You are on page 1of 59

4 PICS

1 WORD
COPY
READING
HEADLINE
WRITING
PAGWAWASTO AT PAG-UULO NG BALITA
(COPYREADING AND HEADLINE WRITING)
PAGWAWASTO NG KOPYA

Ang pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita ay


gawain ng isang espesyalistang editor upang lalong
mapabuti at mapaganda ang istorya at magiging
karapat-dapat na magkaroon ng espasyo sa
pahayagan.
MGA GAWAIN NG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA
MGA GAWAIN NG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA

• Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo


• Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at
pagbabaybay ng mga salita.
• Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan
nito.
• Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa
akda.
• Pumutol o magkaltas ng di-mahalagang datos
MGA GAWAIN NG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA

• Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang


winawasto ay balita.
• Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo
• Sumusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya
nito
• Magbigay ng tagubilin sa tapaglimbag ukol sa laki at tipong
gagamitin, kolum at bilang ng ems
MGA GAWAIN NG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA

• Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng


karamihang mambabasa
• Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng
‘bangkay na di na humihinga’, ‘hawak ng kamay’, ‘pasan sa
balikat’ at iba pa.
• Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan
• Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag
ang akda
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGHAHANDA NG KOPYA
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGHAHANDA
NG KOPYA

• Makinilyahin ang kopya sa doble at tripling espasyong 8 ½


at 11 pulgadang papel. Ito ay upang may masulatan ng mga
pagwawasto at pagbabago ng kopya.
• Sa itaas na kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada
mula sa pinakataas, isulat ang iyong pangalan at gabay sa
slug. Ang slug ay karaniwang isa o dalawang salitang
kumakatawan sa pinakanilalaman ng balita.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGHAHANDA
NG KOPYA
• Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng “pa”
sa ibaba at ituloy ang istorya sa ikalawang papel.Huwag
gamitin ang likuran ng pahina.
• Sa halip na sulatan ng ikalawang pahina, labelan ito ng
unang dagdag o dagdag isa at susundan ng slug.
Halimbawa: Unang dagdag… Kidnap.
• Lagyan ng marking binilugang dobleng krus o sharp # o
binilugang bilang na 30 ang wakas ng istorya bilang
panapos.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGHAHANDA
NG KOPYA

• Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa


pamamagitan ng lapis ang mga mali. Gamitin ang mga
pananda sa pagwawasto ng sipi.
• Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming
pananda at dagdag, imakinilyang muli kung mayroon pang
panahon. Ang maruming kopya ay mahirap iwasto,
nagpapatagal sa typesetting at maaaring magbunga ng mga
kamalian sa pag-imprenta ng teksto.
MGA PANANDA
SA PAGWAWASTO NG KOPYA
MGA KATANGIAN NG MABISANG
EDITOR SA PAGWAWASTO
NG KOPYA
MGA KATANGIAN NG MABISANG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA

• Malawak na kaalaman sa wika


• Mahusay sa gramatika at pagbabaybay
• Malawak ang kaalaman sa talasalitaan
• Mahilig magbasa
• Maraming alam sa pangkahalatan at kasalukuyang
impormasyon
MGA KATANGIAN NG MABISANG EDITOR SA
PAGWAWASTO NG KOPYA

• Alam ang mga batas tungkol sa libelo


• Kabisado ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi
• Metikuloso
PAG-UULO NG BALITA
PAG-UULO NG BALITA

Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng balita.


Sa Ingles, ang pandiwa sa ulo ng balita ay laging nasa
panahunang pangkasalukuyan kahit ang balita ay naganap
na. Ito ay upang makatipid sa mga titik at espasyo.
PAG-UULO NG BALITA

EXAMPLES:
• Marcos grants amnesty to insurgent, rebel
group members
• Elijah Canlas confirms breakup with Miles
Ocampo
PAG-UULO NG BALITA

Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng balita.


