You are on page 1of 5

PONOLOHIYA

Uri ng Diin

Ang diin o stress emphasis sa Ingles ay isang ponemang suprasegemental na


nagsasaad ng wastong paraan ng pagbigkas ng mga salita o pantig na makatutulong sa
pag – unawa sa tamang kahulugan ng mga salita. Ang diin ay ang paglalaban ng bigat
sa isang pantig kung binibigkas ang isang salita. Ang bigat ng pagbigkas ng pantig na
maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay
magkapareho ng baybay.

Ito ay ang bigat o lundo ng bigkas sa isang pantig at ito ay tinutumbasan ng


tuldik sa anyong pasulat. Ang diin ay gumagamit ng iba’t ibang tuldik upang ipakita kung
saan lalagyan ng diin ang isang pantig.

Halimbawa:

KI:ta (Nalikom na pera/sweldo) / ki:Ta (Tanaw)

PU:no (Kahoy) / pu:NO (puno na)

BU:hay (Kapalaran ng tao) / bu:HAY (Humihinga pa)

LA:mang (Natatangi) / la:MANG (Nakahihigit)

BI:na:sa (tiningnan na inunawa) / bi:na:SA (tinapunan ng tubig)

Ang pares ng mga salita ay magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan, malalaman natin ang tamang kahulugan ng mga salita dahil magkaib ang
diin ng bawat isa na mangyaring makapagbabago ng kahulugan ng mga salita.

Mayroon tayong apat na uri ng diin:ang malumi, malumay, mabilis, at maragsa.

ANO NGA BA ANG TULDIK?


Ang tuldik ay nagpapakita ng higit na gamit ng diin. (`)-paiwa (ˆ)pakupya ( ˊ )-
pahilis.
Ang Malumay
Binibigkas ito ng dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig
buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Ito ay mga
salitang mahina at malumanay kung ibigkasin. Ang mga salitang malumay ay maaaring
magtapos sa patinig at katinig. Ang mga ito ay may pinultima (pagtaas ng boses) na
makikita sa ikalawang pantig ng salita mula sa hulihan at walang tuldik.

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Apa [A : pa]
Nanay [NA : nay]
Ate [A : te]
Bakal [BA : kal]
Tawi-tawi [tawi- TA : wi]
Pangit [PA : ngit]
Bayan [BA : yan]
Pito [PI : to]
Tao [TA : o]
Silangan [siLA : ngan]
Sarili [saRI : li]
Nanay [NA : nay]
Buhay [BU : hay]
Dahon [DA:hon]
Malumay [maLU:may]

Ang Malumi
Ang malumi ay mga salitang mahina kung bigkasin.Ito ay binibigkas nang
dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhatbsa hulihan. Ang mga salitang
malumi ay nagtatapos lamang sa patinig. Tulad ng malumay, may diin itong
matatagpuan sa ikalawang pantig ng salita mula sa hulihan ngunit nagtatapos sa
impit na tunog at nilalagyan ng tuldik na paiwa (`) ang huling titik.
Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Suka [SU : kà]
Hita [HI : tà]
Wika [WI : kà]
Suki [SU : kì]
Suko [SU : kò]
Baro [BA : rò]
Lahi [LA : hì]
Mayumi [maYU : mì]
Pagsapi [pagSA : pì]
Bata [BA : tà]
Luha [LU : hà]
Lupa [LU : pà]
Tama [TA : mà]
Panlapi [panLA : pì]

Ang Mabilis
Ang mabilis ay mga salitang mabilis din kung bigkasin na may diin sa huling
pantig. Ang mga salitang mabilis ay maaring magtapos sa patinig at katinig.
Binibigkas ng tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ng salita ngunit walang
impit sa dulo. Ito at ay ginagamitan ng tuldik na pahilis (´).

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Bulaklak [bulaklák]
Bumili [bumilí]
Kidlat [kidlát]
Sabaw [sabáw]
Kamay [kamáy]
Masaya [masayá]
Ako [akó]
Dilaw [diláw]
Huli [hulí]
Sapin [sapín]
Buwan [buwán]
Rebolusyon [rebolusyón]
Hilaw [hiláw]
Kahon [kahón]
Mabilis [mabilís]

Ang Maragsa
Ang mga salitang maragsa ay mga salitang mabilis bigkasin at tuloy-tuloy
ngunit mayroong impit na tunog sa huling pantig ng salita. Tulad ng mga salitang
malumi, ang mga salitang maragsa ay maaring magtapos lamang sa patinig.
Ginagamitan ng tuldik na pakopya (^) sa huling patinig ng salita.
Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Yugto [yugtô]
Dugo [dugô]
Butiki [butikî]
Likha [likhâ]
Salita [salitâ
Dukha [dukhâ]
Silakbo [silakbô]
Tumula [tumulâ]
Ginawa [ginawâ]
Hindi [hindî]
Tumula [tumulâ]
Pasa [pasâ]
Wasto [wastô]
Dagsa [dagsâ]
Maragsa [maragsâ]

Gale, D. (2015). Uri ng Diin. https://www.scribd.com/doc/274254260/ARALIN-1-Diin-Ng-


Salita

Halimbawa ng Malumi. (Agosto 5, 2020). https://insurance.philippinetravelforum.com/

Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan. (Pebrero

26, 2017). https://www.slideshare.net/MaLuisaRicasio/mga-salitang-magkapareho-

ang-baybay-ngunit-magkaiba-angkahulugan

You might also like