You are on page 1of 10

Resurricion, Ronel D.

September 21, 2023

BUOD NG EL PRESIDENTE

Ang El Presidente: General Emilio Aguinaldo Story and the First Philippine
Republic (Tagalog: Ang Pangulo: Kuwento ni Heneral Emilio Aguinaldo at ang Unang
Republika ng Pilipinas) o mas kilala sa pamagat na El Presidente (Ang Pangulo) ay
isang pelikula sa Pilipinas na idinerekta ni Mark Meily noong 2012 tungkol sa
talambuhay ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang pelikula ay isa sa mga opisyal na inilahok sa 2012 Metro Manila Film
Festival at inilabas sa mga sinehan sa buong bansa noong 25 Disyembre 2012. Ginawa
ang pelikula sa pagitan ng Scenema Concept International, CMB Films at Viva Films, sa
pakikipagtulungan ng San Miguel Group of Companies, Petron, Boy Scouts of the
Philippines, Las Casas Filipinas de Azucar, at ng Film Development Council of the
Philippines. Itinanghal ito noong Disyembre 18 , 2012 sa SMX Convention Center
ng SM Mall of Asia .
Ang pelikulang El Presidente ay patungkol sa buhay ni Emilio
Aguinaldo. Masasaksihandito ang mga nangyari sa pagdedeklara niya ng
kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga Kastila, ang pananakop ng mga Amerikano,
pagtakbo at pagkatalo niyasa eleksyon at ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.Matapos maluklok ni Aguinaldo sa kanyang tungkulin sa Katipunan,
siya namay kinalaunan naluklok rin bilang mayor ng Cavite El Viejo. Bago pa man
magsimula ang kaguluhan sa Manila, sinugurado na ni Aguinaldona alam ng Spanish
provincial government na hindi sila manghihimasok. Ngunit ang pwersa ng mga
Spanish ay nilalaan pala sa Manila kaya naman pinakilos agad na ni Aguinaldo ang
kanyang hukboat siya ang namuno nito. Nang ang mga rebelde ay nagtagumpay sa
pagsakop ng mga teritoryo sa Cavite at iba pang mga probinsiya, si Magdalo at
Magdiwang ay nagtipon upang magtatag ng pansamantalang pamahalaan
kung saan si Andres Bonifacio ang nangasiwa. Nailuklok naman si Emilio
Aguinaldo bilang president, si Mariano Trias bilang bise-presidente.Umapela si Tirona
sa resulta ng eleksyon kaya naman siya ay umalis ng kombensyon. Kinausap ng
kapatid ni Aguinaldo si Crispulo at kinumbinsi niyang iwan ang kanyang
hukbo nung siya ay naghahanap ng makakatulong sa kanila. At ang nangyari ay
ang mga rebelde ay natalo at si Crispulo ay namatay. Si Bonifacio naman ay
naaresto sa kanyang ginawang pagtatag ng sarili niyang revolutionary
government.

Matapos nito ay umalis si Aguinaldo sa Cavite kasama ang kanyang


hukbo at upang makapunta ng Bulacan kung saan pinirmahan niya ang
kasunduan sa Piak-na-bato at pumunta sila ng Hong Kong. Bumalik na si
Aguinaldo sa Pilipinas at pormal na dineklara ang independensya galing Spain
sapagkat sa kanyang pagpunta ng Hong Kong, may nakilala siyang mgaUS officials
na nilapitan at sinuportahan siya. Nang nagtipun-tipon na ang Malolos Congress,
tinangka ipresenta ni Felipe Agoncillo ang bagong nasyon sa Treaty of
Paris.Upang makatakas sa mga Amerikano, naglakbay ang hukbo ni Aguinaldo sa
buong hilagang Luzon. Tumulong naman si General Gregorio del Pilar sa
paghawak ng ibang mga hukbo upang mas magkaroon ng oras si Aguinaldo na
makatakas.Sa kanyang tapat na tagapagsilbi ay nabihag siya ng mga Amerikano.
Pagkatapos ay siya naming nalaman ang tinataguan ni Aguinaldo, kaya’t plinano ni
Funston ang pagbihay sa kanya.Namuhay nang tahimik si Aguinaldo nang tinanggap na
niya ang pagsakop ng Amerika.Kinasal siya sa pamangkin ni Felipe Agoncillo, si
Maria. Nasaksihan nila ang pagusbong na naman ng kasaysayan ng Pilipinas
nang siya ay matalo sa presidential elections at ang panunumbalik ng kasarinlan n
ating bansa.Nagtapos ang pelikula sa paglabas ng hinaing niya sa pagbago ni
Diosdado Macapagalsa petsa ng pagdeklara ng independensya. Sa kanyang huling
mga oras, ang parehongbabae na nagbigay sa kanya ng isang propesiya nung siya ay
binata pa lamang, ay muling lumitaw sa kanyang isip.

