You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

FILIPINO BAITANG
11/12

LEARNING KUWARTER 3

MODULE LINGGO 5

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 1


MODYUL SA SHS
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)

KUWARTER 3
LINGGO 5

PAGSULAT NG BIONOTE

Development Team
Writer: Genalyn P. Mariano
Editor: Aprilyn R. Ramos
Reviewers: Zorayda S. Paguyo Aprilyn R. Ramos
Genalyn P. Mariano
Layout Artist: Aprilyn R. Ramos

Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsulat ng bionote. Dito matutunghayan mo ang


detalyadong pagtalakay sa katuturan, katangian, uri, gamit o layunin at hakbang sa
pagbuo ng bionote bilang aralin sa Ikatlong Markahan, Linggo 5 ng Ikalawang Semestre
na nakabatay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC).

Nilalayon ng kagamitang ito na maipabatid ang iba’t ibang impormasyon tungkol


sa pagsulat ng bionote.

Magiging katuwang mo rin ang modyul na ito sa mas malalimang pagkakaunawa sa


estilo at teknikal na pangangailangan ng isang akademikong sulatin, ang bionote.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang katuturan at katangian ng bionote
2. maiisa-isa ang mga layunin ng bionote
3. masuri ang isang halimbawa ng bionote
4. makabuo ng isang orihinal na bionote na nakasusunod sa estilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit at ganap na mabatid ang mga inaasahan, sikaping isakatuparan ang
mga sumusunod:
1. basahin at unawain nang mabuti ang mga lektura hinggil sa pagsulat ng bionote;
2. sundin ang mga panuto na inilakip sa bawat gawain o pagsasanay; at
3. sagutin nang buong kahusayan ang lahat ng mga gawain o pagsasanay na
naibigay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 3


Magandang buhay! Binabati kita sa iyong
matagumpay na pag-aaral at pagsasakatuparan sa mga
gawain sa ikaapat na linggo. Kaya naman natitiyak kong
handang-handa ka na sa pagdukal ng mga panibagong
kaalaman at karanasan para sa ikalimang linggo.
Tandaan, kailangan mong matapos ang Modyul na ito
sa loob lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin
ang makakaya para tapusin ito.

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
ALAMIN isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?

Pamantayang Pangnilalaman: Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling


sulating akademiko

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo


na nakabatay sa pananaliksik

Kasanayang Pampagkatuto: FA11/12PU-0d-f-92:


Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
(Bionote)

FA11/12PU-0d-f-93:
Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan
ng akademikong sulatin

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais kong
sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng
bionote sa pamamagitan ng Paunang Pagtataya. Sa ibaba
ay mayroong limang aytem na kailangan mong sagutin.
SUBUKIN Paghusayan Mo!

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto
ang ideyang taglay nito at MALI naman kung hindi ito wasto.
1. Sa bawat pagsulat ng bionote, makabubuti kung maghanda ng isang balangkas para
maisulat ito nang maayos.
2. Ang haba ng isang bionote ay nakadepende kung saan ito gagamitin at kung anong
kahingian ng nangangailangan nito.
3. Lahat ng mga mahahalagang datos ukol sa personalidad na ginagawan ng bionote ay
dapat isulat, kahit na ito ay walang direktang kaugnayan sa okasyon kung saan
gagamitin ang bionote.
4. Ang micro-bionote ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga
impormasyon ukol sa taong ipinakikilala.
5. Ang paggamit ng unang panauhang perspektib o first person perspective ay
makatutulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.

==================================================================
Tingnan mo ngayon sa Susi ng Pagwawasto kung tama ang mga sagot mo. Kung
nakakuha ka ng 3-5 na iskor, aba’y marami ka nang alam tungkol sa ating mga aralin, kaya’t
madali na lamang para sa iyo ang mga susunod na pagsasanay o gawain. Kung mas mababa
rito ang nakuha mo, huwag kang mag-alala dahil tiyak na matututuhan mo ang lahat ng
tungkol sa ating paksa sa tulong ng modyul na ito.

Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang nakaraang aralin, iugnay sa kasalukuyan at
pagyamanin sa kinabukasan ang mga konseptong iyo nang
napag-aralan.
BALIKAN

Sa nakaraang aralin, iyong napag-aralan ang pagsulat ng sintesis o buod. Nagkaroon


ka nang malawak na kaalaman tungkol sa katuturan, katangian, layunin at proseso ng
pagsulat nito bilang isang akademikong sulatin.
Natalakay ang sintesis o buod na uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, nobela, dula, tula, parabula, talumpati at
iba pang anyo ng panitikan.
Nabatid mo rin na sa pagsulat nito ay mahalaga ang organisasyon ng mga ideya,
pagsulat sa sariling pangungusap ng mga kaisipan o impormasyon at paghanay ng mga ideya
batay sa orihinal. Iyo ring napagtanto na sadyang mahalagang matutuhan ng bawat mag-
aaral dahil higit na nauunawaan ang kabuuan ng isang akda o teksto kung marunong kang
gumawa nito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 5


Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas
sa pagsulat ng sintesis/buod. Ngayon ay higit na paiigtingin
at palalawakin ang iyong kaalaman sa pagsulat ng bionote.
Tara, tuklasin, pagnilayan at unawain ang bago mong aralin!
TUKLASIN

Kapag ilalathala sa journal, magasin, antolohiya o iba pang publikasyon ang iyong
artikulo, hihingan ka ng editor ng bionote. Ganito rin kapag magbabasa ka ng papel-
pananaliksik sa isang kumperensiya, mag-aaplay ng trabaho, o bubuo ng sariling blog o
website.
Nakasulat ito gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan, ang bionote ay
impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga
nagawa mo bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo
na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng
iyong blog o website.
Iba ang bionote sa talambuhay. Ang bionote ay maikli at siksik, samantalang mas
detalyado at mas mahaba ang talambuhay. Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae o
CV. Hinihingi sa biodata ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad,
petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa na karaniwang ginagamit ng mga
nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Samantala, makikita naman sa CV ang mga detalyeng
natamo sa edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayang may kaugnayan sa inaaplayang
posisyon o trabaho, mga nilahukang seminar o kumperensiya, at iba pa.

Ngayon ay handa ka nang higit na pag-aralan ang mga konseptong ito. Basahin at
unawain mong maigi ang mga sumusunod upang maging handa sa kalakip nitong mga gawain
o pagsasanay.

Ngayong batid mo na ang kaligiran ng pagsulat ng bionote,


SURIIN kailangan mo pa itong palalimin, kaya’t iyo nang suriin!

KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE


Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang
indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang-diin nito
ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mga
katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang upang ipabatid ito sa
mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad. Dahil dito,
nakapahalagang maisulat nang mabuti ang isang bionote.
Marahil, sa karanasan mo bilang estudyante ay wala pa o madalang ang pagkakataong
hihingian ka ng isang bionote, subalit dapat mong malaman na sa darating na panahon kung
ikaw ay isang propesyunal na, darami ang mga pagkakataong kakailanganin mong ihanda ang
iyong sariling bionote o kaya naman ay maatasan kang isulat ang bionote ng isang indibidwal.
Dahil dito, isang mahalagang kakayahan na magkaroon ng kaalaman sa epektibong pagsulat
nito. Sa katunayan, maraming mga rason kung bakit kailangan ang isang bionote. Sa pagtalakay

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 6


ng http://www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang
sa mapaggagamitan nito ang sumusunod:
1. aplikasyon sa trabaho;
2. paglilimbag ng mga artikulo, aklat, o blog;
3. pagsasalita sa mga pagtitipon; at
4. pagpapalawak ng network-propesyunal.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE


• Maikli ang nilalaman, karaniwang hindi binabasa ang mahahabang bionote. Mas
maikli, mas babasahin kaya isama lamang ang mahahalangang impormasyon.

