You are on page 1of 20

SAL Foundation College

Making, Parang, Maguindanao

Learner’s Activity Sheet

FILIPINO I
SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN

LEARNER

COURSE & YEAR

Parent/Guardian and contact number

G. ALBERTO P. SAMSON III


Instructor

School
MISSION:

The SAL Foundation College is dedicated to the development of the Filipino as a leader, it
aims to graduate dynamic student who are physically, intellectually, socially, and spiritually
committed to the achievement of the highest quality of life.

VISION:

With the aid of SUBHANNAH ALLAH, SAL FOUNDATION COLLEGE… shall emerge as
premier higher educational institution not only in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao area but entire country. It shall provide a venue for the pursuit of excellence in
academics, technology and research through community partnership. SALFC shall take the
role of a catalyst for human development. It shall inculcate Islamic and Christian values as a
way of strengthening the moral fiber of the Filipino.

Paglalarawan ng Kurso:

Tatalakayin sa kursong ito ang mga salitang kaalaman sa wikang Filipino at mga
paksang may kinalaman sa kursong pinag-aaralan na nasa anyong artikulo, sanaysay,
balita, tudling, anekdota, salaysay, maikling kwento, isyu, karanasan atbp. Na magiging
lunsaran sa pagtatalakay ng mga pagsasanay na lilinang sa apat na kasanayang pangwika
na ang diin ay nasa paglinang na gamitin ang Pilipino sa paglalahad, paglalarawan,
pagsasalaysay at pangangatwiran at kasama ang pahapyaw na pag-aaral ng Balarila,
Ponolohiya at Morpolohiya.

Inaasahang Matutuhan:

 Nakauunawa at nakakikilatis ng iba’t-ibang anyo at sangkap pampanitikan.


 Nakababatid at nakapaglalapat ng ibat-iang dulog sa pagbasa at pagsusuri sa mga
tekstong pampanitikan.
 Nakakgagamit ng mga dulog sa pag-unawa ng mga isyung kultural at panlipunan.

Unang Linggo

LEKSYON I: PONOLOHIYA

Mga Layunin:
1. Maipaliwanag ang mga konsepto at kahulugan ng ponolohiya
2. Mailahad ang mga bahaging ginagamit sa pagsasalita.
3. Makabuo ng mga halimbawa ng ponemang suprasegmental,
klaster,diptonggo at pares minimal.
4. Masagot ang mga inihandang gawain sa bawat aralin.

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

Sa katawagang panglingwistika, ang pag-aaral at pag-uuui-uri sa iba’t-ibang makahulugang


tunog na ginagamit sa pagsasalita ay tinatawag na ponolohiya. Ang “pono” ay galling sa
salitang Ingles na “phone” na Nangangahulugang “tunog”. Ang “lohiya” ay nangangahulugan
“pag-aaral”.

Mahalaga ang pag-aaral ng palatunugan upang maging madali at malinaw ang pag-aaral sa
alinmang bahagi o antas ng asignaturang Filipino.
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema(tunog), paghinto(juncture),
pagtaas-pagbaba ng mga pintig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog(
prolonging/lengthening).

Ponema ang tawag sa pikakamaliit nay unit ng tunog.

May dalawang uri ng ponema:

1. Ang segmental
2. Ang suprasegmental

PONEMANG SEGMENTAL

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a. Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na


tunog o glottal stop (?) sapagkat at ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil
napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o
maragsa.
b. /p,t,k,?,b,d,g,m,n.ŋ, s, h, f,v,z,l,r,j,w,y/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa

Ba:tah- housedress tu:bo-pipe

Ba:ta?-child tub:bo?-profit

c. Ang ponemang patinig ay lima: a,e,I,o,u.


d. May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/ , gayundin ang /l / at /e/
ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa
Lalake-lalaki kalapati-kalapate noon-nuon
e. Mayroon din naming mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/,/o/, /i/
at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa

Uso-modern oso-bear mesa- table misa- mass

TATLONG SALIK SA PAGSASALITA

1. Enerhiya(energy)- nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galling sa baga.


2. Artikulador(articulator)- nagpapakatal sa mga babagtingan ng pantinig
3. Resonador(resonator)- nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador.

