You are on page 1of 36

Aralin 2:

BALITA
Imormal na Wika
Tukuyin ang layon
ng mga
sumusunod na
pahayag
Bilang mga kabataan, laging tandaan
na sa kasalukuyang panahon, ang
paggamit ng mga social media ay may
hindi mabuting maidudulot sa kanila.
A. nangangaral C. nagsasalaysay
B. nanghihikayat D. nagbibigay-impormasyon
Malaki ang gampanin ng teknolohiya sa
edukasyon ngunit huwag natin
kalilimutan na mas malaki pa rin ang
gampanin ng mga guro sa pagkatuto ng
bawat mag-aaral.
A. nangangaral C. nagsasalaysay
B. nanghihikayat D. nagbibigay-impormasyon
Madalas natin marinig ang mga salita o
termino gaya ng surf, wi-fi, search,
upload, download sa mundo ng
multimedia.
A. nagsasalaysay C. nagbibigay-payo
B. nanghihikayat D. nagbibigay-impormasyon
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, paiigtingin
pa ang pagsasaayos ng mga programang
makatutulong upang mapabuti ang sistema
ng edukasyon sa bansa. Karapat-dapat natin
silang bigyan ng pagkilala.
A. nanghihikayat C. nagbibigay-pagkilala
B. nagbibigay-payo D. nagbibigay-impormasyon
Sa nalalapit na pag-uumpisa ng Face-
to-Face Classes, hinihikayat ang
bawat mag-aaral na magpabakuna na
para sa ligtas na pagbabalikeskwela.
A. nanghihikayat C. nagbibigay-pagkilala
B. nagbibigay-payo D. nagbibigay-impormasyon
Basahin at
suriin ang
balitang
pampaaralan
Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang balitang nabasa?
2. Kailan ito naganap?
3. Sino-sino ang mga kasangkot?
4. Bakit ito naganap?
5. Batay sa iyong obserbasyon, isa-
isahin ang mga katangian ng balita.
BALITA
Ano ang balita?
Ito ay ulat ukol sa isang
pangyayari na naganap,
nagaganap o magaganap
pa lamang sa loob o labas
ng bansa na dapat
maipabatid sa madla
Bahagi
ng
Balita
Mga Bahagi ng Balita
1 Pamatnubay o Lead
Buod ng pangyayari o
balita—maaaring isa o
dalawang talata lamang.
Narito ang
pinakamahalagang
impormasyon sa balita
Mga Bahagi ng Balita
2 Teksto o Body
Dito inilalahad ang buong
pangyayari rito,
binibigyang liwanag ang
mga tanong na nabanggit
sa lead, binubuo ng lima o
anim na talata
Mga Bahagi ng Balita
3 Katapusan o Conclusion
Dito isinasaad ang mga
detalye na hindi gaanong
mahalaga—isang talata
lamang o higit pa ngunit
hindi mahaba.
Paraan
ng
pagsulat
Paraan ng Pagsulat

Basahin at unawaing mabuti


ang mga detalyeng ibinigay at
alamin ang pinaka- tampok na
mga tanong mula sa limang W’s
at isang H para sa paglikha ng
pamatnubay o lead.
Paraan ng Pagsulat
Paraan ng Pagsulat

Ang pagpili ng “anong” tanong


ang unang banggitin sa
pamatnubay o lead na
nakabatay sa kung ano ang
higit na makatatawag ng
pansin sa mambabasa.
Paraan ng Pagsulat
Halimbawa:
Pagkamatay ng Presidente:
Ano ang ikinamatay? (How)
Liga ng Basketball:
Anong kuponan ang nanalo? (Who)
World tour international singer:
Anong bansa ang paggaganapan? (Where)
Paraan ng Pagsulat
Halimbawa:
Break-up ng sikat na artista:
Ano ang dahilan? (Why)
Awards night ng mga pelikula:
Anong pamagat ng best film? (What)
Paparating na holiday:
Anong petsa? (When)
Paraan ng Pagsulat
Sa pagsulat ng pamatnubay ay
hindi na muna kailangang
banggitin ang pinaka detalye.
Generic o general na lang muna
at sa ikalawang talata ang
pagbanggit ng kumpletong
pangalan at iba pang
pagkakakilanlan o description.
Paraan ng Pagsulat

