You are on page 1of 5

DI-PORMAL NA SANAYSAY

Kung itinatanghal ng pormal na sanaysay ang isang paksa sa isang


paraang metodiko, may malinaw na balangkas at anyo at naaayon sa mga
kaisipang obhektibo, tinatalakay naman ng di-pormal na sanaysay ang
kanyang paksa sa paraang personal, may higit na malayang anyong
umaakap sa sari-saring posibilidad at umuugat sa karanasang
pinagmumuni-munian ng indibidwal. Hindi nangangahulugan na higit na
magulo ang anyo ng di-pormal na sanaysay. Mahalagang sundin ng
anumang sanaysay, pormal o di-pormal, ang isang malinaw at tiyak na
daloy at ugnayan ng mga ideya upang bigyan ng sapat na puwang ang
mambabasa na tutukan at pag-isipan ang mga kaisipang nilalantad sa
kanya. Gayunpaman, kailangang unawain na may magkaibang disiplina
ang nakapaloob sa uri ng talakayang ginagawa ng dalawa. Kailangang
unawain na ang mga katangiang mayroon ang pormal na sanaysay ay
bunga ng pagkakasandig nito sa impormasyong iniayos ng iba’t ibang
sangay ng kaalaman tulad ng agham, sining at humanidades, agham
panlipunan at iba pang disiplina na may malinaw na sistema at mga
proseso ng pag-unawa sa mga bagaybagay na kanilang nasasakupan.
Nakaangkla ang buong kasanayang ito sa masalimuot na gawain ng
pananaliksik at paglikom ng datos. Isang pagkakamali lang sa
impormasyon, maaaring mawalan ng bisa ang buong sanaysay. Kaya
inaasahan sa sinumang may-akda ng pormal na sanaysay na kilalanin
nang husto ang kanyang paksa at alamin ang mga argumentong
nakapaloob sa mga talakayang umuugnay dito. Kaya napakahalagang
katangian ng sanaysay na maging obhetibo: kailangan nitong makalikha ng
isang talakayang magtatanghal sa impormasyong isinusulong ng disiplina
at kaalarnang pinagbabatayan ng mga isinasagawang pagsusuri. Wala
itong puwang para sa mga damdamin at anumang pagpapahalaga,
kuru-kuro, pagtataya at konklusyong bibitawan ng manunulat ay nakabatay
sa kaalamang ipinagpapalagay na mayroon siya. Ang pag-unawang
binibigyang-linaw ay hindi bunga ng simbuyo kundi nababatay sa isang
sistematikong paghimay at pag-aaral ng mga datos na maaaring gawin ng
ibang tao. Samantala, binubuksan ng di-pormal na sanaysay ang
pagkakataong masilip at maunawaan ang isang paksa sa paraang
kinahihindikan ng pormal na sanaysay. Kung ang pormal na sanaysay ay
obhetibo, hinihikayat ng di-pormal na sanaysay na tingnan ang mga
bagay-bagay sa paraang suhetibo mula sa personal na antas, malapit sa
karanasan ng may-akda at lubog na lubog sa kamalayan ng tao.
Pinupunan nito ang mga limitasyon at kahinaang taglay ng pormal na
sanaysay. Maaaring walang nalalaman tungkol sa medisina at agham ang
isang tao subalit hindi ito dapat maging hadlang upang makasulat ang
sinuman ng isang sanaysay tungkol sa cancer gamit ang mga karanasang
mayroon siya hinggil dito. Maaaring hindi niya matukoy nang lubos ang
mga teknikal at siyentipikong detalye upang pag-usapan ito ngunit kaya
niya itong bigyan ng mukha sa pamamagitan ng isang paglalakad na
makapagpapakita na hindi lamang ito isang isyu na nakalublob sa mga
usaping siyentipiko, kundi isa itong isyu na nakapaloob sa isang mundong
kumplikado at kay raming inihaharap na posibilidad para sa iba’t ibang
indibidwal. Ang cancer na naranasan ng isang binata sa pamamagitan ng
ama niyang sepulturero na hindi nakakuha ng sapat na atensyong medikal
ay maaaring gawing lunsaran ng pagmumuni-muni ng paumanhin kay Rizal
cancer sa lipunan. Ang biyudong negosyante na inakalang mabibili ng
yaman ang lahat ay maaaring magkaroon ng bagong pagpapahalaga na
kokontra sa materyalistikong tingin niya sa buhay matapos mabigong
makabili ng gamot para sa cancer ng yumaong asawa. Kung tutuusin ang
paksa ng cancer ay maaaring magkaroon ng sarisaring posibilidad ayon sa
pananaw na pagtutuunan ng pansin ng sinumang magsusulat tungkol dito.
Ang mahalaga’y bigyan ng hubog, lalim, sukat, kulay, lawak, lasa, amoy
ang mga paksa at usapin sa pamamagitan ng mga pinagmuni-muning
karanasan, sitwasyon at pakikitungo sa mga tao, bagay o pangyayari. Ang
karaniwan ng mga obhetong itinatanghal ng di-pormal na sanaysay ay
maaaring makita bilang kakaiba o katangi-tangi batay sa
pagpapakahulugang maaaring iabot ng manunulat dito. Sa unang tingin,
tila madali ang gawaing ito kung ihahambing sa pormal na sanaysay na
napaka-sistematiko. Kung umaasa ang pormal na sanaysay sa bisa ng
impormasyon at pananaliksik, nakabatay ang di-pormal na sanaysay sa
kakayahan ng manunulat na malayan ang mga karaniwang bagay upang
lumikha ng ibayong kahulugan. Hindi biro ang hinihinging kakayahan at
talino mula sa manunulat. Sa kanluran, kung saan may sapat nang
kasaysayang naitala upang pag-aralan ang sanaysay na di-pormal,
kakaunti lamang ang bilang ng mga manunulat na nakilala sa pagsulat sa
ganitong larangan sa kabila ng pagpupursigi ng marami na makapag-
ambag dito ng kani-kanilang akda gaya nina Seneca, Michel de Montaigne,
Virginia Woolf, Roland Basthes, James Baldwin, Adrienne Rich. Sa kaso ng
Pilipinas, kailangan pang kilalanin ang ambag ng iba’t ibang manunulat sa
pagpapayaman ng ganitong uri ng sining. Sa kabila nito, hindi maitatanggi
ang pagsulpot ng ilang tinig na naglantad ng sariling disposisyon at
pananalig tungkol sa mga usaping hindi maiwasang ipako ng iba’t ibang
kontekstong historikal sa iilan at piling perspektibo ng mga popular at
makapangyarihang ideal. Hindi kataka-taka na maulinigan ang isang
napaka-indibidwalistikong tinig sa bawat sanaysay na di-pormal. Mahalaga
na mangibabaw ang isang tiyak na “ako” (o tagapagsalaysay) na aako o
aangkin sa karanasan. Paglaon, mapapansin na ang interes ng
mambabasa ay di na lamang maipapako sa mismong paksa kundi pati na
rin sa paradigma ng “ako” na dumadanas nito.