• Gumagamit ng pangatlong panauhang papanaw. Laging gumamit ng pangatlong


panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.

Halimbawa: “Si Juan Dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman.


Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomics Theory.

• Kinikilala ang mambabasa. Isaalang-alang ang mambabasa. Kung ang target na


mambabasa ay mga administrador ng paaralan, hulmahin ang bionote ayon sa kung ano
ang hinahanap nito.

• Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Sa pagsulat ng nito, unahin ang pinakamahalagang


impormasyon dahil ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi.

• Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Mamili lamang ng mga


kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng isang bionote. Kung ibig pumasok bilang
guro, sa panitikan, hindi na babanggitin ang pagiging negosyante at iba pa.

• Binabanggit ang degree kung kailangan. Kung may Doctor of Philosophy (PhD) sa
antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa isang partikular na kultura,
mahalagang isulat ang mga kredensyal na ito.

• Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Siguraduhing tama o totoo ang mga


ibibigay na impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon. Hindi ito etikal at
maaaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsusulat ng bionote ang iminungkahi


sa artikulong Guidelines in Writing Biographical Notes sa (http://www.kaowarsom.be). Ito ay
ang sumusunod:

1. Balangkas sa pagsulat. Tinutukoy nito ang prayoritisasyon ng mga impormasyong


isasama sa bionote. Itanong sa sarili: Ano ang aking uunahin o ihuhuli? Alin ang
kailangang bigyan ng higit na eleborasyon?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 7


2. Haba ng bionote. Kadalasang maikli ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang
tatlong talata, subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba nito.

Ayon kay Brogan (2014), isang social media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa
haba nito: micro-bionote, maikling bionote, at mahabang bionote.

• Micro -bionote
Isang magandang halimbawa nito ang isang impormatibong pangungusap na
inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginagawa, at tinatapos sa mga detalye
kung paano makokontak ang paksa ng bionote.

Halimbawa:

Jose P. Rizal: nobelista, makata,


sundalo ng kasarinlan, manggagamot,
dalubhasa sa agham, lingguwista,
isang tunay na bayaning Pilipino.

• Maikling bionote
Binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa
taong ipinakikilala.

Halimbawa: bionote ng may-akda sa isang aklat, mga nasa journal at iba pang
babasahin

Pansinin din ang isang halimbawa ng maikling bionote. Ang bionote na ito ay isinulat
para sa pabalat ng aklat na may pamagat na Computer Programming in a Changing World.
Si Mark Lyndon Guiang ay isang batikang programmer na nakapagtrabaho para sa
Microsoft Corporation. Bilang isang praktisyoner, naging systems administrator siya at chief
database officer ng Microsoft Phils. Awtor siya ng mga aklat na “Data Structure and
Algorithm” (2015) at “Automata and Complexity Theory “(2013) mula sa Prentice
Publications, Inc.
Suki rin siyang tagapagsalita sa mga nasyonal na kumbensyon at pagtitipon na may
kinalaman sa information techonology at theoretical computer science. Sa kasalukuyan,
konsultant siya ng Oracle Philippines at kasalukuyan din niyang tinatapos ang kanyang
digring doktorado sa computer science sa Unibersidad ng Pilipinas.

• Mahabang bionote
Ginagamit sa pagpapakilala ng isang natatanging panauhin. May sapat na oras sa
pagbabasa nito o espasyo para isulat.

Suriin naman ang isang halimbawa ng mahabang bionote. Mapapansin dito ang higit
na ekstensibong pagpapakilala sa paksa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 8


Si ROLANDO ALDACA BERNALES ay isinilang sa Dolores, Abra. Lumaki at
nagkamalay siya sa Lungsod ng Makati. Produkto si RAB ng mga paaralang pampubliko
mula elementarya hanggang antas-gradwado. Ang kanyang elementarya ay natapos niya sa
Guadalupe Elementary School Makati at ang hayskul sa Makati Polythechnic Community
College -Technical High School. Nagtapos naman siya ng BSE-Filipino, cum laude, at ng
Graduate Certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching) sa Linggwistikong Filipino,
kapwa sa Philippine Normal University (PNU). Nakamit niya ang digring EdD sa
Educational Management sa Unibersidad ng Makati (UMak).