BUOD NG HENERAL LUNA

Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang
isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga
Amerikano. Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales
sa kanilang cabinet meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong
panahon na iyon, Apolinario Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro
Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga
Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba
naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang magiging dahilan ng pagbagsak
ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ng
mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang pinutukan ng
Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga digmaan
laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito,
maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa
katakutang mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang
lugar ng mga Pilipino na maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod
sa utos ni Heneral Luna ay si Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya
sinunod ang utos ni Heneral Luna sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong
Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay
papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil dito, lagi na niyang ginamit ang
Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa kanyang utos. Ito ang
dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay nagtipon ng 4,000
tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno nanagsasabing ang
hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa hukuman. Dahil
dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno ng
Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang
magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral
Luna si Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga
ginagawa ni Heneral Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika
ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas.

Si john arcilla kasi ang pinaka bida. Ang paborito kung eksena ay yung
naglabanan na ang amerikano kasi may sumugod magisa sa kalaban na magisa.
Heneral Luna

Ang pamumuno ni Heneral Antonio Luna sa Philippine Revolutionary Army noong


Philippine-American War ay paksa ng 2015 Filipino historical biopic film na Heneral
Luna

Buod ng Heneral Luna

Sa Pilipinas, ang kolonyal na paghahari ng Espanya ay nagwakas noong 1898. Ang


mga Pilipino ay nagtatalo sa kanilang mga sarili habang ang mga Amerikano ay
naghahanda sa pagsasanib ng kanilang pinakabagong kolonya, na hindi nakakalimutan
kung ano ang magiging kahulugan ng Treaty of Paris para sa kanilang bansa.

Ang ilustrados na sina Buencamino at Pedro ay nagmungkahi ng isang alyansa sa mga


Amerikano bilang protektorat nito sa isang pulong ng gabinete tungkol sa presensya ng
mga Amerikano sa Pilipinas noong Disyembre 1898. Ito ay nagpagalit kay Heneral
Antonio Luna at José Alejandrino, na gustong ipagpatuloy ang rebolusyon para sa
kalayaan.

Hinihiling ni Luna na aprubahan ng Gabinete ang isang preventative attack upang


maagaw ang kontrol sa Intramuros sa lalong madaling panahon. Ipinaalam sa gabinete
ni Punong Ministro Apolinario Mabini ang nalalapit na pagdating ng 7,000 pang
pwersang Amerikano upang wakasan ang anumang mga insureksyon.

Ang mga heneral ay may makabayang pagnanais na kumilos kaagad. Samantala,


pinananatili ng Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo ang pakikipag-usap sa
mga Amerikano tungkol sa kalakalan at kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapadala
kay Buencamino at Paterno upang makipagpulong sa kanila at pagtitiyak sa kanyang
gabinete na susuportahan nila ang kanilang mga pagsisikap na palayain ang kanilang
sarili mula sa pamumuno ng mga Espanyol. Upang ibigay ang kontrol sa Intramuros sa
huli, binalak ng mga Espanyol at Amerikano ang Labanan sa Maynila noong Agosto 13.

