You are on page 1of 33

Magandang Hapon

(Baitang 8)
A Tukuyin
Panuto: B ang wastong
C D ng letra upang
bilang E F ng isangG
makabuo salita. H I J

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

K L M N O P Q R S T

11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

U V W X Y Z

21 22 23 24 25 26
1. 5-19-20-18-1-20-5-8-9-25-1
2. 11-15-13-21-14-9-11-1-19-25-15-14

3. 15-2-19-5-18-2-1-19-25-15-14
4. 2-1-12-2-1-12
5. 11-15-12-15-11-21-1-12
ESTRATEHIYA SA
PANGALAP NG MGA
IDEYA GAMIT ANG MGA
SALITA SA IMPORMAL
NA PARAAN NG
PAKIKIPAG
KOMUNIKASYON
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT
Ano ang pagsulat?
Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at
kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa lima na makrong
kasanayang pangwika (panonood, pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat). Ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan.
Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang
simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.
Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga
pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT

1. Obserbasyon
Isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-
bagay, tao, o pangkat, at pangyayari. Inaalam dito
ang mga gawi, katangian, at iba pang datos
kaugnay ng inoobserbahang paksa.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT

PANAYAM O INTERBYU
2. Panayam o Interview
Ito ay isang pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanong nang harapan o birtuwal. Sa
paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang
hanay ng mga tanong. Sa pagbuo ng mga tanong at
paghahanda sa panayam, maaaring kumonsulta sa mga libro o
sa internet subalit mas mainam ang impormasyon na
nanggagaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis. Ang
mga táong kasangkot sa isang paksa/sitwasyon na may
kaugnayan sa nais mong saliksikin ay tinatawag na
pangunahing batis ng impormasyon.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG
MAISAKATUPARAN ANG PANANALIKSIK SA PAGBUO
NG DOKYUMENTARYO, BALITA, AT OPINYON:
A. Paghahanda para sa Panayam
• Magpaalam sa taong gustong makapanayam.
• Kilalanin ang taong kakapanayamin.

B. Habang Nakikipanayam
• Maging magalang.
• Magpakita ng pakikitungo sa kapanayam.
• Itanong ang lahat na ibig malalaman kaugnay sa paksa.
• Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM
UPANG MAISAKATUPARAN ANG
PANANALIKSIK SA PAGBUO NG
DOKYUMENTARYO, BALITA, AT OPINYON:
C. Pagkatapos ng Panayam
• Magpasalamat nang maayos.
• Iulat nang maayos at matapat ang nakuhang
impormasyon sa panayam.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA PAGSULAT

PAGTATANONG O QUESTIONING
3. Pagtatanong o Questioning
Ito ay tumutukoy sa pagkalatag ng
tanong na kinapapalooban nang ayon sa
antas nito gaya ng ano,
kailan ,saan ,bakit, at sino.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA
PANGANGALAP NG IMPORMASYON SA
PAGSULAT

BRAINSTORMING
4. Brainstorming
Ito ang malayang
pakikipagtalakayan sa maliit na
pangkat hinggil sa isang paksa.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA PAGSULAT

SARBEY O SURVEY
5. Sarbey o Survey
Ang layunin ng sarbey ay upang makakuha ng mga
impormasyon, partikular na ang bilang o dami ng mga tao
sa isang partikular na kondisyon o opinyon. Kung gusto
pang palawakin ng mananaliksik ang kasagutan sa kaniyang
survey questionnaire ay maaari niya itong samahan ng
panayam o obserbasyon. Sa tulong nito mas mapabibilis ang
pagtugon ng mga kinakailangang impormasyon.
MARAMING PAGPIPILIAN
O MULTIPLE CHOICE
A. Maraming Pagpipilian o Multiple Choice
Ito ang mas mabilis na paraan ng pagsasagot
sa isang sarbey. Sa paraang ito, pipili lamang
ang isang respondente ng sagot na
umaangkop sa kaniyang kalagayan mula sa
mga opsiyon.
PAGKILALA SA MGA
SINASANG-AYUNAN
B. Pagkilala sa mga Sinasang-ayunan
Ilan pa sa mga uri ng pangangalap ng datos
sa pamamagitan ng sarbey ay ang Pagkilala
sa mga Sinasang-ayunan. Sa paraang ito,
maaaring maglagay ng pagpipiliang
nagpapahayag ng pagsang-ayon o hindi
pangsang-ayon ayon sa iba’t ibang kaantasan.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT

PAGSULAT NG JOURNAL
6. Pagsulat ng Journal
Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling
Gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o nadaram at
kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat,
napakahalaga ng pagsusulat ng journal. Madalas, sa
journal nila hinahango o ibinabatay ang mga akdang
kanilang sinusulat.
7. Sounding-out Friends
Isinasagawa sa pamamagitan ng isang paglapit sa
mga kasambahay, kaibigan, o kasama sa trabaho
upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa
kanila hinggil sa isang paksa, Kalimitan ang
usapan ay maikli lamang at impormal.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT

8. Imersiyon
Isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang
karanasan o Gawain upang makasulat hinggil
sa karanasan o gawaing kinapalooban.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA PAGSULAT

PAG-EEKSPERIMENTO
9. Pag-eeksperimento
Sinusubukan ang isang bagay bago
sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperimento.
IBA’T- IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG IMPORMASYON SA PAGSULAT

PAGBASA AT PANANALIKSIK
10. Pagbasa at pananaliksik
Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng
isang paksang isusulat at pangangalap ng mga
kaugnay na karagdagang kaalaman.Magagawa
ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro
at iba pang materyales na karaniwang
matatagpuan sa mga aklatan o Internet.
MGA SALITANG GINAGAMIT SA
IMPORMAL NA KOMUNIKASYON

Ang mga salitang karaniwan at palasak na


ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-
usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at
kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita.
Ang impormal na salita ay nauuri sa tatlo:
1. Lalawiganin o Provincialism - ito ang mga
salitang kilala at saklaw lamang ng pook na
pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga
lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas may
kakaiba pang tono o punto ito.

Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud


(Ilokano)
MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON
2. Balbal o slang- Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang.
Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga
may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan at taliwas sa
kanilang nakasanayan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang
kanto o salitang kalye
• Halimbawa:
• erpat - tatay
• lispu - pulis
• dedo- namatay
• tsikot - kotse
MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON

3. Kolokyal o colloquial - Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-


araw-araw na pakikipagtalastasan. Makikita ninyo na ang buong
salita mula sa pormal ay nakaltasan ng letra.
Halimbawa:
Pormal kolokyal
Aywan ewan
Ganoon ganon
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like