You are on page 1of 3

ORLANDO TIGUE LAYDEROS JR.

BSed 2C

Aralin 2: Introduksiyon sa Pamamahayag


Layuning ng Pagkatuto
Pagkatapos ng sesyong ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahulugan at layunin ng pamahayagang pampaaralan
 Naipaliliwanag ang saklaw ng pamahayagan
 Nasusuri ang mga bahagi ng pahayagan.

Gabay sa Pagkatuto:
Ang iyong pag-aaralan sa sesyong ito ay saklaw ang mga paksa tungkol sa
katuturan o depinisyon ng pamahayagan, pamahayagang pampaaralan, mga
layunin ng pamahayagang pampaaralan, at mga bahagi ng pahayagan.
Mahalagang magkaroon ka ng sapat na kaligirang kaalaman tungkol sa kung
ano ang pamamahayag at ang pamahayagang pampaaralan maging ang
layunin nito at ang mga bahagi ng pahayagan upang maging gamay ka sa mga
susunod pang pag-aaralan,

Handa ka na bang magsimula? Tara na magsimula ka na!

Panimulang Gawain 1
Mahilig ka bang magbasa? O mahilig kang magsulat? O kaya pareho mo itong
hilig? Bago mo buksan ang link, alamin mo muna ang nasa larawan.

Gabay na Tanong:
1. Ano-anong uri ng babasahin ang iyong nakikita sa larawan?
Ito ay isang pahayagan o dyaryo at mga nagbabalita o nagbibigay
impormasyon.
2. Anong Gawain ang ipinakikita sa larawan?
Ito ay nag babalita o nagbibigay impormasyon o nagpapahayag ng
balita .

Tingnan mo at Kilatisin ang mga larawan

https://www.slideshare.net/alexander014/pahayagang-pangkampus

Ang aking mga sagot:


1. Ang mga babasahing nakikita ko ay isang pahayagan at Magazine
2. Ang gawaing ipinakikita sa larawan
Naglalahad ng balita o nagbabalita.
Hayan! Nakuha mo ang tamang sagot. Ngayon, humanda ka na sa pagpapatuloy sa sesyong ito.

Gawain 2: TALASALITAAN
Naipaliliwanag ang kahulugan ng piling salita

PANUTO:
Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Pahayagan B. Pamahayagan C. Pagpapahayag

D. Pamahayagang Pangkampus

A 1. Isang uri ng gawaing pagpapalimbag ng mga pahayagan, magasin,


polyeto at kasama ang pagbabalita sa radio at/o telebisyon.
B 2. Uri ng babasahing naglalaman ng balita o impormasyon.
C 3. Gawi ng pagpapaabot o pagbabahagi ng kaisipan o niloloob.

D 4. Papel-pampaaralan.

You might also like