Si Luna ay naglunsad ng isang mahirap na labanan laban sa mga Amerikano, nang


humiling si Luna ng mga reinforcement mula sa batalyon ng Kawit sa panahon ng
labanan, si Kapitan Pedro Janolino, ang kumander, ay tumanggi dahil hindi nagbigay ng
utos si Aguinaldo. Sinampal siya ni Luna at binasa ang kanyang kilalang-kilalang
"Unang Artikulo," na nagpapahayag na ang sinumang hindi sumunod sa kanya ay agad
na papatayin.

Muling pinagtibay nina Buencamino at Paterno ang kanilang planong protektorat sa


gitna ng panibagong tunggalian, na humahantong kay Luna na ikulong sila bilang mga
taksil sa konstitusyon. Samantala, sinasabotahe ni Heneral Tomás Mascardo, na hindi
sumasang-ayon sa utos ni Luna sa paraang katulad ni Janolino, ang kanyang
kampanya.

Ang mga Amerikano ay patuloy na sumusulong habang ang ibang mga Pilipinong
heneral tulad ni Gregorio del Pilar ay nagretiro sa hilaga, bago ang dalawang heneral ay
nakatakdang magkita sa Pampanga. Alam na malaya na sina Buencamino at Paterno,
hiniling ni Luna ang kanyang pagbibitiw. Bilang tugon, ipinagkaloob ni Aguinaldo ang
kanyang pagnanais na magtayo ng hilagang himpilan.

Ipinatawag ng Pangulo si Luna sa kanyang opisina sa Cabanatuan. Sa kabila ng mga


alalahanin ng pulisya, binisita ni Luna sina Román at Rusca. Dumating siya upang
makitang wala na si Aguinaldo at si Buencamino ang nag-iisang miyembro ng gabinete
na nasa pwesto pa rin. Pagkatapos, habang tinatakbuhan ni Luna si Janolino at ang
kanyang mga sundalo, napatay si Luna. Habang sumusuko ang isang sugatang Rusca,
napatay din si Román habang sinusubukang tulungan ang kanyang kapitan.
Bonifacio: Ang Unang Pangulo
Manunulat: Enzo Williams
Taon pinalabas: December 25, 2014

Tauhan: Andres Bonfiacio(Robin Padilla) ay isang Pilipinong makabayan at


rebolusyonaryo. Dr. Jose Rizal (Jericho Rosales) ay isang Pilipinong bayani at isa sa
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Gregoria de Jesus (Vina Morales) Siya ay kabiyak ng dibdib
(asawa) ng supremo ng katipunan na si Andres Bonifacio. Siya ay kilala sa bansag na
“Ina ng Katipunan” , “Ina ng Himagsikan” at Lakambini ng Katipunan.

Ang pelikulang ‘Bonifacio: Unang Pangulo ay isang obrang pinalabas noong


2014 sa panulat nila Enzo Williams at Carlo Obispo. At sa sariling direksyon ni Enzo
Williams. Ito ay nakabatay sa tunay na buhay ng isa sa magigiting na bayani na
namuno sa panahon ng mga Kastila, si Andres Bonifacio. Sa kasalukuyan, si Andres ay
tinaguriang ‘Ama ng Himagsikang Pilipino’. Siyang tunay nga naman, dahil mababakas
ang kadakilaan at katapangang kaniyang naipamalas sa mga panahong yaon.

