You are on page 1of 8

TEKSTONG

IMPORMATIBO
Inihanda ni: Veronica G. Tumulak
Mga katanungan:

 Anong uri ng teksto ang inyong nakita?


 Ano ang layunin ng balita?
 Paano nakakatulong ang balita sa pang-araw-araw
nating buhay?
 Bukod sa balita, anu-ano pang mga bagay ang
nagbibigay sa atin ng impormasyon?
DEPINESYON:
 Ang Tekstong Impormatibo ay naglalahad ng mga
mahahalaga at tiyak na impormasyon tungkol sa
paksa (bagay, tao, lugar o pangyayari).

 Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga


tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na
kaalaman ng mga tao.
KATANGIAN:
 Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito.
Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa, dapat na
makita ito sa kasunod na talata.

 Ang impormasyon na ibinibigay ay dapat ang mga


mahahalagang detalye at ito ay spesipiko.
SAAN MAKIKITA ANG MGA TEKSTONG
IMPORMATIBO?

 Ang mga akdang impormatibo ay karaniwang


makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, textbook, sa mga pangkalahatang
sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba't
ibang website sa internet.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO:
1. Layunin ng May-akda - maaaring magkaiba-iba ang layunin ng
may-akda sa pagsulat. Maaaring ang layunin niyang
mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan
ang mga bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming
bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga
yugto sa buhay ng iba't ibang bagay.

2. Pangunahing Ideya - dagliang inilalahad ang mga pangunahing


ideya sa mga mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan
ngpaglagay ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO:
3. Pantulong Kaisipan - Mahalaga na rin ang paglalagay ng
angkop na mga pantulong kaisipan o mga detalye upang
makatulong na mabuo sa kaisipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila.

4. Mga istilo sa pagsulat, kagamitan at sangguniang


magtatampok sa mga bagay na binigyang diin - makatutulong
sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-
unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng
mga estilo o kagamitang/sangguniang magbibigay diin sa
mahahalagang bahagi ng teksto.

You might also like