Sa Filipino, ang pandiwang gagamitin sa ulo ng balita ay
umaangkop sa panahunan ng pangyayari sa balita:
panagdaan kung naganap na, pangkasalukuyan kung
nangyari pa at ang panghinaharap kung magaganap pa
lamang.
PAG-UULO NG BALITA

EXAMPLES:
• Marcos Jr. nilagdaan amnestiya para pasukuin
mga rebelled
• DA nagbukas ng exhibit sa magsasaka,
mangingisda
MGA GAMIT NG ULO NG BALITA
MGA GAMIT NG ULO NG BALITA

• Buurin ang balita


• Tumutulong sa pagpapaganda ng pahina
• Bigyang-diin ang kahalagahan ng balita
• Tagapag-anunsyo ng nilalaman ng balita
MGA ANYO NG ULO NG BALITA
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

1. Pantay-kaliwa (Flush left). Ito ay binubuo ng


dalawa o mahigit pang linyang pantay ang
pagkakahanay ng mga unang titik sa kaliwa.

Halimbawa:
US, nangungunang importer
ng mga produkto ng RP
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

2. Pantay-kanan (Flush right). Ito ay binubuo ng


dalawa o mahigit pang linyang pantay ang
pagkakahanay ng mga hulihang titik sa kanan.

Halimbawa:
Edukasyong pang-agham,
isinulong ng DepEd
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

3. Dropline. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang


linya na ang mga kasunod na linya ay may palugit
sa bawat linyang sinundan.

Halimbawa:
Timpalak-kagandahan, kalinisan
ng barangay, inilunsad ng LGU
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

4. Hanging Indention. Binubuo ito ng mahigit


dalawang linya kung saan ang mga kasunod sa
unang linya ay may pantay na palugit.

Halimbawa:
Taguring terorista
sa CPP-NPA, hadlang
sa peace talks – Joma
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

5. Baligtad na piramide (inverted pyramid). Ito ay


binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang iniayos
na parang piramide.

Halimbawa:
Senator Pimentel, kakalas
na sa oposisyon
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

6. Crossline o barline. Ito ay isang linyang ulo ng


balita na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong
kolum.

Halimbawa:
Roxas, pinuri ng pamunuan ng industriyang tuna
MGA ANYO NG ULO NG BALITA

7. Flushline o full line. Binubuo ng dalawa o


mahigit pang magkasinghabang linyang pantay sa
kanan o kaliwa.

Halimbawa:
Habambuhay na kulong,
sa nanghalay ng vendor
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

1. Basahin ang istorya upang makuha ang


pangkalahatang kaisipan
2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing
batayan sa pag-uulo
3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay
karaniwang nasa pamatnubay
4. Gamitin ang pinakamaikling mga salita sa pag-uulo
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA
5. Isulat ang numero o kaukulang salita nito ayon sa
pangangailangan ng espasyo. Gamitin ang M at B sa
milyon at bilyon.
6. Iwasan ang nagbabanggaang ulo o dalawang ulo ng
balitang magkalinya at may magkasinlaking tipo.
7.Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng
balita.
8. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita.
Simulan ito sa simuno at huwag sa pandiwa
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

10. Maglagay ng kuwit sa dulo ng simuno bilang pamalit sa


ay. Alalahaning ang simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap sa Filipino ay nasa hulihan. Sa pagsisimula sa
simuno sa pag-uulo ng balita, nangangahulugang ang
pangungusap ay nasa kabaligtarang ayos, kaya naglalagay
ng kuwit pagkatapos ng simuno bilang pamalit sa ay.
11. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa simula
Mali: Ang bayaning taxi driver sa US, Pinoy na ulit
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

12. Huwag paghiwalayin ang mga tambalan o mga salitang


magkakaugnay.
Mali: Bayaning taxi Tama: Bayaning
taxi driver Driver sa US,
sa US, Pinoy na ulit Pinoy na ulit
13. Gamitin ang kuwit (,) bilang pamalit sa at
Mali: GMA at Gordon dadalo sa Tuna festival
Tama: GMA, Gordon, dadalo sa Tuna festival
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

14. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng


isang panipi lamang. Ngunit kung ang pinagkunan nito
ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng
gatlang ang huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido o
dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.