Nagsimula ang pelikula sa itinuturing na apoy na nagpaliyab sa rebolusyong


Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol, ang pagpaparusa sa tatlong paring sina
Padre Burgos, Padre Zamora at Padre Gomez na mas kilala natin sa tawag na
‘Gomburza’. Matatandaang sila ay pinaratangang nag-rebelde sa Kastila kung kaya’t
sila ay dinakip at di nagtagal ay ginarrote noong 1872. Ang batang isa sa mga naka-
saksi ay si Andres Bonifacio. Mula noon, nabuksan na ang isip ng binata sa mga maling
gawain ng Kastila. Itinatag nila ang La Liga Filipina na naglayong paalabin ang
damdamin ng mga Pilipino laban sa mga Kastila na siyang sumakop sa bansang
Pilipinas nang mahigit kumulang tatlong daang taon. Dito, nabuo ang pagka-kaibigan ni
Doktor Jose Rizal na ginampanan ni Jerico Rosales at si Andres na siyang binigyang
buhay naman ni Robin Padilla. Bagama’t magkaiba sila ng paraan sa pagpapahayag ng
himagsik, hinangaan pa rin ni Andres si Jose Rizal. Ngunit, may nagkanulo sa kanila
kung kaya’t nabuhag ang kilusan, nadakip si Jose Rizal at namayaning muli ang takot
sa puso ng mga Pilipino. Matapos nito, saka niya itinatag ang Katipunan. Nakilala niya
rin si Gregoria de Jesus na ginampanan ni Vina Morales na siyang kaniyang naging
may bahay at nakasama niya kahit sa huling araw ng paglilitis sa kanya at sa
pagkamatay niya sa Cavite.

Maituturing ang Bonifacio:Unang Pangulo na isa sa pinaka-malaking pelikula na


tumalakay sa kasaysayan at buhay ni Andres. Mula sa pam-produksiyong disenyo
hanggang sa mga kuha at anggulo ng kamera na nagpakita ng talagang hitsura noong
unang panahon. Maging sa editing, mga tunog at sa kabuuang dating ay lubos na
pinahandaan ito. Hindi rin matatawaran ang galing ng mga aktor na gumanap. Sapat
lamang ang mga emosyon na pinakita ng bawat gumanap. Sayang lamang sapagkat
may ibang mga elemento at ilang mga katanungan ang hindi nasagot. Nakakalungkot
ding sabihin na tila walang bagong sinabi ang pelikula sa pagka-bayani ni Andres sa
halip, dati ng ipinakita ito ng mga naunang palabas patungkol sa mga bayani. Maganda
rin ang pagdagdag ng mga kabataan sa kasalukuyan upang i-kwento ang kasaysayan
ng nasabing bayani. Sa kabuuan, isang maganda at puno ng pagpapahalagang moral
ang Bonifacio:Unang Pangulo. Kailangan lamang ng gabay ng mga nakakatanda kung
mga kabataan ang manood nito.

Buod: Magsisimula ang pelikula sa pagpapakitang nasasaksihan ng batang


Andres Bonifacio ang paggarote kina Padre Gomez, Burgos at Zamora (Gomburza) na
pinaparatangang nagrerebelde sa mga Kastila. Matapos nito’y makikitang itinatatag ang
grupong La Liga Filipina na naglalayong pag-alabin ang damdamin ng mga Pilipino
laban sa pang-aapi ng mga Kastila na siyang sumakop sa Pilipinas sa loob ng 300 taon.
Dito magiging kaibigan ni Bonifacio si Dr. Jose Rizal na magsasabi sa kanya kung ano
ang nararapat at naaayong gawin ng mga Pilipino upang makamit ang minimithing
kalayaan. May magkakanulo sa La Liga Filipinaat ito ay mabubuwag; makukulong si Dr.
Jose Rizal at mahahatulan ng kamatayan. Matapos nito’y itatatag ni Bonifacio ang
Katipunan at magisisimula ang armadong pakikipaglaban sa mga Kastila. Susundan ng
pelikula ang buhay ni Bonifacio mula 1892 kung saan niya makikilala ang pangalawa
niyang asawang si Gregoria de Jesus hanggang sa kanyang mga huling araw ng
paglilitis at kamatayan sa Cavite.

