You are on page 1of 6

15 Gaco, Angel S,

Fil 110: Introduksiyon sa


Pamamahayag

Gng. Ginalyn G. Molina BSED FIL 3A

PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING O EDITORYAL

I. LAYUNIN:

a. Nagagamit nang wasto ang mga tiyak na pang-ugnay sa paglalahad ng katuturan ng Editoryal o
pansariling opinyon

b. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng editoryal

c. Nakapag-iiba-iba ng uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nito

II. PAGTATALAKAY

Ayon kay Miller, ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor.
Isinusulat ng editor ang editoryal batay sa umiiral na mahahalagang balita upang magturo o magbigay ng impormasyon,
magbigay-puri, manuligsa o magpaunawa. Napansin mo ba ang pariralang nakalimbag nang pahilig? Mahalaga ito dahil
sa balita nagmumula ang paksang isinusulat sa editoryal. Samakatuwid, ang balita’y dapat na maging bago at
napapanahon. Bagama’t matagal nang namayapa at nailibing ang dating senador Benigno “Ninoy” Aquino, ito’y hindi na
dapat pang maibalita, ngunit kung may bagong balita tungkol sa kanyang pagkamatay, gaya nang bagong testigong
lumantad na di umano’y nakakita sa tunay na pangyayari, ito’y maihahanay bilang isa sa tinatawag na umiiral na
mahahalagang balita. At ito ay maaaring maging paksa ng editoryal.

Maging ang masalimuot na balita ay hindi pinalalampas ng editor. Ito’y patuloy na binibigyan niya ng puna o kuru-
kuro gaya ng katiwalian sa gobyerno, dayaaan sa eleksyon, paglaganap ng epidemya, bagong batas na isinusulong, atb

• Salamin / kaluluwa ng pahayagan

• pagpapayo

• mapanuring pagpapakahulugan sa napapanahong pangyayari upang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-


puna, magbigay-puri, magpahalaga sa natatanging araw at manlibang sa mambabasa.

• nagbibigay opinyon

• paninindigan ng patnugutan

LAYUNIN NG EDITORYAL

1. Nagbibigay impormasyon o kabatiran

 Pinapaliwanag ang adhikain na nais ipahiwatig at pinaliwanag ang tamang pangyayari o nangyari.

 Hindi nagbibigay ng pasya.


Hal:

1. Ang Philippine General Hospital ay


binabalak na gawin na lang na paaralan ng UP.

2. Pagmamartsa ng mga guro ay nagdudulot ng pangangamba sa mga pinuno at mga magulang.

2.Tumutuligsa

 May kabutihan at kasamaan

 Nagpapaliwanag ng isang balita at nagbibigay palaisipan sa mambabasa

 Nagmumungkahi sa kahihinatnan ng isang isyu

Hal:

1. Biglang pagtaas ng halaga ng langis

2. Pagsusuot ng ID

3. Katuturan ng DepED Order No. 19, s. 2009

4. Pagpapalawak ng Bagong Kurikulum

3.Namumuna/ Nanghihikayat

 nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nagmumungkahi ng isang solusyon


at naghihikayat ng pagbabago

Hal:

1. Masamang pag-uugali ng mga mag-aaral


2. Maling pamamalakad ng isang kompanya
3. Mahal na pagkain sa kantina
4. Dahilan ng pangongopya sa mga panahon ng pasusulit

4.Nakalilibang

 namimilantik pero sa nakakatawang pamamaraan sa pamamagitan ng kutun ( bumabati sa


kagandahan ng buhay)

Hal:

1. Bagong moda ng kasuotan, buhok at pag-aayos ng katawan

2. Iba’t ibang reaksiyon sa pagtanggap ng kard

3. Napiling lider ng konseho ng mag-aaral

4. Mga kaganapan sa kapistahan

5.Namumuri/Nagbibigay Parangal
 Binigyang parangal ang mga
natatanging tao dahil sa
nagawang kabutihan at ipinakitang kagalingan
Hal :
1. Masipag na guro
2. Atletang nag-uwi ng karangalan sa bansa mula sa pandaigdigang kompetisyon
3. Natatanging gawain ( wagi sa paligsahan, gawain ng kapisanan, kilusang pambayanan, mabisang ginawa ng
yumaong lider)

6. Pagpapahalaga Sa Natatanging Araw

 nagbibigay kahulugan at kahalagahan sa natatanging araw o okasyon


Hal:
1. Linggo ng Pag-iwas ng Sunog
2. Linggo ng mga Bansang Nagkakaisa
3. Araw ng Pasko

