You are on page 1of 3

Tekstong Persweysib

Isabatas ang Marijuana para pang medikal hindi pang libangan.

Magandang hapon sa aking mga taga pakinig. Hinihiling ko ang inyong presensya ukol sa aking
ibabahagi sa inyo.

Lingid sa kaalaman ang marijuana ay isa sa mga kilalang illegal na uri ng droga sa Pilipinas.
Labag sa batas ang sino mang gumagamit nito. Ngunit hindi sa inaakala ng nakararami na may
mabuti pala itong maidudulot partikular na ang larangan ng medikal.

Bilang isang Nars na mag-aaral naniniwala ako at nanawagan ako sa ating mahal na Pangulo Mr.
Rodrigo Roa Duterte na isabatas na ang paggamit nang marijuana para pang medikal lamang at
hindi pang libangan. Kailangan ko ang inyong simpatiya at suporta upang ma ipa abot ito sa
manga mambabatas.

Unang una sa lahat talakayin natin saglit ang tungkol sa marijuana para sa inyong kaalaman. Para
saan ba ginagamit ang marijuana? Gaano ba ka epektibo at ligtas ito sa ating kalusugan? Ito ba
ay may siyentipikong pag-aaral at pagsusuri?

Ang marijuana o sa Ingles ay cannabis at kilala bilang chongke ay isang preparasyon ng


halamang cannabis na ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina. Ang pangunahing
sikoaktibong sangkap na kompuwesto nito ang tetrahydrocannabinol (THC) na isa sa 483 alam
na kompuwesto ng halamang ito. May iba pang mga 84 cannabinoid dito gaya
ng cannabidiol (CBD), cannabinol (CBN), tetrahydrocannabivarin (THCV)
at cannabigerol (CBG).
Batay sa siyentepikong pag susuri ang marijuana o cannabis ay kadalasang kinokonsumo dahil sa
mga epektong sikoaktibo at pisiolohikal nito na kinabibilangan ng tumaas na mood o
pakiramdam o euphoria, relaksasyon at tumaas na gana. Ito ay napaka epektibo sa mga may sakit
na epilepsy, nagbibigay panakit saklolo sa mga may cancer, neuroligcal kondisyon tulad nang
Alzheimer’s, Parkinson’s na sakit , multiple sclerosis, migraines, bagabag, depression, hindi
makatulog at palliative na pangangalaga.

Kabilang na dito ang pagpapaginhawa ng pagkakahilo at pagsusuka, kemotirapiya, AIDS, kirot


sa katawan at maging schizophrenia ayon sa mga siyentipiko. Naglalahad ito na ang marijuana
ay nagkakaroon ng mabuting benipisyo laban sa mga nasabing karamdaman.

Natagpuan ng isang pag-aaral ng Universidad Complutense de Madrid na ang mga kemikal sa


marijuana o chongke ay nagsanhi ng kamatayan ng mga selulang kanser ng utak ng tao. Sa mga
selulang kanser ng utak ng tao na nilagay sa mga daga na ginamot ng kemikal ng marijuana o
chongke, ang tumor ay lumiit. Natagpuan ng pag-aaral nila na ang THC ay nag-alis ng mga
selulang kanser nang walang masamang epekto sa mga malulusog na selula.[

Patunay lamang na ang marijuana ay may pakinabang sa kalusugan ng tao. Kung kayat karapat-
dapat ang marijuana na gawing legal panggamot sa mga may karamdaman upang matulungan
ang mga may sakit dahil hangad naman ng administrasyon ang mapabuti ang mga may sakit sa
ating bansa. Kinakailangan lamang ang disiplina sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa dahil
minsan masama ang sobra.