Aishite Imasu o Mahal Kita

Ang Aishite Imasu o Mahal Kita 1941 na dinirektahan ni Joel C. Lamangan ay


isang pelikula na nagpapakita ng pagmamahalan, pakikipaglaban, drama, at digmaan,
kung saan ang tagpuan ay sa panahon ng pananakop ng mga hapon sa Pilipinas. Ang
kabuuan ng kwento ay isang pagbabalik ng isang matandang babae sa kanyang mga
alaala; tungkol sa kanyang buhay, sa buhay ng kanyang mga kaibigan, at kung bakit
sila itatanghal na mga bayani. Sa pamagat pa lamang na Aishite Imasu na ang ibig
sabihin ay “Mahal kita” sa wika ng mga hapon, ay binibigyan ideya na ang mga
manunuod na ang kwento ay magkakaroon ng koneksyon sa mga hapon o sa
Japanese Culture at Japanese Occupation. Sa paraan ng pananalita ng mga karakter,
ay mahahalata agad ng mga manunuod na sa nakakaunang panahon pa ginanap ang
kwento. Pansin ito sa lalim ng mga salita at pati na rin sa mga uri ng salita na
ginagamit. Maraming mga pahayag sa pelikula na nagbigay-diin sa mga mahahalagang
isyu at paksa na maiuugnay pa rin sa mga isyu at paksa sa kasalukuyan, ngunit ang
pinaka tumatak sa akin ay ang tanong ni Maura kay Ignacio na, “Naiintindihan ko ang
mga ipinaglalaban nila. Ikaw ba, Inya, naniniwala ka sa mga pinaggagagawa mo?”
Napakasimple ng pagpapahayag ngunit napakabigat ng ibig sabihin. Sa simula ng
pelikula, si Ignacio ay nakikipaglaban sa sarili niyang paraan sa mga hapon, ngunit ang
kanyang kadahilanan ay hindi ang para sa kabutihan ng mga Pilipino, kundi para sa
kanyang pagmamahal kay Edilberto. Mula pa lamang sa panahon noon, at hanggang
ngayon, lalo na pagdating sa isyu ng politika, ay hindi talaga maiwasang mahati ang
bayan. At para sa akin, mahalaga na itanong ito sa aking sarili at sa iba pang
mamamayan, “Naniniwala ka ba sa mga ipinaglalaban mo?” Naniniwala ka ba na tama
and iyong mga kadahilanan? Ito ay dahil minsan, nadadala lamang tayo sa mga
panandaliang emosyon, sa paghihikayat ng ibang tao, at madalas ay sa kung ano
lamang ang nauuso. Isa pang pahayag na para sa akin ay may makapangyarihang
mensahe ay ang eksena kung saan inaakusahan ni Tonio si Maura bilang isang traydor
sa kanyang sariling bayan, at ang tanging sinabi lang sa kanya ni Maura ay
“kasaysayan na ang manghuhusga sa akin.” Likas sating mga Pilipino na husgahan ang
mga pangalan sa kasaysayan bilang mabubuti at masasama lamang. Laging itim o puti.
Pero ang katotohanan ay sa bawat kwento, lahat ng mga bayani ay may sarisariling
pagkakamali, at lahat ng “masasama” ay may sari-sarili ring ipinaglalaban. Kapansin
pansin din ang mga mahahalagang tradisyon o paniniwala na nakapaloob sa dula, na
nakatulong sa pagpapakilala sa mga manunuod ng panahon na ikinagaganapan ng
kwento. Isa na rito ang pagbibigay-diin sa mga gender roles kung saan si Inya ay
inaasahan ng mga nakapaligid sa kanya na maging magaling sa pananahi kahit na mas
nais pa niyang magtrabaho na lamang sa bukid, at ang pagpuri nila kay Ignacio na
magaling na mananahi, at sinasabihang “parang pang-babae ang kamay.”
