You are on page 1of 6

MANUSCRIPT

SA FILIPINO II
PANGKAT I

MGA PANGUNAHING ELEMENTO SA PAG


SUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN

Group Members :

Akmad, Asreah M. Casamorin, Anghel R.

Alesna, Angelika A. Curayag, Arianne K.

Amponga, Mercy M. Davis, Celline Joyce Q.

Balunto, Mercielyn S. Dorot, Sean Cedric D.

Barcenilla, Roselyn B. Dutaro, Winluv A.

Bernadas, Kriezel Diane A. Esmael, Mumar J.

Bucayan, Trisha Mariel R. Fobar, Almer Keth P.

Cantoja, Jasmine Rose T. Fuentes, Re-anne F.

Cartojano, Krisha Edea B. Gervacio, Trisha A.

Ang magkakasunod- sunod na Nilalaman ng Manuscript na ito ay:


1. Tauhan/Karakterresasiyon
2. Tagpuan
3. Banghay/Buod
4. Tema o Paksa
TAUHAN
 Merriam-Webster Reader 1997 - tauhan ang mga tao at karaterisasyon ng
mga ito sa loob ng isang akda.
 elemento ng isang katha. may personalidad na inilalarawan.
 mula sa imahinasyon na kumikilos at gumagalaw sa loob ng naratibo
hindi lamang tao ang nagiging tauhan

Karakterresasiyon
 Represensyon o pagkakalikha ng mga tauhan o personalidad sa katha o
sa dulaan
 Proseso ng paglikha,pagpapaunlad, pagbibigay katangian at ang
pagganap ng isang tauhan.
 Ipakilala o ilarawan ang personalidad ng mga tauhan

Nailalantad ang ilang sa mga impormasyoon patungkol sa tauhan;


1. Hitsura
2. Edad
3. Personalidad
4. Pakiramdam
5. Pananalita
6. Kasarian
7. Estadong sibil
8. Hanapbuhay
9. Pinag-aralan
10. Oreyantasyong sekswal
11. Cultura
12. Relihiyon
13. Ideolohiya
14. Ambisyon

Dalawang pamaraan ng karekterisasyon:


1. Direktang karakterisasyon - literal na tinutuloy ng mga akda ang katangian
ng kanyang tauhan sa mambabasa
2. Di-direktang Karakterisasyon - hinahayaan ang aktibong pagsusuri at
interpretasyon mula sa mambabasa o magsasadula.

 Aktor ang laging inaabangan ng mga manonood sa isang pelikula bukod


sa kuwento nito ay ang mga aktor na gumaganap sa nasabing pelikula.
Kung minsan nga, ang artistang gumaganap ang pinakahabol lamang ng
ilang manonood. Kapag pelikula ang pinag - uusapan, maraming mga
aktor at aktres ang pumatok na sa takilya tulad nina Nora Aunor, Vilma
Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Richard Gomez,
Fernando Poe Jr., at marami pang iba. Iba - iba ang naging mga istilo ng
mga aktor na ito at malaki rin ang naging pagkakaiba ng mga papel na
ginampanan nila sa kanilang larang. Napakahalagang epektibo ang
pagganap sa papel no bawat tauhan, mapabida man o kontrabida nang
sa gayon ay kapani - paniwala ang maging daloy ng kuwento. Kapag
nangyari ito, sila ang mga artistang may tatak at latak sa kamalayan ng
manonood sa mahabang panahon.
- Tulad ng ibang akdang pampanitikan, maaari ding makita sa pelikula ang
mga uri ng tauhang maaari nating maklasipika bilang bilog at tauhang lapad,
o hindi naman kaya' y protagonist, antagonista, at anti - hero. Isa - isahin natin
ang mga ito gamit ang iba't ibang pelikulang tumatak sa masa.

 Tauhang bilog - maraming saklaw napersonalidad. nagbabago o


umuunlad
- Tauhang bilog Alam nating ang tauhang bilog ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng puso ng tauhan sa kuwento dahil nagbabago ang kaniyang
katangian depende sa sitwasyong kaniyang kinalalagyan. Ito ang mga bidang
realistiko sapagkat pantao at makatao ang karaktiresasvon. Halimbawa.
nakita natin ang pagbabagong naganap sa pagkatao ni Bobbie sa pelikulang
"Four Sisters and a Wedding" na ginampanan ni Bea Alonzo na mula sa
pagiging pusong - bato ay naging pusong - mamon siva sa kanivang mga
kapatid. Nakita kung paano siya naintindihan ng mga ito.

