You are on page 1of 5

IMPORMASYONG PAMPAHINA

“MGA URI NG DULA”

https://www.google.com/search?q=mga+larawan+ng+dula&tbm=isch&ved=2ahUKEwiBp83JmeLqAhVG15QKHR0tAUEQ2cCegQIABAA&oq=mga+lara
wan+ng+dula&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgcIABCxAxBDOggIABCxAxCDAToECAAQ
HjoGCAAQBRAeOgYIABAIEB5Q_WRYnKMBYIOlAWgHcAB4AIABe4gByxOSAQQwLjIymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&s
client=img&ei=zOQYX4GRJsau0wSd2oSIBA&bih=654&biw=1366&client=firefox-b-d#imgrc=Xj6TKtCV073PPM&imgdii=pkfEObfgzUEZ3M

Sa pagtatapos ng modyul inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. Nakabubuo ng tauhan/tagpuan/ bang-hay para sa iisahing- yugtong dula

2. Nauunawaan ang intertekstwalidad bilang isang teknik ng dula

UNANG MARKAHAN
Ikasampung Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“MGA URI NG DULA”

MGA URI NG DULA

A. KOMEDYA

 Kapag masaya ang tema walang iyakan at


magaan sa loob, at ang bida ay laging
nagtatagumpay.

Katangian:

a. Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong nakahihigit kaysa parsa, higit sa seryoso at


kapani-paniwala, ngunit hindi naman sobra.
b. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal, maaaring sila’y pagtawanan o
makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.
c. Isang dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ay lipunan, sapagkat ito ay tunay na
salaming sosoyal.

Ang halimbawa ng Dulang Komedya ay ang Sa Pula sa Puti ni


Francisco “Soc” Rodrigo ay tungkol kay Kulas na isang sabungarero
na halos araw araw ay laging nasa sabungan pero lagi siyang natatalo sa
laban,kaya sa isip isp niya ayaw na niyang mag sabong kaylanman at ayawa
niya ring makita ang sabungan. Si Celing ay asawa ni Kulas na tinatago sa
kanyang asawa na pumupusta laban sa kanyang asawa sa sabungan upang
kung si Kulas ay matalo man ay hindi sila mauubusan ng pera. Hanggang sa
dumating ang wakas ng dula ay ipinakatay ang mga manok at naghanda. Hindi
na muling nagsabong si Kulas simula noon.

Ito ay ilan lamang sa mga pangyayari sa buhay ng tao sa pang araw-araw na


buhay.

UNANG MARKAHAN
Ikasampung Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“MGA URI NG DULA”
B. TRAHEDYA

 Kapag malungkot at kung minsan ay nauuwi sa isang


matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.

Katangian:

a. Kumakatawan sa mga tauhan ang lakas o isip ay nakatuon sa kanilang kalakasan ng sariling
moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila.
b. Ayon kay Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagad sa mga kilos na nagkakaroon
ng awa at takot.
c. Ang pagkagapi ng trahikong protagonist ay di maiiwasan, di magtatanggap, at nagbubunga
ng masakit na pagtanggi sa moral na imperpeksyon o kaya sa perpektong kawalang
katarungan sa daigdig.

Ang halimbawa ng Dulang Trahedya ay ang Sinag at Karimlan ni Dionisio


Salazar.
Si Tony ay isang binatang bilanggo dahil sa salang pagnanakaw. Si Eman, isang propesor at manunulat na
nakulong rin dahil sa salang pagsunod sa maraming aklat na may mga maling impormasyon. Si Doming,
ikinulong rin dahil sa salang pagbaril sa kabit ng misis na si Bok na isa ring labas pasok sa loob ng
kulunhan.

Sa kulungan, nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari kay Tony, Eman, Doming at Bok. Kaya sa ospital
sila nagkakilala, agad nilang kinilalang mabuti ang isa't isa, nagtanungan at nagkakwentohan.

Kinilalang mabuti ni Eman si Tony at humanga ito sa angking talino ng binata. Naikwento nito ang naging
problema ng kanilang pamilya ng malaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama na naging
dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang at ang kanya namang kapatid ay namatay. Isang araw,
dinalaw si Tony ng kanyang ama sa bilungguan at nagkita at gumawa siya ng paraan upang si Tony ay
makalaya.

Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nanatiling masama pa rin ang loob ni Tony sa kanyang ama at nang
malaman ito ng kanyang mga kasamahan, agad nilang pinangaralan at pinaalalahanan ang kahalagahan ng
isang ama. Napagtanto ni Tony ang mga pangaral at paalala ng mga kasamahan nya kaya't pinatawad na rin
niya ang kanyang ama at niyakap niya ito ng muli siyang dinalaw nito.

UNANG MARKAHAN
Ikasampung Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“MGA URI NG DULA”

C. MELODRAMA O “SOAP OPERA”


 Kapag magkahalo naman ang lungkot
at saya, at kung minsan ay eksahedado ang eksena ,
sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay
pinipiga para lalong madala ang damdamin, nang sila ay
maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.

Katangian:

a. Tumutukoy hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mga dulang may
mapuwersang emosyon o damdamin na puno ng mga simpatikong mga tauhan.
b. Karaniwang gumagamit ng poetikong katarungan at humihikayat ng pagkaawa para sa mga
propagandista at pagkamuhi para sa mga antagonista.
c. Ito’y umaabot at sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa ingles
at sa tinatawag na dulang suliranin (problem play) na patungo sa trahedya.

Ang dulang ito ay namimiga ng luha ng mga manonood.

Kung tayo ay magbabasa ng ganitong uri ng dula ay mabigat ang bawat tagpo kung
saan makararamdam ng awa ang bawat madla na para bang wala nang masayang
nangyari sa pamilya kundi pawing problema na lamang ang nangyayari sa araw-
araw.

Ito ang mga karaniwang napapanood na istorya sa mga de-seryeng palabas sa


telebisyon.

UNANG MARKAHAN
Ikasampung Linggo
IMPORMASYONG PAMPAHINA
“MGA URI NG DULA”
D. PARSA
 Kapag puro tawanan at walang saysay ang
kwento, at ang mga aksyon ay puro
“Slapstick” na walang ibang ginawa kundi
magpaulan at maghampasan at magbati ng
mga kabalbalan.

Katangian:

a. Nagdudulot ng katatawanan sa mga tagapanood


b. Gumagamit ng eksaheradong pantomina, pagbobobo (clowning), mga nakakatawa,
nakatutuwa, komikong pagsasalita na karaniwang isinisagawa sa mabilisan at di akmang
layunin at di pagkakaunawaan.
c. Ang mga sitwasyon ay di makabuluhan.
d. Nagbibigay o nagpapakita sa ugali ng tao na walang control.

E. PARODYA
 Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang
ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao
bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o
kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.

F. PROBERBYO

Kapag ang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kuwento ay pinaiikot dito upang
magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay

UNANG MARKAHAN
Ikasampung Linggo

You might also like