Ang ponema ay isang makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 20 ponema: 15 ang katinig at 5 ang patinig.

Mga katinig:

1. Panlabi- dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b.m/


2. Pangngipin- dumidiit sa loob ng mgaa ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/
3. Panlabi –pangngipin- dumidiit ang ibabang labi sa itaas na ngipin /f,v/
4. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid
/s,z,l,r/
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila/y/
6. Velar- dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng
punong dila /k,g,ŋ,w/
7. Panlalamunan- ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan. /j/
8. Glottal- lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang
presyon ng papalabas na hiningang galling sa baga at pagkatapos ay pakaakawalan
upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog/?,h/.

Mga patinig

A.E.I,O,U

ANG PARAAN NG ARTIKULASYON

1. Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang /p,t,k,?,b,d,g/


2. Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtulod ng
dulong dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot
na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas /m,n,ň,ll/
3. Pasutsot –ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng
ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig, /f,s,v,z,h/
4. Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay
nakadikit sa punong gilagid.
5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharangan at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila /R/.
6. Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang
posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o
pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok: samantala ang /y/ ay ang kabalikan
nito-palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan
ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.

ANG MGA DIPTONGGO, KLASTER AT PARES MINIMAL

DIPTONGGO

 Ang mga diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng /y/ o /w/ sa loob
ng isang pantig.

TSART NG DIPTONGGO

HARAP SENTRAL LIKOD

MATAAS Iw,iy uy

GITNA ey oy

MABABA Ay,aw

Halimbawa giliw sabaw kasuy kami’y

Reyna nanay tuloy aray


KLASTER

Ang mga klaster o kambal-katinig ay magkasunod na dalawang magkaibang katinig


sa loob ng isang pantig. Parami nang parami ang klaster sa Filipino bunga ng
panghihiram natin ng mga salita sa Ingles. Ang klaster ay maaring makikita sa
unahan, sa gitna o hulihan ng salita.

Halimbawa: Unahan Gitna Hulihan

Pr-prito tr-kontrata rd-kard

Pl- plato gr-programa ks-relaks

ANG MGA PARES MINIMAL

Ang mga pares minimal ay mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas
maliban sa isang ponema na siyang ipinagkaiba ng kanilang kahulugan.

Halimbawa pala (spade)- bala(bullet)

Lawa(lake)- laya(free)

Basag(broken)- bahag( g-string)

PAGSASANAY

A. Lagyan ng Tsek(/) ang mgaa salitang may diptonggo at ekis (x) kung wala.

_____1. Baliw 6. Iyan


_____2. Aruy 7. Kamay
_____3. Niyog 8. Beywang
_____4. Apoy 9. Lawa
_____5.mababaw 10. Reyna
B. Isulat ang klaster sa katapat na patlang at ekis (x) kapag walang klaster.
1. Drama 6. Tsuper
2. Doktrina 7. Suplada
3. Taksil 8. Tsart
4. Prutas 9. Plantsa
5. Himagsik 10. Harden
C. Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung ang dalawang salita ay pares minimal at
ekis (x) kung hindi pares minimal.
_______1. Mag-alis:magalis _______6. Oso:uso
_______2.diles: riles ______7. Iwan: ewan
_______3. Kape:kafe _______8. Kura:Cora
_______4. Benta: binta _______9. Tela:tila
_______5.marumi:madumi _______10. Belo:relo
PANGALAWANG LINGGO

LEKSYON 1: MORPOLOHIYA

Mga Layunin:

1. Mailahad ang konsepto at kahulugan ng morpolohiya.


2. Maaipaliwag ang anyo ng morpema.
3. Mabigyan linaw ang iba’t-ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko ayon sa
gamit nito.
4. Masusuri at maipapaliwanag ang kayarian ng mga salita.

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay isang pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng


isang wika at pagsama-sama nito upang makabuo ng isang salita.