 Tauhang lapad - may isa o dalawang katangian, matukoy o predictable.


walang pagbabago
- Tauhang lapad na tumutukoy sa pananatili ng katangian ng isang
tauhan mula umpisa hanggang katapusan ng kuwento. Madalas na isteryotipo
ang katangiang ito ng tauhan. Tila baga nakakahon na siya at hindi na
maaaring magbago o madestrungka. Halimbawa nito ay ang papel ni Lorna
Tolentino sa pelikulang "Crazy Beautiful You" bilang si Dra. Leah Serrano na
ina ni Jackie sa pelikula. Nanatili siyang kalmado at hindi nagbago ang
kaniyang pagmamahal sa anak kait na may sama ng loob ito sa kaniya.
Sunod naman ay ang protagonista o ang bida sa pelikula. Ang bida naman
ang nagpapadaloy ng pelikula at siya ang nagtataglay ng pangunahin at
malubhang suliraning kailangang lutasin o kabakahin. Sila ang mga
naghahanap ng solusvon sa suliranin. Ang mga halimbawa naman nito ay
sina Tess na ginanapan ni Diana Zubiri sa pelikulang "*Silip," Elsa naman na
ginanapan ni Nora Aunor sa pelikulang "Himala," at si Seth na ginanapan ni
Vilma Santos sa pelikulang "The Healing."

URI NG TAUHAN
 Antagonista - kalaban o pantapat na tauhan. Negatibong tauhan,
Kontrabida.
- ang pagkakaroon ng isang antagonista sa isang kuwento ay
nagbibigay-daan para sa mga pagkakaroon ng konflikto, tensyon, at pag-
unlad sa kuwento, at nagbibigay-halaga sa paglilinaw at pagpapalakas ng
karakter ng protagonista.
- Ang kabaligtaran ng nauna ay ang antagonista na siyang nagbibigay -
buhay sa kuwento dahil siya ang sumusubok sa kakabahan ng mga bida sa
kuwento. Siya ang nagbibigay ng sumpa at parusa sa bida. Siya ang balakid
na kailangang labanan at lagpasan. Malalampasan kaya nila ang kasamaan
na kontrabida Mapapatunayan kaya nilang hindi nananalo ang kasamaan?
Ang pinakatangyag na kontrabida sa pelikulang Filipino ay sina Pacquito Diaz
at Eddie Garcia na madalas na makikita sa mga pelikula ni FPJ At paano
naman kung ang katangian ng tauhan ay pangkontrabida subalit bida sa
kuwento? Tulad ni Ruby? Ang tawag naman sa ganiyang tauhan ay Anti -
Hero. Ibig sabihin, ang pagpapakikilala talaga sa kaniya ay masama o
kontrabida sa buhay ng iba ngunit ang totoo, may dahilan kung bakit ganoon
ang kaniyang inasal tulad na lamang ng mga tauhan sa "Suicide Squad" o sa
"Joker,"

 Protagonista - mga pangunahing tauhan, ehemplo o modelo. Bida


Ang protagonista ay pangunahing tauhan sa isang kuwento, nobela, o
pelikula. Ito ang karakter na kadalasang pinag-uukitang may malalim na
kahulugan at tungkulin sa pag-usbong ng kuwento. Karaniwang inilalabas ang
kanyang mga paglalakbay, pag-unlad, at pagbabago sa buhay sa kabuuan ng
naratibo. Ang pangunahing layunin ng protagonista ay maging sentro ng
interes at empatiya ng mga tagapanood o mambabasa. Karaniwang may mga
katangian o aspeto sa kanyang karakter na nagpapakita ng kanyang mga
kalakasan at kahinaan, na kadalasang nagbibigay kulay at kahulugan sa
kuwento.

TAGPUAN
- tumutukoy sa lugar na ginagalawan ng mga tauhan at pinagganapan.
LOKASYON

 Ano nga ba ang tagpuan sa pelikula?


- Ang "tagpuan" sa isang pelikula ay tumutukoy sa pisikal na lokasyon
o lugar kung saan nagaganap ang mga pangunahing pangyayari sa kwento.
Ito ang lugar kung saan ang mga karakter ay nag-iinteraksiyon, kung saan
nagsusunod-sunod ang mga eksena, at kung saan natutuklasan ang mga
kaganapan. Ito ay may mahalagang papel sa pagpapahayag ng kwento at
emosyon sa pelikula. At Sa bawat pelikulang inilalabas sa mga sinehan,
mahalaga ang papel ng "tagpuan" o lokasyon kung saan nagaganap ang
kwento. Ang tagpuan ay hindi lamang simpleng lokasyon; ito'y may malalim
na kahulugan at naglalaman ng mga elemento na nagdadala ng buhay sa
kwento. Sa pagsusuri na ito, tatalakayin natin kung paano ang tagpuan ay
nagbibigay-kulay, kahulugan, at emosyon sa mga pelikula.

- At ang Tagpuan ay may mga elemento at ito ang:


 Pisikal na Aspeto - Sa bawat pelikula, mahalaga ang hitsura ng tagpuan.
Ito ay nagbibigay ng pangunahing imahe at atmospera ng kwento. Ang
mga detalye tulad ng klima, panahon, oras, at hitsura ng lugar ay
nagdadala ng kahalagahan sa kwento. Halimbawa, ang isang malupit na
tag-ulan ay maaaring magdala ng malalim na lungkot sa kwento, habang
ang mainit na siklab ng araw ay maaaring magdulot ng pagmamahalan.

