You are on page 1of 5

ISANG HAKBANG, DALAWANG-HAKBANG PAATRAS

Rebyu sa Pelikulang Pilipino na Pinamagatang “My Amanda”

Bilang Bahaging Pangagailangan

Sa Asignaturang

Filipino sa Piling Larangan

Sa ilalalim ng Departamento

Ng Senior High School

Science, Technology, Engineer at Mathematics Strand

Sa Lourdes College, Cagayan de Oro City

Isinumite ni
Rodrigo D. Quirante Jr.

Isinumite kay
Bb. Princess L. Tado

Nobyembre 2021
ISANG HAKBANG, DALAWANG-HAKBANG PAATRAS

https://www.thisishype.ph/my-amanda-by-alessandra-de-rossi/

“Sila ay nakatadhana sa isa’t-isa, ngunit hindi kailanman magkakaroon ng


pagkakataong magkasama.”

Subukan mong ilarawan ang iyong sarili na nasa tabing-dagat. Sa ilalim ng


mabituing kalangitan sa gabi, kasama mo ang isang taong nagpapadama sa iyo
na ikaw ay sapat at kumpleto. Nasa harap niyong dalawa ay ang nagbabagang
apoy ng pag-ibig na tanging nagsisilbing ilaw upang mahagilap niyo dalawa ang
isa’t-isa, at maramdaman ang init ng nakaraan sa kabila ng maginaw na gabi.
Bagama't ito ay isang tiyak na relasyong may malalim na pinagmulan, kailangan
ba itong maging isa? Paano ang isang malalim na pagkakaibigan, isang
marubdob na relasyon na hindi kinakailangang romantiko at tumagal nang
panghabambuhay? Ang “My Amanda” ng Netflix ay isang oda tungkol sa hindi
maipaliwanag na relasyon. Inilalarawan ng pelikulang Pilipino ang isang hakbang
at dalawang-hakbang paatras na pagtatagpo sa pagitan nina Piolo Pascual
bilang si TJ o Fuffy, at Alessandra de Rossi bilang si Amanda o Fream.
Ipinamalas ng bawat maniobra ang personal na naratibo ng mga tauhan, at iba
pang mga balakid sa mga pagtatagpo ng dalawang karakter.

Nagsimula ang pelikula sa mga nakakamanghang kuha ng kamera, at


nakatutok ang bawat ikuwadro sa senaryong tiyak na madadala ang madla mula
sa sansinukob patungo sa lupa upang ipakita ang naka-destinong pagtatagpo ng
dalawang magkaibigan. Ito ay hindi isang mahika, ngunit higit pa sa isang
metapora. Tulad ng mga bituin sa konstelasyon, palaging magkasama sina Fuffy
at Fream, ngunit pilit silang inilalayo ng tadhana. Kahit na napapansin nila ito at
ginagawang biro lamang kapag sila’y magkasama, ngunit palagi pa rin silang
lumilihis palayo sa isa’t-isa. May mga pagkakataong sinusubukan nilang maging
matatag, pero sumusulpot naman ang ibang mga balakid sa pagitan nilang
dalawa. Ang mapait pa ay kung wala ang isa't isa, mawawalan ng direksyon sa
buhay sina Fuffy at Fream. Kailangan nilang magsama, pero tila ang buong
uniberso ay hindi sumasang-ayon sa desisyong ito.

https://m.facebook.com/cinemabravo/photos/a.368293030240209/13279685242
72650/?type=3&source=57&locale2=sw_KE&__tn__=EH-R

Hindi maipagkakaila na napakakumplikado ng mga senaryo. Ngunit isa rin


itong kakaibang kuwento, at ang pelikula ay naglalaan ng oras upang ipamalas
sa mga taga-panuod kung anong nga ba ang kahahantungan ng mga
pagtatagpo. Ngunit sa kabila ng mga komplikadong maniobra, nararapat pa rin
bigyan ng maraming papuri ang hangarin ni de Rossi, ang siyang direktor din ng
pelikula, na bigyang pokus ang pagdulog sa isang kuwento tungkol sa iba’t-iba
kulay ng pag-ibig at ang hindi pa natutuklasang mga posibilidad sa buhay ng
kaniyang karakter na si Fream. Sa katunayan, ang kakayahang magpatuloy ng
kwentong halos wala na sa ayos ang pagkabanghay at nakakakuha pa rin ng
interes sa mga manunuod, ay isang malaking aspetong dapat taglayin ng isang
direktor. Sa pelikula, ipinapakita ang iba't ibang yugto ng buhay nina Fuffy at
Fream. Bagama't kasiya-siya sa madla, minsan ay nakakaabala ang
pagsubaybay sa kwentong walang tunay at nasasalat na problemang dapat
masolusyonan.

https://www.nme.com/en_asia/features/film-interviews/alessandra-de-rossi-my-
amanda-directorial-debut-piolo-pascual-2993941

Higit pa sa kung paano ito isinulat, namumukod-tangi ang pelikula dahil sa


mga tugtuging nagdadala ng mga mapanglaw na damdaming batid ng mga
karakter. Gayundin, dapat bigyan ng papuri ang direktor para sa pagganap ng
isang maapoy na karakter tulad ni Fream. Ang pagpili ng mga kasuotan ay nag-
iiwan ng marka sa manunuod, mga matatas na galaw ng kamera, pag-ayos ng
pokus sa mga kuha, at mga biswal na kulay sa bawat senaryong nagdadala ng
masisidhing emosyon, lahat ay epektibo upang maipabatid ang mga mensahe ng
pelikula.

https://www.netflix.com/ph/title/81408702

Sa pagtatapos ng pelikulang ito, maaring mapagtanto ng mga manunuod na


ang mismong pagtatagpo nina Fuffy at Fream ay ang problemang kailangan
salungatin. Sila ay nakatadhana sa isa’t-isa, ngunit hindi kailanman
magkakaroon ng pagkakataong magkasama. Sa ganitong diwa ng kuwento
mismo nakasalalay ang kasukdulan ng pelikula.

You might also like