Batay sa ating Department of Health 350,000 na pasyente ang may epileptic at 200,000 na mga
pasyente ang may cancer. At namamatay araw araw na walang dignidad. Huwag sana mangyari
ito sa ating mga mahal sabuhay. Gayunpaman may ibang gamot ngunit hindi na kokontrol ang
bisa nito. Sa mga may sakit na mga anak, personal na laban ito lalo na sa mga magulang.
Hinihiling ko sa ating sambayanan na isabatas na natin ang marijuana para pang gamot sa ating
mga mahal sa buhay na may mga malulubhang sakit. Huwag natin pang aksayahin ang buhay
dahil iisa lang ang buhay sa mundong ibabaw na ito. May mga ahensiya tayo tulad nang
Founding Member Philippine Cannabis suportahan natin. Mga siyentepikong doctor na mismo
ang nag sabi na epektibo, ligtas at madaling magamit sa mga nasabing may malubhang
karamdaman. Totoo yan dahil marami nang mga testimonya ang nag sabi sa bansang amerika na
gumaling nang 90% ang may karamdaman nang epilepsy. Naging legal narin ito sa bansang
Canada, Thailand at sa iba pang bansa nang Europa. Kaya madaming mga pasyente ay na
naisalba ang kanilang buhay.

Dahil dito, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III, ang House Bill No. 4477, na
naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit na wala pang
lunas.

Pero pangamba ng ilan, baka maubuso ito at lalo pang makadagdag sa problema ng kriminalidad.

Ang kailangan natin ay ang bakal na batas para ipanukala ito. Kailangan nang matinding pag-
susuri nang ahensyang FDA (Food and Drug Administration) ang epektibo at ligtas nito. Ang
syensya ay daynamiko. Pahintulotin na gamitin sa ating bansa at para mapatunayan ang bisa nito.

Gayunpaman may naisabatas ang ating gobyerno nakasulat sa Republic Act. 9162 na pwedeng
mag angkat nang gamot na marijuana ngunit ang pag proseso nito ay napakahirap at
napakamahal nag kakahalaga ito nang 32,000 US dollar kada taon.

Hindi dahil sa ang pangunahing pinagkakaabalahan na programa ng pangulo ay iligal na droga.


Ang pag-amyenda sa hindi pag-abuso sa marijuana dapat na kino-kontrola nang DOH, FDA,
PDEA o tinawag na regulatory agency. Hindi lahat ng doktor ay may lisensyang magreseta ng
gamot na marijuana sa pasyente. Sa mga doktor na nabigyan nang permiso ay susubaybayan ito
at ang mga pasyente. Minumungkahi ko na mas malakas ang pataw sa mga doktor kung sino
mang mag aabuso nito. Dapat may isang espesyal na reseta gagamitin ang mga naitalagang
doctor magbigay ng S2 number mula sa PDEA bilang isang proseso o “affinitive measures”
batas ng U.S.C. sa ilalim ng binagong kodigo penal. Kailangan nang institusynal na pag aaral
upang masubay-bayan ang bisa nito, kailangan nang matinding pasisiyasat tulad ng pagkatapos
ng 2 taon. “Post marketing surveillance study para maiwasan ang side effect at gamutin ang mga
droga sa lipunan. Pinag aralan ito nang maigi tulad nang bansang amerika nang 50 taon bago nila
nagawang legal ang marijuana sa medisina at iyon ay napatunayan nila ang bisa at ligtas gamitin.
Maaaring kalkulahin ang dosis upang tikay na ligtas ito gamitin sa mga may malubhang sakit.
Tinatawg na dose optimum or “Therapeutic toxic ratio”. Subukan sa registrong klinika at
pharmacologist. Suportahan ang pananaliksik mula s DOH. Dahil bukas ang ating ahensya ng
pangangalaga nang pangkalusugan tulad nang Philippine Nurses Association.

Nawa’y ma mulat ang inyong mga isipan sa kahalagahan nang impormasyong aking ibinahagi.
Sabayan nyo akong turuan ang ating mga mamayan, linangin ang kahalagan nang gamot na ito
alang alang sa ating mga mahal sa buhay, suportahan ang mga ahensyang nangangasiwa para ma
isa batas agad ang marijuana para pang gamot sa mga may malubhang sakit at hindi pang
libangan lang. Ito ang susi upang mas marami pang madiskubring benipisyo ang gamot na ito,
upang mapanatiling malusog ang ating mga kalusugan. Disiplina sa sarili ang kailangan at kamay
na batas sa mga nag aabuso.

Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat.

You might also like