You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

FILIPINO
BAITANG
Filipino sa Piling Larang
11/12
Akademik

LEARNING KUWARTER 4

MODULE LINGGO 6

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 0


MODYUL SA SHS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)

KUWARTER 4
LINGGO 6

MGA HAKBANG AT GABAY SA


PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Development Team

Writer: Rodel P. Moreno Jr.

Editor: Aprilyn R. Ramos

Reviewers: Zorayda S. Paguyo Aprilyn R. Ramos

Genalyn P. Mariano

Layout Artist: Aprilyn R. Ramos

Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 1


Ano ang Matututuhan Mo?

Mapag-aaralan mong muli ang pagsulat ng lakbay-sanaysay sa modyul na ito ngunit


nakatuon sa mga hakbang at gabay sa mabisang pagbuo nito. Dito matutunghayan mo ang mas
detalyadong pagtalakay sa mga hakbang, mungkahing gabay at mga dapat tandaan sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay bilang aralin sa Linggo 6 ng Ikaapat na Markahan, Ikalawang Semestre na
nakabatay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC).

Nilalayon ng kagamitang ito na magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa maayos at


akademikong pagsulat ng isang lakbay-sanaysay na naaayon sa mga hakbang na matatalakay
sa modyul na ito. Makapagbibigay ang modyul na ito ng mga mungkahing gabay o dapat
tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay upang mas maging makabuluhan ang pagbuo rito.
Nakalakip din dito ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay na maaari mong pagnilayan upang
higit na maunawaan ang paksang-aralin.

Magiging katuwang mo rin ang modyul na ito sa mas malalimang pagkakaunawa sa


estilo at teknikal na pangangailangan ng isang akademikong sulatin gaya ng lakbay-sanaysay
na maglalayong sanayin ka sa pagsulat ng mga sulating lilinang sa iyong kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na diskurso.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo ang mga sumusunod:

1. matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng isang maayos na lakbay-sanaysay;


2. maiisa-isa ang mga mungkahing gabay at mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay; at
3. makabuo ng lakbay-sanaysay na organisado, malikhain, at kapani-paniwala.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit at ganap na mabatid ang mga inaasahan, sikaping isakatuparan ang
mga sumusunod:

 maglaan nang panahon sa pagbabasa, pag-unawa, at pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin;


 sagutin nang buong kahusayan ang mga pagsasanay o pagtataya na naibigay;
 magsaliksik ng iba pang sanggunian upang madagdagan at mapalawak ang kaalaman; at
 sundin o gawin ang mga panuntunan upang matamo ang kasanayang hinahangad.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 2


Isang mapagpalang araw! Binabati kita sa iyong
matagumpay na pag-aaral at pagsasakatuparan sa mga
gawain sa ikalimang linggo. Tiyak kong handang-handa
ka na naman sa pagdukal ng mga panibagong kaalaman
at karanasan para ikaanim na linggo. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
ALAMIN isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?

Pamantayang Pangnilalaman: Nagagamit ang angkop na pormat at teknik ng pagsulat


ng akademikong sulatin

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo


na nakabatay sa pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto: FA11/12PU-0p-r-94:


Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang sulatin

FA11/12WG-0p-r-93:
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika

Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais kong


sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa lakbay-
sanaysay sa pamamagitan ng Paunang Pagtataya. Sa ibaba
ay mayroong limang aytem na kailangan mong sagutin.
SUBUKIN Paghusayan Mo!

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik
sa sagutang papel.

1. Itinuturing ito na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami sapagkat nagagawa


nilang mapuntahan ang iba’t ibang lugar na nais nilang marating.
a. pagsasadula b. paglalakbay c. pag-aawit d. pagsasayaw

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 3


2. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa
paglalakbay.
a. Sanaysay c. Lakbay-sanaysay
b. Nobela d. Paggawa ng Iskrip

3. Ang taong magsusulat ng lakbay-sanaysay ay kailangang bitbit niya ang mga sumusunod
na gamit maliban sa __________.
a. panulat b. dyornal c. kamera d. radyo

4. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging __________ sa paglalatag ng mga


impormasyon.
a. obhetibo b. organisado c. malinaw d. malaman

5. Ang sumusunod ay mga dahilan o layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa


__________.
a. itaguyod ang isang lugar c. maidokumento ang kasaysayan
b. pansariling kasaysayan d. kawilihan lamang

Tingnan mo ngayon sa Susi ng Pagwawasto kung tama ang mga sagot mo. Kung
nakakuha ka ng 3-5 na iskor, aba’y marami ka nang alam tungkol sa ating mga aralin, kaya’t
madali na lamang para sa iyo ang mga susunod na pagsasanay o gawain. Kung mas mababa
rito ang nakuha mo, huwag kang mag-alala dahil tiyak na matututuhan mo ang lahat ng
tungkol sa ating mga paksa sa modyul na ito.

