You are on page 1of 4

Technological Institute of the Philippines

Lungsod Quezon
Kagawaran ng Senior High School

Gawaing Pagganap# 3: Pagsulat ng Rebyu


12ABMA4 – Pangkat 5

Abarientos, Erika Mae


Ayuste, Jessica Rain
Balansay, Florianne Carmel
De Guzman, Kylene Shane
Dumulon, Liezaclaire
Encarnacion, Craven
Gonio, Aidel Mariz
Jacobe, Yasmin Nicole
Tallungan, Kurt Harry

Ruweda
ni Hannah Espia
I. Banghay/Kwento
Ang maikling pelikulang "Ruweda" ay nagpapakita ng malinaw na mga suliranin. Ang unang suliranin ay
ang pagdadalawang isip ng bidang lalaki sa paghahagis ng nag-iisa niyang piso sa larong may premyo. Siya
ay nakikipagtalo sa kaniyang sarili dahil ito na lamang ang kaniyang pera. Naipakita rin dito ang kaniyang
problema sa pagkawala ng kaniyang asawa at anak. Pangalawa, ang eksenang pagnakaw sa singsing. Ito ay
inutang lamang ng lalaki kung kaya't napakalaking problema nito para sa kaniya kung hindi niya ito
maibibigay sa kaniyang minamahal. Pangatlo, nang hinabol ang magnanakaw at nahulog ang singsing. Isa
ito sa suliranin dahil sumugal siya na magnakaw para lamang kumita ng pera. Panghuli, nang masagasaan
ang magnanakaw. Naging problema ito ng taong nakasagasa dahil maaari siyang makulong at magbayad
ng malaking halaga. Ito rin ay naging problema ng lalaki dahil hindi na niya nakita pang muli ang singsing.
Naging problema rin ito ng bata dahil namatay ang kaniyang kapatid. Hindi madaling mabatid ang mga
maaaring mangyari dahil hindi naman ipinakita ang bawat bahagi ng kwento sa tamang pagkakasunod-
sunod. Bukod pa roon, wala rin namang konkretong relasyon ang tatlong pangunahing tauhan sa isa’t isa.
Nagkataon lamang na nag-krus nang panandalian ang kanilang mga landas dahil sa mga aksyon na kanilang
ginawa. Naging kakaiba ang kwento dahil bihira lamang ang mga maikling pelikula na may ganitong klase
ng konsepto. Naipapakita nito na kahit wala tayong koneksyon sa ibang tao, maaari pa rin nating
maimpluwensyahan ang buhay ng isa’t isa dahil sa mga bagay na ating ginagawa. Kagaya na lamang sa
kwento, ang nakapulot ng singsing ang siyang pinaka-masuwerte ngunit kaakibat nito ang pagkawala ng
importanteng bagay sa isang tao at ang pagkawala ng buhay ng nagtangkang magnakaw sa singsing na ito.

II. Karakter
Epektibo ang naging pagganap ng mga karakter sapagkat naipakita nila sa pelikulang “Ruweda” ang
kanilang mga emosyon at pag-uugali katulad ng magnanakaw na ginagawa ang lahat para makakuha ng
pagkakakitaan, ang panghihinayang ng lalaking nanakawan sapagkat hindi niya napakinabangan ang
kaniyang inutang, ang ugali ng matandang nagsusugal na nagbabakasakaling manalo, at maging ang batang
kapatid ng magnanakaw nang makita itong nakahimlay. Subalit, may mga eksenang hindi gaanong
naipapakita nang maayos ang tamang ekspresyon at damdamin ng mga tauhan tulad na lamang ng pag-
akting ng bata at ng nobya ng lalaking nanakawan. Sa kabilang banda, naging angkop at maayos ang
pagganap ng mga karakter dahil naiayon nila ang kanilang mga itsura maging ang kanilang mga damit sa
eksena na kagaya na lamang ng lalaking may hawak ng singsing na nakasuot ng polo upang makipag-date
sa kaniyang nobya at ang kasuotan ng matandang lalaki na naglalarawan sa kaniyang estado sa buhay.