Ipinapahiwatig lamang ng eksenang ito na sa panahon nila ay ang pananahi ay para sa
kababaihan at ang pagbubukid ay para sa mga kalalakihan. Isa pang ipinapakita na
tradisyon sa Aishite Imasu 1941 ay ang pagsasagawa ng mga pista kung saan ang mga
tao ay nagsusuot ng magagandang damit, at nagsasayawan sa tugtog ng mga
instrumentong pang-Pilipino. Isa pa sa nakapukaw ng aking atensyon ay ang
pagpapakilala sa kapanahunan ng Hapon ang kababaihan at kabaklaan. Ang
pagpapakilala sa mga kababaihan ay ang tipikal na depenisyon ng babae noong
panahon na iyon: malambot ang puso at dapat laging maganda at mapayapa. Isang
halimbawa na dito ang eksena kung saan ipinapakita si Inya na nais sumama sa
pakikipaglaban ni Edilberto ngunit tinanggihan siya agad nito at sinabing mas
makakatulong si Inya kung siya ay nanatili na lamang sa bahay. Sa aking napanuod,
nagkaroon ako ng nais na magtanong sa director at manunulat ng pelikula. Kung ako ay
bibigyan ng pagkakataon, sila’y tatanungin ko ng ano ang isinisimbolo ng lalaki sa
bayan na tila wala sa sarili? Sa isang pelikula hindi lamang ang mga direktang
pangyayari o pahayag binibigyang pansin kundi pati na rin ang mga kahulugan na
maaring isinisimbolo nito. Isa pa ay nais ko din silang tanungin kung bakit binigyan ng
background story ang kapitan ng mga hapon na si Ichiru? Dahil mahalaga na
maintindihan ng mga manunuod na hindi lamang mga intensyon o ang ipinaglalaban ng
tao ang bumubuo sa kanila, kundi pati na rin ang kanilang mga aksyon at paraan ng
pagsasagawa ng paniniwala. Ang eksena na para sa akin ay may mahalaga at
makapangyarihan na mensahe ay matatagpuan sa padulo na ng pelikula. Kung saan
namatay na si Ichiru at pinaghahanap na ng mga hapon si Ignacio. Nang tawagin si
Ignacio ay lumabas siya ng bahay na walang magarang kasuotan, palamuti, o kolorete.
Kahit na siya ay takot at ayaw sa pakikibaglaban, lumabas siya ng handa at matapang.
Hindi niya ipangkabili ang mga Pilipino at si Inya, kahit na siya ay sinaktan at
pinahirapan. Binigyang-diin nito na si Ignacio ay hindi taksil o traydor sa kanyang bayan
at sa kanyang mga minamahal, siya lamang ay nakipaglaban sa paraang kanyang
nalalaman at pinapaniwalaan. At ang eksena naman na pinaka tumatak sa aking ay
makikita mula pa sa simula ng pelikula. Ito ay ang eksena kung saan ay si Inya at si
Ignacio ay nakaharap sa salamin at sinabihan ni Inya si Ignacio ng “mas maganda ka
pa rin sa akin,” ng nakangiti at tunay. Kung iisipin ay napakasimple ng eksenang ito, at
malayo sa bigat ng iba’t ibang kaganapan sa kahabaan ng pelikula, ngunit para sa akin,
ito ang pinaka nagpakita ng pagkakaibigan, pagtanggap, at pagmamahal. Pagmamahal
na hindi desperado at buhat ng takot sa mga masasamang kaganapan, kundi
pagmamahal na kahit simple at maliit lamang, ay totoo. Naniniwala ako na ang
pagmamahal at pag-ibig, gaano man ito kaliit o kasimple para sa ibang tao, ay
makapangyarihan.
Felix Manalo