Bilang pagpapatuloy mo sa paggalugad ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang nakaraan, iugnay sa kasalukuyan at pagyamanin
BALIKAN sa kinabukasan ang mga konseptong iyo nang napag-aralan.

Sa nakaraang linggo, natalakay ang pagsulat ng lakbay-sanaysay. Nagkaroon ka


ng malawak na kaalaman tungkol sa katuturan, katangian, layunin at kahalagahan nito
bilang isang akademikong sulatin.

Natalakay ang lakbay-sanaysay bilang isa sa mga paaran upang maibahagi ang
naging karanasan ukol sa ating mga paglalakbay. Natalakay rin na ang lakbay-sanaysay
ay hindi lamang nakapokus sa karanasan ng manlalakbay bagkus maaaring pumaksa rin
ito sa tao o mamamayan ng lugar. Natalunton din na binibigyang- pansin dito ang gawi,
katangian, at ugali ng mga mamamayan sa partikular na komunidad.

Dito natin napagtanto ang lakbay-sanaysay bilang isang akademikong sulatin ay


mahalaga dahil nagdadala ito ng pagpapahalaga at pagrespeto sa kalikasang bigay ng
Maykapal, maging ang kultura o anomang makikita sa ibang lugar at nakatutulong upang
mahubog ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral na tulad mo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 4


Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas
sa mga naunang aralin. Ngayon naman ay ating aalamin ang
mga hakbang, gabay, at mga dapat mong tandaan sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay. Tara, tuklasin, pagnilayan at unawain
TUKLASIN ang bago mong aralin!

Para sa ating aralin sa modyul na ito, ating alamin at tuklasin ang mga hakbang,
mungkahing gabay at mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

Ang isang mahusay na lakbay-sanaysay ay hindi lamang naglalarawan sa nakikita,


nalalasahan, naaamoy, naririnig, at nararamdaman. Ito rin ay sumusuri sa pagkatao ng
manunulat, paano naimpluwensiyahan ng kaniyang paglalakbay ang pansariling pananaw
tungkol sa mundo at sa kaniyang sarili.

Ang paglalakbay at ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay pagtuklas at pagkilala hindi


lamang sa lugar na pinuntahan at mga taong nakasalamuha, kundi pagtuklas at pagkilala rin sa
sarili.

Ngayon mas lalo pa nating palalimin ang kaalaman hinggil sa ang mga hakbang,
mungkahing gabay at mga dapat tandaan sa pagsulat lakbay-sanaysay sa pamamagitan ng
pagpapatuloy sa pagdukal ng kaalaman sa modyul na ito. Basahin at unawain mong maigi ang
sumusunod upang maging handa sa kasunod nitong mga gawain o pagsasanay.

Natitiyak ko ngayon na ikaw ay handa nang tumuklas at


SURIIN matuto ng mga panibagong kaalaman. Simulan na natin!

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Paano nga ba magsulat ng isang mahusay na lakbay-sanaysay?

1. Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura


nito. Maging pamilyar sa politika, ekonomiya, mga tradisyon at relihiyon sa pupuntahang
lugar. Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na magagamit kapag naglakbay na.

2. Habang naglalakbay, danasin ang lahat ng nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak,
tikman ang tsaa, pakinggan ang tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init
ng araw o ang klima. Kausapin ang mga lokal na tao. Kilalanin ang kanilang kultura.
Walang maisusulat kung hindi maglilibot-libot.

Ngayon, paano mo isusulat ang iyong naging karanasan sa paglalakbay?

