You are on page 1of 8

Filipino 11 (ANTAS NG WIKA)

Ano ang Wika?

*Ang wika ay bu.HAY at BU.hay


*Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura-Henry Gleason

*‘Ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga
bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit aang layuning makaunawa at maunawaan -
Tumungan

*Ayon kay Constantino ‘ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang


instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.’

ANTAS NG WIKA
1.Pambansa

 Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.

 Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.

Halimbawa:

 Pista aklat Telebisyon

 Pamahalaan maaliwalas Sampayan

 Maganda tahanan Palikuran

 Malaya Palay Tinapay

2.Pampanitikan

 Ito ang may pinakamayamang uri.

 Mga salitang matatayog ,malalalim,mabibigat,makukulay at sadyang matataas ang uri

 Mayaman sa paggamit ng idyoma, tayutay.

 Ginagamit ng mga manunulat at dalubwika

Halimbawa

 Mabulaklak ang dila Bulaan-sinungaling Balat sibuyas makitil-mapatay

 Nagbukas ng dibdib lilo-taksil Alibugho-Salbahe ipinugal-itinali

 Dawag-maraming puno bumalisbis-tumulo Esposo-asawang lalaki

 amis-kaawa-awa Liyag-mahal hinahandulong-sinasalakay

 Magaso-maharot ilugso-kunin sa dahas


3.Lalawiganin

 Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng
Cebuano, Bicolano, Batangueno at iba pa na may tatak –lalawiganin sa kanilang pagsasalita.

 isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.

Halimbawa

 Paa(tiil,saka,bitis) halik (halok,hadok)

4.KOLOKYAL

• Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.

• Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado
batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.

• Halimbawa

• Alala Dyan Lika Nasan Naron penge Kelan


pano Ganto sya Antay meron Lugal pede

5.Teknikal

Ginagamit sa larangan ng agham at matematika.Ito ay mga katawagan o terminolohiyang ginagamit


sa ibat ibang larangan tulad ng mga kagamitan at proseso.

Halimbawa:

Cortex Enzyme Quartz Filament Formula

X-ray Joules Vertigo infrared ml


6.Cybernetic-Ginagamit sa larangan ng teknolohiyang computer
Halimbawa:

Upload chat Online off chat

Share link Attach file highlight

7. Balbal o Panlansangan

 May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.

 Ito ang nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika.

 Itinuturing din itong pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.

 Singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.Halimbawa ay ang


jejemon at swardspeak.

 Jejemon-Ang salitang "Jejemon" ay sinasabing nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-


type ng "hehehe" bilang "jejeje" marahil dahil ang "jeje" ay nanggaling sa Kastila na ang mga
nagsasalita ay ginagamit ang salita bilang pantawa

Halimbawa:

• Filipino: "3ow ph0w, mUsZtAh nA?" salin sa Filipino bilang "Hello po, kamusta na?",

• QcKuHh- ibig sabihin ay ako

• lAbqCkyOuHh- ibig sabihin ay mahal kita

• yuHh- ibig sabihin ay ikaw

• jAjaJa- pagtawa

• jeJejE- ibang-anyo ng jAjaJa;

• iMiszqcKyuH- ibig sabihin ay nami-miss kita

• eEoWpFhUeEhsxz - ibig sabihin ay kumusta

 Swardspeak (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang patagong wika o salitang balbal
na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit ng ilang mga homoseksuwal
sa Pilipinas
Iba pang Halimbawa:

 Parak (pulis) Eskapo (takas ng bilangguan)

 Istokwa (naglayas) Juding (bakla)

 Tiboli (tomboy) Balkonik (taong maraming balahibo sa katawan)

 Brokeback (lalaki sa lalaking relasyon) Lobat (lupaypay)

8.Bulgar
• Ginagamit sa pagmumura at malalaswang mga salita
• Halimbawa:

lintik Punyeta Ungas ulol hinayupak walang hiya

Gabay na Tanong

1.Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng wika?

2. Bakit kaya mahalagang maunawaan at mapag-aralan ang ibat -ibang antas ng wika?

3.Gawin nating halimbawa ang wika sa antas lalawiganin,kolokyal balbal maging bulgar,papaano ito
nakatutulong sa komunikasyon sa kapwa?

Aplikasyon
Panuto: Pumili ng isa (1) sa gawain sa ilalim ng inyong pangkat. Gamit ang ibat-ibang antas ng
wika gawin ang sumusunod na gawain:
(Note:Ang pagpapangkat ang ginawa ng guro bilang pansariling estratehiya upang mapadali ang
pagkatuto ng mag-aaral.Sa kasalukuyang may pandemya at tayo ay nasa Modyular na paraan ng
pagkatuto ,inaasahan na sa gawaing ito hindi ninyo nakaligtan ang inyong pangkat.Ang mga
mag-aaral ay ipinangkat upang maisagawa lamang ang natatanging gawain para sa inyo.Ang
pagsagot ang pang-isahan parin.)
***Mas mainam kung ang output ay mairerecord ,maipapasa sa pamamagitan ng Messenger
Application o i upload sa ating Facebook Group
Unang Pangkat(Lalawiganin)
 Lumikha ng awitin batay sa napapanahong isyu at crisis sa bansa at lapatan ng
pansariling tono.
 Lumikha ng jingle pangkalusugan upang masugpo ang paglaganap ng COVID 19.
Ikalawang Pangkat(Balbal )
 lumika ng isang patalastas ng humihikayat sa kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral sa
kabila ng nararanasang pandemya.Maaari ring magbigay ng kaparaanan upang mapadali
ang pag-aaral.
 Itala ang iskedyul mo o ang rutin sa pag-aaral.
Ikatlong Pangkat(Pambansa)
 Gumawa ng isang editoryal patungkol sa pagbabakuna laban sa COVID 19
 Halimbawang mabibigyan ka ng pagkakataong makapanayam ang pangulo ,gumawa ng
Iskrip o patnubay sa mga maaari mong itanong sa kanya.
Rubrik :
Nilalaman(Kaangkupan sa paggamit ng Wika sa sitwasyon: _____________________50%
Impak at Kakintalan: 25%
Istilo sa Pagbuo:_________________25%