Morpema –sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaring isang salitang-ugat o isang panlapi.

1. MGA ANYO NG MORPEMA

a.) Salitang-ugat- ito ay matatawag ding malayang morpema dahil ito’y


nakatatayong mag-isa.
Halimbawa bata bahay gawa aral
b.) Panlapi- ay nagtataglay ng kahulugan na matatawag ding di-malayang
morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa.
Halimbawa um-gawi o ginagawa
Tumatakbo, umalis,sumigaw
Ma-pagkamayroon
Masipag, matapang, maganda
Mala- may hawig katangian
Mala-prisesa mala-aso mala-agila

c. ponema- ay may kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian ang o at a.

halimbawa tindero-tindera biyahero-biyahera

doctor-doktora labandero-labandero

2. ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


Ang pagbabagongmorpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing ponema.

MGA URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

a.Asimilasyon- ay pagkakatulad sa katabing tunog ng isang salita.

MGA URI NG ASIMILASYON

Parsyal- may pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa


impluwensya ng kasunod na tunog.
Halimbawa pang+tali=pantali pang+palo= pampalo
Ganap- may ganap na pagbabago sa ponemang n at m dahil sa ito ay
inaasimila o napapaloob na sa sinundang ponema.
Halimbawa pang+tali=pangtali=panali

b. Pagkakaltas - nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig
ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.

Halimbawa takip+an=takipan=takpan

c. Pagpapalit- nababago o napapalitan ang ponema sa pagbubuo ng salita.

Halimbawa ma=dapat=madapat=marapat

d. paglilipat- nagaganap ang pagbabago kapag may mga ponemang magkakalapitan ng


lugar o posisyon.

Halimbawa tanim+an =taniman =tamnan

e.paglilipat-diin- may pagbabago ang diin ng salita kapag nilalapian.

Halimbawa uwi+an =uwian

KAYARIAN NG MGA SALITA

1. PAYAK - Ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi at walang
katambal na ibang salita.

Halimbawa ina bata anak ama kapatid sulat

2. MAYLAPI - sa pagkakapit ng iba’t-ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat,


nakabubuo ng iba’t-ibang salita na may kai-kaniyang kahulugan.

-ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay


mga katagang idinaragdag sa unahan,sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat.
May iba’t-ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi.

Halimbawa: Ma+tubig=matubig (maraming tubig)


Pa+tubig= patubig (padaloy ng tubig)
Tubig+an= tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig+in=tubigin ( pinarusahn sa tubig)
Lakad+um= lumakad
Sagot+in= ssinagot

3. INUULIT -Ay maaring ganap.parsyal o magkahalong parsyal at ganap.


-Inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito.
-may dalawang uri ang pag-uulit na ganap at di-ganap.
a. pag-uulit na ganap - inuulit ang salitang-ugat.

Halimbawa taon taon-taon


Bahay bahay-bahay
Araw araw-araw

b. pag-uulit na parsyal o di- ganap - ang isang salita ay nasa pag-uulit na


PARSYAL kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat.

Halimbawa usok- uusok balita- bali-balita tahimik- tahi-tahimik


c. magkahalong parsyal at ganap - kapagito ay nilalapian at inuulit nang buo ang salitang
–ugat.

Halimbawa sigla- masigla-sigla saya-masa-saya

4. TAMBALAN - Ang pagbuo ng salitang-ugat


- Dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
- May dalawang uri ng tambalan ang tambalang ganap at di-ganap.
a. Tambalang di-ganap - ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang
pinagtambal ay hindi mawawala.
-tambalang salitang nananatili ang kahulugan
Halimbawa: asal-hayop kulay-dugo pamatid-uhaw

b. Tambalang ganap - ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabub uo ng


ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama.
- Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan

Halimbawa bahaghari hampaslupa anakpawis


PAGSASANAY

A. Suriin ang salitang –ugat ng salita at ang panlaping ginagamit nito.

Panlapi Salitang-ugat

nagmamalasakit

sumamba

habulin

matulungin

nagkwentuhan

B. Gamitan ng morpemang ponema upang mabago ang kahulugan ng


salita.
1. Konsehal
2. Abogado
3. Kapitan
4. Kusinero
5. Mario
C. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga bata ay naglalaro ng TUMBANG-PRESO.
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuulit
d. Tambalan
2. Si Lorena ay NAGLUTO ng adobong manok.
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuuli
d. Tambalan
3. Ang school bus ay sumusundo ng mga bata ARAW-ARAW.
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuulit
d. Tambalan
4. TULOG ang panlaban niya sa pagod.
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuulit
d. Tambalan
5. Si Berto ay nagkaroon ng BUNGANG-ARAW sa leeg dahil sa init.
a. Payak
b. Maylapi
c. Inuulit
d. Tambalan
PANGATLONG LINGGO

LEKSYON 3: PALABAYBAYING PILIPINO

Mga Layunin:

*Mailahad ang uri ng palabaybayan at mga tuntunin nito.

*Maibigay ang maikling kaalaman hinggil sa Filipino bilang wikang pambansa.

*Matukoy ang mga makabagong alpabetong Filipino.

*Maisa-isa ang mga gabay tungo sa ortograpiyang Filipino.

MGA TUNTUNIN SA PAGBAYBAY

. Pagbigkas na Pagbaybay

Ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang ispeling o
pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang
bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal.

Halimbawa

bote=/bi-o-ti-o/

plano=/pi-el-ey-en-o/

Fajardo=/ Kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/

Pantig

a=/ey/ la=/el-ey/ bra=/ bi-ar-ey/

Daglat

Bb. (Binibini)= /Kapital bi-bi/ Gng. (Ginang)= /Kapital ji-en-ji/

Inisyal ng tao

MAR(Manuel A. Roxas)=/em-ey-ar/ LKS (Lope K. Santos)=el-key-es/

Akronim

GAT (Galian sa Arte at Tula)=/ ji-ey-ti/ LIRA( Lirika, Imahen, Retorika=/el-ay-ar-ey/

Inisyal ng Samahan

KWF= / key-dobolyu-ef/ NGO= / en-ji-o/

Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika

Fe(iron)=/ ef-ey/ Lb(pound)= / el-bi/

.Pasulat na Pagbaybay

Manatili sa pagsulat at pagbasa ng mga karaniwang salita ang isa sa isang tumbasan ng
letra at makabuluhang tunog na ibig sabihin, isa lamang ang tunog sa pagbigkas ng bawat
letra kapag naging bahagi ng karaniwang salita.
a. Sa pagsulat ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na
naasimila na sa sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod na rin ang
kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
Hal.
Bapor( vapor) kotse(coche) bangko(banco) kahon (cajon)
b. Ang dagdag na walong letra: C,F,J,N,Q,V,X,Z ay ginagamit sa mga:
1. Pantanging ngalan
Halimbawa
Tao Lugar
Carmelita Canada
Quirino Texas
Exequil Nueva Vizcaya

Gusali Sasakyan
Twin Towers Victory Liner
Grand Villa Hotel Thai Airlines
Certeza BLDG. JAM Line

2. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa pilipinas.

Halimbawa Kahulugan

Hadji Lalaking Muslim na nakarating sa


Mecca

Vakul panakip sa ulo bilang pananggalan sa


ulan at init ng araw na yari sa isang uri
ng dahon ng saging

Iful Pinakamaliit na banak

PANUMBAS SA MGA HIRAM NA SALITA

Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino.


Nililimitahan nito ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong
dagdag na letra( C,F,J,N,Q,V,X,Z) doon lamang sa mga sumusunod;

 Pantanging ngalan
 Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
 Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa pagbigkas na kapag
binaybay ang orihinal na ispeling nito.
 Salitang pang-agham at teknikal
 Simbolong pang-agham.

Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrebisa sa mga tuntunin sa ispeling. May
mahalagang kraytirya para matamo ang episyenteng sistema ng ispeling:

1. Kasimplehan at ekonomiya na kaugnay ng isa-isang tumbasan ng tunog at letra, at


2. Fleksibilidad ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng
mga wika.Sa paghanap ng panumbas sa mga salita buhat sa wikang Ingles,
maaaring sundin ang mga sumusunod na paraan:
a. Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itumbas ay ang
leksikon ng kasalukuyang Filipino.