DIRECTOR: Joel Lamangan


LEAD CAST: Dennis Trillo, Bela Padilla
STORY and SCREENPLAY: Bienvenido Santiago
MUSICAL DIRECTOR: Von de Guzman
CINEMATOGRAPHER: Rody Lacap
FILM EDITOR: John Wong
GENRE: Biography DISTRIBUTOR: Viva Films (2015)
PRODUCERS: Vincent del Rosario, Veronique del Rosario Corpus
PRODUCTION COMPANY: Viva Films
LOCATION: Philippines
LANGUAGE: Tagalog, English
RUNNING TIME: 2 hrs. 55 mins.
Technical assessment: 2.5
Moral assessment: 2.5
MTRCB rating: GP
CINEMA rating: V14

Magbubukas ang pelikula sa araw ng kapanganakan ni Felix Manalo, Mayo 10,


1886, sa isang pamilyang saradong Katoliko. Ipapakita nito ang mga mahahalagang
yugto sa buhay ni “Peles” (Dennis Trillo) mula sa pagkabata hanggang sa pagtatatag ng
Iglesia ni Kristo at kanyang kamatayan noong 1963, at magwawakas ito sa paghirang
sa kanyang anak na si Erano bilang bagong pinuno ng itinatag niyang simbahan.
May balitang ang Felix Manalo ay kalahati lamang sa haba ng orihinal na pelikula
—anim na oras. Marahil ay ninais ng mga producers ng pelikula na itampok nito ang
talambuhay ni Manalo at ipapanood sa mga kasapi ng Iglesia sa kanyang kabuuan,
ngunit iniklian ito para sa publiko pagka’t ang karaniwang “moviegoer” ay walang
tiyagang upuan ang mga pelikulang hahaba pa ng dalawang oras. Dito nagmumula
ang mga kakulangan ng pelikula.
Tiyak na “nosebleed” ang editor sa pagbubuo ng Felix Manalo. Ang resulta? “Major
surgery”, ika nga. Kung ang Felix Manalo ay isang tao, inoperahan ito: iniklian ang
bituka, tinapyasan ang baga, binawasan ang utak, tinaniman ng “pacemaker”, at
inalisan ng apdo. Bagama’t natuhog nito ang mga makahulugang bahagi ng kanyang
buhay, hindi nito sinisid ang lalim ng pagkatao ni Manalo; sa halip, naging isang
paglalahad ito ng simbahang INK, kung paano ito umusbong, naitatag, lumago, at
lumalago. Kung gayon, maaaring hindi ito tangkilikin ng mga manonood na gustong
maaliw sa sinehan; kung ikaw nga’y nagbabayad para malibang, bakit panonoorin mo
pa ang Felix Manalo? Kung siryoso ka naman at gusto mong higit pang alamin ang
tungkol sa INK, may Google naman para sa higit na malayang pananaliksik.
Hindi kataka-takang naging 150-milyong piso ang budget ng Felix Manalo: bukod
sa maraming tanyag ng artista at 7,000 ekstrang ginamit dito, kitang-kita na
pinaggugulan din ng salapi at panahon ang kanyang production sets, costumes, atbp.,
kaya lamang, halatang bago ang mga ito—mukhang hindi pa natitirahan ang mga
bahay kubo, wala pang libag ang mga kawayang bakod, kasasabit pa lamang ng mga
kurtina, malutong pa ang uniporme ng mga sundalo, etsetera, etsetera, etsetera. Hindi
maitatanggi na ang “nagdala” ng talambuhay na ito ay si Trillo, na marubdob na
ginampanan ang papel ng yumaong Manalo, katulad ng kapani-paniwala niyang
pagganap bilang isang bakla sa teleseryeng “My Husband’s Lover”.
Sa mabilisan at nakakalitong paglukso ng kuwento sa pagitan ng mga eksena sa
buhay ni Manalo, maraming bagay sa kanyang pagkatao at sa mga pangyayari ang
napawalang halaga. Kapalit nito ay ang mga detalyadong tagpong nagpapakita ng
pagrerehistro ng INK, ang pagtanggap ng gobyerno rito bilang isang lehitimong
relihiyon, ang pagpapakita ng mga napakaraming retrato ng kanilang mga sambahan at
kasapi mula noon hanggang ngayon pati na sa ibang bansa. Ipinagtataka tuloy ng
karaniwang manonood: “Ano bang talaga ang pakay ng pelikula—ipakilala si Manalo o
ang kanyang iglesya?” Tila nanunudyo naman ang pagkakataon nang ilabas ang
“pakita” o trailer ng Felix Manalo habang umaalingasaw pa ang krisis ng INK gawa ng
pagkakatiwalag sa iglesya ng mismong ina at kapatid ng ikatlong pinuno nito, si
Eduardo Manalo—isang pangyayaring nag-iwan ng lamat sa mata ng madla na dating
nag-akalang matibay ang pagkakaisa ng INK. Ang iskandalong ito ang naging sanhi ng
protesta ng libo-libong kasapi ng INK laban kay Justice Secretary Leila de Lima sa
EDSA, na ikinayamot naman ng mga motoristang naipit nang ilang araw sa trapik na
idinulot nito. Hindi masisisi ang mga manonood kung pagtatakhan nila ang “timing” ng
Felix Manalo. Ngunit ano man ang inyong isipin, hindi “naghahanap ng away” ang Felix
Manalo. Iniwasan nitong lumabas na nanghahamon sa ibang relihiyon habang
isinasalarawan nito ang paghahanap sa katotohanan ng isang disenteng taong ang
palayaw ay “Peles”.
Ano ang aral na maiuuwi ng mga manonood ng Felix Manalo? Hind saklaw ng
CINEMA ang sumangayon o sumalungat sa turo ng anumang relihiyong itinatampok sa
anumang pelikula, ngunit bilang pangkalahatang aral, mawiwika ng CINEMA na kung
sa paghahanap ninyo ng katotohanan ay nanaisin ninyong pag-aralan ang turo at Banal
na Kasulatan ng isang relihiyon, huwag ninyo itong gawing mag-isa at makontento sa
sarili ninyong pang-unawa. Ang nagmamahal sa katotohanan ay hindi nag-aatubiling
magpakumbaba at humingi ng liwanag mula sa tamang authority, sa mga bihasa na
kinikilalang may kaalaman, kapangyarihan, karanasan, karapatan, at tungkuling
magpaliwanag nito.