Ilan sa mga karangalan at komendasyong kanyang tinaggap ay ang sumusunod: Ten


Outstanding Students of the Philippines Award mula sa Rotary Club of Makati Central, RFM
Corporation at DECS, 1989; SALAMIN Drama Guild Award mula sa PNU, 1989; Salute to
Excellence Award mula sa PNU, 1991; Ikatlong Gantimpala sa pagsulat ng maikling katha
sa Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature, 1995; Most Outstanding Teacher
ng UMak, 2000; Outstanding High School Alumnus ng UMak Alumni Association Inc., 2000;
at featured personality sa Unang Hirit ng GMA 7, Enero 2000; at Gawad ng Pagkillala mula
sa Komisyon sa Wikang Filipino, Agosto 2002.

Si RAB ay awtor, ka-awtor, editor at/o konsultant ng mga aklat sa wika at panitikan
sa antas pre-school, elementarya, sekundarya at tersyarya, maging ng kalakip na Manwal/
Patnubay ng Guro ng ilan sa mga aklat na iyon. Sa kasalukuyan, may higit sa limampung
aklat at manwal na ang kanyang naipapalimbag. Akademik-konsultant din siya ng Mutya
Publishing House, Inc.

Aktibo sa larangan ng patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo-pagkatuto ng Filipino,


si RAB ay kasalukuyang halal na PRO at panghabambuhay na kasapi ng Pambansang
Samahan sa Linggwistikang Filipino, Ink. (PSLF). Myembro rin siya ng Sanggunian sa
Filipino (SANGFIL) at Katipunan ng mga Guro sa Filipino (KAGURO).

Maglalabinwalong taon nang nagtuturo si RAB sa UMak. Nakapagturo rin siya, part
time, sa PNU, Pamantasang De La Salle-Manila, Kolehiyo ng St. Benilde, Pamantasan ng
Lungsod ng Pasig at iba pang Pamantasan. Sa UMak, limang taon siyang nanungkulan bilang
Puno ng Departamento ng Filipino at isang taon bilang Puno ng Departamento ng mga
Lenggwahe at Literatura. Sa kasalukuyan, siya ay may akademik na ranggong Associate
Professor III at designasyong Excecutive Director ng Center for Innovative Education and
Sciences sa Kolehiyo ng mga Arte, Sensya at Edukasyon ng UMak (2006).

3. Kaangkupan ng nilalaman. Hindi lahat ng natamo at mahahalagang impormasyon ay


kailangang isama. Isinusulat ito sa tiyak na tagapakinig o mambabasa kaya isipin ang mga
dapat lamang isama.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin. Tumutukoy ito sa antas ng mga salitang gagamitin sa


bionote. Nakadepende ang pormalidad o impormalidad ng wikang gagamitin sa audience
at sa okasyon.

5. Larawan. Kung kailangan ng larawan, dapat malinaw ito at kung maaari ay pormal ang
dating at kuha ng propesyunal na potograpo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 9


MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

Narito ang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto – sina Brogan (2014) at
Hummel (2014) para sa pagsulat ng bionote:

1. Tiyakin ang layunin. Dapat malinaw sa iyo ang layunin kung bakit kailangang isulat ang
bionote. Gagabayan ka ng iyong layunin kung anong mga impormasyon ang mahalagang
isama.

2. Pagdesisyunan ang haba ng susulating bionote. Maykro, maikli o mahaba ba ang isusulat
na bionote? Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. Kung tiyak na ang
layunin, matutukoy mo na rin ang haba ng bionote.

3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. Ang paggamit nito ay makatutulong upang
ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.