III. Lunan/Panahon
Ang tagpuan ng kwento ay angkop sa maikling pelikula, mas nabigyang diin nito ang mga mahahalagang
pangyayari sa kwento. Isinaad nito ang mga makatotohanan na pangyayari kagaya ng pagkakaroon ng
maingay, magulo, at maraming tao sa perya. Naging magkatugma ang panahon at lugar dahil ang perya ay
nagbubukas sa gabi. Ang depiksyon din nito ay naging makatotohanan sa pamamagitan ng mga maliwanag
na ilaw na ginamit sa peryahan, tila ba binabawasan ang dilim na hatid ng gabi. Dagdag pa rito, ang
panahong ito ay maaari maging simbolismo ng mga hindi magandang kaganapan tulad ng mga krimen at
aksidente, partikular sa pagnanakaw at pagkabangga ng magnanakaw. Ngunit, ang panahon din naman
matapos lumubog ang araw ay maaaring maging oras ng kasiyahan kagaya na lamang mga taong nagsasaya
sa mga “rides” at palaro sa peryahan.
IV. Sinematograpiya

Ipinakita ang kasiningan sa sinematograpiya ng maikling pelikula sa pamamagitan ng paggamit ng pag-


iilaw at tamang paggalaw ng camera. Ang pagtatapat ng ilaw sa bawat mga senaryo at mga parte ng mukha
ng tao ay nakatutulong upang mas maging maganda at mabigyan lalo ng kulay ang pelikula. Ang maayos
na paggalaw ng camera ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng bawat senaryo sa kwento. Naging akma
ang iba’t ibang anggulo, layo, at pagkilos ng camera dahil mas naintindihan pa lalo ang mga kalagayan at
kinaroroonan ng bawat tauhan sa istorya. Ang anggulo at layo ng camera ay naging magandang tingnan
dahil tama ang tiyempo ng pagkuha sa bawat eksena. Ang paglalapit ng camera sa itsura ng mga tauhan ay
nagbibigay daan upang makita nang maayos ang mga nararamdaman o mga ekspresyon ng mga ito.
Bumagay rin ang kulay at ilaw sa mga senaryo na nagbigay buhay sa mga emosyon o pag-akting ng bawat
karakter. Ang halimbawa nito ay ang eksena ng pagkakaroon ng kadiliman at pagkawala ng ilaw na senyales
na may masamang nangyari sa mga tauhan.

V. Iskoring ng Musika

Tunay na naging malinaw sa pandinig ang naging kinalabasang tunog ng maikling pelikula. Walang
nasaksihan na pagiging sabog sa mga tunog na ginamit. Hindi rin nito nasasapawan ang diyalogo ng mga
tauhan. Naging akma rin ang paglapat ng mga sound effects. Halimbawa rito ay ang tunog ng paparating na
sasakyan bago mabangga ang magnanakaw pati na rin ang tunog ng mga naglalaglagang mga barya sa
eksena ng matandang lalaki. Ginamit ang mga tunog na ito upang maging mas malinaw ang pangyayaring
nagaganap. Ang pagpasok ng bawat musika sa kada eksena ay naging angkop para mas madala ang
emosyon ng bawat taong nanonood nito. Katulad na lamang sa eksena na kung saan ay muntikan nang
mahuli ang magnanakaw at ang sitwasyon pagkatapos nitong masagasaan, naging akma ito dahil
nagbibigay ito ng mas nakaiintriga at nakalulungkot na damdamin.

