You are on page 1of 6

Ian James F.

Maninang BTVTE 1F_CTEC25 11/15/2022

SINESOS: GAWAIN PARA SA PINANOOD NA PELIKULA

B. Four Sisters in a Wedding


Para sa pagsusuri ng pelikula, sagutin ang mga sumusunod na tanong, 2 talata (5-
7 pangungusap):

1. Batay sa katangian ng pelikula na tinalakay, ibigay ang 3 katangian ng pelikula


na inyong pinanood at patunayan kung bakit taglay nito ang nasabig mga
katangian. (2 talata bawat katangian)

Ang isang katangian ng pelikulang aking napanood ay audio visual. Ang


audio visual ay taglay ng pelikulang aking napanood dahil ginamitan ito ng mga
gumagalaw na larawan kasabay ng angkop na tunog para rito. Hindi natin
matatawag na may audio visual ang isang pelikula kung ito ay walang tunog at
wala tayong nakikitang imahe.

Ito ay taglay ng pelikulang napanood dahil nakikita natin na gumagalaw ang


mga karakter o ang mga artista. Ang tunog naman na ginamit sa pelikula ay
angkop din sa bawat salita, kilos, o ekspresyon ng mga karakter sa pelikulang
napanood.

Ang isa pang katangian na taglay ng pelikulang pinanood ay ang may tiyak
na haba. Mapapatunayan ito dahil ang pelikula ay higit na dalawang oras ang
haba na sapat na para maipakita o maisabuhay ang isinulat ng author nito. Sapat
na rin ang haba ng pelikula upang maipakita ang iba’t-ibang kalagayan o dinanas
ng mga karakter sa pelikula.

Karagdagan pa, ang pelikula ay masasabi natin na may tiyak na haba dahil
maraming detalye ang nakapaloob dito. Simula noong bata pa sila at hanggang
lumaki ay naka detalye sa pelikula kaya tiyak lamang at tama lamang ang haba ng
pelikulang pinanood.

Ang panghuling katangian ay ang maraming kasangkot sa pagbuo nito.


Makikita natin na marami ang kasangkot sa pagbauo ng pelikula dahil maraming
ipinakitang karakter ang pelikulang pinanood at sa pagbuo ng isang pelikula
marami talaga ang mga kasangkot dito hindi lang sa mga artista gayon din ang
director at ang mga taga kuha ng bidyo. Kasangkot din ang writer dahil siya ang
nagsulat ng istoryang iyon at ang iba pa nilang kasama hanggang sa mga taga pag-
ayos ng gamit na gagamitin sa pelikula.

Dito natin mapapatunayan na ang pelikula ay nabubuo sa pamamagitan ng


maraming tao. Ang pelikula ay hindi mabubuo nang walang tulong ng ibang tao
dahil kailangan ng mga katulong upang makabuo ng isang pelikula.

2. Anong genre naman na masasabi mong nabibilang ang napanood na pelikula?


Ipaliwanag.

Ang genre na masasabi kong nabibilang ang pinanood na pelikula ay


pakikipagsapalaran, romansa, komedya, at drama. Nasabi kong ang genre ng
pelikula ay pakikipagsapalaran ay dahil ang mga karakter ay may kaniya-kaniyang
kinakaharap na problema sa kanilang buhay. Romansa naman ang isa pang genre
dahil ang pelikula ay may halong pag-iibigan na kahit komplikado ito pa rin ay
matatawag natin na romansa na ipinakita ng mga karakter sa pelikula.

Nasabi ko naman na ang pelikulang pinanood ay mayroon ding komedya


dahil ang pelikula ay halong katatawanan dahil ang iilan sa artista na gumanap
dito ay komedyante at makikita naman natin sa pelikula na nakakatawa ito nang
bahagya dahil sa mga iilang eksena. Ang panghuling genre na taglay ng pelikulang
pinanood ay drama, ito ay makikita natin sa pelikula dahil maraming iyakan at
sumbatan ang naganap sa mga eksena sa pelikula lalo na roon sa huling parte ng
pelikula na kung saan naglabasan ng hinanakit ang pamilya Salazar.

3. Ano ang emosyong dapat na mangibabaw batay sa genre ng pelikula na


pinanood? Patunayan.