Maraming beses ko nang nabasa ang life story nang Ka Felix. And this is another good
moment for me. Ang mapanuod ang storya ng buhay ng ‘Sugo ng Diyos sa mga
Huling Araw’. Lumaki ako sa loob nang Iglesia Ni Cristo. At mula pagkabata, kilala ko
na sa pangalan, sa mukha, sa pagkatao ang Ka Felix pero hindi ang buong storya nang
kanyang buhay. Bagamat nakakapagbasa na ako ng tungkol sa kanya, iba pa rin ang
mapanuod ang kanyang kwento sa sinehan. At ang mga aral na kaniyang itinataguyod,
wala akong makita na mali alinman sa mga ito. Kaya matatag ang aking
pananampalataya na tama lamang na ang lahat ng mga tao ay umanib sa loob ng
Iglesia Ni Cristo para sa ikaliligtas.
Napakasarap sa pakiramdam na makita ang kanyang pagsisikap, pagsusuri at
pagmamahal sa Ama. Napakagaan sa pakiramdam ang makita ang bunga nang
kanyang mga pagsusumikap. Na mula sa kanyang pagsusuri, naipagpatuloy ang Iglesia
Ni Cristo na si Cristo ang nagtatag at naiparating sa ating panahon. Nakakaakit ang
mga Gawain na pinasimulan ni Ka Felix, kaya nga ganun na lamang din ang pagnanais
naming mga kaanib na mag-anyaya at mag-akay nang mga tao na makikinig sa mga
doktrina na aming itinataguyod para sa kapakanan na ngating kaluluwa.

Ang “Felix Manalo” ay isang pamamaraan muli nang Ama para makilala at matanyag
ang Iglesia Ni Cristo, ang bayan nang Diyos. Dahil sa pelikulang ito, muling naipakilala
ang INC sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo. Dito makikita at mauunawaan
nang mga tao ang buong kwento kung panong ginabayan nang Dioys ang sugo para
maiparating sa sanlibutan ang katotohan. Nawa maging daan pa ang pelikulang ito para
maantig ang puso ng ating mga kapwa na magsuri sa mga aral na itinataguyod ng INC,
nang sa gayon maging kabahagi din sila sa pag-asang kaligtasan ng bayan nang Diyos.
Binabati ko po ang lahat nang mga kapatid na nakipagkaisa sa lahat ng gawain na
inilunsad para sa ikatatagumpay ng pelikulang ito. At muli po inaanyayahan po namin
ang mga kababaayan nating panuorin ang pelikula para po makapagsimula silang
magsuri ng mga salita ng ating Diyos. #FelixManaloNowShowing

You might also like