Kung ganito ang direksiyong tinatahak ng di-pormal na sanaysay, anong


klaseng anyo ang hinihimok nito? Delikadong isipin na may isang mahigpit
na kumbensyong sinusundan ang sanaysay na di-pormal. Katulad ng
indibidwalidad na hiniling nitong maipamalas, ang mga tuntunin ng
di-pormal na sanaysay ay pabagu-bago at handang umunlad sa bago at
higit na malikhaing paraan ng paglalakad. Gaya ng nakaugalian nitong
pagbabali ng ideolohiya, nilalabag nito ang mga kumbensyong naitaguyod
na upang makahanap ng estilo na marapat at akma sa uri ng kaisipan at
materyal na taglay nito.

Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang di-pormal na sanaysay sa paglinang


at pagbuo ng bago at bagong estilo upang pagyamanin ang sarili kaya
napakahirap nitong ipako sa isang malinaw na sistema ng mga
kumbensyon. Pansinin na lamang kung gaano karaming pagbabago ang
nangyari sa mga liham o epistolaryo sa panahon ng Internet, email at text
messaging: ang pagbaybay sa mga salita, pagbabantas at paglikha ng
pangungusap; ang palasak at halos pabayang paglalahad, ang mabilis na
pagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa iilang saglit; at ang
paglikha ng ugnayan at relasyon sa isang nilalang nang walang pisikal o
aktuwal na batayan ng pagkakakilanlan. Ihambing ito sa mga liham noong
sinaunang panahon (o kung kailanman ‘yon) kung saan magkakilala nang
husto ang dalawang nagpapalitan ng sulat, ang kuwento ng ilang linggo o
ilang buwan ay kailangang isiksik sa isang salaysay kaya piling-pili ang
mga detalye, maingat ang paglalahad at may malinaw sistema ng paggamit
sa wika. Kasing dinamiko ng di-pormal na sanaysay ang indibidwal na
sinusubok nitong ipakilala at ng kanyang sosyolohiya, paniniwala,
teknolohiya at iba pang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa kontekstong
kinapapalooban niya.
(UNANG PANGKAT)

PORMAL NA SANAYSAY

- Mga sanaysay na nagbibigay impormasyon ukol sa isang tao, bagay,


lugar, hayop o pangyayari.

- Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at


bunga ng isang maingat na pagtitimbang- timbang ng mga pangyayari at
pangkaisipan.

- Ito ay naglalaman ng mahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos


ang pagkasunod sunod ng mga impormasyon.

- Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa filipino ay nagtataglay


ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.

- Ang mga salita ay umaakma sa piniling isyu at kadalasang may


terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignatura o paksang
ginawan ng pananaliksik.

- Maingat na inilalahad at ipinapaliwanag ng awtor ang kaniyang


tinatalakay na bagay o isyu nang hindi lamang nakabatay sa sarili niyang
karasanan at nalalaman ngunit sanggunian o basehan siya.

(PAGKAKAIBA NG PORMAL AT DI-PORMAL NA SANAYSAY)

Ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay ay may mga


pangunahing pagkakaiba sa layunin, tono, at istilo ng pagsulat.

Ang pormal na sanaysay ay masistemang anyo ng pagsulat na karaniwang


sinusundan ang maayos na istraktura tulad ng introduksyon, katawan, at
konklusyon. Ito ay isinusulat nang maayos, may paggamit ng teknikal na
bokabularyo, at karaniwang sumusunod sa patakaran ng gramatika.
Karaniwan itong ginagamit sa akademikong pagsusuri, pananaliksik, o
opisyal na komunikasyon.
Sa kabilang banda, ang di-pormal na sanaysay ay mas malaya at mas
personal sa istilo. Maaaring magtaglay ito ng mas pinaigting na damdamin
at opinyon ng manunulat. Hindi ito limitado sa tradisyunal na istraktura ng
sanaysay at maaaring magtaglay ng mas malikhaing paraan ng pagsulat.
Karaniwan itong ginagamit sa pagsulat ng blog, personal na sanaysay, o
mga pormang mas malaya ang estilo.

Sa buod, ang pormal na sanaysay ay mas istrukturado, may teknikal na


tono, at karaniwang ginagamit sa akademya, habang ang di-pormal na
sanaysay ay mas personal, malaya ang istilo, at maaaring gamitin sa mga
di-akademikong layunin

You might also like