Halimbawa

HIRAM NA SALITA FILIPINO

Rule Tuntunin

Ability Kakayahan

East Silangan

b. Maaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng


bansa.

Halimbawa

HIRAM NA SALITA FILIPINO

Imagery Haraya (tagalog)

Husband Bana (Hiligaynon)

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba
pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.

KASTILA FILIPINO

Cheque Tseke

Litro Litro

Liquid likido

INGLES FILIPINO

Centripetal Sentripetal

Commercial Komersyal

Advertising Advertaysing

IBA PANG WIKA FILIPINO

Coup d’ etat (French) Kudeta

Glasnost (Russian) Glasnost

Blitzkrieg (German) blietzkrieg


d.kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi
nauunawaan ng nakakarami, hinihiram nang tuwiran ang katawagang Ingles at binabaybay
ito ayon sa sumusunod na paraan:

1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito ng walang pagbabago.

Halimbawa

SALITANG BANYAGA FILIPINO

Reporter Reporter

Soprano Soprano

Memorandum memorandum

2.Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent,
ayon sa simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang
basa.

Halimbawa

SALITANG HIRAM FILIPINO

Control Control

Meeting Miting

Teacher titser

Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistensi sa paggamit.

Halimbawa: Kongresasyon

3. May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di-konsistent
ang ispeling o luhang malayo ang ispeling sa bigkas na.
a. Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling
sapagkat kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mababakas
ang orihinal na ispeling nito.
Halimbawa Coach rendezvous
Sandwich sausage
Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayunpaman, sa pagpili ng salitang
gagamitin isaalang-alang din ang mga sumusunod:
1. Kaangkupan ng salita
2. Katiyakan sa kahulugan ng salita
3. Prestihiyo ng salita

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 19737, ipinahayag ng Pangulong Manuel L.


Quezon ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa Tagalog.

1940- sinimulang ituro ang wikang pambansa sa paaralang publiko at pribado.


1959- ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay sa Tagalog.

Konstitusyon ng 1986- ang Wikang Pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino gaya ng


nasasaad:

Artikulo XIV, Sek. 6. “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”

Bilang pag-alinsunod sa nasabing batas, Filipino ang ngalan ng wikang pambansa sa


kasalukuyan. Ito ay batay sa Pilipino, na siyang umiiral na wika.

Deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF

Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamitan sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay., ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t-ibang barayti ng wika para sa iba’t
–ibang sosyal.

Bokabularyo mula sa mga wika ng dating bansa

Jihad( muslim)
buang(bisaya)
gurang (bisaya)
manong/manang (ilokano)
pinakbet (ilokano)

KAIBAHAN NG FILIPINO SA TAGALOG AT PILIPINO

 Ang tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita.
 Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolingwistik na grupo sa
bansa na tinatawag ding Tagalog ( Constantino, sa Bernales, et al2002)

1959- pumasok ang pangalang Pilipino bilang wikang pambansa. Bunga ito ng
kalituhang ibinunga ng pagbatay sa wikang pambansa sa Tagalog noong 1937.

KAUTUSANG PANGGAWARAN BILANG 59

-itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa ito ay tatawaging Pilipino.Kaya sa


mga eskwelahan noon mas tama ang aklat kaysa libro; ang takdang aralin kaysa
asayment; ang pamantasan kaysa unibersidad; ang dalubhasaan kaysa kolehiyo; ang
mag-aaral kaysa estudyante

Ang ABAKADANG Tagalog

>binuo ni Lope K. Santos nang isulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940.