Isulat sa teksto o katawan ng


balita ang sunod-sunod na
pangyayari at hindi na
kailangang isulat ang mga
detalyeng nakalagay sa
pamatnubay o lead.
Paraan ng Pagsulat
Isulat sa katapusan ang mga
detalyeng hindi kasama sa
katawan ng balita. Samakatwid,
ang pagsulat ng balita ay
nagsisimula sa pinaka-
mahalagang detalye patungo sa
mahalaga hanggang sa di-
gaanong mahalagang detalye.
Paraan ng Pagsulat
Isulat sa katapusan ang mga
detalyeng hindi kasama sa
katawan ng balita. Samakatwid,
ang pagsulat ng balita ay
nagsisimula sa pinaka-
mahalagang detalye patungo sa
mahalaga hanggang sa di-
gaanong mahalagang detalye.
Inverted Pyramid
Paraan ng Pagsulat
Isulat sa katapusan ang mga
detalyeng hindi kasama sa
katawan ng balita. Samakatwid,
ang pagsulat ng balita ay
nagsisimula sa pinaka-
mahalagang detalye patungo sa
mahalaga hanggang sa di-
gaanong mahalagang detalye.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita gamit ang
bilang 1-5. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___A. Isulat naman sa katapusan ang mga detalyeng hindi kasama sa
katawan ng balita. Samakatuwid, ang pagsulat ng balita ay nagsisimula sa
pinakamahalagang detalye patungo sa mahalaga hanggang sa di-gaanong
mahalagang detalye.
___B. Ang pagpili ng “anong” tanong ang unang banggitin sa pamatnubay o
lead na nakabatay sa kung ano ang higit na makatatawag ng pansin sa
mambabasa.
___C. Basahin at unawaing mabuti ang mga detalyeng ibinigay at alamin
ang pinakatampok na mga tanong mula sa limang W’s at isang H para sa
paglikha ng pamatnubay o lead.
___D. Isulat sa teksto o katawan ng balita ang sunod-sunod na pangyayari at
hindi na kailangang isulat ang mga detalyeng nakalagay sa pamatnubay o
lead.
___E. Sa pagsulat ng pamatnubay o lead ay di na muna kailangang
banggitin ang pinaka-detalye. Generic o general na lang muna at sa
ikalawang talata ang pagbanggit ng kumpletong pangalan at iba pang
pagkakakilanlan o description.
TANDAAN:
Gamitan ang iyong balita ng mga
simpleng salita at maiikling
pangungusap lamang.

Isulat sa bagong talata ang mga


detalye ng bawat tanong at ito ay
dapat na maikli lamang.
TANDAAN:

Huwag maglagay ng sariling opinyon o


ng iba pang detalye.

Gumamit ng mga pang-ugnay tulad ng


samantala, sa isang banda, kay/sa,
batay/sa, kaugnay nito at iba pa.
TANDAAN:
Iwasan ang paulit-ulit na paggamit ng
salita. Gumamit ng iba’t ibang
paglalarawan.

Ito ay may kalimitang mayroong


hanggang pitong talata at hindi na
kailangan ang pamagat o headline.
MGA
IMPORMAL
NA SALITA
Mga Impormal na Salita
Balbal Ito ang pinakamababang
antas ng wika. Tinatawag din
itong salitang kanto o salitang
kalye at nabuo sa impormal na
pamamaraan.
Halimbawa:
a. Tegok (patay)
b. junakis (anak)
c. jowa (kasintahan)
Mga Impormal na Salita
Kolokyal Ito ang wikang
ginagamit sa pang-araw-araw at
kabilang sa mga impormal na
salita dahil sa likas nitong
pagpapaiksi dito.
Halimbawa:
a. sa’kin (sa akin)
b. asong kalye (askal)
c. pa’no (paano)
Mga Impormal na Salita
Banyaga Ito ang mga salitang
hiram, teknikal, pang-agham,
pang-matematika at mga
banyagang salita na walang salin
sa Filipino.
Halimbawa:
a. virus-virus
b. cheque-tseke
c. bag-bag
Gabay na Tanong:
1.Gaano kahalaga ang mga balita
sa lipunan at sa mga tao sa
lipunan?
2. Bakit gumagamit ng mga
salitang impormal sa pagsulat ng
balita?

You might also like