URI NG EDITORYAL

1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information) - layuning mabigyan diin ang kahalagahan ng
isang pangyayari o mabigyan linaw ang ilang kalituhang bunga nito. Hindi ito tumutuligsa o nakikipagtalo. Ang
tanging layunin ay upang mabigyan ng kabatiran.
2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - nagpapaliwanag ng kahalagahan o
kahulugan ng pangyayari
3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation) - hinihikayat ang mga mambabasa upang
pumanig sa ideya o paniniwala ng manunulat
4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism) - kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at
masamang katangian ng isang isyu
5. Pangulong Tudling na Naghihikayat (Editorial of Persuasion) - binibigyang diin ang mabisang panghihikayat
6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri (Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute) -
pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa
7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial for Special Occassion) - ipinaliliwanag ang
kahalagahan ng mga tanging okasyon
8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)* - layuning makalibang, sinusulat sa paraang di-
pormal, masaya, kung minsa'y sentimental, at karaniwang maikli lamang
9. Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)* - nagpapahayg ng pilosopiya, malimit na
pinapaksa ang kalikasan
10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)* - sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan at
sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)** - isang pangungusap o isang talatang
tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang di-pormal; inilalagay sa
katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa'y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang
dakilang tao.
KATANGIAN NG ISANG MANUNUDLING

 Malawak na kaalaman at
interes sa buhay
 May sariling istilo sa pagkamalikhain
 May malakas na pang unawa sa sa kahalagahan ng balita
 May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng tudling
 Makatarungan pagpasya at paghatol

DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TUDLING

 Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikli lamang upang akitin ang mga mambabasa
 Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw
 Tapusin ng naangkop at gawing maikli lamang.
 Iwasan ang unang panauhan,isahang panghalip gamitin ang editorial na "tayo"
 Sundin ang lahat ng sinimulan sa mabisang pagsulat: kaisahan (unity), Linaw (clarity), pagkakaugnay-
ugnay (coherence) at diin (emphasis).
 Huwag mangral o mansermon. Ilahad lamang ang katwiran at hayaang ang mga mambabasa ang
gumawa ng kanilang sariling pagpapasya tungkol sa isyu.

KAHALAGAHAN NG EDITORYAL

1. Ito'y naglalaman ng isang masusing pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong magpabatid,magbigay ng kahulugan at makalibang. Ang sumulat ay nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod
sa patakarang pinairal patnugutan.
3. Kailanman ang editorial ay di nanunuligsa o namumuna upang makasira kundi magkaroon ng pagababago
4. Impormasyon at kaalaman
5. Pagmumulat ng mata.

III. KAHALAGAHAN
 Bilang mga indibidwal, Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng
mga tao sa isang isyu.
 Makaki ang bahagi ng editorial sa ating bansa dahil ito ay ginagamit sa mga pahayagan upang mailaban
ang saloobin o ideya ukol sa isyu ng Pilipinas.
 Isa din itong nakakalibang sa mga mamamayan, hindi ito nakakabagot dahil ito ay maikli lamang .

IV. PAGTATAYA
A. Piliin ang tamang sagot.
1. Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan na nagsasaad ng ______________________.

A. Balita B. Debate ng editor C. Kuru-kuro ng editor


2. Isa sa iniiwasan sa editoryal ang ___________________.

A. magbigay-puri B. manuligsa o manermon C. magpaunawa o magpaintindi

3. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ________.


A. Ideya B.
paninindigan. C.
tono

4. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________.

A. paksa. B. panahon. C. pangyayari.


5. Sa editoryal, ang wakas ang ______________.

A. nagpapakilala ng paksa. B. nakalilibang. C. nagbibigay ng tagubilin o mungkahi.

B. Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang patlang na
nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Walang dapat gawin ngayon ang mga government prosecutors kundi ituluy-tuloy ang pag-
iimbestiga buhat sa impormasyong ibinigay sa America.
_____ 2. Ayon sa impormante, hindi raw sakahan ang 35 hektarya ng
mag-asawa kundi coconut plantation sa Atimonan, Quezon.
_____ 3. Ang Filipino Gifted Child ay isang mahalagang yaman na dapat pag- ingatan at pagyamanin.
_____ 4. Umaasa ang mga lider sa Kamara na ang dalawang oras ng pagkikita nina Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo at US President George W. Bush ay magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa Pilipinas.
____ 5. Hinimok ni Senador Richard Gordon ang mga nasa oposisyon na makipag-kapit-bisig sa
administrasyon sa pagresolba ng maraming problemang kinakaharap ng bansa

SAGOT:
A. 1. A
2.B
3. A
4.C
5. B

B. 1. /

2.

3. /

4. /

5.

V. SANGGUNIAN

 https://www.scribd.com/presentation/470571201/uri-ng-editoryal-pptx
 https://philnews.ph/2020/12/17/halimbawa-ng-editoryal-kahulugan-at-halimbawa-nito/
 https://www.scribd.com/doc/293908291/Halimbawa-Ng-Editoryal

Inulat ni: Angel S. Gaco

You might also like