>lima ang patinig: a e I o u

>labinlima ang katinig: b d g h l m n ng p r s t w y

MGA MAKABAGONG ALPABETONG FILIPINO

Ortograpiya- ang ortograpiyang Filipino ay sining ng pagsulat ng mga salita na may


tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit at wastong baybay.Tinatawag ito ni Prof.
Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialismna nagbunga ng mga negatibong reaksyon ..Sa
kasalukuyan hindi tama ang argumentong ang Filipino ay Tagalog din. Wika nga ni Almario
(sa Bernales , et al. 2006) hindi lamang natin iniintinding mabuti .Samantala may mga
miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kailangan nating linawin.

Ang pangalang Filipino n gating wikang pambansa ay hindi galling sa Ingles na Filipino na
tawag sa ating mga mamamayan ng piPilipinas. Hindi rin isang akomodasyong pampulitika
ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino sa Filipino.

Ano ang pinakaesensya ng konsepto ng wikang Filipino?- pagiging pambansang LINGUA


FRANCA.

Lingua Franca> ang kahulugan ng lingua franca ay tumutukoy sa isang diyalekto ginagamit
ng dalawa o higit pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika.

Mga tiyak na tuntunin sa gamit ng walong(8) dagdag na letra

a. Letrang C
1. Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Calculus chlorophyll carbohydrates
2. Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/ at ng letrang K kung ang
tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.
Halimbawa Participant- participant
Central- sentral
Card-kard
b. Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /t/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Tofu foto French fries futbol
c. Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Jam jaket sabjek objek
d. Letrang Ñ(enye)
1. Panatilihin ang letrang N enye kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa El Nino Malacanang Nino
2. Palitan ang letrang N enye ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang
hiram na salitang N(enye).
Halimbawa
Pina-pinya carinosa- karinyosa banera- banyera
e. Letrang Q
1. Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa
Quo vadis quantum opaque
2. Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/ at ng letrang K kung
ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
Halimbawa
Quarter- kwarter quorum- korum querida- kerida
f. Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: Verbatim varayti video vertebrate
g. Letrang X
1. Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: Axiom xylem exodus
2. Palitan ang letrang X ng letrang KS kung ang tunog ay /ks/kapag binaybay sa
Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
Halimbawa: Experimental-eksperemintal taxonomy-taksonomi exam-
eksam
h. Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa Zebra zinc zoo bazaar magazine

PAGSASANAY

Direksyon: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang ______________.


a. Araw ng Balagtasan c. Lingo ng Wika
b. Buwan ni Quezon d. Buwan ng Wikang Filipino
2. Noong 1959 , nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon na kailanma’y tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ito ay tatawaging____________.
a.Tagalog c. Filipino
b. Pilipino d. Pilifino

3. Tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa ng Pilipinas”.

a. Manuel Quizon c. Manuel Quezon

b.Manuel Queson d. Manuel Quison

4. Kailan unang ipinag- utos ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa?

a. 1955 c. 1953

b. 1954 d. 1952

5. Kailan unang tinawag na “Filipino” ang wikang pambansa?

a. 1985 c. 1987

b. 1986 d. 1988

6. Ayon sa batas, ano ang wikang pinagbatayan ng wikang pambansa ng Pilipinas?

a. Waray c. Bisaya

b. Ilokano d. Tagalog

7. Ito ay isang sining ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa
wastong gamit at wastong baybay.

a. Palabaybayin c. Orthograpiya

b. Ortograpiya d. Baybayin

8. Ito ay tumutukoy sa isang diyalekto ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na
magkaibang pangunahing wika.

a. Linguai Franca c. Lingua Franca

b. Lenguia d. Lengua Franca

9. Binubuo ng ilan patinig ang alpabetong Filipino?


a. 8 c.22

b. 10 d.5

10. Alin sa mga sumusunod na probisyon ng Saligang Batas ng 1987 ang nagtatadhana ng
pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang Filipino?

a. Art. XIV, Sek.6-9 b. Art. XVI ,Sek.6-9

b. Art. XV, Sek.6-9 d. Art. XVII, Sek 6-9

Panuto: Isulat sa katapat na linya kung papaano mo hihiramin o tutumbasan ang mga
sumusunod na salita.