3. Maaaring gumamit ng mga elemento ng katha upang bigyan ng buhay ang sulatin.
Makatutulong ang paggamit ng diyalogo, ritmo, imahen, mga eksena sa pagbibigay ng
kulay sa sanaysay. Ngunit siguruhin pa ring wasto ang mga impormasyon at huwag mag-
imbento.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 5


4. Gamitin ang unang panauhang punto de bista, ngunit tiyaking hindi magiging diary ang
lakbay-sanaysay. Planuhin muna ang organisasyon ng sanaysay bago isulat. Huwag itong
limitahan sa paglalarawan at pagbibigay lamang ng impormasyon. Kailangang maipakita
sa mambabasa na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang naging paglalakbay.

5. Maaaring simulan sa isang maikling anekdotang naglalatag sa pangkalahatang tono


at mensahe nito. Tiyaking mahahatak ang atensiyon ng mambabasa. Ito ay upang hindi
sila bumitiw sa sanaysay. Huwag simulan ang sanaysay halimbawa, sa pagsakay sa bus o
eroplano. Magsimula agad sa pangyayaring maaaring bumingwit ng kanilang interes.

6. Iwasan ang cliché o gasgas nang paglalarawan tulad ng “pagsasalubong ng langit at


dagat”, “sumilip ang araw sa likod ng mga bundok”, at iba pa. Sikaping bumuo ng orihinal
na paglalarawan. Iwasan din ang paggamit ng mga salita o pariralang hindi naman
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Mas mainam kung simple o payak
na salita lamang ang gamitin. Maging natural sa pagsulat at iwasan ang pagpapasikat.
Iwasan ding magpatawa kung hindi naman nagpapatawa ang tono ng sanaysay.

MGA MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

 Magkaroon ng malawak na kaligiran sa lugar na pupuntahan. Pag-aralan ang kanilang


kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.

 Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan
ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong
lasahan ang pagkain.

 Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.

 Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.


Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang
mga malikhaing elemento.

 Isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na


pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa sa mga
ideyang isusulat.

 Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.

Dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang
isang turista kundi isang manlalakbay. Ang isang turista ay nagpupunta sa isang lugar upang
maglibang, magliwaliw, at makita ang magandang tanawin, mga gusali, at iba’t ibang lugar
samantalang para sa isang manlalakbay ay pangalawa na lamang ang mga bagay na ito.
Kasabay sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 6


kultura, kasaysaysan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao o komunidad.

2. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.

Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng sulatin batay sa human interest.
Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng
lakbay-sanaysay. Tinatawag din itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.

3. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon


habang naglalakbay.

Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang
panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng
sanaysay. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang
basahin ng mga mambabasa.

4. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.

Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay, mahalaga ring


maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang
paglalakbay. Ito ay magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha sa ginawang paglalakbay.

5. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.


Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal at malaman.
Gumamit ng angkop na salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong bubuoin. Maaari
ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o matalinghagang salita upang higit na maging
masining ang pagkakasulat nito. Tiyaking makakukuha ng atensyon ng mambabasa ang iyong
susulating akda.

Sa pangkalahatan, mahalagang mabatid na sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging


obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagbabahagu ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ang
kondisyon ng lugar na pinuntahan.

Sanggunian: Ailene, Baisa-Julian et.al. (2016), Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik) Phoenix Publishing.

MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Ayon kay Dr. Lilia Antonio et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013)
may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay:

❖ Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay ang travel blog

❖ Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 7


❖ Maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o kaya ay pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan
ng paggamit ng daily journal o diary upang maitala ang mga bagong bagay na nakita,
narinig, naranasan at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay.

❖ Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing


pamamaraan.

Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang


naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa kanyang paglalakbay. Ang
pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan
nadama niya sa paglalakbay.

Sa bahaging ito ay sikapin mong pagtibayin ang iyong


pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa. Sagutin
ang naihandang gawain para sa iyo. Alam kong kayang-
PAGYAMANIN kaya mo ito! Paghusayan mo!

Panuto: Iguhit ang ang pahayag kung ang ito’y tumutukoy sa mga bagay na dapat tandaan
sa pagsulat ng lakbay-sanaysay at ng ang mali. Maglagay ng maikling paliwanag sa iyong
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Mahalagang mailahad ang realisasyon o mga natutuhan sa paglalakbay.