Halimbawa:
Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis – Pimentel
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

14. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang.
Ngunit kung ang pinagkunan nito ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi.
Lagyan na lamang ng gatlang ang huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido o
dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.
Hal: Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis – Pimentel
Maari ring unahing banggitin ang nagsabi bago ang sinabi nito. Lagyan ng
tutuldok ang pagitan ng nagsabi at ang sinabi nito.
Hal: Pimentel: Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis
Maari ding sa anyong pasalaysay ang pag-uulo ng tahasang sabi.
Hal: Ceasefire muna sa bangayan sa bagong buwis, ayon kay Pimentel
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

15. Ang unang titik lamang ng ulo at ng mga tanging


pangngalan ang ilimbag sa malalaking titik.
Mali: POPULASYON NG METRIAN, TUMAAS NG 18.9%
Tama: Populasyon ng Metrian, tumaas ng 18.9%

16. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat tulad halimbawa


ng RP para sa Republika ng Pilipinas, GMA para sa Gloria
Macapagal-Arroyo at iba pa.
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA
17. Huwag magtapos sa pang-angkop, pantukoy o
pangugnay sa dulo ng unang linya
Mali: Paaralang Metrian, nagbukas ng
ekstensyon sa San Jose
Tama: Paaralang Metrian, nagbukas
ng ekstensyon sa San Jose
18. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung ang tao ay
kilala
Mali: Bilbao, kampeon sa Nat’l PopDev Quiz
Tama: Estudyanteng Metrian, kampeon sa Nat’l PopDev Quiz
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAG-UULO NG BALITA

21. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa


Mali: Palarong Pambansa, hindi matutuloy
Tama: Palarong Pambansa, ipinagliban
MGA PANUNTUNAN SA
ACRONYM
MGA PANUNTUNAN SA ACRONYM

1.Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa


hanggang apat na titik, lahat ay isusulat sa malaking
titik tulad ng WHO para sa World Health Organization
at MILF para sa Moro Islamic Liberation Front.
2. Sa acronym na mahigit sa apat na titik, unang titik
lamang nito ang isusulat sa malaking titik tulad ang
Asean para sa Association of Southeast Asian Nations
at Unicef para sa United Nations International
Children’s Emergency Fund.
MGA PANUNTUNAN SA ACRONYM

3. Kung pantigan ang ginawang pagbubuo ng acronym,


unang titik lamang ng pantig ang nasa malaking titik
tulad ng DepEd para sa Department of Education,
GenSan para sa General Santos at SoCCKSarGen
para sa South Cotabato-Cotabato-Sultan Kudarat-
Sarangani-General Santos.
PAGBIBILANG NG YUNIT
PAGBIBILANG NG YUNIT
Small letters j, l, i, f, t ½ unit All number figures from 0 to 1 unit
9 except 1

Capital letter I ½ unit All spaces 1 unit


Number 1 ½ unit Small letters m and w 1 ½ unit
All punctuation marks excepts the ½ unit All capital letters except I, 1 ½ unit
dash, question mark, dollar, peso M, and W
and percent sign

All small letters except j, l, i, f, t, 1 unit Capital letters M and W 2 unit


m and w

Dash, question mark, dollar, peso 1 unit


and percent sign
PAGBIBILANG NG YUNIT
PAGBIBIGAY NG TAGUBILIN
PAGBIBIGAY NG TAGUBILIN

SLUG
CRHW-SF-05 -CODE
JULY 19, 2019 -DATE
DUTERTE -SLUG
PAGBIBIGAY NG TAGUBILIN

PRINTER’S DIRECTION
HEADLINE Font size Text style

No. of column
2-24-TNRB
No. of decks Crossline Type of headline

Downstyle
on 10
PAGBIBIGAY NG TAGUBILIN

PRINTER’S
DIRECTION Text style
BODY TEXT
Font size 10pts TNRB
24ems Number
of columns
on 10

You might also like