You are on page 1of 2

Mapaglaro ang Pag-ibig

Ang pelikulang Ngayon Kaya ay naipalabas sa direksyon ni Prime Cruz at isinulat ni Jenilee
Chuaunsu. Ito ay may temang romantic-comedy at ipinalabas sa ilalim ng production company
na T.Rex Entertainment at WASD Films. Mayroon itong kabuuang 99 minuto na umiikot sa ups
and downs ng dalawang magkaibigan. Ito ay naging mainit sa mata ng madla sapagkat ang
ganitong sitwasyon ay napapanahon. Ang mga pangunahing tauhan ng pelikula ay sina – Paulo
Avelino, na isa rin sa executive producer ng pelikula bilang Harold, at Janine Gutierrez bilang
Amanda “AM”. Kasama sa iba pang cast sina Alwyn Uytingco (bilang Justin), John James Uy
(bilang Jet), Donna Cariaga (bilang Lea), Haley Dizon (bilang Grace), at Rio Locsin (bilang
Espie).

Si Harold ay isang mahiyaing estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nagkakaroon ng


malapit na ugnayan at isang lihim na pagmamahal para sa kanyang kaibigan na si AM, isang
mayamang batang babae sa lungsod na madamdamin sa kanyang mga pangarap. Dahil sa
magkasalungat na personalidad, disillusioned si Harold at idealistic at komplikasyon ang AM sa
personal nilang buhay, hindi nalampasan ng dalawa ang stage na "more than friends but less than
lovers" at sa huli ay naghiwalay sapagkat piniling tumuloy ni Harold papuntang Canada.
Pagtapos ng lahat ng pangyayari, ang isang pagkakataong magkita sa kasal ng isang kaibigan ay
muling nagpasigla sa mga dating damdamin sa pagitan ng dalawang dating magkaibigan. Ang
tanong na “Huli na ba ang lahat?” ay patuloy na naglaro sa isipan ng dalawa.

Ang pagganap ng dalawang artista ay tunay na makatotohanan. Ang natural na damdamin na


naipakita sa kabuuan ng kwento ay talaga namang nakakaengganyo. Nakakamangha rin sapagkat
naihatid nila ang emosyong kinakailangan lalo na’t ang kanilang mga karakter ay hindi
nagpapahayag ng damdamin gamit ang salita. Epektibo nila itong naiparating kung kaya’t ang
tono ng pelikula ay mayroong bigat.

Ang balangkas ng kwento ay hindi rin basta-basta mahuhulaan. Imbes na ipakita ang karaniwang
istorya kung saan nagmahalan ang dalawang taong magkaiba ang status sa buhay ay ipinakita ng
pelikula ang mga problemang makikita sa proseso ng pagmamahalang ito. Dahil dito, naipakita
ang pagkakaiba ng dalawa at kung paano ba talaga nakakaapekto ang kalagayan sa buhay sa
pagmamahalan. Tulad na lamang kung paano nahirapan si Harold at ang kaniyang pamilya sa
patuloy na pagpapatakbo ng kanilang fish pond. Dahil dito, natuloy ang kaniyang pagluwas sa
Canada at tuluyang iniwan si AM sa Pilipinas. Naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan at hindi
na muling nag-usap pa.

Ang balangkas, kasama ang nakakabighaning musika ng background ay nakatulong sa daloy ng


kwento. Dahil ang script ay nakapaloob din sa musika, ang mga kanta ay hindi binigo ang mga
tao. Ang dalawang ordinaryong indibidwal na nagpupumilit na gumawa ng pangalan sa mundo
ng musika ang nagpanatiling sariwa sa pelikula. Ito ay nagdaragdag sa kuwento at higit na
nagpapanatili ng intriga. Ang paggamit ng musika sa proseso ng pagkukuwento ay talaga
namang pumatok sa mga tao.

Sina Benjamin Tolentino (Editor), at Len Calvo (musical score) ay perpektong nabalanse ang
mga piniling teknik sa pag-edit, musika, at ang marikit na disenyo ng produksyon ni Maolen
Fadul na kumumpleto sa Ngayon Kaya bilang isang pelikulang Pilipino na kapana-panabik na
panoorin. Ang paraan ni Prime Cruz sa pagdirek sa pelikula ay kamangha-mangha at kung paano
niya ipinakita ang realidad sa romcom. Kasama ang mahusay na script ni Jen Chuaunsu, ay
naging isang pelikulang nakakalibang panoorin ang Ngayon Kaya.

Ang isa pang aspeto ng pelikula na namumukod-tangi ay ang paggamit nito ng magagandang
lokasyon. Ang mga kalsada, ang bulwagan ng kasal, at ang tanawin mula sa tuktok ng bundok sa
gabi ay tila napakaganda at pinapanatili ang mga manonood na nakadikit sa screen. Ang pag-
istilo ng cast na may mga simpleng kasuotan at makeup, at ang paggamit ng mga instrumentong
pangmusika bilang props ay nagpanatiling totoo sa kuwento.

Sa kabuuan, ang kuwento ng Ngayon Kaya ang nagpaalala sa atin kung bakit “Nasa huli ang
pagsisisi.” Inihatid nito ang mensahe kung gaano kahalagang magpahayag ng damdamin
hangga’t hindi pa huli ang lahat. Sinasabi rito na mas mabuti nang sumubok kaysa maging “what
if” at pagsisihan ito sa huli. Ang pelikulang ito ay nakakaintriga sapagkat ang kanilang relasyon
mula umpisa ay dumaraan sa push-pull cycle. Dahil dito, talagang napukaw ang atensyon ng mga
manonood. Bukod pa rito, ipinakita rin na ayos lang din kung uunahin mo ang iyong sarili at
pangarap kaysa sa pagmamahal na walang kasiguraduhan.

Bibliograpiya:

Gallaga, Wanggo. “‘Ngayon Kaya’ Is a Moody Romance Drama That Dwells in the Feelings and
Revels in the Nostalgia.” ClickTheCity, 23 June 2022.

Jose, Nica. Still Not Over Your Almost Lover? This Is the Next Movie to Stream on Netflix. 17
Nov. 22AD.

“Ngayon Kaya (2022).” IMDb, www.imdb.com/title/tt21100400/fullcredits.

You might also like