1. Bulletin
2. Machine
3. Television
4. Corporation
5. Project
6. Notebook
7. Exercise
8. Solution
9. Music
10. Philosophy

GAWAIN

Gawaing Pang-isahan

1. Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng kahalagahan ng mga batas pangwika


sa pagpapasiguro ang pag-iral ng wikang Filipino sa harap ng mga mapanghati at
mapangwasak na mga isyung kinakaharap nito.
2. Magsipi ng dalawang talata mula sa isang aklat na nakasulat sa wikang Ingles. Mas
mabuti kung isang aklat na ginagamit sa Criminology ang sisipiin at isalin ang mga
ito sa wikang Filipino.
PANG-APAT NA LINGGO

LEKSYON 4: PANTIG AT PALAPANTIGAN

Mga Layunin:

 Mabigyang –kahulugan ang pantig at pagpapantig

1. Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita.
Halimbawa: a-ko sam-bot i-i-wan mang-ya-ya-ri it-log ma-a-a-ri
2. Kayarian ng Pantig
Ang pagtukoy sa pantig gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit
ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Halimbawa

KAYARIAN HALIMBAWA
P u-pa
KP Ma-li
PK Is-da
KPK Han-da
KKP Pri-to
PKK Eks-per-to
KKPK Plan-tsa
KPKK Trans-por-ta-syon
KKPKK shorts

3. Paraan ng Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,
midyal at final na salita. Ito ay hiwalay na mga patinig.
Halimbawa Aalis =a-a-lis maaga=ma-a-ga totoo= to-to-o

b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita,


maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang
pangalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa Buksan= buk-san pinto= pin-to sobre= sobre kopya=kop-ya

c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng


isang salita., ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa
patinig na kasunod.

Halimbawa Eksperimento= eks-pe-ri-men-to transkripsyon= ntrans-krip-syon

d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay mo n at ang kasunod na


dalawa ay alinman sab l, br, pl, t rang unang katinig (m o n) sa sinusundang patinig ay
kasama at ang huling dalawa ay susunod sa patinig.

Halimbawa Asembleya= a-sem-ble-ya alambre= a-lam-bre balandra=


ba-lan-dra
e. Kapag may apat na magkakasunod-sunod na katinig sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.

Halimbawa Ekstradisyon= eks-tra-dis-yon eksklusibo= eks-klu-si-bo

4. Pag-uulit ng Pantig

a. Kapag ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit.
Halimbawa: a-lis a-a-lis am-bon a-am-bon

Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.

Halimbawa: Mag-a-lis mag-a-a-lis umam-bon uma-am-bon umeks-tra u-me-eks-


tra

b. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (Katinig-Patinig) ang


katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: Ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa lakad lal-la-kad ni-la-la-kad
c. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (Klaster ng Katinig) na kayarian,
dalawang paraan ang maaaring gamitin.
1. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa Piso pi-pi-so sampu sa-sam-pu
2. Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig.
Halimbawa Plan-tsa pla-plan-tsa-hin pr-ito pri-pri-tu-hin kwen-to
kwe-kwen-tu-han
MGA PAGSASANAY

Test I. Lagyan ekis(x) ang tapat ng salitang maaaring hindi gitlingan. Kung kailangang
gitlingan ay ipaliwanag kung bakit.

________1. Basag-ulo ________6. Dala-dalawa

________2. Mag-impok ________7. Ma-mamayan

________3. Kasing-ganda ________8. Ika-6

________4. Ingat-yaman ________9. Ala-ala

________5. Taga-Bulacan ________10. Ma-hihirap

Test II Pantigin ang mga sumusunod.

1. Kailangan
2. Naglalanguyan
3. Radyo
4. Transkripsyon
5. Salungguhitan
6. Demokrasya
7. Ortograpiya
8. Sustansya
9. Kwentuhan
10. Patutunguhan

Test III

Isulat sa patlang ang pormasyon ng pantig na may saknong.

1. (kai)ibigan
2. Istan(dard)
3. (prin)sesa
4. Su(lat)
5. Po(on)
6. (tsart)
7. Bu(nga)nga
8. (ar)ay
9. Blo(awt)
10. Kon(tra)ta

You might also like