Ang emosyon na dapat mangibabaw batay sa genre ng pelikula na


pinanood ay may halong saya at lungkot. Ito ay mararamdaman natin dahil ito ang
genre ng pelikula at naihatid ng mga artista ang kanilang mga ginanapan ayon sa
kanilang karakterisasyon. Napapatunayan din ito dahil ito rin ang aking
naramdaman habang pinapanood ang pelikula. Sa unang parte ng pelikula ay
medyo masaya pa ang atmospera dahil ito ay may halo pang komedya. Sa gitnang
parte ng pelikula ay makadarama tayo ng lungkot dahil nag aaway-away ang
magkakapatid at sa dulo ng pelikula ay magkahalong saya at lungkot dahil sa halo-
halong nangyayare sa kanilang buhay dahil sa pagkakabati ng magkakapatid at sa
pagkamatay ng isang karakter.

4. Ibigay ang tatlong kaisipang umiral sa pelikula. Ipaliwanag ang bawat isa. (2
talata bawat kaisipan)

Ang isang kaisipang umiral sa pelikulang pinanood ay ang hindi lahat ng


bagay ay nabibili o nakukuha gamit ang pera. Ito ay umiral sa pelikula noong
ang pamilya ng gustong pakasalan ng bunsong anak ng pamilyang Salazar ay
ipinipilit ang damit at ang tema ng kasal para sa kanilang anak na babae at pinag
iinsulto ang pamilyang Salazar. Mas lalo natin itong nakita noong ang anak na si
Boobie ay nagsumikap para masustentuhan ang pangangailangan ng kaniyang
mga kapatid. Halos napabayaan na niya ang sarili dahil nakaramdam siya ng
kalungkutan at hindi nabili ng pera ang presensya ng kaniyang pamilya.

Tunay na ang pelikula ay pinakita ang ganitong kaisipan base sa mga eksena
sa pinanood na pelikula. Naipabatid sa atin ng pelikula na maraming bagay ang
hindi kayang bilhin ng pera.

Ang pangalawang umiral na kaisipan sa pelikula ay ang kailangan natin


isaalang-alang nararamdaman ng iba. Nakita natin sa pelikula na kailangan din
nating maging sensitibo sa nararamdaman ng iba dahil hindi natin alam kung
anong pinagdadanan ng pamilya natin. Bagama’t pamilya natin sila may mga
bagay pa rin na hindi nila nasasabi sa atin dulot ng pagkahiya o natatakot sabihin
ito dahil baka hindi bigyang pansin.

Ang kaisipang ito ay makikita sa mga eksena sa pelikula lalo na doon sa


naglabasan na sila ng kanilang mga sama ng loob sa isa’t-isa. Sa mga eksenang ito,
makikita natin na hindi nila inisip ang sitwasyon ng bawat isa sa kanila at pinairal
ang pagiging makasarili.

Ang pangatlong kaisipan na umiral sa pelikula ay ang tao dapat marunong


pagpapakumbaba. Ang pagpapakumbaba ay makikita natin sa pelikula, ito ay
nasa gitna na ngpelikula na kung saan inaako ng magkakapatid ang kanilang
nagawang maling desisyon. Isa rin ang pagpapakumbaba sa mabisang gawin
kapag tayo ay nagkamali o kahit ibang tao ang may kasalanan ay kailangan pa rin
natin itong ipairal. Ang dahilan kung bakit natin ipakita ang pagpapakumbaba ay
ito ang nagbibigay daan upang magkasundo ang dalawang magkaibang opinyon.

Ang pagpapakita ng kapakumbabaan ay nagdulot sa magkakapatid na


magkaayos at mamuhay ulit katulad ng dati nilang ginagawa noong mga bata pa
sila.

5. Ang pamagat ba ay naaayon sa nilalaman ng istorya?IPaliwanag.

Ang pamagat ay nakaayon sa istorya dahil ang istorya ay tungkol sa apat na


magkakapatid na babae na gustong protektahan ang kanilang bunsong kapatid na
lalake dahil ayaw nila siyang ikasal sa babaeng hindi nila gusto. Ito ay nakaayon sa
nilalaman ng istorya dahil apat silang babaeng magkakapatid at ang istorya ay
umikot sa kanilang bunsong kapatid na ikakasal sa babaeng nakilala sa barko.
Nakita naman natin sa pelikula na ang pamagat ay bagay kung saan umikot ang
istorya.

Ang pelikula ay patungkol sa kasal na ayaw matuloy ng magkakapatid na


babae para sa kanilang bunsong kapatid na lalake. Kaya ito ay pinamagatang
“Four Sisters and a Wedding”.