4. Simulan sa pangalan. Bagama’t kadalasang binabanggit sa dulo ang pangalan kapag


binabasa lamang ang bionote, kung nasa pasulat na anyo, iminumungkahing dapat pangalan
ang unang makita dahil ang ito ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang
propesyunal at sinusundan ng mga ginawa at natamo.

5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Kung ang pagpapakilala ay sa isang komunidad


ng mga inhinyero, mahalagang banggitin na ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang
komunidad o kung hindi man, kabilang sa isang larangan na may kaugnayan sa kanila.

6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang
na may kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote. Kung sumusulat ka
ng aklat sa computer science, huwag nang isama pa ang mga bagay na walang direktang
kinalaman dito.

7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Kung mayroong mga detalye ukol sa paksa ng
bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong target audience o reader, idagdag ito sa bionote.
Mahalaga na may element of surprise ang pagpapakilala sa iyo.

8. Basahin at isulat muli ang bionote. Kapag tapos nang isulat ang bionote basahin mo ito
nang malakas. Makikita mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin o dagdagan. Sa iyong
personal na mga puna, muli itong isulat.

Sa bahaging ito ay sikapin mong pagtibayin ang iyong


pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa hinggil
sa pagsulat ng bionote. Sagutin ang naihandang gawain
para sa iyo. Alam kong kayang-kaya mo ito!
PAGYAMANIN Paghusayan mo!

Panuto: Suriin at unawain ang mga katanungan at ibigay ang sariling opinyon o pagkaunawa
sa mga ito batay sa mga napag-aralan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 10


1

Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?

2
Kailan masasabing sapat na ang impormasyong
ibinabahagi sa bionote?

=================================================================

Narito ang ilang mga konsepto na kailangang isaisip upang


ISAISIP lubos na matalunton ang mga napag-aralan.

Ang bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (karaniwang isang talata


lamang) na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyonal. Itinatanghal dito ang ang kaniyang mga natamo na
nagsasabing siya ay maalam at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Sa
kabuuan, ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa pagsasalubong ng nais iparating ng
sumulat at kung ano ang gustong malaman ng mambabasa tungkol sa kaniya.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan ang


kabuuan ng modyul na ito, kaya isang banat pa, kayang-kaya
ISAGAWA mo itong isagawa!

Panuto: Basahin at ayusin ang mga detalye sa ibaba upang makabuo ng isang mahusay na
bionote. Itala ang tugon sa iyong sagutang papel.

 Rica N. De la Rosa

 Nakapaglimbag na rin ako ng tatlong aklat tungkol sa Wika at Panitikan. Kasapi rin ako sa
Kapisanan ng mga Guro sa Pilipinas at Reading Association of the Philippines.

 Nakakuha ako ng Master’s in Education major in Filipino sa Lyceum Northwestern University


sa Dagupan City at sa kasalukuyan ay tinatapos ko ang aking pagiging doktorado sa parehong
paaralan.

 Nagsimula akong nagturo sa Saint Louis University ng tatlong taon at nagawaran bilang isa sa
mga Teacher of the Year. Kasalukuyan akong nagtuturo sa Don Mariano Marcos Memorial
State University South La Union Campus, Kolehiyo ng Sining at Agham, Kagawaran ng mga
Wika sa Agoo, La Union.

 Ako ay nagtapos bilang Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa Don Mariano Marcos


Memorial State University sa La union. Noong ako ay nasa hayskul sa parehong paaralan ay
nanalo ako sa larangan ng pag-awit. Ipinanganak ako noong Ika-12 ng Pebrero taong 1995. Ako
ay mula sa La Union, bayan ng Agoo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 11


Pamantayan sa Pagmamarka:
Puntos Deskripsyon
Ang isinulat na bionote mula sa mga detalyeng ibinigay ay kakikitaan ng ganap na
4
pagsasaalang-alang sa katangian at hakbang sa pagbuo nito.
3 Ang isinulat na bionote mula sa mga detalyeng ibinigay ay kakikitaan ng
pagsasaalang-alang sa katangian at hakbang sa pagbuo nito.
Ang isinulat na bionote mula sa mga detalyeng ibinigay ay bahagyang kakikitaan
2
ng pagsasaalang-alang sa katangian at hakbang sa pagbuo nito.
1 Ang isinulat na bionote mula sa mga detalyeng ibinigay ay hindi isinaalang-alang
ang mga katangian at hakbang sa pagbuo nito.