Paliwanag: _______________________________________________________

2. Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng


ganitong uri ng sulatin.
Paliwanag: _______________________________________________________

3. Ang pagsulat nito ay dapat na nasa ikatlong panauhan o punto de bista.


Paliwanag: _______________________________________________________

4. Maaari ding gumamit ng mga idyoma at tayutay sa pagsulat.


Paliwanag: _______________________________________________________

5. Kailangang maisaalang-alang ang mga layunin o dahilan sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay.
Paliwanag: _______________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 8


Narito ang ilang mga konsepto na kailangang isaisip upang
ISAISIP lubos na matalunton ang mga napag-aralan.

Sa modyul na ito ay ay napag-aralan mo ang mga hakbang, mungkahing gabay at


mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

Natutuhan mo ang pagsulat ng karanasan sa paglalakbay sa pamamagitan ng


akademikong sulatin na lakbay-sanaysay. Naisaisip na ang isang mahusay na lakbay-
sanaysay ay hindi lamang naglalarawan sa nakikita, nalalasahan, naaamoy, naririnig, at
nararamdam. Ito rin ay sumusuri sa pagkatao ng manunulat at kung paano naimpluwensiyahan
ng paglalakbay ang kaniyang pananaw tungkol sa mundo at sa kaniyang sraili.

Sa kabilang banda, ang paglalakbay at pagsulat ng lakbay-sanaysay ay pagtuklas at


pagkilala hindi lamang sa lugar na pinuntahan at mga taong nakasalamuha, kundi pagtuklas sa
pagkilala rin sa sarili.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan ang


kabuoan ng modyul na ito, kaya isang banat pa, kayang-kaya
ISAGAWA mo itong isagawa!

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
sumusunod na tanong hinggil dito. Isulat ang iyong mga tugon sa sagutang papel.

Ang Kagandahan ng Puerto Galera sa pananaw ng isang Manileña


Isang lakbay-sanaysay na isinulat ni Zar Ramos

Sa katirikan at init ng araw tuwing panahon ng tag-init na halos umaabot ng mahigit


38-40° C, sino ba naman ang hindi mapapaisip na magtampisaw sa lamig ng tubig dagat o kaya
naman ay mag-outing sa mga tanyag na water park? Likas na ito sa ating mga Pilipino na
dumayo sa iba’t ibang lugar upang mag “summer getaway” matanggal lamang ang init at
hinawa sa katawan.

Ang Puerto Galera ay isang isla sa


Oriental Mindoro tanyag sa pagiging
mini Boracay nito dahil sa tinataglay
nitong maputi at pinong buhangin na
katulad sa Boracay. Tinagurian din ito
bilang pinakamagandang beach resort
community sa buong Pilipinas. Bukod
sa pinagmamalaking pinong buhangin
ng islang ito, kilala rin ito sa kanilang
mayamang kultura patungkol sa tribong
Mangyan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 9


Ang Mangyan ay ang pangkaraniwang
pangalan para sa walong indigenous groups na
matatagpuan sa islang ito. Bawat isa ay may sarili
nitong pangalan ng tribo, wika, at kaugalian.
Binubuo ito ng higit kumulang 280 000 katao ngunit
hindi tiyak ang pagtatalang ito sapagkat mahirap
matukoy ang kanilang kondisyon sa loob ng mga
liblib na lugar.

Hindi madali ang pagpunta sa isla na ito lalo


na’t kung ikaw ay walang sariling sasakyan. Mula sa Las Piñas City ay sumakay kami ng jeep
patungo sa Alabang Bus Terminal kung saan sumakay naman kami ng bus papunta sa Batangas
Port. Mula sa Batangas Port ay sumakay kami ng maliit na bangka, roro kung tawagin, at nasa
mahigit isa’t kalahating oras ang aming biyahe papunta rito. Sobrang nakakapagod at
nakakahilo pa ito dahil hindi ako sanay bumiyahe sa dagat.

Nang makarating na kami sa destinasyon ay ramdam na ramdam ko ang lagkit ng simoy


ng hangin sa aking balat at ang init mula sa tirik ng araw ngunit hindi ko maiwasang mabighani
sa taglay na ganda ng islang ito. Hindi ko inakala na ganito kaganda ang napakaliit lamang na
isla sa Oriental Mindoro.
Noong unang araw ng aming pamamalagi ay
naisipan naming magtampisaw at maglaro ng
beach volleyball sa White Beach at halos
nakababad lang kami sa initan buong araw.

