You are on page 1of 28

Aralin sa Wikang Filipino

para sa SMP 3
Inihanda ni:
Guro sa Asignatura

SEKOLAH INDONESIA DAVAO

Ang Bantas
- ay mga simbolo o pananda
na ginagamit sa pagsusulat
upang mabigyan ng
kahulugan at kabuluhan ang
mga pangungusap nang sa
ganun madaling maintindihan
ang ibig ipahiwatig ng
manunulat.
Ang mga uri ng Bantas

1. Tuldok o Period (.)
2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe ()
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o Colon (:)
8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)
9. Panipi o Quotation Mark ()
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis ()


1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at
pautos.

Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat

Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang
Basic Christian Living

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa
bawat hati ng isang balangkas, talaan.

Halimbawa:
A. 1.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.

Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang
pag- aalinlangan sa diwa ng pangungusap.

Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng
Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na
pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng
isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing
damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit
sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at
lipon ng mga salitang magkakauri.

Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-
kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating
pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,

C. Pagkatapos ng OO at HINDI.

Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.

D. Sa mga lipon ng salitang panuring o
pamuno.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng
Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na
tagapagtanggol, ay isang Manobo.


E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng
kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa
pamuhatan ng isang liham.

Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City

F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng
nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.

Halimbawa:
Ayon kay Rizal, Ang hindi magmamahal sa sariling
wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT() -
Ginagamit na panghalili ang
kudlit sa isang titik na kina-
kaltas:

Halimbawa:

Siyat ikaw ay may dalang
pagkain.
Akoy mamayang Filipino at may
tungkulin mahalin at
pangalagaan ang aking bayan.

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) -
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng
salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o
mahigit sa isang pantig ng salitang-
ugat.

Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos
sa katinig at ang salitang
nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginitlingan ay
magkakaroon ng
ibang kahulugan.

Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng
dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay
magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng
gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging
ngalan ng tao, lugar, brand o tatak
ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o
simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling

Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan


E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng
tanging ngalang may unlapi, ang gitling
ay
nalilipat sa pagitan ng inulit na unang
pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan

Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay
iniunlapi sa numero o
pamilang.

Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga
ika- 20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na
buwan ika-12 kabanata
G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit
ng fraction.

Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
limat dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang
apelyido ng babae at ng kanyang bana o
asawa.

Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
limat dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae
at ng kanyang
bana o asawa.

Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.


7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna
ang pagpapakilala sa mga sumusunod na
paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang
kasunod.

Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa
hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal
na liham o liham-pangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga
minuto at oras, sa yugto ng tagpo
sa isang dula, sa
kabanata at taludtod ng Bibliya
at sa mga sangkap ng
talaaklatan.

Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay
naghuhudyat ng pagtatapos ng isang
pangungusap na kaagad sinusundan ng
isa pang sugnay nang hindi gumagamit
ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa
halip na tutuldok sa katapusan ng bating
panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa:
Ginoo;
Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang
pangungusap kung hindi
pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa:
Kumain ka ng maraming prutas; itoy makabubuti sa
katawan.
Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang
magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad
halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

Halimbawa:
Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na
hindi na napag-uukulan ng
pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap
at iba pa.

9. PANIPI ( ) - Inilalagay ito sa
unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang
buong sinasabi ng isang
nagsasalita o ang
tuwirang sipi.

Halimbawa:
Hindi kinukupkop ang criminal,
pinarurusahan, sabi ng Pangulo.


B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng
isang pahayagan, magasin,
aklat at ibat ibang mga akda.

Halimbawa:
Nagbukas na muli ang Manila Times.
Isang lingguhang babasahin ang Liwayway.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang
Anak Dalita.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong
Computer Programming.

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga
panaklong ay ginagamit na
pambukod sa salita o mga salitang
hindi direktang kaugnay ng diwa ng
pangungusap, gaya ng mga ginamit sa
pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang
pamuno.

Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose
Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na
inuulit upang matiyak ang
kawastuhan.

Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigit kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na
nagpapahayag ng taon.

Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 1896 )

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS () -
nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang
karug-tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga
salita sa siniping pahayag.
Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa
gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa
mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroy

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.

Halimbawa:
Kung ikawy maliligo sa tubig ay aagap upang
MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG!

You might also like