na paliwanag.
A.Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin
tulad ng: Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.

B.Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham


o liham-pangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C.Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto
ng tagpo sa isang
dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga
sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat
ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad
sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi
gumagamit ng pangatnig
A.Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na
tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham
pangalakal.
Halimbawa:
Ginoo; Bb;

B.Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang


pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng
pangatnig.
Halimbawa:
- Kumain ka ng maraming prutas; ito’y
makabubuti sa katawan.
- Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya
ang magpatiwakal.
C.Sa unahan ng mga salita at parirala tulad
halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o
halimbawa.
Halimbawa:
Maraming magagandang bulaklak sa
Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng
pansin; gaya ng kakwate, kabalyero,
banaba, dapdap at iba pa.
9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan
at dulo ng isang salita
A.Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng
isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,”
sabi ng Pangulo.

B.Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng


isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.
Halimbawa:
- Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
- Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
- Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang
“Anak Dalita”.
C.Ginagamit sa pagkulong ng mga
salitang banyaga.
Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa
bagong “Computer Programming”.
10. PANAKLONG ( ) - Ang mga panaklong ay
ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang
hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap,
gaya ng mga ginamit sa pangungusap na ito.

A.Ginagamit upang kulungin ang pamuno.


Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-
akda ng Noli Me Tangere.

B.Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit


upang matiyak ang kawastuhan.
Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigit kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na
nagpapahayag ng taon.
Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS
(…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin
ng nagsasalita ang karug-tong ng nais
sabihin.
A.Upang ipakilalang may nawawalang salita o
mga salita sa siniping pahayag.
Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan
o sa gitna ng pangungusap ay may
nawawalang salita,
Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroyo …

B.Sa mga sipi, kung may iniwang di-


kailangang sipiin.
Halimbawa:
Kung ika’y maliligo sa tubig ay aagap upang…
12. GITLING
(-)
A. Ginagamit sa pagpapahayag ng
pagkaabala o pagbabago ng kaisipan.
Halimbawa:
Nagkita kami ni Fe sa reunion –
subalit hindi kami nagkausap.

B. Ginagamit sa paghihiwalay sa isang


bagay na binibigyanng diin o kapana
panabik.
Halimbawa. Pagbutihan mo ang
pagsagot sa pagsusulit – nang
makapasa ka na.
Sanggunian:

https://teksbok.blogspot.com/
2010/08/wastong-
gamit-ng-mga-bantas.html

You might also like