VI. Editing

Ang pelikula ay nagkaroon naman ng malinis at magandang pagkakatahi sa bawat eksena subalit
mapapansin din ang limitadong kakayahan ng nag-edit nito. Tulad na lamang sa senaryo na kung saan ay
nagkaroon ng kadiliman ang ibang eksena dahil sa paglalagay ng iba’t ibang sangkap sa pag-edit ng mga
bahagi ng pelikula. Hindi ito naging akma sapagkat ang perya ay hindi rin naman masyadong maliwanag
kung kaya’t ang paglagay rito ng madilim na kulay ay hindi naging angkop. Sa kabilang banda, mayroon
din naman itong naging kagandahan sapagkat mas nabigyan nito ng diin ang ibang eksena, naging malinaw
ito at hindi naging sagabal para sa kabuuan ng pelikula lalong-lalo na sa eksena ng pagkapulot ng singsing
ng sumusugal na lalaki.

VII. Tema

Ang “Ruweda” o sa ingles ay Ferris Wheel ay batay sa swerte at kamalasan ng isang tao at maaari din ito
magkaroon ng ibang interpretasyon tulad ng pag-ikot ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao kagaya ng
nabanggit ng isang karakter doon na kung may nasa itaas, may nasa ibaba. Ipinakita rin dito na ang paggawa
ng kasamaan ay may masama ring kahihinatnan. Ang maikling pelikula na ito ay umiikot sa tatlong lalaki.
Ang isa ay mag-aaya na sana ng kasal sa kaniyang nobya habang hawak pa ang singsing, ang isa naman ay
ang nagnakaw ng singsing at dahil sa pagtangkang pagtakas nito ay hindi niya namalayan ang kotseng
papalapit kung kaya't ito ay nasagasaan at nabawian ng buhay, at ang isa naman ay naglalaro sa perya at
maswerteng nakapulot ng singsing. Ang pangunahing simbolismong ginamit sa maikling pelikula ay ang
singsing. Sinisimbolo nito ang suwerte na dumarating sa buhay ng isang tao. Muli, ang ipinapahiwatig ng
kuwentong ito ay "kung saan mayroong nawalan ay mayroon din namang sinusuwerte."

VIII. Rekomendasyon

Ito ay papasa sa panlasa ng madla at nakararami dahil pwede ito sa mga matanda at batang manonood. Ang
tema at eksena ng pelikulang ito ay angkop sapagkat naglalaman ito ng magandang istorya na hindi
nagpapakita ng malaswa at sensitibong usapin. Ang “Ruweda” ay kapupulutan ng aral na maaaring ibahagi
at isabuhay dahil ito ay tungkol sa kung papaano umiikot ang buhay ng tao na kung saan ay dapat laging
pag-isipan at pag-ingatan ang mga magiging kilos at desisyon dahil nakasalalay rito ang ating kahihinatnan
sa buhay. Ang kalakasan ng maikling pelikula ay ang daloy ng istorya nito sapagkat malimit lamang na
nakikita ang ganitong mga senaryo o eksena sa iba’t ibang palabas kaya masasabi nga na isa itong unique
o kakaiba na maaari ding maiugnay sa tunay na karanasan ng bawat tao. Sa kabilang banda, ang kahinaan
naman na aming nasuri sa pelikulang ito ay ang hindi gaanong kagalingan sa pag-akting ng ibang mga aktor
at nakahihilong camera shots sapagkat ang iba rito ay may kadiliman marahil ito ay may kakulangan sa
kagamitan kaya ito nagkaroon ng mababang kalidad. Binigyan ng apat na bituin ang pelikulang ito dahil sa
kawili-wili at kapupulutang leksyong hatid. Hindi perpekto dahil may kakaunting pintas sa naturang
pelikula.

IX. Kontribusyon

Abarientos, Erika Mae Editing


Ayuste, Jessica Rain Lunan/Panahon
Balansay, Florianne Carmel Rekomendasyon
De Guzman, Kylene Shane Banghay/Kwento
Dumulon, Liezaclaire
Encarnacion, Craven Karakter
Gonio, Aidel Mariz Tema
Jacobe, Yasmin Nicole Iskoring ng Musika
Tallungan, Kurt Harry Sinematograpiya

"Tinatanggap ko ang responsibilidad ng aking tungkulin sa pagtitiyak ng integridad sa lahat ng


isinumite ng pangkat na aking kinabibilangan. "

You might also like