Sa pangalawang araw naman, kami ay


nagtungo sa Infinity Farm sa Baco, Oriental
Mindoro. Ito ay nasa higit kumulang isa’t
kalahating oras na biyahe mula sa White
Beach. Matatagpuan dito ang Mangangan
River, isang ilog sa paanan ng Mt. Halcon na
pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng halaman at
punong-kahoy. Butterfly Litrato ng isang paro-
paro na aking nakunan sa Infinity Farm.
Sobrang lamig ng tubig mula sa ilog na ito na
parang ikaw ay naliligo sa yelo. Tanyag din
ang resort na ito sa kanilang Love Lock Bridge
na ang konsepto ay nagmula sa Paris, France.

Ito ay isang tradisyon para sa mga


magkasintahan kung saan ikakabit nila ang
padlock sa tulay bilang simbolo ng kanilang
wagas masyadong nakakuha ng larawan dito
dahil mas pinili ko matamasa ang kagandahang
taglay ng kalikasan.

Nakalulungkot dahil ito na ang ikatlo at panghuling araw namin sa Puerto Galera.
Gumising kami nang maaga para sa aming pinakahuling water activity, ang mag-island
hopping at snorkeling. Bagamat ako ay malungkot, hindi rin maialis sakin ang kasabikan dahil
ako ay mahilig sa snorkeling at diving. Bata pa lamang ako ay minulat na ako ng aking ama sa
kalawakan ng dagat at tinuruan niya akong lumangoy at sumisid.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 10


Naging libangan din namin ang
snorkeling at scuba diving tuwing kami ay
uuwi sa probinsya. Muntik na kaming hindi
matuloy sa aming island hopping at
snorkeling dahil sobrang namamaga ang
aking mata dulot ng isang food allergy
ngunit nagpumilit pa rin ako dahil minsan
lang namin maranasan ang ganitong uri ng
mga libangan. Nagpakain din kami ng iba’t
ibang uri ng isda at nakita ko na tunay ngang
mayaman ang Pilipinas pagdating sa
yamang tubig. Iba’t ibang species ng isda at
corals ang aking nakita at kung hindi ka takot sumisid sa ilalim, makikita mo ang iba’t ibang
uri ng kabibe o giant pearls na ipinagbabawal ipahuli sa mga turista.

Bukod din pala sa island hopping at snorkeling ay pumasok din kami sa isang maliit na
kuweba. Ang daan sa kuwebang ito ay medyo matarik, masakit sa paa, at isang kawayan
lamang ang nandoon para mahawakan.
Hinango mula sa: https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/

Mga Tanong:
1. Nasunod ba ang mga hakbang, mungkahing gabay, at mga dapat tandaan sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay? Suriin ang halimbawa batay sa iyong mga napag-aralan. Ilahad ang
komprehensibong pagtalakay sa loob lamang ng tatlong (3) tambalang pangungusap.
2. Ano-ano ang nabatid mong kalakasan at kahinaan ng binasang lakbay-sanaysay?
3. Natugunan ba nito ang layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay? Kung oo, paano at kung
hindi naman ay paano pa ito mapabubuti o mapahuhusay? Magbigay ng mungkahi.

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit


sa kabuoan ng aralin. Natitiyak kong masasagot mong lahat
TAYAHIN ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik
sa sagutang papel.

1. Itinuturing ito na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami sapagkat nagagawa


nilang mapuntahan ang iba’t ibang lugar na nais nilang marating.
a. pagsasadula b. paglalakbay c. pag-aawit d. pagsasayaw

2. Ang taong magsusulat ng lakbay-sanaysay ay kailangang bitbit niya ang mga sumusunod
na gamit maliban sa __________.
a. panulat b. dyornal c. kamera d. radyo

3. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging __________ sa paglalatag ng mga


impormasyon.
a. obhetibo b. organisado c. malinaw d. malaman

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 11


4. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa
paglalakbay.
a. Sanaysay c. Lakbay-sanaysay
b. Nobela d. Paggawa ng Iskrip

5. Ang sumusunod ay mga dahilan o layunin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa


__________.
a. itaguyod ang isang lugar c. maidokumento ang kasaysayan
b. pansariling kasaysayan d. kawilihan lamang

Sikapin mong isakatuparan ang gawain


upang lubos mong mataya at mailapat ang
iyong natamong kabatiran sa pag-unawa ng
mga aralin sa modyul na ito. Kayang-kaya
KABUOANG PAGSUSURI mo’to!