6. Ibigay ang 3 Panunuring Pampanitikan na masasabi mong maaaring


nakapaloob ang kuwento. (2 talata bawat panunuri)

Ang masasabi kong nakapaloob na panunuring pampanitikan sa kuwento ay


ang Feminismo. Makikita natin ito dahil ang mga pangunahing tauhan ay halos
babae na nagpapakita at nagpapahatid na kayang mabuhay ng mga babae nang
walang tulong mula sa isang babae. Ipinapakita sa kuwento na pantay ang tingin
sa mga kababaihan at kaya nilang gawin ang mga gawain ng isang lalake.

Ipinapakita rin sa kuwento na ang opinyon ng isang babae ay mahalaga at


iginagalang. Nakita natin sa kuwento na ang mga babae ay dapat iginagalang
katulad ng paggalang sa kalalakihan.
Ang pangalawang panunuring pampanitikan naman ay ang Realismo. Ang
kuwento ay nagpakita ng makatotohanang nangyayare sa buhay ng isang tao. Sa
pelikula makikita natin ang pagtanggi ng pamilya ng lalake sa pamilya ng babe at
ito ay nangyayare sa tunay buhay dahil ito ay nasaksihan ko rin sa isa kong pinsan.
Ang kuwento ay puwedeng ihango sa tunay na buhay dahil ang isa pang nasa
pelikula ay kung paano minaliit ng pamilya ng babae ang pamilya ng lalake at kahit
ang lalake ay minaliit sa pamamagitan ng pagsasabi na ayaw nilang malamangan.

Ang mga ganitong pangyayare sa kuwento ay nagpapakita ng Realismo. Sa


ganitong paraan masasabi natin na ang kuwneto ay nagtataglay ng ganitong uri ng
panunuring pampanitikan.

Ang pangatlong kaisipan ay ang Klasismo. Ang kuwento ay nagpakita nito o


taglay ito dahil ang lalake at ang babaeng nagmamahalan ay magkaiba ang antas
at katayuan sa buhay. Dahil sa ganitong pangyayari nagkakaroon ng pangmamaliit
sa kakayahan ng isang tao na panindigan ang pananagutan na gusto niyang akuin.

Ang kuwento rin ay naipabatid ito noong minaliit ng pamilya ng babae ang
lalake at ang panilya nito noong sila ay namanhikan. Dito natin makikita na
nagkakaroon ng Klasismo o hindi pantay na estado sa buhay ang dalawang
gustong magpakasal at nagiibigan.

7. Ibigay ang 3 detalyeng hindi napagtuonan ng pansin sa pelikula. Isa-isahin at


ipaliwanag.

Ang unang detalyeng hindi napagtuonan ng pansin sa pelikula ay ang


dinanas ng kapatid nilang babae na si Bobbie dahil hindi ipinakita kung anong
dinanas niya sa ibang bansa. Ang pangalawang hindi napagtuonan ng pansin sa
pelikula ay ang nakaraan ni Bobbie at Chad dahil ipinakita nalang sa pelikula na
ang magkarelasyon na ay si Alex at Chad. Kahit na may ibinagay silang kaunting
detalye ay hindi pa rin nila ito napagtuonan ng pansin. Ang pangatlong detalye na
hindi napagtuonan ng pansin ng pelikula ay kung paano nagkakakilala si Bobbie at
Tristan at kung anong pangalan ng nanay ni Trixie dahil ang umpisang eksena
tungkol sa relayson nila ay galing sa ibang lugar si Tristan at umuwi sa bahay ni
Bobbie.
8. Naka-relate ka ba sa istorya? Ipaliwanag.

Hindi ako nakarelate sa istorya dahil wala akong panganay na kapatid na


babae dahil ako ang panganay at hindi ko rin gustong magpakasal sa taong
kakikilala ko pa lamang. Isa pa, hindi ako ganoon mag protekta sa aking kapatid na
halos alisan na siya ng karapatang sumaya at tila ba tinuturing na mali ang
desisyon dahil ito ang bunso. Sa parte naman kung saan sila ay nagaaway-away
magkakapatid dahil sa kanilang mga nakaraan ay hindi rin ako naka relate rito
dahil hindi ko ugaling mangungkat pa ng nakaraan na dapat nang ibaon sa limot.

Karagdagan pa, hindi rin ako nakarelate sa istorya sa parte kung saan
nagkakaroon ng inggit sa isang tao o sa kapatid.

You might also like