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit


sa kabuuan ng aralin. Natitiyak kong masasagot mong lahat
TAYAHIN ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung wasto ang
ideyang taglay nito at MALI naman kung hindi ito wasto.

1. Sa bawat pagsulat ng bionote, makabubuti kung maghanda ng isang balangkas para


maisulat ito nang maayos.
2. Ang haba ng isang bionote ay nakadepende kung saan ito gagamitin at kung anong
kahingian ng nangangailangan nito.
3. Lahat ng mga mahahalagang datos ukol sa personalidad na ginagawan ng bionote ay
dapat isulat, kahit na ito ay walang direktang kaugnayan sa okasyon kung saan
gagamitin ang bionote.
4. Ang micro-bionote ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga
impormasyon ukol sa taong ipinakikilala.
5. Ang paggamit ng unang panauhang perspektib o first person perspective ay
makatutulong upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote.

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
iyong mga napag-aralan sa modyul na ito. Maging gabay sana ito sa iyong paglalakbay sa
mundo ng pagsulat ng bionote lalo na sa iyong pagtalunton sa iba’t ibang akademikong
disiplina sa hinaharap at pagbuo ng mga makabuluhang karanasan sa propesyong nais mong
tahakin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 12


Sikapin mong isakatuparan ang mga
gawain sa bahaging ito upang lubos mong
mataya at mailapat ang iyong natamong
kabatiran sa pag-unawa ng mga aralin sa
KABUUANG PAGSUSURI modyul na ito. Kayang-kaya mo’to!

PERFORMANCE TASK (ONE PRODUCT):

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
a. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin (bionote)
b. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

Inatasan kayo ng inyong guro sa Filipino na sumulat ng isang bionote bilang pinal na
gawain sa natalakay na aralin hinggil dito. Sa pagbuo mo nito ay kailangan mong
makipanayam sa isa sa mga miyembro ng inyong pamilya o kamag-anak na may
professional records o mga kakilala mong propesyunal o katatapos lang na mag-aral sa
kolehiyo mula sa inyong komunidad na alumnus o alumna ng inyong paaralan. Ang mga
impormasyong makukuha mo sa kanila ang magsisilbing nilalaman o detalye ng iyong
susulating maikling bionote. Sikaping isaalang-alang ang katangian at pormat nito
alinsunod sa napag-aralan. Ang iyong awtput ay isasama sa reprerensiya ng inyong
paaralan sa isinasagawa nilang Professional Tracer Study. Tatayahin naman ito ayon sa:
nilalaman, organisasyon, paggamit ng wika at mekaniks.
SITUATION: Inatasan kayo ng inyong guro sa Filipino na sumulat ng isang bionote
tungkol sa isa sa mga miyembro ng inyong pamilya o kamag-anak na may professional
records o mga kakilala mong propesyunal o katatapos lang na mag-aral sa kolehiyo mula
sa inyong komunidad na alumnus o alumna ng inyong paaralan.
GOAL: Makapagsulat ng maikling bionote
ROLE: Manunulat ng Bionote
PRODUCT: Maikling bionote
AUDIENCE: Komunidad, mga administrador at guro sa inyong paaralan
STANDARDS: nilalaman, organisasyon, paggamit ng wika at mekaniks

PERFORMANCE TASK ANALYTIC RUBRIC:


Nangangailanga
Napakahusay Mahusay Kasiya-siya n ng
Kategorya Puntos
(4) (3) (2) Pagpapahusay
(1)
Angkop na angkop Angkop at may Katamtaman ang Hindi angkop ang
at nagtataglay ng kredibilidad ang kaangkupan ng mga
kredibilidad ang mga mga impormasyon o
mga impormasyon impormasyon o impormasyon o detalyeng
o detalyeng detalyeng detalyeng binanggit sa
binanggit sa binanggit sa binanggit sa sulatin kaugnay
Nilalaman sulatin kaugnay ng sulatin kaugnay sulatin kaugnay ng panukalang
panukalang ng panukalang ng panukalang nilalaman at
nilalaman at nilalaman at nilalaman at pormat ng isang
pormat ng isang pormat ng isang pormat ng isang maikling bionote.
maikling bionote. maikling maikling bionote.
bionote.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 13


Nakapaglahad ng Nakapaglahad Nakapaglahad ng Nangangailangan
napakaayos, ng malinaw at katamtamang g paunlarin ang
Organisasy malinaw at taglay maayos na paraan ng kasanayan sa
on ang katangian ng bionote. pagsulat ng pagsulat ng
isang mahusay na bionote. bionote.
bionote.
Napakahusay at Mahusay at Maraming mali Kailangang
angkop ang napamamahalaa sa gramatika at irebisa o ayusin
paggamit ng wika, n (manageable) baybay gayundin dahil halos lahat
Paggamit walang mali sa ang mali sa sa gamit ng ng pangungusap
ng Wika at gramatika, baybay gramatika, bantas. ay may mali sa
Mekaniks at gamit ng bantas baybay at gamit gramatika,
at may mayamang ng bantas at may baybay at gamit
bokabularyo. mayamang ng bantas.
bokabularyo.

Mahalagang tandaan na sa pagsasakatuparan ng pakikipanayam


ay isaalang-alang ang pagsunod sa minimum health protocols
(pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing)
upang maprotektahan ang isa’t isa sa COVID-19 o iba pang
sakit.

SUSI SA PAGWAWASTO

M 5. M 5.
M 4. M 4.
M 3. M 3.
T 2. T 2.
T 1. T 1.

(Paunang Pagtataya) (Pangwakas na Pagtataya)


SUBUKIN TAYAHIN

*Ang sagot ng mga mag-aaral sa iba pang mga gawain o pagsasanay ay maaaring magkakaiba-iba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 14


SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT
Dela Cruz, M. A. S. at Evasco, E. Y. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:
Akademik. Makati City: Diwa Learning Systems Inc.

Julian, A. B at Lontoc, N. S. (2016). Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Santos, C. L at Concepcion, G. P (2016). Filipino sa Piling Larang Akademik Kagamitan ng


Mag-aaral. Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR).
Bandril, Lolita T. at Voltaire M. Villanueva (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik at Sining). Quezon City: Vibal Group Inc.

Bernales, Rolando A. et. al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya
Publishing Co.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
http://www.myiconfinder.com/icon/target-archery-aim-archer-bullseye-game-sport/22463
https://www.wsj.com/articles/resumes-are-starting-to-look-like-instagramand-sometimes-
even-tinder-11565707364
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
https://www.pngegg.com/en/png-xsiuv
https://www.pngegg.com/en/png-zslxt
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7G6b1b1K9K9N4_book-pile-stack-of-books-icon/
https://www.123rf.com/photo_35969895_black-head-with-group-of-colorful-question-mark-
icon-in-brain-isolated-on-white-background.html
https://www.dreamstime.com/image-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-
wearing-glasses-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-image134074704
https://www.flaticon.com/free-icon/research_1803210
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-mwyrb
https://www.pinterest.co.uk/pin/418905202831767791/
https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bqyeo
https://wikiclipart.com/testing-clipart_7483/
https://www.clipartmax.com/so/spotlight-clipart/2/
https://www.brandeps.com/icon/K/Key-03
https://oecdedutoday.com/is-more-choice-always-a-good-thing/
https://www.freeiconspng.com/img/2

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11

You might also like