PERFORMANCE TASK (1 PRODUCT):

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
SITUATION:
Ikaw ay isang travel ambassador/blogger ng isang sikat na travel and tours business
sa Ilocos Norte. Nahingan ka na gumawa ng isang lakbay-sanaysay na organisado, malikhain,
at kapani-paniwalang sulatin hinggil sa isang lugar na napuntahan mo na sa probinsya.
Itatampok ito sa isang travel magazine kung kaya’t gawin ang makakaya upang maitampok
ang napiling lugar at mahikayat ang publiko na puntahan ito.
Ito’y tatayahin batay sa sumusunod na pamantayan: introduksyon, diskusyon,
organisasyon ng mga ideya, kongklusyon, at gamit ng mga salita.
GOAL: Makasulat ng isang lakbay-sanaysay na organisado, malikhain, at kapani-paniwala
at nagtataglay ng maingat, wasto, at angkop na wika.
ROLE: Travel Ambassador/blogger
PRODUCT: Lakbay-sanaysay
AUDIENCE: Mga turista o publiko
STANDARDS: introduksyon, diskusyon, organisasyon ng mga ideya, kongklusyon, gamit
ng mga salita

PERFORMANCE TASK ANALYTIC RUBRIC:

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Kasiya-siya
Kategorya ng Pagpapahusay Puntos
(4) (3) (2)
(1)
Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw
ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang introduksyon
Malinaw na pangunahing ang at ang
Introduksyon
nakalahad ang paksa gayundin pangunahing pangunahing
pangunahing ang panlahat na paksa subalit paksa. Hindi rin
hindi sapat ang nakalahad ang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 12


paksa gayundin pagtanaw ukol pagpapaliwanag panlahat na
ang panlahat na dito. ukol dito. pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito.
dito.
Makabuluhan ang Bawat talata ay May Hindi nadebelop
bawat talata dahil may sapat na kakulangan sa ang mga
sa husay na detalye detalye pangunahing
Diskusyon
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay
mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata at mga talata pagkakalahad ng
sunod ng mga maayos ang subalit ang mga sanaysay.
Organisasyon ideya; gumamit pagkakalahad ng ideya ay hindi
ng mga Ideya din ng mga mga ideya. ganap na
transisyonal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasya
palagay o paksa batay sa mga tungkol sa
Kongklusyon batay sa katibayan katibayan at mga paksa batay sa
at mga katwirang katwirang inisa- mga katibayan
inisa-isa sa isa sa bahaging at mga
bahaging gitna. gitna. katwirang inisa-
isa sa bahaging
gitna.
Walang Halos walang Maraming Napakarami at
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa
Gamit ng
pangungusap at mga mga estruktura ng mga
mga Salita
gamit ng mga pangungusap at pangungusap at pangungusap at
salita. gamit ng mga gamit ng mga gamit ng mga
salita. salita. salita.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 13


SUSI SA PAGWAWASTO

d 5. d 5.
c 4. 5. c 4.
d 3. a 3.
c 2. 4.
d 2.
b 1. 3. b 1.

SUBUKIN 2.
TAYAHIN
1.
PAGYAMANIN

*Ang sagot ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain o pagsasanay ay maaaring magkakaiba-iba.

SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT
Dela Cruz M. A. S. at Evasco E.Y. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik
(Modyul). Makati City: Diwa Learning Systems Inc.

Garcia, F. C. Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik) (Batayang
Aklat). Quezon City: Sibs Publishing House Inc.

Julian, A. B at Lontoc, N. S. (2016). Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Santos, C. L at Concepcion, G. P (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Kagamitan ng


Mag-aaral. Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR).

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO:
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-replektibong-sanaysay/
https://www.panitikan.com.ph/bakit-mahalagang-matutunan-ang-pagsulat-ng-lakbay-
sanaysay
https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
https://pdfcoffee.com/kahalagahan-at-katangian-ng-lakbay-sanaysay-pdf-free.html
https://www.facebook.com/Gas-12-B-lakbay-Sanaysay-2133975660170549/
https://places624.wordpress.com/badian/
https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/
https://11fidelity.blogspot.com/2019/10/tunghayan-ang-ganda-ng-ilocos.html

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 14


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 15

You might also like