Kabuuan =100%
Asessment

Gawain I. Panuto: Punan ang kulang o nawawalang salita sa bawat hanay.Isulat ang sagot sa sagutang
papel .Gawing halimbawa ang unang letra.
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
A.ama Haligi ng tahanan amahan pa erpat

B..sigarilyo Humihithit ng sigar 1._______ sigaryo 2.______

C.3._____ 4. inay ma ermat


D.gutom 5. Mabisin(ilokano) gutom 6.
E.7. 8. Makwarta mapare yayamanin
(kapampangan)

F.9. Kahiramang suklay Kasabagay friendship katsokaran


(Cebuano)

G. mahal liyag kairog 10. Jowa

Gawain 2. Panuto: Magsagawa ng maikling pananaliksik tungkol sa mga pangyayari sa social


Media na may kaugayan sa paggamit ng wika gaya ng mga sumusunod:
a. cybernetic b. teknikal
c. lalawaganin d. balbal
e. pampanitikan

Tingnan ang kalagayan o sitwasyong pangwika sa kasalukuyan lalo na sa mga posts at mga pauso.
Gamitin ang iba’t ibang layunin sa pagsulat at pagbuo ng mga bahagi. Sa tulong ng mga gabay na
tanong ay mapapadali ang iyong gawain.
(Tunghayan sa pahina 14-15)

Pananaliksik

A. Panimula o 1. Anong paggamit ng wika ang iyong napili?


Introduksiyon 2. Bakit ito ang iyong pag-aaralan?
3. Ano ang iyong hangarin o tunguhin Sa napiling paksa?
B. Kahalagahan ng pag- 1. Ano ang kahalagahan at kabuluhan ng iyong pag-aaral sa magulang,
aaral kamag-aral at kabataan?
C. Sakop ng pag-aaral 1. Anong social media ang iyong napili?
2. Ilan ang napili mong pag-aralan?
(Halimbawa: 10, 5 o 8 na tao)
3. Paano mo isasagawa ang iyong pag-aaral?
D. Mga obserbasyon at 1. Ano-ano ang nakalap mong datos?
pagsusuri 2. Ano ang naobserbahan mo sa napili mong mga tao?
3. Ilang porsyento o bahagdan ang gumagamit ng napili mong paggamit
ng wika?
F. Kongklusyon 1. Batay sa iyong isinagawang pag-aaral, ano ang iyong napatunayan?
RUBRIC
Gawing gabay ang Napakahusay Mahusay Di-gaanong Sadyang Di-
rubric sa ibaba 10 8 Mahusay mahusay
para sa iyong 7 5
bubuuin.
Pamantayan
Panimula Nakapupukaw ng Nabanggit ang Nabanggit ang Walang nabanggit
interes ng pangunahing paksa pangunahing paksa sa paksa at
mambabasa, at ang maaaring subalit wala nang karagdagang
Nabanggit ang kalabasan ng pag- karagdagang impormasyon sa
pangunahing paksa aaral. impormasyong pag-aaral.
at ang maaaring naisama.
kalabasan ng pag-
aaral.
Paglalahad at Napakalinaw at Malinaw at Di-gaanong Hindi malinaw at
pagsusuri ng mga napakahusay ang mahusay ang Malinaw at mahusay ang
datos pagkakalahad at pagkakalahad at mahusay ang pagkakalahad at
pagkakasuri sa mga pagsusuri ng mga pagkakalahad at pagsusuri ng mga
datos datos pagsusuri ng mga datos
datos
Organisasyon ng Naipakita sa May maayos na Hindi gaanong Hindi naipakita ang
mga Ideya kabuoan ng ulat ang pagkakasunod- naipakita ang maayos na
maayos na sunod ng mga ideya maayos na pagkakasunod-
pagkakasunod- sa mga talata. pagkakasunod- sunod ng mga ideya
sunod ng mga ideya sunod ng mga ideya sa ga talata.
sa pamamagitan ng sa mga talata.
malilinaw na mga
talata: ginamitan ng
angkop na
transisyon o pag-
uugnay-ugnay upang
maipakita ang
organisasyon.
Gamit ng layunin Nagagamit ang Nagagamit ang Di-gaanong Sadyang di-
sa pagsulat sa halos lahat na karamihang layunin nagagamit ang nagagamit
pagbuo ng mga layunin sa pagsulat sa pagsulat sa layunin sa pagsulat Nagagamit ang
bahagi ng sa pagbuo ng mga pagbuo ng mga sa pagbuo ng mga halos lahat na
pananaliksik baahgi ng baahgi ng baahgi ng layunin sa pagsulat
pananaliksik pananaliksik pananaliksik sa pagbuo ng mga
baahgi ng
pananaliksik
Kongklusyon Ang kongklusyon ay Ang kongklusyon Ang kongklusyon Ang kongklusyon
sadyang naaangkop ay naaangkop sa ay di gaanong ay sadyang hindi
sa tanong o tanong o suliraning angkop sa tanong o naaangkop sa
suliraning inihahanap ng suliraning tanong o suliraning
inihahanap ng kasagutan. inihahanap ng inihahanap ng
kasagutan. kasagutan. kasagutan.
Kasunduan

Manood ng programa sa telebisyon o makinig sa radyo at alamin ang sitwasyong pangwika ang
masasalamin dito.Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

You might also like