 Kagamitan - Ang mga bagay na matatagpuan sa tagpuan ay nagdadala


ng buhay sa kwento. Ang mga gamit o kagamitan, tulad ng isang luma at
marurupok na silya sa isang lumang bahay, ay maaaring magdala ng
buhay sa mga karakter at magpahayag ng kanilang mga pagkatao. Ang
mga gamit na ito ay nagbibigay-kulay at kahulugan sa kwento.

 Interaksiyon ng mga Tauhan - Ang tagpuan ay lugar kung saan nag-


iinteraksiyon ang mga tauhan sa kwento. Ito ang pinagmumulan ng mga
pag-uusap, hidwaan, pagtuturingan, at mga tagpo na nagdadala ng buhay
sa mga karakter. Ang mga pangyayaring nagaganap sa loob ng tagpuan
ay nagbibigay-daan sa pag-unlad at pagbabago ng mga tauhan.

 Emosyon at Simbolismo - Ang tagpuan ay hindi lamang nagdadala ng


pisikal na aspeto, kundi pati na rin ng emosyon. Ito ay nagiging bahagi ng
buhay ng mga karakter, at sa pamamagitan nito, nagagampanan nito ang
pagpapahayag ng damdamin. Gayundin, ang tagpuan ay maaaring
magkaruon ng simbolismo na nagpapahayag ng mas malalim na
mensahe o tema ng pelikula.

 Pangkalahatang Epekto - Sa huli, ang tagpuan ay nagdadala ng


malaking kahalagahan sa buong karanasan ng manonood. Ito ay
nagbibigay-kulay sa kwento, nagpapalaganap ng emosyon, at nagdudulot
ng buhay sa mga karakter. Ang tamang pagkakagamit ng tagpuan ay
nagpapahayag ng magandang kwento at naiiwan sa mga manonood ang
malalim na karanasan.

 Pagwawakas - Ang tagpuan sa isang pelikula ay hindi lamang isang


backdrop kundi isang mahalagang elemento sa pagbuo ng kwento. Ito ay
may malalim na kahulugan at may malalaking epekto sa pagpapahayag
ng emosyon, tema, at mensahe ng pelikula. Sa bawat tagpuan, may
kuwento, at sa bawat kwento, may tagpuan.

BANGHAY/BUOD
 Ano ang banghay? - Ang isang banghay ay naglalarawan sa maayos at
konkretong pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan ng sa isang paksa o
sa isang kwento. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “outline”.

 Bukod rito, ang Banghay ay may tatlong bahagi. Ito ang simula, gitna, at
wakas.
 Simula – dito nababanggit ang kilos, pagpapakilala sa tao, mga hadlang o
suliranin
 Gitna – naglalaman ng sunud-sunod at magkakaugnay na mga
pangyayari.
 Wakas – nagkakaroon ng kalutasan ang problema o suliranin.

- Ang isang banghay ay mayroon ring iba’t-ibang mga elemento. Ito ang mga
sumusunod:
 Panimulang Pangyayari – dito ipinapakita ang mga tauhan at ang mga
lugar o tagpuan ng isang kuwento.
 Pataas na Aksyon – dito nakikita ang pagtindi ng mga pangyayari o galaw
ng mga tauhan. Ito’y maaaring humantong sa sukdulan at nahahati sa
dalawang bahagi – saglit na kasiglahan at tunggalian.
 Pababang Aksyon – sa parteng ito, natapos na ang tinatawag na “climax”
at wala nang masyadong aksyon ang nagaganap. Ang mga katanungan
sa unang bahagi ng kwento ay nasasagot na.
 Wakas at Katapusan – ang kahihinatnan ng mga tauhan ay makikita rito
batay sa mga pangyayaring naganap.
TEMA/PAKSA
- Ang tema ay tumutukoy sa kung saan patungkol o kategorya ang
isang paksa. Ang paksa naman ay tumutukoy sa kung ano ang pinag-
uusapan o ang mismong pinag-uusapan sa isang sitwasyon, likhang sining at
sulatin. Dahil sa paksa, ang mga mambabasa ay nabibigyan ng ideya o
kaya’y namumulat sa mga posibleng maging epekto ng mga desisyon ng mga
karakter. Ibig sabihin, ang paksa sa pangungusap, ay ang bagay na pinag-
uusapan.

Heto ang 5 halimbawa ng paksa na ginagamit ng mga akda:

 El Filibusterismo
 Paghihiganti
 Pagkamulat sa mga pang-aapi ng Kastila
 Pagtatag ng rebolusyon
 Noli Me Tangere
 Katiwalian ng pamahalaan
 Paghihimagsik laban sa Kastila
 Pag-ibig
 Ang Ama
 Pagsisisi
 Masamang epekto ng bisyo
 Florante at Laura
 Pag-ibig
 Pakikibaka
 Romeo at Juliet
 Pag-ibig
 Kasawian

You might also like